Story of Mokong & Mokang PART 26 By: Norbie Borja


BEFORE READING THIS STORY PLEASE PLAY THIS SONG!
"The Gift - Jim brickman"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Takang taka ako ng hindi ko makita si MOKONG sa tabi ko, saan naman kaya nag punta yung lalaking yun?
Napaharap ako sa likuran ko at nagulat ako at napayakap agad sa nakita ko. Isang napakalaking PANDA Stuff Toy.
Napapikit ako at sobrang higpit ng pag kakayakap ko dito. Namalayan ko nalang ng may bigla ring yumakap sakin ng
napakahigpit.
CARL: Nagustuhan mo ba MOKANG yung regalo ko?
JANE: HUHUHU! Hindi mo na kailangan tanungin yan MOKONG ko. Sobra walang kapantay ang sayang nararamdaman ko. (habang maluha luha)
CARL: At wala ring kapantay ang kasiyahang nararamdaman ko sa tuwing napapasaya kita MOKANG ko. Lagi mong tatandaan, na kahit PARTNER na kita, wala padin akong sawang liligawan ka. Mas ma iinspire pa ako lalong pasayahin at pahalagahan ka.
JANE: Pasensiya kana MOKONG ko huh? kasi napaka simple lang ng binigay ko sayo.
CARL: Hindi naman importante kung gaano ka simple yung binigay mo, basta galing sa taong mahal mo nagiging engrande at mamahalin ito.
Hinarap ni CARL yung mukha ni JANE sa kanya.
CARL: MOKANG ko, LABYU po. Lagi mong tatandaan yan hu? Hindi ako mag sasawa para pasayahin ka. Gusto ko makikita ko lang yang mga luhang yan sa saya. (habang pinu punasan ang luha sa mga mata ni JANE)
JANE: Opo, YABYU too MOKONG ko. Salamat talaga, teka panu mo naman na dala yan dito? ang laki laki.
CARL: Ako pa ba?
JANE: Edi ikaw na! Grabe ang cute cute talaga . (Sabay hug ng mahigpit sa PANDA)
CARL: Alam mo ba kung bakit yan ang naisipan kong regalo para sayo? bukod sa paborito mo yan?
JANE: Hmmmm bakit nga ba?
CARL: Kasi para kahit wala ako sa pag tulog mu, mararamdaman mo yung presence ko. Mayayakap mo kapag na mimiss mo ko at higit sa lahat titignan mo lang yan, siguradong walang humpay na saya ang mararamdaman mo.
JANE: Syempre nemern hihi. Anu kayang ipapangalan natin sa kanya? (habang nag iisip)
CARL: Anu nga ba?
JANE: Ayyy alam ko na! Siya si Baby CANE. (keyn kapag binasa)
CARL: Wow, gusto mo na bang mag ka Baby? (sabay ngisi ngisi)
JANE: Tsee! Yan ka nanaman eh!
CARL: Hihi biro lang MOKANG ko.
Napalingon kami sa pintuan ng may biglang kumakatok.
KELLY: Mga beshy, anu na. 8am ang call time nyu. Mag 7:30 na.
CARL: Yess KELLY palabas na.
.
.
.
.
.
.
MAMA: Natawag mo na ba yung dalawa? Naka ready na yung breakfast natin.
KELLY: Yes MOTHER EARTH! Palabas na daw sila.
Biglang lumapit ang MAMA ni JANE sa pintuan ng kwarto nila CARL upang tawagin ulit ito pero nagulat siya sa narinig niya.
JANE: Ahhh, ang sakit!
CARL: Teka teka, ipwesto mo kasi ng maayos.
JANE: Dahan dahanin mo lang ha!
CARL: Opo, iunat mo kasi ng maayos.
JANE: Ayan ganyan ba?
CARL: Ohh ayan ramdam mo paba yung sakit?
JANE: Ahh ahh waitt waittt
Naloloka na si MOTHER sa naririnig niya kaya tinawag niya si KELLY.
MAMA: Pstttt!!!! (habang sume senyas na lumapit sa kanya)
KELLY: Yes MADER?
