Story of Mokong & Mokang PART 24 By: Norbie Borja
Hindi ako makapaniwala na makakasama pala namin si Beshy sa BORA. Akala ko naman kung sino yung hinahantay namin dito sa TERMINAL.Agad akong bineso ni KELLY pag ka dating na pag kadating niya. Si MAMA naman napaalis ng SHADES nung makita siya.
KELLY: Sorry talaga mga Besh na late ako, Alam mo naman may humabol pa na mag paayos sakin sa SALON.
JANE: Kaloka ka hindi ko inaasahan na makakasama ka namin.
KELLY: Ayaw mu ba teh? uwi nalang ako (sabay aambang uuwi na)
JANE: Charotera ka talaga Beshy! Teka teka. (bigla napatingin kay CARL) Ikaw may pakana nito no?
CARL: (Sabay kindat kay JANE) Opkors my MOKANG.
MAMA: Teka teka, siya ba JANE yung kinukwento mong taga ayos mo?
JANE: Opo MAMA, meet KELLY, ang FAIRY BEKS kong nag papaganda sakin ng bongga.
MAMA: Aba, nak saktong sakto ha! Ayusan mo ko bago ko rumampa sa BORA ha?! (sabay ngiting abot tenga)
KELLY: Sureness MOMMY! Ikaw pa ba?! Aalisin natin ang pag katanda ng mukha mo.
MAMA: Anu ulit yun? may sinasabi ka ba?
KELLY: Wala po MADER, sabi ko lang na mas pagagandahin pa kita hihi.
CARL: O siya, tama na yang discussion we need to go na.
Ayun na papasok na sana kami ng entrance ng biglang umeksena si MADER.
MAMA: Nakk!!! Wala pa akong Passport! Paano yan? HUHU
Sabay sabay kaming natawa kay MAMA.
JANE: Enebe MA! Ang happy mo talaga kasama, nakakawala ka ng stress. Hindi naman tayo mag aabroad BORA lang pupuntahan natin, mag hunos dili ka.
MAMA: Ayy ganon ba nak? Sorry naman....Ayyyyy...
JANE: Ohh anu nanaman ba yun?
MAMA: final answer na ba yan?
JANE: Yes MADER, gusto mo maiwan kana dito.
MAMA: Ayy tara na, anu pang hinahantay nyu jan. Ang babagal nyu!
At ayun na nga ang daming eksena kasi ni MADER, finally eto na talaga nasa loob na kami ng AIRPORT. At hinihintay nalang namin ang Paglapag ng eroplanong sasakyan namin. Grabe ang lamig sa loob, buti nalang naka longsleeves ako.
Si MAMA ayon, ginaw na ginaw pa daster daster kasi agad. Si KELLY naman panay pa cute sa mga Foreigner na nasa waiting area din. Pag nahipan ng hangin ang mata nito kaka kindat sa mga Foreigner ewan ko nalang sa beking to.
CARL: MOKANG, hindi kaba nilalamig? may jacket ako dito.
JANE: Sakto lang, amin na yang jacket mo. Ibibigay ko kay MAMA ayon ginaw na ginaw na maka damit kasi wagas.
Ilang oras din kaming nag hahantay, nakatulog na si MAMA at nag hihilik pa, tinapik ko nga kasi nakakahiya sa mga nakakarinig. Baka akala anjan na yung eroplano dahil mala engine ng eroplano ang tunog ng hilik niya.
Yess!!! Finally dumating na yung Eroplano na sasakyan namin papuntang BORA. Habang nag lalakad kami papalapit sa eroplano, hinawakan ni MOKONG yung kamay ko. Dala dala niya yung ibang gamit ko. Habang si MAMA naman tinutulungan siya ni KELLY sa mga Bitbit niya.
Eto na, nasa harapan na kami ng Eroplano, grabe napaka laki pala nito. Wala akong sinayang na sandali at nag selfie agad sa harap nito. Nag pa kuha ako ng Solo picture kay MOKONG.
CARL: Pwede tayo namang dalawa?
JANE: Ayoko nga..
