Story of Mokong & Mokang PART 36 By: Norbie Borja


Halos mawalan na ako ng pag asa kung paano ako makakaisip ng paraan para maibangon ang sales sa company na hinahawakan ko. Pero sadyang mabait talaga si GOD at dininig ang dasal ko, buti nalang na hindi lang basta babaeng mahal ko itong nasa harapan ko. Isa rin pala siya sa taong magbibigay solusyon sa problemang kinakaharap ko.
JANE: So naintindihan mo na MOKONG? Ganun lang yun diba? (sabay ngumiti)
CARL: Grabe ka MOKANG, hindi ko akalain na maiisip mo yun!
JANE: Namern! Ako pa ba. (sabay kumindat)
CARL: Isa ka talagang biyaya mula sa langit. (sabay niyakap si JANE)
JANE: Assuss, kaya mu nga ako diba naging partner? kasi parehas tayong haharap sa trial ng bawat isa.
CARL: Woooo Thank you GOD! dahil my MOKANG ako. (sabay kiss sa nuo ni JANE)
Biglang may kumatok.
BERNEY: Sir CARL, nanjan na si MADAM.
JANE: Ohh nanjan na daw si MOMMY mu, basta yung mga sinabi ko sayo huh! alam ko namang kaya mo yan ikaw pa ba!
CARL: Pero medyo kinakabahan pa din ako.
JANE: Anu ka ba, parang hindi ka naman sanay humarap at mag salita sa maraming tao. Tyaka MOMMY mu lang naman yung naiiba dun sa mga kausap mu.
CARL: Hmmm wala lang... pwede pa hug muna ng mahigpit?
JANE: Ayyy may ganun. O siya sige ne nge.
Kasabay ng pag kakayakap ko ng mahigpit kay MOKANG ay ang patuloy na pag papasalamat ko dahil hindi ko lang siyang maituturing na partner, isa talaga siyang napaka laking regalo na hindi ko kayang kaya ipag palit sa iba.
SILVIA: Ohh where's CARL? nauna pa ata ako sa kanya.
BENNIE: MADAM tinawag ko na po.
Pag bukas na pag bukas ko ng pintuan kinakabahan talaga ako, actually ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa buong meeting na pinag daanan ko. Siguro nga dahil isa sa taong kaharap ko ay si MOMMY SILVIA. Kilala ko na kasi yung specifications niya, hindi naman sa sinasabi kong perfectionist siya pero parang ganun narin siguro pero bahala na. Susundin ko nalang yung sinabi ni MOKANG, alam ko namang magugustuhan niya din yung magiging proposal ko.
CARL: Good Afternoon MOMMY, hows your flight today?
SILVIA: Wala namang pinag bago, ganun padin super tiring pero since I have a commitment to you, kaya kailangan ko dumiretso agad dito.
JANE: Hi po TITA (sabay beso kay SILVIA)
SILVIA: Hi JANE! Looking great huh.
JANE: Hehe, nice to meet you again (sabay ngumiti)
SILVIA: Kaya nga eh, it's been a long time na. Anyways CARL shall we start your presentation?
Nung madinig ko yung sinabi ni MOMMY, agad kaming nag ka tinginan ni MOKANG, nag smile siya sakin at nababasa ko sa mga mata nya na chini cheer nya ako. Kaya naman kahit papaano na iibsan ang kabang nararamdaman ko.
CARL: Ahh, ehh yes sure..(medyo kinakabahan)
Napatingin ulit ako kay MOKANG at bumulong pa siya ng "Good luck MOKONG" sabay nag Flying Kiss pa na agad kong sinalo. At nag flying kiss din ako pabalik sa kanya at sinalo niya rin at nakisalo rin si BERNEY.
JANE: (Napa tingin kay BERNEY at natawa)
BERNEY: Nyurappp BESH!
JANE: Haha loka!
