Story of Mokong & Mokang PART 12 By: Norbie Borja

Napa tingin ako kay mokong nung marinig kong may pa premyo pa palang ganap dito sa akala namin ay laro laro lang.
Grabe huh! Mukhang serious naman ata tong si Beki sa i aannounce nya..
COMEDIAN2: Ang mananalo sa huling round ay makakatanggap ng isang gabing kasama ako! Charot lang!
Nag sigawan yung mga tao Booohh!! Wag nalang!!
COMEDIAN2: Ayy wow si kuya makareact akala mo ke gwapo mukha namang nakaligtas lang sa Tokhang!.. Osiya eto na
talaga mga besh. Pasalamatan natin sina Madam Carol and Don Ben David dahil nag bigay sila ng Trip to Boracay for
3Days and 2 Night at take note! All expenses ay Paid! O diba kabogera ang ating mga Guess!.
COMEDIAN1: Grabe besh sana pala nag panggap tayong mag couple para nakasali tayo (sad face)
COMEDIAN2: Chusera! gusto mong mabiyak ang lupa!
Nagulat ako sa narinig ko, emeyged ang pinaka aasam asam kong lugar na puntahan yun ang pa premyo! Ihhhh gusto
kong maglumpasay sa tuwa at sabihing pwede bang TOP 2 nalang?! Ayyy teka edi pag nanalo kami ni mokong.. Ohh
ehmmm
CARL: Bat parang kinikilig ka jan sa narinig mo? Sus Boracay lang pala! Ilang beses na ko nakapunta jan eh. (pag
mamayabang ni CARL)
JANE: Eh anong pakielam ko kung ilang beses ka ng naka punta dun?! Ako hindi pa! Palibhasa yayamanin ka! (pag
susungit ni JANE)
CARL: Oh siya siya para sayo, ipanalo natin tong huling round ha?! para makapunta kana dun at para mapasakin kana.
(sabay hawak nito sa baba ni JANE)
JANE: Anu ba mokong! wag mu nga akong paandaran jan (sabay hawi sa kamay ni CARL)
COMEDIAN2: Okey guysss Ready naba kayo???
COMEDIAN1: Gaga! Ready ka jan! Asan yung gagawin nila?
COMEDIAN2: Ayy sarreh naman nadala lang ako sa Prize! Okey guysss napaka simple lang ng huling game natin! Pero
narinig nyu naman napaka bongga ng pa premyo! Siguradong ma eenjoy nyu! Lalo na kayong dalawa! (Sabay turo kay
JANE at CARL) Bagay na bagay sa kaseksihan nyu yung pa premyo!
CARL: Narinig mo bagay na bagay daw tayo! (sabay ngisi kay JANE)
JANE: Hindi ako binge! Ang sabi nya bagay na bagay sa kaseksihan ko. (Sabay pose na pang Miss Universe)
CARL: Ehem ehem! Ano bang bagay sa isang seksing gaya mo? hindi ba isang matchong katulad ko? (Sabay tapat nito ng
Biceps kay JANE)
JANE: (Tinignan mula ulo hanggang paa si CARL) Tsee! (Sabay irap)
COMEDIAN2: Ito ang gagawin nyu mga besh! Nakikita nyu merong hawak si Beshy na makapal at mahabang lubid! Ang
gagawin nyu paunahang ipulupot sa leeg nya ito! Charot lang besh! Tag of War ang last Game natin! Siguro naman
pamilyar kayo sa larong yan? Mayroong banderitas sa gitna ng ating lubid at may dalawang guhit sa ating stage kapag
nahatak nyu sa guhit nyu yung banderitas isa lang ang ibig sabihin nyan! Mag empake na kayo at lilipad kayo papuntang
Bora! Getch nyu ba mga besh?