Lumapit sakin si MOKONG at binaba saglit ang mga dala niya, saka ako inakbayan at sumelfie kaming dalawa sa likod ng eroplano. Nung tinignan ni MOKONG yung shot namin, nakita niya naka photobomber pa sina KELLY at MAMA na naka peace sign pa. Kaloka mga ekseherada talaga to sa moment naming dalawa. Nasa loob na kami ng eroplano hinahantay nalang ang pag lipad nito. Nasa tabi ako ng bintana at si MOKONG naman ay katabi ko. Si MAMA at KELLY naman mag ka tabi. Syempre hindi papatalo si MAMA gusto niya siya rin nasa tabi ng bintana para makita niya daw ang kalangitan.
"FASTEN YOUR SEATBELT" dinig namin, ayan na this is it pancit canton!!! Isang oras nalang nasa BORA na kami hihi.
Umaandar na ang Eroplano, nakapikit lang ako ng madiin. Jusme para akong sasakay ng roller coster, ang lakas ng kabog ng puso ko. Ganito siguro kapag first timer.
CARL: Kinakabahan kaba MOKANG ko?
JANE: Slight lang.
Kinuha ni MOKONG yung kamay ko at hinawakan, para daw mabawasan ang kaba ko.
CARL: Masasanay ka din, madami pa tayong beses na sasakay sa ganito ng mag kasama. (sabay ngiti nito kay JANE)
Habang nasa himpapawid kami, hindi talaga maalis sa dibdib ko ang KABA, napalingon ako sa likod ng kinauupuan namin ni MOKONG, kasi nandun si MAMA. Nakita ko nalang na naka yuko siya at bumubulong bulong. Kaloka nag dadasal pala ang MAHAL kong MADER. Napatingin ako kay MOKONG, nakapikit siya. Nakangiti lang akong pinag mamasdan siya. Habang nakatitig sa kanya, nakita kong unti unti siyang napapangiti. Mukhang may sapak ata tong lalaking to. Hinawakan ko ang matangos nyang ilong. At bigla akong nag tulog tulugan, unti unti kong dinilat ang mata ko at nakita kong napa ka lapit ng mukha ni MOKONG sa mukha ko. Nakangiti lang siya sakin habang pinag mamasdan ako. Bigla akong nag poker face at dumila sa kanya.
CARL: Maganda at cute kapa din MOKANG ko kahit papangitin mu mukha mu.
JANE: Tsee! bakit ba kanina kapa naka ngisi.
CARL: Wala lang ang saya saya ko lang kasi kasama kita.
JANE: Bakit halos lagi na nga tayong mag kasama diba? Kulang nga mag sama na tayo sa iisang bubong.
CARL: Yun nga po, kaya lagi akong masaya. Bakit gusto mo na ba mag sama tayo sa iisang bubong?
JANE: Agad agad? mag 1 Month pa nga lang tayong official couple bukas eh.
CARL: Syempre in the right time.
MAMA: Aba aba, ano yang nadidinig ko? Mukhang iba na yang pinag uusapan nyu ah?
JANE: Halah siya, Mag sight seeing ka na nga lang jan. O di kaya kausapin mu MA si KELLY.
MAMA: Paano ko kakausapin to, eh tulog na tulog. Mukhang kotang kota sa pag rampa nito kagabi.
JANE: Bulungan mo sabihin mo may gwapo.
Ginawa nga ni MAMA yung sinabi ko, binulungan niya si KELLY na may gwapo. Agad agad na dumilat si KELLY.
MAMA: Aba, ayun pala ang magic word para magising ka.
KELLY: asan ang gwapo MOMMY?
Pag ka sabi na pag sabi ni MAMA kay KELLY nun sakto bigla naman lumapit yung isa sa CABIN CREW na lalaki at inalok sila ng pag kain.
BOY CABIN CREW: Hi Mam, may mga snacks po tayong binibenta baka gusto nyu po?
KELLY: Pwede bang ikaw nalang ang snack ko?
Natawa sa kanya yung Cabin Crew.
MAMA: Loka ka talagang bata ka, ano ba yang mga binebente me? Tama ka key gwapong bata nga.
