Story of Mokong & Mokang PART 8 By: Norbie Borja

Hindi ko alam kung bakit parang kinikilig tong mokong nato, samantalang
nag susulat lang naman siya ng ipapaorder niya.
Mukhang may saltik na ata to! Hay nako JANE wag ka mag papadala sa
lalaking yan. (Sa isip isip ni JANE)
Inabot nya sakin yung papel na sinulatan nya, nakapag tataka parang nahihiya
pa siya iaabot to sakin.
Nung binasa ko na...
"Will you go out with me "
Bigla akong natulala, na tila hindi ko maunawaan yung pakiramdam ko.
JANE: Ano to?. Nasan yung oorderin ko dito? anu ba to Bagong name ng food? ng drinks?
CARL: Eto naman.. anu ba pag kaka basa mu? basahin mo nga
JANE: Will ye ge out with meh? enebe beh, ayy pwee ano ba tong kaartehan ko tss! Napaka mapagbiro mo talaga!
CARL: Ganyan ba tingin mu sakin hindi marunong mag seryoso?
JANE: Ehh diba order yung pina susulat ko? bakit kung ano ano pinag lalalagay mu jan na note! (pa sungit na tanong)
CARL: YES or NO?
JANE: Ano to? unang araw sa trabaho date agad? anu nalang sasabihin ng mama ko nito? ang harot harot ko na imbis na trabaho ang atupagin ko eh makikipag date agad? buti nga hindi ko na pinaalam yung ng yari datttt.
CARL: Anu?
JANE: Wala never mind!
CARL: so is it YES? (kinikilig na tanong) sabay lapit ng mukha nito sa mukha ni JANE.
JANE: Tsee! mokong.
Dinikit ni JANE sa nuo ni CARL yung papel na sinulatan niya.
JANE: Alam ko na order mo! Turkey Ham, Egg White And Fontina Cheese On Whole Wheat Bread and Dark Mocha Frappuccino. THANK YOU Biri much! Oha hanga ka nanaman! tsee!
Sabay dampot ni JANE sa pera na nasa table.
Ano kayang naisipan ng mokong nayun para ayain akong lumabas, baliw ba siya? unang araw ko sa trabaho date agad?
hindi ba pwedeng bukas nalang? ayyy anu ba yern! bakit ko ba naisipan yang bagay na yan! mag focus ka nga JANE sa work! Alalahanin mu kailangan ni Mader Earth ng pang maintenance sa gamot niya! (sa isip isip ni JANE)
Habang papalapit ako sa ELEVATOR...
LOLONG: Mam Ganda sira ang Elevator natin, gamit ka po muna ng hagdan.
JANE: Hala emeyged! manong naman! kita mung naka 5inches high heels ako tapos mag hahagdan ako? jusmiyo nasa 16th Floor tayo tapos yung pupuntahan ko sa Ground Floor pa!.
LOLONG: Eh nasira mam yung ELEVATOR mamaya pa daw dadating yung mag aayos, gusto mu kargahin nalang kita pababa? (sabay ngisi nito)
JANE: Ay hindi manong naalala ko na nahuhubad pala tong sapatos ko. Salamat sa offer, babush.
Kaloka to si Manong mag nininja moves pa sakin, kala nya naman sasakyan ko yung offer niya.
Nakakailang floor palang ako pero hingal na hingal na ko, hindi ko alam kung kakayanin ko pang umabot sa Finish line! Daig ko pa nag Alay lakad nito, kaloka! Anu ba tong pinasok mong trabaho JANE! Ang malas mu ata?! argggg. Hindi bali okey lang yan isipin ko nag papa ABS lang ako. Go lang pakk laban lang!
Habang nag bumababa ng hagdan sumasagi padin sa isip ko yung inaalok ng mokong nayun na DATE, pero bakit ko ba kailangan isipin pa yun? eh halata namang pinag ti tripan niya lang ako. Anyways hindi ko siya papatulan no!
Halos 30minutes ata akong bumababa sa hagdan at finally nakarating dn ako sa STARBOX, inorder ko na yung order pina oorder ng BOSS kong mayabang.
CASHIER: Hi mam, what's your order?.
JANE: Ahhm yung anu nga, teka. nakalimutan ko omeyged!
Ilang minuto ko din inisip yung order ni CARL pero sheet of paper nalimutan ko na! Arggg wala pa naman akong number ng mokong nayun! (sa isip isip ni JANE)
CASHIER: Maam?
JANE: Ahh okey alam ko na..
Buti nalang at pag balik ko naayus na ang Elevator kundi mag wawala na talaga ako pag pinaakyat pa nila ako pataas, Mas mahirap ata umakyat ng hagdan kesa bumaba!
CARL: Whatt the???
JANE: the F?
CARL: Hindi naman to yung order ku eh? (medyo galit)
JANE: Ayy ihhh sorry, nakalimutan ko kasi. Paanu ba naman from 16th, floor binaba ko dahil sira yung elevator!
CARL: and so? kasalanan ko kung sira yung Elevator?
JANE: Kasalanan mo naman talaga, pinasulat ko yung order mu sa papel pero puro kalokohan yung sinulat mo!
CARL: Eh bat hindi mu hinantay na isulat ko ulit yung order ko?
JANE: Aba aba malay ko bang isusulat mo ulit! dami mo kasing alam!
