Story of Mokong & Mokang PART 27 By: Norbie Borja


Takang taka ako kung sinu ba yung naka Maskara na papalapit sa akin. Nung malapit na siya, kalokanes naka maskara siya ng PANDA.
JANE: Ayy nako MOKONG, halatang halata kana. Hubarin mo na nga yan. Pa maskara maskara kapang nalalaman.
Lalapit na sana ako sa kanya ng bigla nalang ako na paisip, eh panu naman magiging si MOKONG to eh iba ang hubog ng
katawan nito sa kanya. May pandesal din kaya siya? (habang kinikilig kilig ng naiimagine yung ginawa ni MOKONG sa competion)
Lumapit siya tapos may inabot siya sa aking bagay na tila isang malaking puzzle, natuwa din ako ng may kasama pa itong maliit na stuff toy na PANDA .Ginuide niya ako at tinuturo sa pupuntahan ko. Sa pag lalakad namin, may nadatnan na naman akong isang taong naka maskara ng PANDA. May inabot din siya sakin kagaya nung nauna. Dumaan sa pangatlo hanggang maka sampong taong naka PANDA maskara na ako. Pero duon sa huling panda na nadatnan ko, naka tayo siya sa tabi ng isang Sand Castle na may naka ukit na I  YOU MOKANG.
Habang pinag mamasdan ko yung Sand Castle nakita kong papalapit sakin si MAMA at KELLY, nakamaskara pa sila ng PANDA. Akala nila hindi ko sila makikilala. In denial pa ang dalawa nung tinatanong ko sila. Kinuha nila yung mga hawak ko at inilagay sa isang malaking paper bag. Pag katapos bigla nila akong piniringan.
JANE: Uii MAMA! KELLY! anu meron? bakit may pa piring piring pa? baka mamaya dalhin nyu ko sa dalampasigan at ipaanun nalang ha!
MAMA: (Nilalakihan ang boses) Hindi Miss!
Kaloka san kaya nila ako dadalhin? Nung tila makarating na kami sa pwesto, inalis nila yung piring sa mata ko. Bumungad sa aking ang isang location na sobrang dilim.
PLEASE PLAY THE SONG before READING it.
"Forevermore By Side A
"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Habang nililingon lingon ko yung paligid wala ako masyadong maaninag. Hangang sa biglang nag karoon ng spotlight sa akin at sa may unahan. Biglang tumunog ang isang gitara, gitara na pinapatugtog ng lalaking nasa unahan na naka puti. Si MOKONG nga!!! Habang kasabay ng pag awit niya, naka tingin lang siya sakin habang inaawitan ako ng napaka lamig na boses niya. Omeygewdddd hindi ko akalain na marunong din pala itong lalaking to mag gitara. Wala na akong masabi, napakagwapo, may kaya sa buhay at napaka talented pa. Dinala ako nila MAMA at KELLY sa isang upuan, buti naman at
nag alis na sila ng maskara nila. Habang nakikinig kami sa pag awit ni MOKONG, nakita ko si MADER at KELLY na maluha
luha. Aba daig pa ata ako ng dalawang ito, affected masyado kung makapag drama wagas. Napatingin ako kay MOKONG
at ngi ngiti ngiti pa ito sakin na may pakindat kindat pa. Ako naman nag poker face sa kanya, sabay siya naman nag pa
cute lang. Napapansin kong papalapit si MOKONG sa akin.Inaaya niya akong sumama dun sa may unahan, nagulat ako ng tumayo si KELLY.
JANE: Manahimik ka jan, ako yung sinasama hindi ikaw.
KELLY: Sorry naman BESHY akala ko aketch ang tinatawag ni Papa CARL.
