STORY OF MOKONG & MOKANG Part 10 By: Norbie Borja

Please play the song " FALLIN by JANNO GIBBS"
Para mas mafeel mo ng bongga ang kwento nilang dalawa! 
Napahigpit ang pag kakayakap ko kay CARL na tila para akong bata na sabik sa yakap ng isang magulang.
Hindi ko din alam kung bakit bigla akong yumakap sa kanya, nararamdaman ko din ang pag higpit ng braso nya kasabay ng pag bigkas nya ng salitang.
CARL: Wag ka mag alala nandito lang ako.
Wala akong nagawa gundi manahimik kasabay ng napaka tahimik na kapaligiran. Nag iisip ng malalalim, kung totoo ba tong mga ng yayari na to.
WAITRESS: Ang sweet naman nila, kakainlove.
WAITER: Oo nga eh ikaw ba kailan mo ba ako sa sagutin? (sabay lapit ng mukha nito sa waitress)
WAITRESS: Manahimik ka!
Hindi namin namamalayan dalawa ni CARL na nag ka ilaw na pala, nakayakap padin kami sa isat isa na tila ineenjoy ang gabi kasama ang isat isa. Namalayan ko nalang nung marinig kong pinag uusapan na pala kami ng mga STAFF.
JANE: Hala! oii mokong! teka lang teka lang!
Pilit kong kinakalas ang sarili ko sa pag kakayakap ni CARL, pero ayaw ako nitong bitawan at natahimik nalang ako sa binilong nya sakin.
CARL: JANE, Thank God I Found you.
JANE: Huh?! bakit nawawala ba ako dati?! (pag bibiro ko)
CARL: Tama ka, ikaw ang nawawalang piraso ng buhay ko.
JANE: Napaka bolero mo talaga! Akala mo madadaan mo ko sa ganyan ganyan! (pilit na kumakawala sa yakap ni CARL)
CARL: Please JANE..
JANE: Please CARL..... hindi na ko makahinga.
CARL: Ayyy sorry sorryy.. (niluwagan ang pag kakayakap kay JANE)
JANE: Uiii pinagtitinginan na tayo ng mga STAFF ohhhh, tama na quota kana!
CARL: Wala akong paki sa kanila, saya ang nararamdaman ko. (mahinhin nyang sabi)
Bakit ba ganito tong mokong na to? ang lakas ng tama sa akin. Wala naman akong pinainum na gayuma dito nung first kita namin. At lalo naman wala kaming lahing mang kukulam. Bakit bigla nalang siyang naging ganito. (sa isip isip ni JANE)
Hindi ko namalayan na kumalas na pala sa pag kakayakap sa akin si CARL habang ako naman ito shulala sa kawalan, nag iisip isip.
CARL: JANE are you okey?.
JANE: Huh? ahh ehh oo naman. Tara tapusin nanatin yung kinakain natin, anung oras na din baka hinahanap na ako ni mama. mag 12 na ohhh? hanggang 12 lang yung kapang yarihan ni Fairy God Mudra. choss!
CARL: Cinderella?..
JANE: Ehh ehh eke nge. bakit? feeling mo naman ikaw yung Prince Charming ko. Tse!!! (pag mamataray)
CARL: Sino pa nga ba? ako lang ang Prince Charming mu no, ako lang ang may karapatan mag bigay sayo ng Happily Ever After. Pero walang the END sa dulo. Kasi habang buhay kitang pagsisilbihan at pasisiyahin.
JANE: Ahh talaga? so bukas ikaw na Assistant ko?
CARL: (Napakamot sa ulo) Ayyy hmmmm isipin ko muna.
JANE: Tsee! Kita mo wala kang isang salita!
After Dinner...
CARL: Nabusog kaba?
JANE: Syempre naman, ang sasarap kaya ng pag kain dito. Uii salamat ha! Yaan mo sa sahod ko ikaw naman i treat ko. (sabay smile kay CARL)
CARL: Talaga? wow sige! (masayang sabi ni CARL). Pero ako dapat ako ang mag Thank You sayo, kasi binusog mo ng todo ang gabi ko.
JANE: Tologo bo? mukha ba akong pag kain?.
CARL: Ou isa kang uri ng pag kain na masasabi kong paborito ko, na lagi kong hahanap hanapin at hindi pag sasawaan.
JANE: Tsehh! Ayan ka nanaman sa mga banat mo! Banatan kita jan eh!