CARL: Hayyss hindi naman ako kumakain at umiinum ng ganito! Gutom na gutom pa naman na ako. (malungkot na daing)
JANE: Bat hindi kakasi nag breakfast sa inyu? Sorry na nga eh nakalimutan ko talaga kasi.
CARL: May magagawa paba ako? o eto ikaw nalang kumain nyan tatawag nalang ako sa STARBOX para deliveran ako ng Order ko.
JANE: Ay grabiiii siya ohh~! Pwede ka naman pala tumawag sa kanila tapos ako pa tong inutusan mu bumaba!.
CARL: Oh eh diba nag tatanong ka kung anung gagawin mu? so i gave you that responsible to buy me a breakfast?
JANE: Ay ewan ko sayo! oo na babayaran ko nalang yan! ako na kakain nyan! pero pwede ba utang muna ? ang mahal pala nyang breakfast mo~! ginto gravity ah? parang isang linggong almusal ko na yan ah?
CARL: Okey okey okey, para makabawi ka sakin. Say YES to my offer? DEAL?
JANE: Ay hala siya! Tama ba naman na gawing reason yun? ikaw ang utak mo din no? yan ka nanaman sa pa DEAL DEAL mo! NO way! (sabay irap)
CARL: Okey pay it now, bayadan mu nalang yung binili mo sakin.
JANE: Grabe ka naman, wala pa nga akong sahod mag kakautang agad ako?!
CARL: Okey say YES.
JANE: ihhhh grrrr mokong ka talaga!!!!
Maaga akong pinauwi ni mokong dahil ayun na nga napilitan akong sumama sa aya niya sa akin. Grabe wala manlang akong palag!
MAMA: Oh Jane ayan na ata yung sundo mu, uii ha hindi mu sinabi sakin na nag kabalikan na ulit kayo. Grabe na miss ko yung BOYFRIEND mu ha! (kinikilig)
JANE: MA! Ano kaba hindi ko Boyfriend yan! BOSS ko yan! may meeting lang daw kaming pupuntahan!.
MAMA: Ayyusss (sabay kurot ng malamya sa tagiliran ni JANE) meeting daw oh? baka dating.
JANE: Gusto mo ma ikaw nalang? ikaw na ikaw na
MAMA: Nako JANE ke gwapo gwapo ng BOSS mu ohh ayan na sya papalapit na.
JANE: Teka teka hindi pa ko nakakapag lipstick!
Dali dali akong bumalik sa kwarto upang mag lipstick. Nag mamadali na ako dahil si MAMA bulyaw ng bulyaw sa akin na andun na daw yung BOSS ko.
CARL: Hi Tita, long time no see.
MAMA: Ayy uu nga eh matagal tagal na rin, iba talaga mag laro ang tadhana no? akalain mong Ex BOYFRIEND niya pa magiging BOSS niya.
CARL: Ahh ehh (napakamot sa ulo)
MAMA: JANE! Ano ba wag mu pag hantayin yung BOSS mu!
JANE: Opo nanjan na!
Lumabas na ako ng pintuan dire diretso lang ako lumabas ng bahay.
MAMA: Oh tignan mo talaga tong batang to, madaling madali, taeng tae sa lakad nyu.
CARL: Ahehe o sige po Tita alis na po kami.
MAMA: O siya sige wag mag pa gabi ha? ay gabi na pala, wag mag pamadaling araw ha! paki hatid si JANE!
CARL: Yess po TITA, I will!
At ayun na nga nasa tapat na ako ng kotse ni mokong. At akalain mu gentle man pala tong mokong na to at siya pa ang nag bukas ng pinto ng kotse para sa akin.
JANE: Thenk yehh!
CARL: Your always welcome BABE! (Sabay kindat nito)
JANE: Tsee! BABE ka jan BABEbatukan kita jan eh!
Sstart na sana ni CARL yung makina na ng sasakyan pero nagulat ako ng bigla siyang lumapit sakin, napapikit ako na tila lumalaban ang mga mata ko para dumilat.
CARL: Mag Seatbelt ka. (mahinhin na sagot)
JANE: Jusmiyo akala ko naman anu gagawin nitong mokong na to! Manong sabihin nalang sa akin!
At tuluyan ng pinaandar ni CARL ang sasakyan. Habang nag mamaneho siya, panay parin ang tingin sakin na medyo napapangiti, As usual nagagandahan nanaman siguro sa kagandahan ko. Chaross. Di ko alam kung may saltik ba to sa tuwing tumitingin sya sakin sabay ang ngiti. Ako naman wala focus lang sa pag sight seeing sa daan, wala naman akong mapapala sa pag titig niya sakin.
Bigla akong nagulat ng huminto ang sasakyan.
JANE: Andito na tayo?
CARL: Wait ahh, may kukunin lang ako..
Ilang minuto din nawala si CARL, at ako naman panay ang selfie ko sa sasakyan, syempre para may pamalit ng Display Photo ko sa FaceNote. Isang online application na sikat na sikat ngayon, Jusme mag isang taon na ata akong hindi nag papalit ng picture.
Bumukas na yung pintuan sa upuan ni CARL.
CARL: For you!..
JANE: Huh??
Natulala ako sa inabot sakin ni CARL. Bakit niya ba ginagawa sakin to?
SAY YES kung gusto mo malaman kung anu yung inabot ni CARL! HAHAHA!

Comments

Popular Posts