CARL: Sus napaka simple lang pala nyan! Buti nalang nag woworkout ako, kayang kaya ko yan. (Sabay taas ng dalawang
Braso at kindat kay JANE)
JANE: Nako!!! ang yabang yabang mo! Nakikita mo ba yung boyfriend nung kalaban natin? eh mukhang wrestler yan!
CARL: Sus! Wala yan! Mananalo tayo dito! Diba gusto mong makapunta ng BORA?!
JANE: Ahh ehhh syempre naman! Go Go Go kaya natin to!!! BORA here I come!!!! (sigaw ni JANE)
CARL: Woooaa!! simulan na yan!!!
COMEDIAN1: Okey Guysss Ready?! At the count of 3!
3
2
1
GOOOOO!!!!
At parehas ng nag hatakan mag kabilang panig.
CARL: Ahhhhh!!!! (gigil na sigaw ni CARL)
JANE: Grabeee nahihila nila tayo..Emeygedd ang hirappp!!! nahahatak nila tayo!!
CARL: Hindddii sige langg isipin mo para sa pag BOBORA mo to. (gigil niyang sabi)
JANE: ahhhh woooo grabeeee ang lakas nila (habang napapapikit ng madiin)
CARL: Mas malakas tayo JANE tiwala lang mananalo tayo dito.
Halos malapit ng pumunta yung Banderitas sa Kabilang Team isang malakas na haltak nalang nito ay tuluyan na itong
lalagpas sa guhit.
JANE: Parang hindi ko na ata kayaaa ang sakit sa kamay huhuhu
CARL: Teka! teka! lumayo ka ng onti sakin pupwersahin ko na to..
COMEDIAN1: Ayyy!!! gusto ko tong larong to! Ang kisig kisig ni Papa(CARL)! Galit na galit ang ugat sa mga muscles niya!
COMEDIAN2: Kaya nga besh! Ang nyurap!!!
PLEASE PLAY THE SOUND "I'll Never Go" by Erik Santos
Grabe kitang kita ko hirap na hirap na si CARL nag lalabasan na yung mga ugattt niya at pawis na pawis na siya. (Sa isip
isip ni JANE)
JANE: Oi mokong! Kaya paba natin to?! Nahihirapan kana din eh! (pag woworry ni JANE)
CARL: Syempre naman! wag kang bibitaw! Para lang tong nararamdaman ko sayo! Kahit mahirapan ako kakayanin ko
basta para sayo! Alam kong gusto mo din mapanalunan yung papremyo diba?
JANE: Grabe talaga siya ohh desididong manalo para sakin, ene be yern (bulong ko)
CARL: Kinikilig ka naba? (pang aasar na tanong) Mas kikiligin ka dito. AHHHHHHhh
Hindi namalayan ni JANE at CARL na sa sobrang lakas ng pag kakahatak nila, biglang silang natumba.
Pumailalim si JANE kay CARL. Habang nakatungkod naman si CARL sa sahig kaya naman hindi nito tuluyang nadaganan
si JANE.
Unti unti kong dinilat ang mga mata ko at bumungad sakin ang pawisan at hingal na hingal na mukha ni CARL.
Naawa ako bigla sa kanya dahil sa nakikita kong pagod na naramdaman niya.
CARL: Sorryyy JANE (Hingal at malungkot na sabi nito)
COMEDIAN1: Uiii okey lang ba kayo? Congrats!!!!! Kaya ang panalo!!
Nagulat ako sa gulat ko, hindi ako makapaniwala na kami pa ang mananalo. Sa sobrang excitement ko agad akong
napatayo at itinayo si JANE attttt.....