MAMA: Jusko ano pinag gagawa ng dalawang to?
JANE: Ayan, ayan medyo na wawala wala na yung sakit.
CARL: Wag ka munang gumalaw masyado hanggang tuluyang mawala yung sakit.
JANE: Grabe! First time lang ng yari sakin to HUHU.
Biglang napa sign of the Cross ang MAMA ni JANE.
Habang naka dikit ang dalawang tainga nina KELLY at MAMA ni JANE sa pintuan. Hindi nila namalayan na biglang bumukas ang pinto. Napasubsub si KELLY sa sahig, buti nalang napahawak ang MAMA ni JANE sa Door Knob at napaluhod lang ito.
CARL: Ohh TITA anung ng yari? (sabay itinatayo ang MAMA ni JANE)
JANE: Kaloka ka KELLY wala dito ang beach bakit nag da dive ka agad?
Nag ka tinginan si KELLY at MAMA ni JANE.
JANE: Teka MAMA anung ng yari? Emeygewd ma didisgrasya pa kayo sa pinag gagawa niyu. (tinulungan si CARL para
itayo ang MAMA niya)
MAMA: Ahh ehh wala nak, tatawagin lang sana namin kayo nung biglang bumukas yung pintuan. Diba KELLY?
KELLY: Truth! Tama! Ouchhh ang sakit ng balakang ko.
JANE: Nako, nako mukhang alam ko na ang dahilan. Jusmiyo! Pinulikat lang ako at tinulungan ni CARL.
CARL: Ayy opo TITA.
MAMA: Ayy ganun ba nak? Pero tatawagin lang talaga namin kayo kasi kanina pa ready yung breakfast natin.
JANE: Ahhhsuss!!! Papalusot pa!
Naloka talaga ako sa dalawang yun, akala ata kung anu na pinag gagawa namin ni MOKONG. Kalokanes, wala pa sa isip
ko na i surrender ang Brilyante ko.
Sabay sabay kaming umupo para kumain, kukuha na sana si KELLY ng pag kain ng biglang tinapik ni MADER ang kamay
niya.
KELLY: Aray ko mesh.
MAMA: Pray muna tayo Okey lang?
KELLY: Ayy sorry MADER.
Pumikit kami kasabay ng pakikinig sa dasal ni MAMA. Iyan din kasi ang bilin niya sakin bago kami mag simulang kumain,
mag pasalamat muna daw kami sa biyayang natanggap namin. Naituro ko nadin kay MOKONG yung kinagawian ko kay
MAMA. Kaya naman sa tuwing lumalabas kami at kakain, hindi namin makakalimutang mag dasal. Minsan sa sobrang
gutom ko nakakalimutan ko, pero natutuwa ako kay MOKONG dahil sya pa ang nag papaalala sakin.
Pag katapos kumain, naligo agad ako. Habang nag sa shampoo ako gamit ang KERAFIX na isa sa mga product nila MOKONG, hindi parin ako maka move on sa surpresa niya sakin. Masaya na ako kahit hindi man ako makakita ng buhay na PANDA, dahil sa laki ba naman ng binigay niya napaka lapit na nito sa katotohanan.
.
.
.
.
Habang abala sa pag aayos sila CARL at JANE, may biglang kumatok sa pintuan.
MAMA: KELLY paki buksan mo nga muna yung pintuan.
Binuksan ni KELLY yung pintuan.
KELLY: Hi DEXTER!
DEXTER (DESIGNER) : Good Morning, sunduin na sana namin sila.
KELLY: Ayy pasok muna kayo mga beks.
MAMA: JANE! Andito na yung mga handler nyu. (Sigaw ng MAMA ni JANE)
JANE: Opo MAMA nanjan na po.
Jusmiyo, nanjan na sila BEKS. Agad akong nag madali kinuha ko yung BEAUTINT sa bag ko at nag lagay ako ng pampa
Blush sa pisnge ko at pampapula sa Lips ko.
CARL: I'm done. Ikaw MOKANG ko?
JANE: Wait lang po.
CARL: Wag kana masyadong mag pa ganda, kahit hindi kana mag ayos at kahit amoy araw kapa. Mamahalin padin kita.