BOY CABIN CREW: Eto MAM yung Menu, meron po tayong mga sandwich, snacks at mga drinks po jan.
Kinuha ng MAMA ni JANE yung Menu.
MAMA: Abay jusko kamahal naman pala ng softdrinks nyu dito, 1.5 na coke na mabibili ko sa isang coke in can nyung presyo. Anu ba to ginto? May Gluta at collagen ba yung softdrinks na yan?
Napakamot nalang ng ulo yung CABIN CREW.
Lumapit naman ito kayla JANE.
BOY CABIN CREW: Hi MAM, baka gusto nyu po umorder habang nasa byahe?
Aba lokong lalaki to ah, talaga si MOKANG ko ang unang inalok samantalang ako ang katabi niya na.
CARL: No Thanks.
JANE: Ikaw ba yung tinatanong? Ayy sorry huh hindi pa ako gutom eh.
Nakita kong nakatitig maige yung Cabin Crew kay MOKANG at nag kakatitigan sila, kaya naman agad akong
CARL: Look JANE may ibon ohh.
Napaharap agad sa bintana si MOKANG, saka agad kong pinaalis yung CREW na nasa tabi ko.
JANE: Asan? wala naman ehhh.
Hinahanap ko yung ibon na sinasabi ni MOKONG, nung hindi ko makita humarap ako sa kanya. Nagulat nalang ako ng biglang dumampi ang labi niya sa nuo ko.
CARL: Ayun ohh, ohhh wala na naka lipad na.
JANE: Tseee yung labi mo yung lumipad sakin eh.
CARL: Bakit gusto mo ba totoong bird ang lumapit sayo? (sabay ngingisi ngisi)
JANE: Baliw! Alam ko yang iniisip mu, mukha mo!!!
Hindi ko namamalayan na naka nakaidlip na pala ako sa balikat ni CARL. Habang medyo nakasandal din ang ulo niya sa ulo ko. Bigla kaming nagising ng biglang lumapit na naman yung CABIN CREW.
BOY CABIN CREW: Hi Mam, may nag papabigay po sa inyo.
CARL: Sino daw?
JANE: Sure kang sakin yan? wala naman akong inoorder.
Inilapag nung CREW sa mini table ng inuupan ko yung isang plato na nakatakip ng Silver na bakal.Ano ba ito? wala naman akong inorder. Tumingin ako kay MOKONG kung may inorder ba siya. Sabi niya naman wala. Nakatingin kami parehas dun sa dala nung CREW. Dahan dahan ko itong binuksan. At nagulat ako sa nakita ko
Inilapag nung CREW sa mini table ng inuupan ko yung isang plato na nakatakip ng Silver na bakal.Ano ba ito? wala naman akong inorder. Tumingin ako kay MOKONG kung may inorder ba siya. Sabi niya naman wala. Nakatingin kami parehas dun sa dala nung CREW. Dahan dahan ko itong binuksan. At nagulat ako sa nakita ko
JANE: Uhhhhh ang cute cute naman ng cupcake na to hugis PANDA talaga.
Bigla akong napaharap kay MOKONG at nakita kong naka ngisi siya sakin. Mas nagulat ako sa bigla niya inabot sakin, isang bouquet of RED ROSES. Bigla akong kinilig ng bongga sa ginawa ni MOKONG, hanggang sa eroplano ba naman may pa surpresa tong lalaking to. Kinuha ko yung bouquet sa kanya at niyakap siya. Narinig ko nalang yung mga kasabayan namin sa eroplano na nag salita.
"Ang sweet naman nila"
May mag jowa pa nga nag kantyawan.
GIRL: Ayy howww sweet, sana ganyan kadin sakin.
BOY: (Napa kamot nalang ng ulo)
KELLY: Grabe kahit nasa himpapawid tayo, nako aakyat ang langgam sa ka sweetan nyu.
MAMA: Ang sarap naman niyan nak, pahinge nagugutom na ko. (sabay aambang kukunin yung cupcake)
Biglang binalik ni JANE yung takip sa cupcake.