Mag katabi na kami ni MOKONG, titig na titig lang siya sakin habang kumakanta. Sa pag kanta nya nag flash back sakin
lahat ng mga magagandang pang yayari. Simula sa pag kakakilala namin, panliligaw niya, pag sagot ko sa kanya at iba
pang masasayang moments kasama siya. Hindi ko namalayan na tumulo na pala yung mga luha ko. Habang nasa harap,
isa isa akong inabutan ng paborito kong bulaklak ng mga naka maskara na PANDA. Grabe kotang kota ako ngayon, may
mga Stuffed Toys na akong Panda ngayon may pa bulaklak pa si MOKONG. Nung matapos si MOKONG sa kanta niya,
hinawakan niya yung dalawang kamay ko.
CARL: MOKANG ko...
JANE: Yess po my MOKONG?
CARL: Kung ihahalintulad ko sa isang kanta yung relationship natin alam mo kung anu magiging title nito?
JANE: Hmmm Wrecking Ball? o di kaya yung kinanta ni MAMA.
MAMA: Nakkk Chandelieeeer!
Aamba pa sanang kakanta si MAMA pero agad tinakpan ni KELLY yung bibig niya.
CARL: Ayyy. tskkk.
JANE: O sige na nga anu ba dapat?
CARL: Syempre yung kinanta ko, FOREVERMORE, alam mo kung bakit?
JANE: Bakit pow?
CARL: (habang nanginginig ang boses) You were just a dream that I once knew, I never thought I would be right for you, I
just can't compare you with Anything in this world You're all I need to be with FOREVERMORE.Bigla akong niyakap ng mahigpit ni MOKONG, nararamdaman ko nalang na humihikbi na siya.
JANE: Naku nemern, ang drama naman ng MOKONG ko, don't cry na.
CARL: MOKANG, sorry kung nagiging emotional ako. Sobrang saya ko lang talaga, kasiyahan na hindi matutumbasan ng kahit sino pa man.
JANE: Mas pinasasaya mo ko sa tuwing kasama kita. Kulang ang araw o kahit gabi ko kapag hindi kita nakikita.
Humarap sakin si MOKONG, hinawakan nya ako sa Mukha. Habang papalapit ng papalapit yung mukha nya, napa pikit ako. Napanguso ako, pero na hopia na naman ako. Naramdaman kong dumampi sa nuo ko yung matamis na halik ni MOKONG. Sabay ni nose to nose niya ako. Bigla akong napaisip kung nakapag toothbrush ba ako, baka kasi maamoy niya yung hininga ko. Bago pa naman ako maligo nilantakan ko yung daing na dala dala ni KELLY. Nung mag kalayo na ang mukha namin ni MOKONG sa isat isat, napa harap ako kyla MAMA. Wala sila sa upuan. Nag tatataka ako kung nasan sila, pag harap ko sa gilid ay KALOKA, iniisa isa pala nila yung mga lalaking naka PANDA maskara. Kinuha ko yung mic kay MOKONG.
JANE: Woiiii anu yan?!
MAMA: Ayyyy nak sinamahan ko lang si KELLY, baka daw isa sa naka maskara yung FOREVERMORE niya din.
Agad hinila ni MAMA si KELLY at naupo sa kinauupuan nila.
CARL: MOKANG, diba may mga puzzle kang nakuha kanina?
JANE: Ayyy opo na kayla KELLY.
KELLY: Eto BESHY!
Kinuha ni CARL yung mga PUZZLES
JANE: Para san nga ba yan?
MAMA: Nak PUZZLE yan! PUZZLE!
Kaloka si MADER, alam ko namang PUZZLE pieces yung hawak ni MOKONG. Naiintriga lang siguro ako sa mabubuo dun.
Lumapit yung dalawang lalaking naka Maskara Panda at may dala silang malaking board. Duon ko siguro bubuoin yung bigay ni MOKONG. Inabot sakin ni MOKONG yung mga PUZZLES pieces, napatingin ako sa kanya at nangingisi ngisi siya. Ano nanaman kayang pakulo ng lalaking ito, wala na akong inaksaya pang oras at agad ko itong binuo. Nung mabuo ko na bumungad sa akin ang dalawang couple PANDA. Mag kaharap sila sa isat isa, yung guy may hawak pang Red Rose. May nakasulat sa ilalim nito pero hindi kompleto.