JANE: Talaga lang huh?! Sige mamaya mag papa ka haggard ako at mag bibilad sa arawan.
Pumuwesto na si CARL malapit sa pintuan habang hinahantay si JANE.
Habang papalapit si JANE kay CARL, naka side view ito kay JANE at tinuturo turo ang pisnge niya.
JANE: Ohh bakit anung meron?
Ngumuso nguso si CARL.
JANE: Eh naka tint na ako madudumihan pa yang pisnge mu.
Pumikit lang si CARL na tila nag papa cute.
Biglang napadilat si CARL ng dumampi sa kanya ang labi ni JANE.
JANE: Ohh ayan tignan mo nag ka pula kapa tuloy sa pisnge. Ang kulit mu kasi (sabay pisil sa ilong ni CARL)
CARL: Okey lang MOKANG, mabahiran man ako ng kahit anu basta galing sayo worth it para sakin yun.
JANE: Banat pa more!
Aamba na sanang bubuksan ang pinto ng biglang....
JANE: Emeygewd! Hindi papala ako nag papaalam kay BABY CANE.
Lumapit sa PANDA
JANE: Baby, aalis muna si MOMMY at DADDY ha?! mag behave ka lang jan. (sabay yakap ng mahigpit sa Panda)
CARL: Hihi ikaw talaga, mamaya sumagot yan matakot ka.
JANE: Tseeee!!! Anu naman sasabihin niya aber?
CARL: (nag baby talk) Mommy mommy, mahal na mahal ka ni Daddy.
JANE: Nako manang mana nga sayo pag ganon! Hugutero din!
Nag madali na kami ni MOKONG lumabas dahil kanina pa nag hihintay sila BEKI. Nadatnan naming nag tatawanan sila MAMA, KELLY at yung dalawang BEKI.
KELLY: Nakailan kaba BEKS?!
BEKI2: Jusko wa hada! More tingin tingin lang sa mga Otoko.
Nakikita kong napapakunot ng nuo si MAMA hindi niya siguro maintindihan kung ano yung pinag sasabi ng mga kasama
niya.
MAMA: Ano? anong HADA at OTOKO?
KELLY: MADER HADA means alam mo na booking ganern, OTOKO boys.
MAMA: Nakakaloka kayo, may sarili talaga kayong mga words huh?
DEXTER (DESIGNER): Trulagen MADER! Oh ayan na pala sila GORAbels na!
Tatayo na sana sila ng biglang umeksena ang MAMA ni JANE.
MAMA: Ano naman yung GORAbels?
KELLY: Lets go!
MAMA: Ahh, Osige GORAbels na kayo para mamayang gabi madaming HADA sa mga OTOKO.
Nag tinginan lahat sa MAMA ni JANE, sabay nag tawanan sila.
.
.
.
.
Nung makarating na kami sa venue, bigla kaming pinag tinginan ng mga kasama namin. Napapansin ko yung ilang babae
napapatingin kay MOKONG, naka shades kasi siya at naka sando lang. Nung tinanggal ni MOKONG yung shades niya nag
tilian sila. Emeygewd, gusto kong pektusan isa isa ang mga matress nila. Hindi ba nila alam na taken na tong tinitilian nila.
Habang tinuturuan kami ng mga blocking sa pag rampa namin. Napapansin kong tumitingin tingin si MOKONG sakin at sa mga lalaking naka tingin din sakin. Kaya ang ginawa niya inakbayan niya ako at hinawakan nya ang kamay ko.
Ilang oras din kaming nag rerehearse, paulit ulit na rampahan sa stage. Buti nalang hindi ako masyadong nahirapan, dahil sa hilig ko manuod ng mga Beauty Pageant na pag aaralan ko din kung paano ang tamang pag aura at tamang pag rampa. Nuong matapos ang rehearsal, agad kaming bumalik ni MOKONG sa EIBRON HOTEL. Nag pahinga kami saglit para fresh ang beauty namin pag balik namin mamayang hapon. Napansin namin na wala sila MAMA sa HOTEL.
