Story of Mokong & Mokang PART 32 By: Norbie Borja


Nung marinig ko yung Maid nila MOKONG na sumigaw ng "Sirrr!!! Nandito na sila!" bumilis ng x10 ang tibok ng puso ko Kalokanes, ready na ba talaga ang sarili ko na ma meet ang Family ng lalakeng pinaka mamahal ko? Wala naman sanang problema kung hindi lang kami nag karoon ng Bad incident ng Step Mother ni MOKONG.
Naunang pumasok sa pintuan ang isang lalaki na may dala dalang maleta, akala ko yun na ang DADDY ni MOKONG pero isa sa mga assistant lang pala niya. Sumunod na pumasok sa pintuan ang isang lalaki na inaalalayan ng isa pang lalaki. Marahil yung inaalalayan ang DADDY niya, pero parang tila may kakaiba sa kanya? na confirm ko lang ng biglang nag salita si MOKONG.
CARL: Welcome Back Daddy! (napatayo sa kinauupuan at biglang nanlumo)
CARLITO: Ohh CARL, Thank You! Nandito kana pala.
Nag tataka ako kung bakit hindi sakin naka tingin si DADDY nung binati ko siya, may benda din ang ulo niya. Habang lumalapit siya samin ni MOKANG, inaalalayan siya ng assistant niya. Kaya hindi na ako nag paligoy ligoy pa at nagtanong agad ako sa kanya.
CARL: Dad, I wanna ask something.... What happened?
CARLITO: Ahhmm
Mag sasalita na sana yung assistant ng DADDY ni CARL ng biglang.
CARLITO: Allow me to explain...CARL, sorry if I didn't tell to you about this. (Huminga ng malalim) I lose my eyesight... (malungkot na sabi nito)
CARL: Whattt???! How? edi ba nag papa gamot kayo sa America?
CARLITO: Yes, continues naman ang pag papagamot ko. Kaya ako nag ka ganito dahil sa isang CAR accident. Pauwi na sana ako sa Condo ng biglang nawalan ng preno ang sinasakyan ko, wala akong magawa kundi ibangga nalang ito sa isang poste. Maswerte ako dahil hindi nag karoon ng damage sa ibang bahagi ng katawan ko at hindi ako na comatose sa lakas ng impact ng pag kakatama ng ulo ko, kaya lang naapektuhan ang cornea ng mga mata ko na naging way para mawala ang paningin ko.
Nagulat ako sa naging pahayag ng DADDY ni MOKONG, tila hindi ko lubos maisip na sa pag kikita naming ito ay hindi pala namin masisilayan ang isat isa.
CARL: Teka! Bat hindi nyu agad sinabi sakin to?!
CARLITO: Sorry, if I did not. Ayoko lang mag alala ka sakin.
CARL: Ayun na nga DAD ehh.. Pero sana manlang pinaalam mo sakin ng mas maaga, edi sana nagpunta ako ng America para maalagaan ka. Kaya pala recently hindi kita makausap, puro nalang si GEORGE (Assistant) ang nakakausap ko. Wala manlang akong kamalay malay sa ng yari sayo.
CARLITO: Ayos lang ako CARL, wala kang dapat ipag alala. Tyaka ayokong storbohin ka sa mina manage mong company.
CARL: Hindi naman importante yun, kaya kong iwanan panandalian yun. Mas mahalaga para sakin yung health mo DAD. Hindi ko hahayaan na may mang yari pa sa inyu, gaya ng nangyari kay MOMMY.
CARLITO: Okey na ako CARL, I accept my faith. GOD has a reason kung bakit ako nag ka ganito, tyaka hindi naman ako pinabayaan ng MOMMY SILVIA mo.
CARL: Speaking of MOMMY nasan pala siya?
Napatingin kami ni MOKONG biglang sa gawing pintuan ng bahay nila, nagbabaka sakali na bigla nalang sumulpot dun ang MOMMY niya.
CARLITO: Hindi pa makakauwi ang MOMMY SILVIA mu, may mga inaayos pa siya sa Amerika. May mga aayusin pa siya para sa Business natin don. But she promised that she will arrive the day before our Anniversary.
