Story of Mokong & Mokang PART 11 By: Norbie Borja

Ang lakas ng tibok ng puso ko abot hanggang anit ko na, grabe bakit ba kasi tong mga beking to kami pa ang napag intirisan ang dami dami namang mga totoong couple jan sa bar! Bakit kami pa ng mokong na to! (Sa isip isip ni JANE habang kinakabahan)
COMEDIAN2: Apat kayong mag kakaparehas na nasa harap ng entablado na to, syempre hindi naman pwede lahat kayo winner. Isang pares lang ang mananalo! Kada round pabawas ng pabawas ang mag lalaro. Okey ready na ba kayo?!! (sigaw ni Beki)
COMEDIAN1: Are you ready guys??!!
CARL: Ready kana ba Babe? (nangingisi)
JANE: Umayos ka nga! Babe ka jan! Pwede ba mag walk out? (sabay sad face)
CARL: Ayy siya ohh Artista ka ba?
JANE: Bakit Artista lang ba pwede mag walk out? (sabay irap)
COMEDIAN2: Oh hala tong mag jowa na to usap pa more! Ready na ba kayong pinaka maganda at gwapong couple?
CARL: Yes!! Game!! simulan na yan!!!
JANE: Tignan mo to excited na excited, seryosong seryoso talaga siya. (sabay tingin nito ng masama kay CARL)
YES!! YES!! Sigaw ng ibang mga kasali.
COMEDIAN2: Okey, sa first Challenge natin mayroon tayong 3 na upuan dito. Pero nakita nyo apat kayong mag kakaparehas? syempre ang partner na hindi makaupo ligwak na sa laro at yung boy sasama sakin mamaya! char!!! Eto ang thrill! Usually sa Trip to Jerusalem isang tao lang ang player. Since couple kayo mga besh malamang dalawa kayung uupo jan! But! Hindi kayo kakasya! so ganito, si GIRL ang nakaupo tapos si GUY ang kakalungin ni GIRL. Naintindihan ba? gusto nyu i english ko pa?
COMEDIAN1: Go besh! i ENGLISH muna!
COMEDIAN2: Chusera ka gets na nila yan, wala akong tissueng dala! ayokong dumanak ang dugo dito! Okey? naba players??
CARL: So narinig mo ba JANE kakalungin mu daw ako. (kinikilig na sabi)
JANE: Ay grabe ang bigat bigat mo kaya!
CARL: Gusto mo ba ako nalang kumalong sayo? (sabay taas ng kilay ng dalawang beses)
JANE: Manahimik ka! Edi na talo tayo!
CARL: Ayy uu nga no pero sa game na to panalo padin ako! (pabulong ni CARL)
JANE: May sinasabi ka? (mabilis na tanong niya)
CARL: Ahh wala wala galingan natin ah! Kailangan tayo manalo sa game na to!
PLEASE PLAY THE SOUND "SHAPE of YOU by Ed Sheeran)
COMEDIAN2: Ready?! DJ MUSIC PLEASE!!!
COMEDIAN1: Sayaw sayaw guys! ang hindi sumayaw ma sstroke!
JANE: Anu ba yern hindi ako marunong sumayaw, nakakahiya naman.
CARL: Ganto lang ohhh
Tapos sumayaw si CARL sa harapan ni JANE.
JANE: Mokong ka talaga!!! Ang halay ng sayaw mo! Pero infairness may future ka maging macho dancer! (natatawang sabi ni JANE)
CARL: Ahihi gusto mo ba sayawan kita ng ganito? oha oha (pang aasar ni CARL)
JANE: Tsee! mag focus ka nga mamaya huminto na yung sounds, lumakad ka! hindi tayo umaabante dito oh yung mga nasalikuran ko tinutulak na ko.
CARL: Sino jan uupakan ko?
JANE: Manahimik ka! dali na larga!
COMEDIAN1: Ay si ganda hindi sumasayaw! Go girl sayaw na!!!
CARL: Narinig mo sayaw daw babe! (habang patuloy sa pag sayaw)
JANE: Ihhh hindi nga ako marunong enebe
Unti unti ng umiindak si JANE.
JANE: Pwede bang mag breakdance dito? charos! Ang tagal huminto ng music, wag mo masyado bilisan mag lakad mokong para makaupo agad tayo.
CARL: Ayyy tsuri!!.