JANE: MOKONG, san kaya nag punta sila MAMA?
CARL: Baka nag ikot ikot lang jan.
Nag lakad si JANE papuntang terrace.
JANE: Grabe napaka ganda dito nu? Ang ganda ng mga view.
CARL: Alam mo kung anung view ang mas maganda?
JANE: Anu?
CARL: Ay ang I LABVIEW.
JANE: Ayyy hihi, naisingit mo pa talaga yan!
Biglang napalingon si JANE sa ibaba, nakita niya ang MAMA niya at si KELLY na abalang abala sa pag pi picture picture.
JANE: Ayun naman pala sila, nasa pool. Hala sige todo aura pa si MADER. Career na career talaga ang pag po pose.
Pumasok ako sa loob at nakita ko nalang si MOKONG na may hinahandang pag kain.
JANE: Anu naman yang hinahanda mu?
CARL: Ginagawan kita ng sandwich. Manuod ka muna jan habang tinatapos ko ito.
Habang gumagawa si MOKONG ng sandwich, nag game nalang ako sa Cellphone ko ng OVERWING yung laro sa FACENOTE. Ang tagal niya naman bago matapos, halos gutom na gutom na ako. Anu kayang sandwich ang ginagawa ng lalaking yun, halos ilang minuto na syang nasa kitchen.
Aamba na sana akong, pupuntahan siya pero bigla siya nag sabing tapos na daw siya.
CARL: I'm done MOKANG ko!
JANE: Finally! Aber anung klaseng sandwich ba yan? sobrang tagal mung pinalamanan yan ah. Baka naman may ginto pa
sa loob yan.
CARL: Hihi wala naman po.
JANE: Ohh bakit naka takip pa?
CARL: Syempre i open mo MOKANG ko.
Dahan dahan kong binuksan yung takip. At bumungad sakin ang isang Sandwich na hugis I  U. May dalawa pang pulang rose ito at may maliit na puso.
JANE: Uhhhhh, ang cute naman. Effort talaga huh?
CARL: Diba sabi ko naman sayo, araw araw kitang liligawan.
JANE: At araw araw din kitang sasagutin.
Ayoko sanang kainin yung sandwich na gawa ni MOKONG dahil ang cute nito, pero juske gutom na gutom na ako.
Kinuha ni MOKONG yung sandwich na hugis puso at isusubo ito sakin ng biglang
MAMA: HELLO!!! Andito na kami!
KELLY: Ayyy grabe nag kakasubuan na.
MAMA: Mukhang masarap yan huh?
Nakakagulat talaga silang dalawa, kung may sakit lang ako sa puso matagal na akong hinimatay.
.
.
.
.
.
Ang bilis ng oras, 2 hours nalang mag sisimula na ang SUMMER OUTFIT competition. May ibang binibigay si DEXTER na mag aayos samin, pero hindi pumayag si KELLY. Gusto niya siya ang mag aayos saming dalawa ni MOKONG, kung
sabagay mas gamay niya nadin pagandahin ako.
KELLY: Don't worry JANE, since I'am your FAIRY BEKI. Sisiguraduhin kong ikaw ang mag sstand out sa kanila.
JANE: Wag mo ng masyado akong pagandahin, para naman may laban sila. Charot!!!
Habang inaayusan ni KELLY si MOKANG, nasa sala lang ako. Pina practice practice ko ang pag lakad ko. Napatigil ako ng
biglang mag salita si TITA.
MAMA: CARL..
CARL: Yes po TITA.
MAMA: Gusto ko lang mag pasalamat sa lahat ng tulong at effort mo para pasayahin ang anak ko.
CARL: Wala pong anuman TITA, alam nyu naman basta para kay JANE gagawin ko ang lahat.
MAMA: Salamat din sa pag respeto mo sa kanya, wala na akong masabi sayo. Napaka swerte ni JANE na ikaw ang naging
kapareha niya. (habang medyo na luluha)
CARL: Si TITA talaga ohh. (lumapit sa MAMA ni JANE at pinunasan ang luha nito)
Nung matapos akong ayusan ni KELLY, lumabas agad kmi ng kwarto. Nadatnan ko si MAMA na pinupunasan ng luha ni
MOKONG.