JANE: Opppsss hindi pwede MA, hindi ko to kakainin. Itatabi ko at i pre preserve, nakakaawa kaya huhu.
Nakita kong binulungan ni CARL yung CREW. Ayon pala inorder niya kami ng makakakain.
Ilang minuto nalang lalapag na ang eroplano, sabi ng kapitan.
Finally!!! We are here!!! Hello BORACAY!!! sigaw ng MAMA ni JANE, pag labas ng eroplano.
Pag kalabas namin ng Airport sumakay agad kami sa VAN na mag dadala samin sa daungan ng bangka papunta sa pinaka isla ng BORACAY. First time ko ding sumakay ng Bangka, grabe parang medyo nahihilo ako sa alon. Si MAMA talaga hanggang ngayon hindi pa hinuhubad yung SHADES niya kahit gabi na. Nakakakita pa kaya siya? Pag dating sa selfie han hindi papa kabog talaga to si MADER, bawat sulok ata ng bangka gusto niyang may kuha siya. Eto naman si KELLY sige lang din, photograper ata ang magiging trabaho ni BESHY sa whole BORACAY VACATION namin kaloka.
Halos 1hr din bago namin narating ang HOTEL na pag tutuluyan namin nila MOKONG, pero parang iba tong HOTEL na to sa email sakin sa napanalunan namin.
Nag Welcome agad samin yung mga staff ng HOTEL.
STAFF1: Hi sir CARL, Welcome back! ngayon ka lang ulit bumalik ah?
CARL: Uu nga eh medyo busy sa Manila.
STAFF1: Sila na po ba yung mga kasama nyu?
CARL: Yes, please paki hatid kami sa room namin.
Hindi ko alam na sila MOKONG pala ang may ari ng HOTEL na tutuluyan namin, sobrang ganda nito. Napaka sosyal talaga nitong lalaking to kaya naman pala pabalik balik nalang siya sa BORA eh may sarili naman pala silang HOTEL dito. Nagulat ako sa room namin, grabe napaka laki. Parang isang CONDO unit ang itsura nito, may dalawang kwarto. Halos completo ang gamit.
MAMA: San ang kwarto ko?
CARL: Ayy TITA dito po kayo, sa kabilang kwarto.
MAMA: Jan kami ni JANE?
CARL: Ahh..ehh.. si KELLY po kasama nyu sa kwarto. Hi Hi
MAMA: San si JANE?
KELLY: Jusko MADER, hindi paba obvious kung san siya? edi mag kasama sila.
MAMA: Ayy ganern? naku ha? baka after nito malaman ko mag kakaapo na ako.
Napakamot ng ulo si CARL.
JANE: Si MAMA talaga kung anu anu pinag iisip.
MAMA: Biro lang, may tiwala naman ako jan kay soon to be Manugang. (sabay taas nito ng dalawang kilay)
KELLY: Ayiiee mukhang botong boto sayo CARL si MADER ohh, wala na uwian na. Babalik na akong MANILA.
JANE: Chusera ka talaga beshy!
CARL: No worries TITA, wala kayong dapat ika bahala. Diba MOKANG?
JANEL: Yess nemern, behave lang kami MAMA kaya wala kang dapat ikaalala, safe ang Brilyante ko.
Nagtawanan nalang kaming lahat. Mag aalas otso na din pala, lumabas kami saglit nina MOKONG para kumain. Dinala kami sa isang Restaurant.
CARL: Alam kong gutom na kayo dahil sa byahe, ayan eat all you can sa foods tayo dito.
KELLY: Ang taray naman ni PAPA CARL, may pa Buffet.
MAMA: Anong Vupeyy?
KELLY: TITA, Lahat ng yan na nakahain pwede nating kainin.
MAMA: Wow talaga? (sabay ngiti abot tainga)
KELLY: Opo pati yung mga flowers gusto nyu i try? biro lang MADER!.
JANE: Grabe naman MOKONG, masisira ang ka seksihan namin nito. Okey lang kami kahit sa simpleng kainan lang.
MAMA: Ako hindi okey. Ano tara na? kanina pa ako gutom na gutom.