Nag simula ng mag explain si MOKONG sa harapan, ipinakita nya ang mga kaganapan sa Company. Napapatingin ako sa MOMMY niya habang nag sasalita siya, seryosong seryoso lang ang mukha nito na hindi ko malaman kung may halong pag ka dismaya ba o sadyang pagod lang sya sa byahe niya. Nakakaloka sa tuwing may isang importanteng bagay talaga laging biglaang uuwi nalang siya. Nung pinapaliwanag ni MOKONG yung pag baba ng sales ng Company medyo napa kunot nuo siya. Pansin ko parin sa mukha ni MOKONG ang kaba, kaya sa tuwing napapatingin sya sa akin. Ngumingiti ako sa kanya, para maiparating na Full support ako at handang mag cheer up sa kanya.
SILVIA: I did not expect na magiging ganyan kababa yung sales ngayon, anu bang naging cause? (seryosong tanong)
CARL: (Napa hinga ng malalim) As per marketing team, nag karoon tayo ng pag baba sa sales dahil sa mga nag labasang competitors sa market. Halos lahat BEAUTY products ang target nila ngayon.
SILVIA: So whats the problem behind? kung qualities naman ang basis natin, no doubt na lumalaban tayo jan. How about the Marketing Department?
BERNEY: Ahmmm MADAM, bukod kasi dun sa dumadami yung mga competitors na may same concept sa atin and one of this company is SKIN PERFECTION na hinahanddle ng company nila PAUL naka power Marketing sila. Halos sinusulot na nga nila yung mga big buyers natin eh.
SILVIA: Whatt??! totoo ba yan? aba wala akong kaalam alam na ganyan na pala ang ng yayari dito, I thought na napaka ganda ng Marketing plan mo for this company BERNEY, may mga nagiging problema ba tayo aside from that competitors? baka naman ang mga products natin may probleman din? kasi hindi naman basta basta lilipat yang mga consumers at clients kung wala.
CARL: About the products wala naman, pero I think yun na nga mas nag boost talaga sila sa Marketing plan nila.
SILVIA: So may na isip ka nabang plan kung papaano mo ma oovercome to?
CARL: Hmmm (napatingin kay JANE) Yess, i have a better plan.
SILVIA: Yun naman pala, go ahead tell it!
CARL: Isa sa naisip kong Plan, bakit hindi tayo kumuha ng mga District Distributors sa bawat area ng mga products natin?
SILVIA: What do you mean na mag kaka District Distributors? you mean aside from our company may mga mag didistribute pa ng product natin per area?
CARL: Yess MOMMY, maari tayong kumuha ng mga Distributors per province then mga Provincial Distributors na mag bibigay ng supplies para sa mga District Distributors, sa ganyang case mas maipapakalat natin ang products natin sa market. Kasi yung mga District Distributors maari silang mag karoon ng mga Resellers na gustong mag resell ng products natin. That's what you called Direct Selling Marketing Strategy. Bukod sa nakakatulong tayo sa kanila na mag karoon ng pag kakakitaan, natutulungan nila yung company natin na mas maexpose ito sa mga prospect consumers / client.
SILVIA: So when you say per area, sa mismong area lang sila mag susupply tama ba?
CARL: Nope, we will not focusing by territory. We will have an open market strategy. Why? kasi if mag cocome up tayo sa by territory maiipit natin yung mga distributors na mag expand ng mas ma lawak ang mga susupplyan nila. But we will have the rules na if may Provincial Distributors na sa isang area hindi pwede supplyan ng other Provincial Distributor yung District Distributor na hawak nito. Like for example if we have Provincial Distributor in Cavite, lahat ng mga hawak ng PD Cavite hindi pwede supplyan ng Provincial Distributor ng Manila. But in terms of Resellers they can get anywhere as lo ng as na hindi nila ito sinulot sa iba.
SILVIA: Ohhhh ngayon lang ako nakarinig ng ganyang idea.