CARL: Sana hindi na rin muna kayo umuwi, nag pahinga nalang kayo dun. Kaya ko naman i handle ang lahat dito.
CARLITO: Nag promise ako sayo remember? na pupunta ako. At ayoko kitang biguin.
Medyo nabunutan ako ng tinik nung marinig kong hindi ko pa makaka meet ang MOMMY ni MOKONG, pero sobrang nalungkot ako sa sinapit ng DADDY niya. Parang kelan lang pinag darasal pa namin siya para mas mag karoon ng magandang Health. Pero marahil ay tama din siya, may purpose si GOD kung bakit siya nag ka ganun.
Hinawakan ni CARL ang kamay ng DADDY niya.
CARL: Hindi ko akalain DADDY na hindi mo na ako masisilayan pa, sobrang saya ko pa naman nung malaman kong uuwi ka. (habang naluluha luha)
CARLITO: Don't be sad, sabi ng mga Doctors ko may possibility pa naman na makakita ako, yun nga lang kung may eye donor na mag dodonate and it should be compatible sakin.
Bigla akong nabuhayan nuong sinabi ni DADDY na may pag asa pa pala siyang maka kita. Pero labis padin ang aking pang hihinayang, paano nalang kung hindi kami makahanap ng eye donor for him.
CARL: Gaano daw katagal bago makahanap ng donor?
CARLITO: Hindi ko na din tinanong ang mga Doctors, kung meron man na dadating labis akong mag papasalamat, if wala naman, mag papasalamat padin ako dahil kahit papano nasilayan kitang lumaki at maging successful. Yun nga lang sana makita ko din ang magiging pamilya mu at magiging apo ko.
Biglang hinawakan ni CARL ang mga kamay ni JANE.
CARL: DAD, I have to tell you this. I'm with my partner...
CARLITO: What do you mean? (habang nag tataka)
Kinuha ni CARL ang kamay ng DADDY niya at ipinahawak kay JANE
CARL: I want you to meet JANE CRUZ. Siya po ang Fiance ko.
Nagulat ako sa sinabi ni MOKONG, grabe Fiance agad? eh isang buwan pa nga lang kami. Kaloka talaga tong lalaking to.
CARLITO: Fiance??
CARL: Ayy, sorry na carried away lang ako. She is my Girlfriend.
JANE: Hi po. (sabay ngiti)
CARLITO: Owww Hi! (sabay ngiti nito at shinake hands ang kamay ni JANE) Ikaw CARL huh! Bakit hindi mo sakin sinabi agad na meron ka na palang bagong Girlfriend?
CARL: Eh kasi DAD gusto ko sanang i surprise ka, pero ako pala ang ma susurprise sa naging sitwasyon mo. (sabay nalungkot)
CARLITO: Talagang na surprise mo ako! Sayang nga lang at hindi ko siya makikita. But I think she is pretty, I know your taste right?
CARL: He..he.. hindi naman po yun ang dahilan kung bakit ako nag ka gusto sa kanya, proud po akong sabihin sa iyo na mabait at napaka maaalalahanin pa. diba MOKANG?
JANE: Ahh ehh, bolero talaga yang anak nyu po.
CARLITO: What is MOKANG?
CARL: Ayy DADDY, tawagan po namin yun. MOKONG kasi ang tawag niya sakin. hehe.
CARLITO: Really? kakaiba ah?
CARL: Yup, kakaiba talaga. Dahil kakaiba din yang babaeng pinaka mamahal ko. Walang kapares, kundi ako.
CARLITO: Miss JANE, maaari ko bang hawakan ang iyong mukha?
Nuong marinig ko yung sinabi ng DADDY ni MOKONG, kinabahan ako ng biri biri slight. Baka mamaya lamutakin nya ang mukha ko, paano nalang ang pag momowdel ko huhu charot!.
JANE: Ahh sureee po.
Hinawakan ng DADDY ni MOKONG ang mukha ko, sinimulan nya sa aking mga mata. Kina kapa kapa niya ito, natakot ako baka bigla niya nalang dukutin at ilagay sa mata niya. Chos lang, pinisil pisil niya din ang pisnge ko at ilong. Hahawakan sana ng DADDY niya ang labi ko ng biglang....