Dahil gutom na din ako keri na, sa daming nakahain samin hindi ko alam kung anong uunahin ko. Paunti unti lang ang kinuha ko para matikman ko lahat. Nagulat nalang ako kay MAMA na halos gabundok na yung nasa Plato niya.
JANE: Sure kabang mauubos mu yan MA? hindi mu ba nababasa yun? "No left over. Pay 800 Pesos!"
MAMA: Ayyy andito naman si KELLY, tutulungan nya ako.
KELLY: Nako MADER, diet ako. Mag two piece pa ako bukas kaya dapat i maintain ang figure.
MAMA: Aba san mo naman i tatago si JUNJUN mu?
KELLY: Wala na ako nun, patay na si JUNJUN MADER! Wag mo ng ipaalala.
Mukhang nagiging Close na tong si MAMA at si beshy KELLY. Isang oras din kaming nasa loob ng Restaurant halos hindi na kami makatayo sa dami ng kinain namin. Pag ka pahinga namin lumabas nadin kami. Nag lakad lakad muna kami sa BORACAY.
JANE: Grabe ibat ibang lahi ang nandito nu?'
CARL: Yes, pero alam mo kahit ibat ibang lahi ang nandito. Yung lahi mu padin yung hinahanap hanap ko.
MAMA: Aba, kalahi ko siya. Edi hinahanap hanap mo din ako?
JANE: Si MAMA talaga ang hilig umeksena.
CARL: Opo naman, kung wala kayo. Walang JANE na mag mamay ari ng puso ko. (sabay kindat kay JANE)
JANE: Teka kanina pa tayo palakad lakad dito nasan si KELLY?
Biglang nawala si KELLY, ayon pala nakikipag chikahan na sa grupo ng mga Koreanong OPPA. Kinakabahan ako sa beking to mamaya ma OPPAkan to sa kaharutan nya. Tinawag ko si KELLY. Tumingin naman to at sumenyas pa sa mga kausap niya na tawagan daw siya. Jusme, ang harot mu besh!. Baka mamaya makita ko nalang siya inaanod nalang sa dalampasigan, charot.
Habang nag lalakad kami nina MOKONG, may nadatnan kaming dalawang BEKI na mukhang problemadong problemado.
BEKI1: Huhuhu, sana sinabi nila na hindi sila makakaattend!
BEKI2: Nag kasakit nga beks!
BEKI1: So paano nalang to? bukas na ang sa SUMMER OUTFIT competition, sino nalang ang magiging mga modelo ko? Ka stress!!!
BEKI2: Hanap nalang tayo dito, bukas pa naman so may time pa tayo. Diba?
BEKI1: As if naman may mahanap tayo, ayoko ng CHAKA ha! Alam mo naman bet ko yung hindi lang damit ko ang mag sstandout pati narin yung mga mukha ng modelo ko.
Nung nalagpasan nanamin yung dalawang BEKI, nagulat nalang ako ng biglang may humarang sa daanan namin.
KELLY: Yess?! may problema ba tayo? (pag mamataray ni KELLY)
BEKI2: Wala naman girl, highblood ka naman. Pwede humingi ng Favor?
CARL: Yes anu yun?
BEKI2: Kasi yung friend kong designer na momoblema, hindi kasi makakaattend yung dalawang modelo niya para bukas.
CARL: And then?
BEKI2: Baka sana pwede kayong mag substitute sa kanila? Bukas ng hapon na kasi yung competition.
Sumingit naman bigla si MAMA.
MAMA: Pwede ba ako jan?
Napailing nalang si BEKI sa eksena ni MAMA. Sa isip isip ko bukas eh Monthsary namin yun, so dapat moment naming dalawa yun para sa isat isa. Napatingin ako kay MOKONG at napatingin din siya sakin.
BEKI2: Sige na pleaseee...
Ipagpapalit ba nila ang Monthsary para makatulong sa iba?
Ano sa tingin nyu ang isasagot nila?
Abangan mga ka MOKONGKANG ang mga susunod na eksena sa BORA!
Itutuloy pa natin ang mas kapana panabik na PARTS basta Like and Share this FB SERYE
Comments
Post a Comment