CARL: In that way nakatulong sila sa company natin, nakatulong rin tayo sa kanila.
SILVIA: I like your idea CARL! Nakuha ko agad yung concept na gusto mo iparating. (biglang pumalakpak)
CARL: No MOMMY, that's not my idea.
SILVIA: What??
CARL: It's JANE'S idea. Siya ang nakahanap ng isang magandang way para makabawi tayo. (sabay tumingin kay JANE at ngumiti)
Biglang napatingin si MADAM SILVIA at mga nasa meeting kay JANE.
BERNEY: Oh emm gieee, nakakaloka ka BESH hindi ko akalain ma iisip mu yung paraan na yun. Total package kana talaga! (Biglang pumalpak)
Kasabay ng pagpalakpak ni BERNEY ay ang pag palakpak din ng mga taong nasa meeting.
Medyo natuwa ako dahil nagustuhan nila yung concept na ibinahagi ko kay MOKONG, ngayon halos lahat sila nakatingin sakin na may kasamang ngiti sa kanilang mga labi. Napatingin ako kay MOKONG at nagulat nalang ako ng biglang mag salita ang MOMMY niya.
SILVIA: (Pumalakpak) I did not expect that idea will came from you. No doubt na talaga kung bakit CARL consider you as a perfect partner. Grabe JANE huh! May pag ka Business mindset ka din pala.
JANE: Ahh ehh, sakto lang po TITA hihi. Gusto ko lang din naman makatulong kay CARL at sa COMPANY.
SILVIA: Very kind, magaling. Napahanga ako sa idea mu. Actually medyo na stress ako habang nag didiscuss si CARL about sa problem ng company. Pero nung nakita ko at na realized yung concept ng idea na binabanggit niya nawala ang pagod at Stress ko. Very good JANE!
Napatingin ulit ako kay MOKONG at napangiti. Kitang kita ko sa mata niya ang saya at pag kawala rin ng Stress gaya ng naramdaman ng MOMMY niya.
SILVIA
: So far okey naman ang naging discussion natin, im expecting na ma execute nyu rin agad yang proposal na galing kay JANE.
BERNEY: Yes MADAM, naintindihan ko naman yung mga explanation ni PAPA CARL kanina.
SILVIA: Good! O siya mauuna na akong umuwi CARL see you later sa house. Kailangan ko narin muna mag pahinga.
CARL: Sige po MOMMY, alam ko naman na napagod kayo sa byahe at dumiretso kayo para dito.
SILVIA: Kaya nga, buti nalang maganda yung outcome. Naku kung hindi baka tubuan ako ng wrinkles sayo.
BERNEY: Jusko MADAM, bali wala lang sayo mag ka wrinkles kayang kaya ni DOC yan!
SILVIA: O siya, Bye for now JANE and CARL. Ingat kayo mamaya. (lumakad na papalayo)
Aalis na rin sana sina CARL at JANE pabalik ng office ng biglang may pahabol si BERNEY
BERNEY: Ay waitttt sir CARL nandito na po yung New Product natin kararating lang.
JANE: Ayy ayan naba yun? ang ganda ahhh
BERNEY: Yes bongga ng Glukocenta FACIAL FOAM na ito.
CARL: Yan diba yung product natin na nakakabanat ng mukha?
BERNEY: Yess sir CARL! Bagay na bagay kay MADAM to! Hihihi
JANE: Ayy uu nga sayang hindi nya naabutan.
CARL: Hehe loko.
JANE: Ipapagamit ko nga din kay MADER EARTH yan im sure magugustuhan niya yan.
BERNEY: Ayy tumpak! para bumata si MADER ng 50years younger!
JANE: Kaloka anu yan bumalik talaga sa pag ka sanggol!
CARL: O siya maiwan kana namin jan muna BERNEY at may need muna kaming tapusin sa office.
BERNEY: Sureness sir CARL! Basta sabihin ko na sa Marketing team na ma execute agad yung idea ni JANE.