CARL: Alam mo ba kung bakit kulang ng isang piece?
JANE: Ou nga naman nasan ba? teka baka naiwan sa bag na dala ni KELLY.
KELLY: Wala dito BESHY.
CARL: Wala talaga jan, kasi nasa akin.
Inilabas ni CARL yung huling piraso ng PUZZLE, hinalikan niya pa ito saka inilagay. Pag ka lagay ni MOKONG, nakumpleto ang salita sa isang malaking larawan. Binasa ko ito.
JANE: You Complete ME 
CARL: Yes Miss JANE CRUZ ang MOKANG ng buhay ko, isa kang napakalaking piraso ng PUZZLE na masasabi kong
kumumpleto ng pagkatao ko. The day I met you, I found my missing piece. You complete me and make me a better person.
You make me smile when I have no reason to. When everything in my life is going wrong, I call you and you make everything better. Mahal na Mahal kita MOKANG ko, hindi ko matutunan ang totoong kahulugan ng pagmamahal kung hindi kita na kilala. Kaya salamat, salamat talaga.
Bigla akong naluha sa sinabi ni MOKONG, hindi ko kasi masyadong na gets yung English niya. Charot lang syempre.
Naluha ako kasi masyado akong na aantig sa message ni MOKONG.
CARL: Pwede ba kitang isayaw MOKANG?
JANE: Maari ko bang tanggihan ang MAHAL ko? Syempre ikaw pa ba!
Habang mag kayakap at hinehele namin ni MOKONG ang isat isat, napatingin ako bigla sa isang lalaki na naka Maskara.
Kalokanes si KELLY kayakap niya din. Ang harot talaga nitong BEKI na to. Biglang lumapit si MAMA samin.
MAMA: Nakk, gutom na ko di paba tayo kakain?
Akala ko naman kung ano yung sasabihin ni MADER, ayun pala nagugutom na pala siya.Bigla kaming kumalas ni MOKONG sa pag kakayakap para maka kain na.
CARL: TITA sige lets eat na po, sorry medyo napa haba ang seremonya ko para kay JANE.
MAMA: Naku wala yun, alam ko namang napaka special sayo nung celebration na to.
Nung nakaupo na kami, hinahanap namin si KELLY. Ayon pala ang BEKI kasayaw parin yung naka maskara ng PANDA.
MAMA: Aba mukhang bet na bet yung kasayawan niya ah.
Kung ano ano na din ang natututunan na BEKI Language ni MAMA kaka sama kay KELLY, nilapitan ni MAMA si KELLY at
pinag kalas dun sa lalaking kayakap nito.
KELLY: Wait MOMMY! Nag mamahalan kami!
MAMA: Anung nag mamahalan kaka kilala nyu lang mahal agad? Ikaw talagang bata ka kukurutin ko na talaga singit mu.
KELLY: Ganun po ba yun?
MAMA: Halina at kanina pa nag wawala yung tyan ko sa gutom.
As usual, bago kami kumain nina MOKONG nag pray muna si MADER. Super saglit lang ng pray niya, paano gutom na gutom na. Si KELLY naman ayun katabi yung lalaking naka panda maskara.
CARL: Kain po kayo ng madami TITA ah, sorry ulit at natagalan.
KELLY: Naku okey lang CARL, makakapag uwi naman ako ng souvenir.
MAMA: Asan ang souvenir?
KELLY: Eto oh katabi ko.
MAMA: Bakit maiuuwi mo ba sa Manila yan?
KELLY: Diba babe, type mo din ako?
MAMA: Type agad? aber nakita mo naba itsura nyan? kanina pa naka maskara yan ah!
KELLY: Ayy uu nga pala, Babe alisin mo na nga yang maskara mo paano ka makakakain ng maayos niya.