JANE: Ayyy anung meron? Ikakasal na ba ako?
MAMA: Hindi pa nak, wag kang excited gaya ng iba. Nag pasalamat lang ako kay CARL. Kasi kung hindi dahil sa kanya
hindi ako makakapunta dito.
KELLY: Mommy kung hindi dahil sa Eroplano, Van at Bangka hindi tayo makakarating dito. (pag bibiro ni KELLY)
MAMA: Loka ka talagang BATA ka! Halika nga dito ng makurot yan singit mo.
JANE: Ayyysuss nag drama na naman si MADER.
MAMA: Pero nak sobrang ganda mo ngayon, KELLY ayusan mo din ako ng ganyan. Syempre manunuod tayo dapat
maganda ang MAMA.
KELLY: Yess TITA sige sige anung gusto nyung ayus yung parang natutulog lang?
MAMA: Kung hilahin ko kaya yang iniipit mu jan.
KELLY: Grabe siya ohh. Hindi mabiro. Mga BESHY sige na larga na sa venue, sunod kami ni MADER ayusan ko lang muna
siya.
JANE: O sige BESHY, mag ingat kayo mamaya.
Nagpunta na kami ni CARL sa venue baka kasi ma late kami. Nadatnan namin na halos mapuno na agad yung mga upuan.
Grabe sobrang dami agad na gustong manuod, medyo kinakabahan ako. Nasa dressing room na kami ni MOKONG at
sinusuot yung outfit ni DEXTER. Isa itong floral na palda na hanggang tuhod at yung pang itaas nito ay off shoulder na
floral din na kita ang pusod ko. May pasabog pa sa damit na ito at yun ang ipapakita ko sa climax ng pag rampa ko. Si
MOKONG naman naka khaki short na lagpas onti ng tuhod niya, naka polo na semi floral na almost half lang ang naka
butones. Kaya naman matatanaw ang makisig na chest niya.
JANE: Ang ganda ganda talaga ng gawa mu.
DEXTER (DESIGNER) : Naman! Ay syempre ang gaganda din ng mga modelo ko. Galingan nyu ha! I uuwi natin ang
korona! The show is about to start! Galingan nyu ha!
Habang nasa isang tabi ako at hinahantay si MOKONG na kumuha ng tubig. May biglang lumapit sa aking lalaki.
GUY: Hi Miss. Good luck satin.
JANE: Hihi sa inyu din Goodluck. (sabay ngiti nito)
GUY: By the way, taga san ka?
Hindi ko na mamalayan na bigla akong hinila ni MOKONG at inakbayan.
CARL: Naka tira na siya sa puso ko. (sabay ngiti)
JANE: Uiii anu kaba, nag tatanong lang naman siya.
CARL: Sinagot ko lang naman siya.
GUY: Ayyy sige pre, Goodluck ulit!
JANE: Ang sungit mu, nag tatanong lang naman yung guy.
CARL: Susss, alam ko na mga style nun.
JANE: Ayiieehhh nag seselos siya.
ORGANIZER: Guyss!!! Be ready! Mag start na tayo.
.
.
.
.
BEFORE READING THIS PLEASE PLAY The song
Hula Hoop by OMI
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nag simula na ang event, my gossssh kabang kaba ako. Kahit hindi pa yung turn namin piling ko sasabog ang dibdib ko sa
kaba. Pero hindi dapat ako mag patalo sa emosyon na ito kundi mawawala ako sa focus sa pag rampa. Huminga hinga ako
ng malalim. Hinawakan din ni MOKONG ang kamay ko para daw mabawasan ang kaba ko. Ako ang unang rarampa sa
aming dalawa pag katapos siya, saka kami mag sasabay ng rampa. Nung malapit na yung turn ko, napa sign of the cross
ako.
.
.
.
.