JANE: Uii mokong nanalo tayo!!! Yeyyy ang galing galing natin!!! (masayang masayang bigkas)
CARL: Ou nga grabe hindi ako makapaniwala akala ko talo na tayo! (natatawang sagot ni CARL)
Hindi ko napigilan ang sayang naramdaman ko, para akong nanalo sa lotto! Hindi ko namalayan na nabuhat pala ako ni
mokong. Nakatungo ako at nakatingin sa mukha nya, siya naman nakatingala sakin at masayang masaya kahit na halos
maligo na sya sa pawis. (sa isip isip ni JANE)
COMEDIAN1: Ayyy grabe nemern yan! Nag kabuhatan na ohh?! Sobrang lalanggamin yung stage namin sa inyo! (bulyaw
ni beki)
COMEDIAN2: Throattt beshy! Sana may bumuhat din sakin ng ganyan! Lagi nalang kasi ako binabalibag ng mga nagiging
jowa ko huhu.
JANE: Ayyy halaaa!!! uii! uii! ibaba muna ako kaloka hindi kaba napapagod?!
CARL: Diba sabi ko naman sayo hindi ako mahihirapan o mapapagod basta para sayo? (sabay ngiti nito kay JANE)
JANE: Okey fine! Ohh sya ohh sya sige na baba muna aketch.. (sabay pisil nito sa ilong ni CARL) Ihhh ang kulit mu
nahirapan kapa tuloy!
COMEDIAN1: Okeyy tapos naba ang eksena? pwede na kayong mainterview???
CARL: Ahh hehe pasensya na, na overwhelmed lang. (sabay kamot nito sa ulo)
COMEDIAN2: Teka lang kanina na sabi mo na hindi kapa sinasagot ni gerl? totoo ba?
CARL: Ahhh hehe handa naman akong mag hantay. (sabay tingin nito kay JANE at ngiti)
Ahh sus tong mokong na to akala nya naman madadala nya ako sa pa ngiti ngiti at pa cute nya (sa isip isip ni JANE)
COMEDIAN1: Naririnig nyu ba yung mga sigaw ng Audience??!!
Kiss!! Kisss!!!! Isang kiss naman jan!!! (sigaw ng Audience)
JANE: Gossshhhh kiss agad?! hindi pa naman kami! manahimik nga kayo (sa isip isip ni JANE)
CARL: Pag bibigyan ba natin yung request nila babe? (nakangiting sabi nito)
JANE: Nakuuu!! Manahimik ka jan!!! (biglang sama ng tingin kay CARL)
COMEDIAN2: Ayy ohh nag request yung mag bibigay ng premyo kiss naman daw jan!!!
COMEDIAN1: San ba gusto nyu siyang makitang i KISS? (Sabay tapat nito ng mic sa Audience)
Audience: Sa lipss!!! Wooaa Lipss!! Kiss mo na sa Lipss tol!!
COMEDIAN2: Oh narinig nyu? kiss mo daw ako sa lipss (sabay nguso ni beki kay CARL)
COMEDIAN1: Gaga ka! Hindi ikaw! Wag kang masyadong ambisyosa!
CARL: Pag bibigyan ba natin sila JANE? (mahinahon na tanong ni CARL)
JANE: ahhH eehh (kinakabahang sagot ni JANE)
Mag kaharap na ngayon sina JANE at CARL. Habang papalapit ng papalapit ang mukha ni CARL kay JANE, nakapikit lang
ng madiin si JANE.
JANE: Gossh!!! Itong mokong ba na to ang magiging first kiss ko? (sa isip isip ni JANE)
Napadilat nalang ako ng mata ng my dumamping labi sa aking nuo. At narinig ko ang salitang.
CARL: I respect you JANE! Hanggang hindi pa tayo I will respect you at kahit na maging tayo pansariling kagustuhan mu
parin ang susundin ko (bulong ni CARL kay JANE)
Natulala nalang ako sa sinabi ni CARL. Bumilis ang tibok ng puso ko na tila dalang dala ako sa sinabi nya. Nahuhulog
naba ako sa kanya? (sa isip isip ni JANE).
Matapos ang napaka daming eksena sa Comedy Bar umuwi na kami ni CARL. Makakatanggap nalang daw kami ng email
kung kailan ang schedule namin papuntang Boracay. Medyo napagod ata si Mokong, kanina pa siya tahimik sa sasakyan.