Napatingin kami nina MOKONG dun sa lalaking naka panda maskara. Habang inaalis niya yung maskara niya, si KELLY excite na excite. Nung maalis na nung guy, napa nga nga si KELLY. Paano hipon ang nabingwit niya, ganda katawan,
tapon ulo. Bigla napa halakhak ng malakas si MAMA.
KELLY: Owwwmeygewd, babe, I think tama si MOMMY JADE, ka ka kilala palang natin. Kaya sige na please susundin ko siya.
Pinaalis ni KELLY yung lalaking nasa tabi niya, kalokanes tong BFF ko. Napaka choosy din pala.
MAMA: Oh ano? ayan ayan sige gora ng gora hindi muna kilatisin, eh lubog na lubog ang pisnge nun baka mamaya nasa
watch list pa yun ng mga i totokhang!
KELLY: Kaya nga MADER, pina larga ko na mahirap na baka ma massacre ako ng bongga.
Pag katapos namin kumain, umuwi nadin kami nila MOKONG. Napaka dami naming pagod ngayong araw. Pumasok na agad kami sa kwarto. Dala dala niya yung mga PUZZLES at lalo na yung mga Maliliit na panda na binigay niya sakin.
Habang inaayos ko yung mga panda.
JANE: Yeheyyyy may mga kapatid na agad si BABY CANE. Ikaw si CANE1,2,3,4,5,6,7,8,9,10.
CARL: Wow ang dami na ng babies natin ah...
JANE: Hihi ou nga po eh.
CARL: Gusto mu ba ganyan din kadami sa totoong buhay? (habang nangingisi ngisi)
JANE: Tseee! Pero hmmm siguro kahit ilan, basta bunga ng pag mamahalan natin.
CARL: Sige bubuo tayo ng isang basket ball team.
JANE: Ayyy grabe siya, ginawa mo naman akong factory ng mga bata. Baka yung bahay bata ko mag wala na nyan.
CARL: Ito nga palang PUZZLE, ipapa frame ko pag uwi ng MANILA. Para ma display mu sa inyu.
JANE: Ayy tama ka sa kwarto ko yan ilalagay hihi, maraming salamat talaga MOKONG ko ha?
CARL: Walang anu man po. Medyo inaantok na ako MOKANG, tulog na po tayo. Bukas kasi pupuntahan nanatin yung mga activities dito sa BORA (Habang humihikab)
Dahil parehas nadin kaming nakaramdam ng antok ni MOKONG na tulog na rin kami agad. Excited na din akong mag umaga dahil sa mga activities na pupuntahan namin.
.
.
.
.
.
.
Kina umagahan...
MAMA: KELLY lumabas kana jan ng kwarto kunan mo naman ako sa suot ko.
Pag ka labas ni KELLY nagulat ang MAMA ni JANE.
MAMA: Jusko mahabaging langit, san mo tinago si JUNJUN?
KELLY: Sabi ko naman sayo MADER wala na akong JUNJUN.
MAMA: Abay napaka seksi mo jan sa swimsuit mo ah?
KELLY: Ganyan talaga, para madaming OTOKOng mabingwit mamaya.
Habang hinahantay namin si MOKANG lumabas ng kwarto. Tawa ako ng tawa sa mga kalokohan ng MAMA ni MOKANG at
ni KELLY. Mukhang talaga ngang naging close na silang dalawa. Nabaling ang tingin ko ng bumukas ang pintuan. Napa tingin ako mula ibaba hanggang pataas na mukha ni MOKANG. Shhh***t ang seksi niya sa pulang swimsuit na suot niya. Pero may pang labas naman sya na parang net dress para pang cover kahit papanu sa swimsuit na suot niya. Agad akong napatayo at lumapit kay MOKANG.
JANE: Ayos lang ba? medyo naiilang ako sa suot ko.