Ilang minuto ang nakalipas biglang huminto ang music. Dali daling nag agawan ang mga players sa pag upo.
Sa gulat ni JANE ng huminto ang music, hinaltak nito si CARL. At napahug ito ng mahigpit.
CARL: ohhh sarap naman. (sabay ngiting tagumpay)
JANE: ayy sorry! nagulat ako eh bigla huminto yung music kaya hinila kita agad!
CARL: Ahhsusss gusto mo lang talaga akong kumandong sayo.
JANE: Tsee! tulak kita jan eh!
CARL: Saan? sa puso mo?
COMEDIAN1: Sorry Team D ligwak na kayo! Babush, pa kiss muna sa BF mo girl pwede?
GIRL: Go lang.
BOY: (Iaamba ang kamao kay beki)
COMEDIAN1: Ayy ang hard niya ohh!!! Go na besh next round na!
COMEDIAN2: Okey proceed tayo sa next round ng Game natin! This time 3 nalang kayong mag kakapartner, so ganitey mga besh! Ang next game natin nakikita nyu ba may mga make up kit tayo sa harapan nyu?!. Sa game na to si Boy ay nakatayo lang at si GIRL ang kikilos. Sa loob ng isang minuto ang gagawin ni GIRL ay mag mamake up siya kay Boy, pero! hindi gamit ang kamay nya! Gamit ang bibig! So pagandahan ng make up ang labanan dito. Audience ang judges natin mamaya, ang may pinaka mahinang palakpakan ay hindi na mag papatuloy sa next game. Getch nyu ba? Kapag si Girl ay gumamit ng kamay, ligwak na ang mag partner. Are we good?
COMEDIAN1: Taray mu dun! may pa english sa dulo.
COMEDIAN2: Wag kang pakielamera jan. Minsan na nga lang pupunahin mu pa! (pang ookray nito)
COMEDIAN1: Ready naba ang ating nag gagandahan at nag guguwapuhang mag partners? specially dun sa mag jowang nasa gitna na tila may sariling mundo kaka chismisan.
JANE: Oh ayan sinita na tayo ni baklush, kulit kulit mu kasi ingay ingay mo! (naiinis)
CARL: Ayy ehh ayuko kasi mag pa make up. Nakakahiya!
JANE: Ano kaba! Wag ka mag alala make up artist ata ako (sabay kindat kay CARL)
CARL: Ehhh kasi naman!
COMEDIAN: Okey ready?! DJ MUSIC PLEASE!
Please Play the song "Hula Hoop by OMI"
Nag simula na ang pagmamake up ko kay CARL, Grabe ang hirap! bibig ba naman ang kailangan gamitin ko. Pero syempre kailangan galingan ko para manalo kami. Wow concern talaga ako na manalo kami, ay basta parang pinag titripan ko nadin naman tong si Mokong kaya career kung career ko na tong pag mamake up sa kanya.
CARL: Awww yung mata ko.
JANE: Ay sorry. yung brush kasi ang likot! hihi
CARL: Gandahan mo ah! pero mas maganda ka padin sa paningin ko.
JANE: tsehh weg me ekong kinaka ushapp madidistract akee (nabubulol na salita gawa ng may brush sa bibig)
Habang nilalagyan ako ng Blush on bayun ni JANE, ang lapit lapit ng mukha nya sakin lalo akong naiinlove sa ganda niya kung pwede ko nga lang sunggaban ng halik (sabi ni CARL habang nakatitig lang kay JANE)
Aambang kikiss si CARL kay JANE pero bigla naman nag poker face facial expression si JANE.
COMEDIAN1: 15 seconds left!
JANE: Lipstick nalang! Wag mo likutin ung lips mu ah steady lang.
Nakatitig parin ako sa kanya habang nilalagyan niya ako ng Lipstick, umaasang biglang malalaglag ang lipstick at mag tatama ang lips namin sa isat isa. (napapangiting naiisip ni CARL)
JANE: hmm weg kahang meleket (bulol na pag kakasabi)
COMEDIAN2:
5
4
3
2
1
TIMES UP!!!!
JANE: Wooh! Hirap grabe! (biglang napatingin kay CARL)
CARL: Ohh bat na tatawa ka? pahiram nga ng salamin.
Kukunin na sana ni CARL ang salamin pero inagaw ito bigla ni JANE.
CARL: Anu ba! patingin nga ako ng ginawa mu, baka kung ano ano pinag gagawa mo sa gwapo kong mukha!