JANE: Okey kalang??
CARL: Ahh ou naman, napagod lang ako hehe. (sabay thumb sign nito kay JANE)
JANE: Ayyy anu yan?! May sugat ka sa kamay?. (pag aalalang tanong)
CARL: Wala to! No worries (sabay ngiti kay JANE)
JANE: Anung wala! Tekaaaa tekaaa i hinto mu muna yung sasakyan.
CARL: Huhh? (biglang hininto ang sasakyan) Uiii san ka pupunta.
JANE: Saglit lang!
Buti may nakita akong bukas pang Botika, bumili ako ng band aid, bulak at betadine.
JANE: Ohh etoo teka lalagyan ko ha?!
CARL: Uiii uiii teka masakit yan!!! (sabay iwas ng kamay niya)
JANE: Ano kaba?! hindi to masakit! Ka lalaking tao takot sa betadine?! (inis kong sabi)
Hindi ko alam na concern din pala siya sakin, kahit madalas niya akong sinusungitan. Masyado akong na touch lalo sa
ginagawa niya. Nag abala pa talaga siyang bilhan ako ng gamit para sa sugat ko. (Sa isip isip ni CARL habang kinikilig)
CARL: JANE (mahinahon nyang bigkas)
JANE: Oh? diba hindi naman masakit, sabi sayo kaarte arte mo. (pag tataray ni JANE)
CARL: Salamat huh? (sabay ngiti nito kay JANE)
JANE: Suss anu kaba! Ako ang dapat mag pa salamat! Kung hindi mo ginalingan edi sana talo tayo, edi sana hindi ako
makakapunta sa pinapangarap kong puntahan. Pero mas masaya sana kung maisasama ko si Mama. Sana medyo matagal
pa yung date nayun para naman makaipon ako at makasama ko siya (medyo naluluha)
CARL: (medyo nalungkot sa narinig) Wag ka mag alala, ako na bahala (sabay ngiti nito kay JANE)
JANE: Huh? sorry ah naluha ako, tears of joy to anu kaba!
CARL: (Inabot ang panyo kay JANE) Ohh eto.
JANE: Salamat ahh?!, pwede ba to singahan?!
CARL: Ayy hehe sige lang!
JANE: Syempre biro lang patola ka talaga!
Sa sobrang pagod ni JANE, nakatulog na to. hindi niya na namalayan na nasa tapat na kami ng bahay nila.
CARL: Uiii we're here. (habang pinipisil ang pisnge ni JANE)
JANE: hhhhh zZZz
CARL: Ayaw mu ba umuwi? sige ka i uuwi kita samin.
JANE: (Unti unting dumilat ang mata) Asan naba tayo? (mahinahon nyang tanong)
CARL: Andito sa motel (sabay nangingisi)
JANE: Huh!? (sabay biglang masid sa paligid) Loko ka ha!! Sorry ahh nakatulog pala ako.
CARL: Okey lang yun hehe. teka, open ko lang yung Door ng car.
Sa sobrang antok ni JANE bigla syang natapilok, buti nalang nasa tabi niya si CARL at naalalayan siya nito.
Ngayon mag kaharap silang dalawa.
JANE: Uiiii Thank You huh! salamat sa masasarap na pag kain, sa bonding at saa paghhh. ahmm
CARL: pagghh??
JANE: Ahh ehh pag hatid sakin.
CARL: Ahh hehe walang anu man, ganyan ka ka special sakin eh. (sabay smile nito kay JANE)
JANE: Sige na papasok na ako sa Loob mag alas onse na din eh may pasok pa ako bukas.
CARL: sige mag pahinga kana see you tomorrow! (sabay ngiti nito at thumbs up)
JANE: Ohh yung benda mu ha wag mu muna alisin yan!
CARL: Opo babe!
JANE: Tseee!