CARL: Oppsss DADDY, para sakin lang yan.
CARLITO: Kaw talaga.. Iniimagine ko lang kung anu itsura ng Girlfriend mu. (sabay na ngisi ngisi)
CARL: Hihi, anu masasabi mu DAD?
CARLITO: (biglang nag two thumbs up)
Juske, manang mana talaga si MOKONG sa DADDY niya yung gesture na pag two thumbs up siyang siya.
CARL: Siya nga pala naipakilala ko na din siya kay MOMMY.
CARLITO: MOMMY SILVIA?
CARL: Nope DAD, my real MOM.
CARLITO: Alam niya na pala ang totoo?
JANE: Opo sinabi na po sakin ni CARL.
CARL: Wait DAD, punta lang ako sa kitchen prepare ko yung food na hinanda ko. Para makapag dinner na din tayo.
Iniwan kami ni MOKONG saglit dahil hinahanda niya ang dinner na aming pag sasaluhan. Makalipas ang ilang minuto bumalik siya at inakay ang DADDY niya papunta sa hapagkainan.
CARL: DAD, kaya nyu po bang kumain?
CARLITO: Medyo nag pa practice palang ako sa pangangapa, but don't worry soon magagamay ko din.
Lumapit si MOKONG sa DADDY niya.
CARL: I will help you DAD.
Napansin ko nalang na naluluha na ang DADDY ni MOKONG, marahil ay kinaaawaan nya ang sarili niya dahil sa ng yari sa kanya.
CARL: Ohh DAD, bakit po?
CARLITO: Wala anak, sige let's eat na.
CARL: Pray muna tayo DAD ah.
CARLITO: Aba marunong kana mag dasal ah? naninibago ako sayo.
CARL: Opo DAD, binago kasi ako ng babaeng kasama ko. Siya ang nag turo sakin kung paano mag pasalamat sa lahat ng Blessings na ating natatanggap.
CARLITO: Tama ka, yan ang naging pag kukulang ko. Kaya siguro binigyan ako ng challenge na mag ka ganito, dahil nawawala ang Faith ko. Now i've realized that, prayer is the most powerful action against trial.
Pag katapos namin mag dasal, kumain na kami. Inaalalayan ni MOKONG ang DADDY niya sa pag kain. Saludo na talaga ako sa lalaking ito, ngayon ko mas nakita kung gaano siya kabuting anak. Kahit na nag karoon siya ng pag tatampo sa DADDY niya dahil sa tunay niyang ina, hindi ito naging hadlang upang maging mas mabuti siyang anak.
Kalahating minuto pag katapos namin mag Dinner, nag sabi na ako kay MOKONG na uuwi na ako. Gusto ko rin kasi ma bigyan sila ng time mag DADDY para sa isat isa.
JANE: MOKONG, uuwi na ako.
CARL: Maaga pa naman ah.
JANE: Tignan mo yung oras, ohh anung oras na?
CARL: Ahmm oras oras mamahalin ka.
JANE: Nagawa mo pa talagang bumanat, kahit alam kong malungkot ka.
CARL: Ihahatid na kita.
JANE: Wag na MOKONG, bigyan mo muna ng mas madaming oras yung DADDY mu. Alam kong na miss mo siya, lalo na sa naging sitwasyon niya ngayon kailangang kailangan ka niya.
CARL: Sigurado kaba MOKANG? ayyy teka ipapahatid nalang kita kay MANONG.
Tinawag ni MOKONG yung driver nila at ipinahatid ako. Hindi ko talaga inaasahan ang pangyayaring ito. Nakatulala lang ako sa sasakyan habang papauwi. Naalala ko lang biglang yung mga pinag usapan namin ng DADDY ni MOKONG habang abala siya sa pag hahanda ng dinner kanina.
==FLASH BACK==
Nung iniwan ako ni MOKONG katapat ang DADDY niya, kinakabahan ako baka bigla akong i hot seat nito at kung anu anu ang tanungin tungkol sa anak niya. Hindi nga ako nag kamali ng bigla siyang mag salita.
CARLITO: Ahmm JANE, are you still there?
JANE: Yes po TITO. (wow maka TITO talaga ako feeling close na close.)