MAMA: Nak gusto mo palit tayo, sayo tong suot ko ako nalang mag swimsuit. (sabay ngiti nito at taas taas ng kilay )
CARL: You look gorgeous and stunning MOKANG ko.
Hinawakan ni MOKONG yung kamay ko na tila ayaw ng bitawan, agad kaming nag tungo sa pupuntahan namin. Mag
parasailing daw kami. Yung tila napaka laking saranggola na hinihila lang ng boat.
JANE: MOKONG kinakabahan ako, ang taas taas pala nyan. Paano nalang kung mahulog ako, hindi pa naman ako marunong lumangoy huhuhu.
CARL: Don't worry, edi sasagipin kita. Gaya ng pag sagip mo sa puso ko.
JANE: Asusss, bakit nalunod kaba dati. Patawa ka talaga jan.
Nung pumuwesto na kami at kinabitan ng mga harness, unti unti na kaming hinihila ng bangka, napakabilis ng andar nito para mas maitaas kami. Nakapikit lang ako ng madiin.
CARL: MOKANG, dilat kana nasa taas na tayo.
Unti unti kong dinilat yung mga mata ko at nakita ang napaka gandang view ng BORACAY.
JANE: Emeeeygewd! Ang ganda!!!
CARL: Wooaaa!!! Ang ganda ng view, ang ganda din ng kasama ko!!! (sigaw ni CARL)
JANE: uii mag hunos dili ka nga jan, teka may pating ba sa ibaba? baka mamaya meron huhuhu.
CARL: Wala MOKANG. Alam mo kung anu lang meron?
JANE: Anu?
CARL: Lalaking PATING in tingin sayo.
Tumingin ng malagkit sa akin si MOKONG, with matching kagat labi pa. Bigla kong pinisil ang ilong niya at niyakap siya ng mahigpit. Nung makababa kami, agad kong hinanap sina MAMA. Mag ka hiwalay kasi kami ng BOAT, nasa kabila sila ni
KELLY. Napalingon nalang ako ng may bigla akong narinig na napaka lakas na tiliJuske, si MADER EARTH sobrang lakas ng sigaw. Habang si KELLY tawa lang ng tawa sa kanya. Natatakot tuloy ako baka mamaya bigla siyang atakihin sa puso, buti nalang kumalma siya at nag enjoy nalang sa view.
Pag katapos namin mag parasailing, isinakay kami ni MOKONG sa isang bangka. Kumuha siya ng private boat for us para libutin ang ilan sa mga isla ng BORACAY. Dumaong ang bangka namin sa PUKA BEACH.
JANE: Grabe napaka ganda dito, ang puti puti ng buhangin.
CARL: Yuppp for me ito ang pinaka magandang isla dito.
Naupo kami sa gilid ni MOKONG, habang sina MAMA naman ay patuloy ang pag kuha ng litrato.Nakaunat ang mga paa namin ni MOKONG habang ako naman ay naka sandal ang ulo sa balikat niya.
JANE: Woooo!! Super nakaka relax naman dito. Kahit mainit napaka sarap sa pakiramdam ng view.
CARL: Kaya nga eh, yung tipong lahat ng stress mo ay mawawala.
JANE: Tama ka jan, ayyy teka MOKONG pwede ba akong mag tanong sayo?
CARL: Anu po yun MOKANG ko?
JANE: Hmmmm naaalala mo yung PAUL bayun? gusto ko lang sana malaman bakit tila inis ka sa kanya?
CARL: Tskkk!!! Ayoko na sana pag usapan pa pero sige para mas maliwanagan ka. Ganito kasi yun....
Ano nga ba ang dahilan kung bakit inis na inis si CARL kay PAUL?
Gusto nyu bang i share ang kilig ng ating FB SERYE? Tag nyu na sila!!!
Wag ding kalimutan mag bigay ng bonggang comment nyu! Para ma dedicate sayo ang susunod na eksena!

Comments

Popular Posts