JANE: Tsee! HAHAHA hihihi ang galing ko talaga! (nangingisi)
COMEDIAN1: Okey unahin natin itong First Couple. Audience mag palakpakan kayo kung nagustuhan nyu ang gawa nila couple A!
COMEDIAN2: 1,2,3,blah blah blah. Okey anim ang pumalakpak.
COMEDIAN1: Ay ihuli natin tong soon to be mag jowa nato. (Team nila JANE at CARL)
COMEDIAN2: O sino naman dito kyla Team C!
COMEDIAN1: 1,2,3,4,Blah blah blahh ayyy walo lang ang pumalakpak besh!
COMEDIAN2: Okey finally kay team B. (Team nila JANE at CARL).
COMEDIAN1: Ayy besh! Panalo ha! Gandang dilag pala ni Papa pag naging Mama!
COMEDIAN2: Korak! Tinalo ang Beauty natin besh! Pwede pang beauty contest si Papa!
JANE: Oh narinig mu pwede ka daw sumali sa mga Beauty Contest! (sabay tawa nito ng malakas)
CARL: NO WAY!!! (iritang sagot)
COMEDIAN2: Okey Audience sino ang boboto sa group na to!
JANE: Wooohhhh!!!Pumalakpak kayo! ang pumalakpak makakatikim ng kiss sakin mamaya! (pag checheer ni JANE)
Sumabat naman si CARL
CARL: Oii sakin lang yan wag mong ipamigay sa iba! Sisigaw din ako para makatikim din ng Kiss mo! (natatawang sabi)
JANE: Tseeh! Patola ka!
Nag palakpakan ang mga Audience may sumisigaw pa at nag sasabi miss yung kiss ko mamaya!
COMEDIAN1: So wala ng need i clarify! Kitang kita at rinig na rinig Pasok na kayo sa Final round! at ang makakalaban nyu sina Team C!
CARL: Wooooaaa!! Ang galing mo talaga Babe!
Biglang Tinaas ni CARL ang kanang kamay ni JANE at sigaw ng sigaw ng
CARL: Ang galing galing talaga ng Babe ko! Proud Boyfriend here!
JANE: Uiii anu ba mokong kumalma ka nga! May Final round pa! Proud agad? tayo na tayo na? (pag aasar ni JANE)
CARL: Papunta na dun! Wooo!!! galing mo talaga, pakiss nga.
Aamba ng hahalikan si JANE
JANE: Tsehhh! Alisin na nga natin yang make up sa mukha mo! Baka mangati kapa.
Habang inaalis ni JANE ang make up sa mukha ni CARL. Panay ang pa cute nito.
Nag bababy face facial reaction pa.
JANE: Anu ba yan! Steady mu nga yung mukha mo! Puro ka pa cute! Hindi bagay sayo!
CARL: Eh at least tayo bagay sa isat isa! (sabay ngiti nito at ngumunguso nguso pa)
JANE: Ewan ko sayo! O ayan! wala na malinis na. Ay teka meron pa banda sa lips.
CARL: Pwede ba lips mu din yung pambura mu jan?
JANE: Manahimik ka!
COMEDIAN2: Guyss! Matutuwa kayo sa ibabalita ko! Confirmed! buntis po ko!
COMEDIAN1: Gaga! wala kang matress! Ambisyosa!
COMEDIAN2: Charot lang! Comedy bar nga diba? bawal mag joke? sana Serious Bar nalang to! (pag mamataray)
Eto na nga guys! Dahil natuwa ang ating mga special na guess na sina Madam Carol and Don Ben David. Nag bigay sila ng papremyo sa mananalo! Excited naba kayong malaman kung anong pa premyo ang ibibigay nila?
COMEDIAN1: Go na bakla i announce mo na!
Nagtinginan sina JANE at CARL.
JANE: Ang taray naman pala may pa premyo si MAYOR!
CARL: Ano kaya yun? Sana ang mapasakin ka ang premyo! (kinikilig na sabi)
JANE: Tsehh! babanat kapa eh!
COMEDIAN2: Ang mananalo sa huling round ay makakatanggap ng...........
Ano kaya yung pa premyo ng special guess ng Comedy Bar?
Mananalo kaya sina JANE at CARL?
TYPE YES kung excited kana sa huling round!!!! 

Comments

Popular Posts