Tumalikod na si JANE kay CARL, at habang papalakad naman si CARL papunta sa sasakyan nito...
JANE: Mokong! Mag iingat ka ha! (sabay smile nito kay CARL)
CARL: Yesss Boss!!! (sabay saludo nito) Okey lang palang ma late ka bukas! Alam ko namang pagod ka! (sigaw ni CARL)
JANE: Ayyy siya hindi no! Maaga ako bukas! See you!
At tuluyan ng sinarado ni JANE ang pinto.
Makalipas ang isat kalahating buwan, patuloy na nag kaka mabutihan sina JANE at CARL, palagi silang kumakain ng sa
sabay, minsan dinadalhan ni CARL si JANE ng Breakfast at Lunch sa office. Gayundin si JANE nag dadala siya ng pagkain
na lagi niyang pinag mamalaki na luto ng Mama niya. Halos hindi na nga mapag hiwalay ang dalawa, lagi silang pinag
titinginan pag sabay silang pumasok sa Office. Yung iba nag bibigay na ng malisya na baka hindi lang basta assistant lang
si JANE ni CARL. Maraming humahanga sa pinapakitang husay ni JANE sa trabaho, minsan sa sobrang busy ni CARL sa
ibat iba nitong commitment, si JANE na ang gumagawa ng ibang report nito. Minsan nga hindi namalayan ni JANE na
nakatulog na pala siya sa harap ng Laptop habang ginagawa ang isa sa report ni CARL. Buti nalang to the rescue si CARL,
walang oras na hindi sya humihingi ng update kay JANE sa tuwing hindi sila mag kasama. Kabilin bilinan nito na wag mag
tuturn off ng sound ng celphone niya para naman masagot agad nito ang tawag ni CARL.
Isang araw, excited na excited pumasok si JANE sa trabaho. Dala ang niluto ng Mama niya na Kare kare.
JANE: Hmmm bakit wala pa si mokong? eh siya naman lagi ang nauuna samin pumasok kapag hindi niya ako sinusundo
samin. Tyaka kung malalate naman siya nag tetext or tumatawag agad siya sakin (pag tataka ni JANE)
Teka nga maitext. "Good morning  bakit wala kpa sa office?"
Huling text niya sakin kagabi nag good night lang siya. hmmmm tsk!.
Nakita ni JANE na magulo ang desk ni CARL kaya naman nilapitan niya ito...
Habang inaayos ni CARL ang mga gamit, napansin niya parang may isang papel na nakapatong sa ibabaw ng Keyboard
ng Laptop.
Binasa niya ito at nakalagay...
"Good Morning Jane!  Sorry if I can't go to work today, may importante lang akong inasikaso. But please go to SM MALL
OF ASIA Around 6.30pm may meeting tayong pupuntahan, I will just text you for my update!" See you! Muahh!  " - CARL
JANE: Hmmm meeting?? ehh ako nag uupdate ng mga meeting nya, para san naman kaya yun? (pag tataka ni JANE)
1 Text message received
CARL
Good morning  Nabasa mu yung note ko? see you later, don't be late 
JANE: Kaloka 5.30 ang out ko. Sana lang hindi ako matraffic papuntang MOA mamaya, friday pa naman ngayon rush hour!
Hayys!! buti sana kung sa Pasay lang tong office eh jusmiyo nasa North Edsa pa ito! ka huli hulihang station tapos ang
pupuntahan ko MOA pa? anu tingin nya sakin si DARNA? Sabagay bagay naman sakin maging Darna.
Ding ang Bato!
Sabay ikot ni JANE.
Darna! O ha! wala lang ma segway lang ni Author. HAHA!
Makakarating kaya si JANE on TIME? ano kaya yung meeting na hindi alam ni JANE?
Exoited ka na ba??? Type Yes! Kung kating kati kana malaman ang susunod na Pasabog na Part!

Comments

Popular Posts