CARL: Thank you BERNEY!
.
.
.
.
PLEASE PLAY THIS SONG BEFORE READING IT
Janella Salvador and Elmo Magalona - Born for You
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pag kadating na pag kadating namin sa Office ni MOKANG, niyakap ko agad siya ng mahigpit.
CARL: Maraming maraming salamat talaga MOKANG ko, kung hindi dahil sayo hindi ko na siguro alam ang gagawin ko kung papaano ako mag eexplain kay MOMMY.
JANE: Hihihi walang anuman po MOKONG ko, basta para sayo. Kaya nga tayo mag partner diba? hindi lang para sa pansarili nating kailangan, pero para sa kailangan rin ng bawat isa. Kung may maitutulong naman ako, handa akong tumulong para sayo. (pinisil ang ilong ni CARL)
CARL: Ang swerte swerte swerte ko talaga sayo. At dahil jan, saan mu gusto mag dinner mamaya after ng work natin?
JANE: Naku wag na, kakain din naman ako sa bahay.
CARL: Ayyy syempre gift ko yan dahil sa tulong na ibinigay mu.
JANE: Hindi naman ako humihingi ng kahit anung kapalit no, makatulong lang ako sa taong mahal ko masayang masaya na ako.
CARL: Hmmm ahh alam ko na kung san tayo kakain. Pero teka, uwi muna pala ako ng bahay mag early out nalang tayo then sunduin kita sa inyu okey lang ba?
Anu pa nga ba wala nanaman akong nagawa kundi mag agree sa offer ni MOKONG, kukulitin at kukulitin lang kasi niya ako kapag hindi ako nag okey. Buti nalang maaga kaming natapos sa mga gawain namin at agad niya akong hinatid sa bahay para makapag prepare sa pupuntahan namin.
MAMA JADE: Oh anak bakit ang aga mu ata? diba dapat pa out ka palang ngayon.
JANE: Ou nga po eh, si CARL kasi nag aya kumain sa labas. Sabi ko nga wag na pero alam mo naman ang kulit ng lalaking yun maigiit din.
MAMA JADE: Ah kaya pala, o siya mag pahinga ka muna saglit. Anung oras nga ba ang alis nyu?
JANE: 7PM niya daw po ako susunduin eh.
Habang hinahantay ko ang oras ng pag kikita namin ni MOKONG, tinulungan ko muna si MAMA sa mga gawain bahay. Kahit pinipilit niya akong pinag papahinga, hindi ko naman mapigilan ang sarili kong tulungan siya.
.
.
.
.
At EIBRON'S FAMILY HOUSE.
.
.
.
.
Nag ring ang Phone.
MAID: Madam parang nag riring yung phone nyu.
SILVIA: Ayyy oo nakalimutan ko pala sa kwarto, baka yan na yung hinahantay kong tawag.
Agad agad na pumunta si SILVIA para sagutin ang CP niya.
SILVIA: Hello, kanina ko pa hinahantay ang update mo. Makukuha ko naba?
ASSISTANT: Yes MADAM naayos ko na lahat ng papers.
SILVIA: Okey good, kailangan mapapirmahan ko na yan kay CARLITO para ma control ko na ang pag handle sa lahat ng Company namin.
ASSISTANT: Mamaya ihahatid ko sayo.
SILVIA: Hindi na, mag kita nalang tayo sa dati nating pinag kikitaan. 7pm Don't be late huh! (sabay baba sa cellphone at napangisi)
Makalipas ang isang oras...
CARL: Ohh MOMMY may lakad ka din?
SILVIA: Ayy yes, i meet ko lang yung mga amiga ko.
CARL: Gusto mo ihatid na kita?
SILVIA: No CARL! Mag papahatid nalang ako kay MANONG, tyaka mukhang may lakad ka din huh.
CARL: Opo mag dinner lang po kami ni JANE.