CARLITO: gaano na kayo katagal ng anak ko?
JANE: Ahmm kaka 1 month palang po namin.
CARLITO: Bago lang pala kayo, so how's CARL as your partner?
JANE: Ahh ehh naku po napa ka effort niyan, napa ka bait at maaalahanin.
CARLITO: Alam mo may kakaiba akong nararamdaman sayo.
Bigla akong kinabahan sa mga susunod na bibitawang salita ng DADDY ni MOKONG.
CARLITO: Nung hinawakan kita, yung presence mo sakin kakaiba. Tama nga yung mga sinabi ni CARL na given na you are pretty, but the most important thing is I know you have a good heart.
Juske, alam ko na talaga kung kanino nag mana si MOKONG, grabe din maka bola tong DADDY niya. (sa isip isip ni JANE)
JANE: Ahh ehh.. salamat po.
CARLITO: I have a favor, is it okey?
JANE: Anu po yun?
Aambang aabutin ang kamay ni JANE, pero dahil hindi niya makita, si JANE na ang nag kusa upang hawakan ang kamay ng DADDY ni CARL.
CARLITO: Alam kong mahal mo ang anak ko at alam kong mahal na mahal ka rin nya. Sana hindi ka mag sawang mahalin at pahalagahan siya. Alam mo naman na malapit na ako sa finish line, kaya if ever na kayo ang mag katuluyan sa isat isa. Wag na wag mo siyang pababayaan, malakas ang kutob ko na isa kang mabuting babae. At darating ang panahon na magiging mabuti kang ina sa mga anak mu. Sana lang na ang mga magiging anak mung yan ay siya ring magiging apo ko.
(sabay ngumiti)
JANE: Wag po kayo mag aalala TITO, Mahal na mahal ko po ang anak nyu. Kahit naaa....
Iniisip ko kung sasabihin ko sa kanya yung tungkol sa ng yari samin before ng MOMMY SILVIA ni CARL, pero mas pinili ko nalang na hindi ituloy.
CARLITO: Na alin?
JANE: Ahhmm wala po TITO, masayang masaya po ako sa pag mamahal na ibinibigay ng anak nyu sakin. Kaya makakaasa po kayo na higit pa dun ang ipaparamdam ko sa kanya.
CARLITO: Ngayon palang nag papasalamat na ako sayo iha, pasensya kana nadatnan at nakilala mo akong may ganitong kapansanan.
JANE: Hindi naman po importante kung nag karoon kayo ng kapansanan, ang importante sakin ay nakilala ko ang isa sa pinaka special na tao sa buhay ng pinaka mamahal ko.
CARLITO: Maraming salamat JANE, kampante ako na nasa mabuting babae ang anak ko. (habang naluluha)
Nung makauwi ako sa bahay...
MAMA JADE: Ohh nak! Kamusta? sinaktan kaba nila? anung ginawa nila sayo? susugudin ko naba? (sabay check sa katawan ni JANE)
JANE: Hindi po..
MAMA JADE: Ohh ehh bat hindi maipinta yang mukha mo?
Ikinuwento ko kay MAMA ang ng yari sa DADDY ni MOKONG, pati siya ay lubos na nalungkot. Alam kong naging malungkot si MOKONG sa sinapit ng DADDY niya, parehas na parehas ang naging aksidente ng MOMMY at DADDY niya. Pero kahit papaano nag papasalamat padin kami dahil nakaligtas siya. Iba talaga mag laro ang kapalaran, hindi natin hawak ang mang yayari satin. Habang nag aayos ako ng kwarto biglang may tumawag.
JANE: Ohh helo MOKONG, bat napatawag ka?
CARL: Gusto ko lang sana alamin kung nakauwi ka ng maayos.
JANE: Opo naman. Ikaw ayos kana ba jan?
CARL: Medyo nalulungkot padin, pero wala naman akong magagawa kasi ng yari na.
JANE: Pray nalang natin si DADDY mu na soon mag karoon ng donor for his eyes.
CARL: Sana nga MOKANG.
JANE: Gusto mo tawagan ko si KELLY? at ipa donate natin ang mga mata nya?
CARL: Hehe loko ka talaga.
JANE: Biro lang! Pinapatawa lang kita. Ahmm MOKONG..