Dumating na yung turn ko, pag kalabas na pag kalabas ko sa stage sina MAMA at KELLY agad ang una kong nakita. Todo
sigaw sila sa pag cheer sakin. Medyo nawala yung kaba ko at duon na ako nag simulang rumampa ng bongga. Ang daming nag hihiyawan sakin, may mga sumisipol sipol pa. Pag rampa ko umikot at nakita ko si MOKONG na naka silip at sumigaw pang
CARL: Wooooooa!!!! PROUD BOYFRIEND HERE!!!
Eskandaloso talaga tong lalaking to, inalis ko yung palda ng suot ko, hanggang sa bumungad ang maiksing short nito. Lalo
akong nakarinig ng malakas na hiyawan. Halos hindi ko na marinig yung music dahil sa tilian nila. Nung matapos ako,
lumabas naman si MOKONG, ang kisig kisig ng pag momodel ni MOKONG. Natatanaw ko may mga babaeng kilig na kilig
sa kanya. Halos ma patid na ang litid kaka tili. Pumagitna si MOKONG sa stage at duon inalis unti unti yung polo niyang
suot. Ayon bumulaga sa madla ang 6packs abs nya. Juskolored, may papandesal si MAYOR!!! Nakita kong may mga babaeng halos mag sabunutan sa sobrang kilig sa pinakita ni MOKONG. Papalapit na siya sakin para sabay kaming rumampa. Kinuha niya ang kamay ko at sabay kaming nag lakad. Para sa final look naming dalawa sinandal ko yung siko ko sa balikat niya habang nakapamewang ang isang braso ko at siya naman ay naka hawak sa bewang ko.Nung natapos ang pag rampa namin napayakap ako sa kanya ng BONGGA, yeeyyyy!!! We did it!
Pero parang hindi mapakali ang mukha ni MOKONG, kaya naman agad ko siyang tinanong.
JANE: Ohh? bakit parang di maipinta yang mukha mo.
CARL: Nakita ko kasi yung may ari ng kalaban ng company namin na isa sa mga judge.
JANE: Hah? sino dun?
CARL: Bat nakita ko pa yung maangas na yun dito, tinitignan ko siya at panay ang tingin sa iyo.
JANE: Ehh siyempre jina judge niya ako.
CARL: Hindi eh, iba yung mga tingin niya.
JANE: Eto naman wag ng pansinin kung anu man yun.
Halos mag dadalawang oras din matapos yung show. Napaka dami kasing mga intermission number. Nasa harap na kami lahat ng stage at i aannounce na ang mananalo. Mag kahawak kami ni MOKONG.
HOST: Our SUMMER OUTFIT 2017 Winner is team.
.
.
.
.
.
.
DRUM ROLLING
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
HOST: DEXTER!!!!!!
Nung narinig namin yung pangalan ni BEKI nagulat kami ni MOKONG, emeyegewd hindi namin ineexpect na kami ang
mananalo. Napayakap ako ng mahigpit kay MOKONG.
CARL: WOoooaaa!!! Ang galing natin MOKANG!!!
Narinig ko si MAMA na super tili at pinag mamalaking ANAK KO YAN! ANAK KO YAN!
Kaloka talaga si MADER, super proud hihi.
Lumapit na sa amin yung mag aaward. Inabutan ako ng BOUQUET. Kukunin ko na sana ng biglang si CARL ang kumuha.
PAUL: Congrats CARL! Mukhang super secure sa girlfriend huh?
CARL: Thank You! (Madiin na sabi niya)
Kalokanes talaga tong lalaking to, aabut lang sakin yung bouquet napaka seloso. Ang laki ng galit dun sa PAUL nayun,
palibhasa ka kumpitensya ng Company nila. Nung matapos ang awarding agad kaming nag punta sa Dressing room kasama sina MAMA.
DEXTER: Grabe!!! Hindi ko ineexpect na tayo pa ang mananalo!!! I am so proud of you guyss!!
BEKI2: Masyado kasing ginalingan ni PAPA CARL may pa pandesal pa sa madlang people!
JANE: Wag ka samin mag pa salamat DEXTER, dapat kami mag pa salamat sayo kasi binigyan mo kami ng chance para
ma suot yung mga bonggang outfit mu!
MAMA: DEXTER Baka naman meron ka ding outfit for me. (sabay pose)
DEXTER: Don't worry TITA gagawan kita! Promise.