SILVIA: Mukhang bumabawi ka sa idea na binigay niya huh?
CARL: He..he.. opo ganun na nga po
SILVIA: O siya sige mauna na ako, mag iingat ka ha! wag mag pagabi, wag mo kami pag alalahanin ng DADDY mu.
CARL: Yes po kayo rin po. (sabay ngumiti)
.
.
.
.
.
Kinaumagahan
.
.
.
.
Kumatok si CARL sa kwarto ng MOMMY at DADDY niya
CARL: MOM, DAD. Mauna na po ako ahh. Malalate na ako, sunduin ko pa kasi si MOKANG este JANE.
SILVIA: Nag almusal ka naba?
CARL: Duon nalang po MOMMY.
CARLITO: Mag iingat ka anak ah.
CARL: Yes Dad (Sabay yakap sa DADDY at MOMMY niya)
SILVIA: Wait mo na ako CARL sasabay na ako sa iyo sa ibaba para maikuha ko ang DADDY mu ng almusal.
Pag katapos ipaghanda ni SILVIA si CARLITO ng umagahan, hinatid agad nito sa kwarto.
SILVIA: Ohh wag kana masyadong kumilos jan, ako na ang mag aasikaso sayo.
CARLITO: Anu kaba, kaya ko naman to. Hindi na ako bata.
SILVIA: Alam ko naman na hindi kana bata, syempre tignan mu nga yang sitwasyon mo.
CARLITO: SILVIA...
SILVIA: Yes DAD? (lumapit kay CARLITO)
CARLITO: Sana dumating na yung time na makahanap tayo ng eye donator.
SILVIA: Hmmm don't worry, makakahanap tayo. Para atleast makatuwang narin kita sa mga negosyo natin diba pag ng yari yun. right?
CARLITO: Sana nga (medyo malungkot na sabi)
Pagkatapos kumain.
SILVIA: Ayy wait DAD, may papapirmahan pala ako sayo. Kailangan kasi itong papers sa America eh, ayun din ang sadya ko kung bakit umuwi agad ako ng Pilipinas.
CARLITO: Huh? wala ka naman na babanggit nyan bago ka umuwi, usually bago ka nag papa pirma sakin nasasabi mu naman agad diba?
SILVIA: Ahh ehh, uu nga alam mu naman sa sobrang busy ko hindi ko na maalala agad buti nga pinaalala lang ng assistant ko sakin. Wait kunin ko lang.
Bakas sa mukha ni CARLITO ang pag tataka.
SILVIA: Eto DAD, need na need na kasi to sa business natin sa America. Alam mo naman na ikaw lang ang nakakapag approved ng mga ganyan.
CARLITO: Para san ba yan?
SILVIA: Para sa mga hawak lang natin yan na investors, agreement lang sa New Policy ng company natin.
Iniharap ang papel.
SILVIA: Ohh eto yung ballpen, dito mu lang i signature. (tinuro yung part kung saan pipirma si CARLITO)
Hawak na ngayon ni CARLITO ang ballpen at ilang saglit nalang ay pipirmahan niya na ito.
.
.
.
.
.
.
Ano ang susunod na mang yayari? papaano nalang kung mapirmahan ni CARLITO ang Documents na pinapapirmahan ni SILVIA?
Anu nga ba ang talagang intensyon niya?
PS: Pasensya na po kung medyo natatagalan ang Update, may new Company lang po ako na binubuksan para sa Future Goal ko  Maraming maraming Salamuch po ulit sa walang sawang support at pang unawa!
Abangan sa nag iisang FB Serye na Pakikiligin ka! Paluluhain!, Patatawanin! at Bibitinin sa mga kapana panabik na eksena!
Gusto nyu bang i share ang kilig ng ating FB SERYE? Tag nyu na sila!!!
Wag ding kalimutan mag bigay ng bonggang comment nyu! Para ma DEDICATE sayo ang susunod na eksena!

Comments

Popular Posts