CARL: Yes po?
JANE: Napansin ko lang, diba yung MOMMY mu namatay sa isang Car accident? Tyaka ang sabi mu nawalan ng preno yung sasakyan nya? Tingin mo coincidence lang ang mga ng yari between your MOM and DAD?
CARL: Hmmm.. wala naman sigurong may balak na masama kay DADDY, ayuko rin mang bintang. Wait MOKANG tinatawag lang ako ni DADDY, ill call you back later. Labyu po.
JANE: Labyu too MOKONG ko. Muahhh!
Hindi maalis sa isipan ko yung sinabi ni MOKANG sakin, ayokong mag isip ng masama pero wala naman sigurong masama kung may possibility nga.
CONRAD: Yes sir CARL?
CARL: Mag kita tayo bukas I need to talk to you personally.
CONRAD: Sige sir CARL no problem.
Binaba ang cellphone.
CARL: (Huminga ng malalim) Sana tama tong magiging desisyon ko.
.
.
.
.
.
Ang bilis ng araw. Mamaya na pala yung event, kinakabahan ako sa magiging performance namin ni MOKONG. Pero mas kinakabahan ako dahil sa harap ng MOMMY niya namin yun gagawin, sana lang maging maayos ang lahat.
KELLY: Ohh ayan, super duper ganda mo na BESHY! Worth it na worth it ka talaga maging Mowdel! Sobrang bagay sayo yang red outfit.
MAMA: Ou nga nak, pag tapos mo pasukat din nyan ah! (habang kinikilig)
KELLY: As if naman MADER na kakasya sayu yan, baka mag mukha kang Christmas Ball kapag suot mu yan hihi.
MAMA: Ang hard mu talaga sakin KELLY, dali na i retouch mu nga ulit yung make up ko. Dapat hindi rin mag papatalo ang looks ko.
JANE: Hayssss!super kabado ako, pakinggan mo yung tibok ng dib dib ko (aambang hahawakan ang kamay ni KELLY)
KELLY: Eewwww ka! I don't touch that. Alam mo naman kung anu lang yung hinahawakan ko.
JANE: Harot mo talaga! Huhu sana maging okey ang lahat!
MAMA: Basta nak, nandito lang ako for you. Kapag inaway ka nyang mangkukulam na yan, ipapakulam ko siya. Biro lang nak. Pakita mo lang yung JANE na minahal ni CARL at siguradong magiging okey ang lahat.
KELLY: Wag ka ng mag alala jan.
MAMA: Tama nak, sabi nga ni CARL. Everythings gonna be fired.
KELLY: Anung Fired MOMMY? baka Fine, kaloka patatalsikin lang? you're fired! ganern?
MAMA: Ayy sorry naman, lam mu naman mahina si MAMA sa English. Pero at least hindi nag kakalayo. hihi
JANE: Teka nasan nga ba si MOKONG?
KELLY: Ayun ohh may kausap sa Phone, mukhang kausap yung dragonesa nyang STEP MOM.
JANE: Loka ka! baka mamaya may makarinig sayo.
Habang kinakalma ko ang sarili ko sa harap ng salamin, biglang lumapit si MOKONG samin.
CARL: Nanjan na daw sila MOMMY.
BERNEY: Guyss!!! The show is about to start!
Gravity! Mag sisimula na! Gusto kong himatayin sa sobrang kaba, LORD please sana maging okey ang lahat!
.
.
.
.
Maganda ang naging pakikitungo ng DADDY ni CARL kay JANE, ganun rin din kaya ang MOMMY SILVIA niya?
o isa syang malaking hadlang para sa relasyon nilang dalawa!
Anu kaya ang dahilan kung bakit gusto makausap ni CARL si CONRAD?
.
.
.
Abangan sa nag iisang FB Serye na Pakikiligin ka! Paluluhain!, Patatawanin! at Bibitinin sa mga kapana panabik na eksena!
Gusto nyu bang i share ang kilig ng ating FB SERYE? Tag nyu na sila!!!
Wag ding kalimutan mag bigay ng bonggang comment nyu! Para ma DEDICATE sayo ang susunod na eksena!

Comments

Popular Posts