MAMA: Ay talaga ah! Sinabi mu yan nako mag lulupasay talaga ako pag hindi mu tinupad.
CARL: Salamat din DEXTER dahil pinag katiwalaan mo kami.
DEXTER: Nako unang kita ko palang sa inyu nung dumaan kayo sa harap ko sinabi ko na ayy may potential kayo. Kaya
inutusan ko agad si BEKI na harangin kayo.
Hindi narin kami nag tagal sa pag uusap kay DEXTER. Umalis na din kami at biglang nakasalubong namin yung kinaiinisan
ni MOKONG.
PAUL: Hi! Congratulations ulit. (aambang makikipag shake hands kay JANE)
Pero biglang si CARL ang nakipag shake hands.
JANE: Ah ehhh Thank You.
MAMA: Ay nak hantayin nanamin kayo sa labas ha? mag seselfie lang ako saglit.
JANE: Sige po.
PAUL: By the way CARL, hows your business?
CARL: Going strong! Parang relationship namin (sabay akbay kay JANE)
PAUL: Ohh wow thats nice!
CARL: Actually Monthsary namin ngayon, kaya kung wala ka ng sasabihin can we go?
Ang sungit talaga nitong lalaking to, daig pa ang matandang dalaga sa kasungitan. Bigla akong nilakad ni MOKONG
papalayo.
JANE: Kaloka ka nag tatanong lang yung tao sungit sungit mu jan.
CARL: Susss! Wala akong tiwala sa lalaking yun.
Napagod ang buong pag katao naming dalawa sa rampahang naganap kaya naman bumalik agad kami sa HOTEL. Lagkit na lagkit ako sa katawan ko kaya naman nag linis ulit ako ng katawan. Mamaya kasi lalabas kami nila MOKONG, mag dinner daw kami sa labas. Parehas daw namin suotin yung shirt naming dalawa. Nuong matapos na akong maligo, napansin kong walang tao. Siguro nasa kwarto lang sila sa isip isip ko. Pumasok ako ng kwarto namin pero wala si MOKONG don, napangiti ako ng bumungad sakin si PANDA CANE. Tama nga si MOKONG, tignan ko lang yung bigay niya sasaya na ako. Lumabas ako ng kwarto at kinatok ang kwarto nila MAMA. Pero walang sumasagot, kaya naman binuksan ko yung pintuan dahil hindi naman naka lock. Wala rin sila dun, anyare sa mga tao dito? nag laho nalang na parang bula? Tatawagan ko na sana si MOKONG ng biglang may kumatok sa pintuan.
JANE: Sino yan?
Hindi siya sumasagot kaya naman sinilip ko siya sa maliit na butas ng pintuan para ma check kung sino ang nasa labas.
JANE: Juske isa lang pala sa STAFF ng HOTEL.
STAFF: Hi Mam JANE. May nag hahanap po sa inyu sa ibaba.
JANE: Ha sino daw po?
STAFF: Basta pumunta nalang daw po kayo sa baba eh.
Kukulitin ko pa sana siya para tanungin kung sino yun pero agad siyang nag lakad papa layo.
Hindi ko ma contact yung phone ni MOKONG at ni MAMA. Pati si KELLY, anu bang ng yayari sa mga to. Kalakas lakas naman ng signal pero hindi ma contact. Agad kong sinara yung kwarto at bumaba. Nasa labas na ako ng hotel pero wala namang tao. Hanggang sa may tao akong tila na ka maskara na papalapit sa akin.
Emeygewwdddd.
Nasan nga ba sila?
Sino yung taong nakasuot ng Maskara na papalapit kay JANE?
Sino si PAUL? Bakit ganun nalang kainis si CARL sa kanya?
Gusto nyu bang i share ang kilig ng ating FB SERYE? Tag nyu na sila!!!
Kaya ba ng 1,200 Shares para sa next update?  Kaya Share na!!!
Wag ding kalimutan mag Comment ng BONGGA! Para ma dedicate sayo ang susunod na eksena!

Comments

Popular Posts