CARL: Ng kiss ba?
JANE: Ewan ko sayo mokong!, Hindi paba tayo aalis?
Habang nasa sasakyan kami parehas lang kaming tahimik ng biglang..
CARL: JANE okey lang ba samahan mo ko sa isang Place?
JANE: (Biglang kinabahan) Huh? saang place?
CARL: Place dito sa puso ko.
JANE: Ayy! mukha mo! Saan nga?
CARL: Hehehe punta tayo sa Comedy Bar.
JANE: Huh? anung oras na ehh, lam mu naman need ko makauwi ng maaga. Ayoko mag alala si Mama sakin.
CARL: Ahh ehh saglit lang tutal 9pm palang naman. Promise 1 hour lang tayo dun (sabay Please Sign at sad face)
JANE: Oh siya siya basta ihatid mu ko huh!
CARL: Ou naman, gusto mo dun pa ko matulog sa inyo eh. (nangingisi)
JANE: Tseee! Tulog ka jan! Gusto mong patulugin kita ng sampal! (aambang sasampalin si CARL)
CARL: Grabe naman ohh..
Ilang minuto nakarating kami ni CARL sa sinasabi nitong Comedy Bar, hindi ko alam kung bakit naisipan nitong mokong na to na pumunta sa Place na to.
COMMEDIAN1: Halika besh mag hanap tayo ng couple na mag lalaro sa ating pa game!
COMMEDIAN2: Gora beshy!! ay teka may na sisight ako dun banda sa gitna!
COMMEDIAN1: Ayyy ang gwapo ng boylets ohhh!
COMMEDIAN2: Ayyy ou nga beshy! Tara lapitan natin!.
Lumapit ang dalawang COMMEDIAN sa kinauupuan nila CARL at JANE.
COMMEDIAN2: Hi! Partner mo?
CARL: Ahh ehh
COMMEDIAN1: Manahimik ka! Boyfriend ko yan Hi Bebe. (sabay pisil sa pisngi ni CARL)
Biglang sinabunutan ni COMMEDIAN2 si COMMEDIAN1.
COMMEDIAN2: Pashnea ka! Wala kang Boyfriend! Sakin yan si Papa. Daba? (sabay pa pretty face nito)
CARL: (Napapangisi)
COMMEDIAN1: Teka lang, ang ganda at gwapo nyu namang mag Jowa! Bagay na bagay kayo sa game namin!
JANE: (Natatawa na may halong kaba) Jusko hindi ko ko yan partner, tyaka wag nyu na ko idamay jan. (pag iisip ni JANE)
CARL: Ahh hehe hindi pa kami couple, we're Dating palang.
COMMEDIAN2: Ayyy ang taray naman pala ohh pwede pa pala kitang maagaw sa kanya. Daba bebe? (sabay dikit nito ng pisngi sa pisngi ni CARL)
COMMEDIAN1: Since dun din naman papunta yang pa Dating dating nyu, sumali nalang kayo sa Game namin carry ba? malay nyu mas mabuo yung pag sasama nyung dalawa sa larong to!. (kinikilig na sabi)
CARL: Ahh teka tanungin ko muna tong kasama ko.
Wala akong imik, kinakabahan ako hindi ko alam kung anung pa games ba yan, baka mamaya may halong ka eklabuhan yan. Ganito pa naman dito sa Comedy Bar. (sa isip isip ni JANE)
CARL: Anu JANE sali ba tayo? Tara! (hihilahin ang kamay ni JANE)
JANE: Ayy teka teka..
CARL: Sige na pleaseeee!
COMMEDIAN1: Ganda mo gerl! Kung ako lang partner nyan gora lang ng gora!
JANE: Ehh nahihiya ako.
COMMEDIAN2: Ano kaba wag ka ng mahiya. Perfect na perfect kayong couple sa Game namin.
CARL: Anu JANE? (mahinhin na pag aaya ni CARL)
Wala akong nagawa kundi umokey na. Paano ba naman kasi 3 sila 1 lang ako. Ed kayo na! 
Habang papalapit kami sa STAGE, naririnig ko yung mga nasa bar na.
Uii ang perfect nga nila, ang gwapo at ang ganda.
Uu nga ang bagay na bagay! Kakainlove!
Ang gwapo at ang ganda nung girl!
Nakaakbay pa sakin si CARL papuntang Stage.
Meyged! kinakabahan ako!
COMMEDIAN2: Okey ganito ang gagawin nyo!
Excited kaba sa pa game ng mga Beki? Sa larong ito kaya mas mapapalapit si JANE at CARL?
TYPE YES kung excited ka sa susunod na PART! HIHIHI 

Comments

Popular Posts