Story of Mokong & Mokang PART 30 By: Norbie Borja



Sa kasagsagan ng pag kain namin nila MOKONG may biglang tumawag sakin, hindi naka registered ang number niya sa cellphone ko kaya nag tataka ako kung sino ba siya. Sinagot ko nalang at nagulat ako sa magandang balita na ibinalita niya sakin.
CARL: Oh, sino ba yang kausap mu? bat tila kinikilig ka jan, tskk! Baka iba na yan ah.. (sabay napailing)
JANE: Gusto mo ba siyang makausap?
CARL: O sige amin na. (sabay binitawan ang hawak na mga kubyertos at aambahing kukunin kay JANE ang cellphone)
JANE: Hala siya excited hihi.
CARL: Syempre mamaya kung sino sino yang kausap mo jan.
JANE: Hello, kausapin ka daw ni MOKONG, este CARL.
Inabot ni JANE kay CARL ang cellphone niya.
CARL: Hello, BOYFRIEND to ni JANE sino to?
JANE: Grabe talaga ohh
BERNEY: Ayyy alam ko naman yun sir CARL.. si BERNEY to.
CARL: Ohh BERNEY bat na patawag ka?
BERNEY: Kasi sir CARL, pinaalam ko lang kay JANE na next Month na mag sisimula yung contract niya bilang official model ng BEAUPLUS. Isasabay diba natin yun sa ika 3rd Anniversary ng Company.
CARL: Naku naman inunahan mu pa ako mag announce kay JANE. tskk tskk
BERNEY: Ayyy sorry nemern, eh paano hindi ko ma contact yung cellphone mu. Nakailang dial na kaya ako.
CARL: Ayy ou nga pala na lowbat hindi ko agad na i charge, panu kanina nag activities kami.
BERNEY: Ayun lang naman sir ang ibabalita ko, 3 weeks nalang Anniversary na ng Company natin kaya dapat makapag prepare tayo ng bongga.
CARL: O sige BERNEY pag usapan natin yan pag balik namin ng MANILA, bukas naman pauwi na din kami.
Ibababa na sana ni CARL yung Cellphone ng biglang may pahabol na tinanong si BERNEY.
BERNEY: Ayy sirr... diba uuwi sila SIR (CARLITO) at MADAM (SILVIA) nun galing Amerika?
CARL: Ahhh ehh, hindi ko pa officially nakakausap sila, pero alam ko yes, uuwi sila. Para ma check din ang progress ng Company. Hindi pa kasi nila maiwan ang Business dun at the same time nag papagamot pa kasi si DADDY sa Amerika.
BERNEY: Hindi kaya maloka sila sa mga ganap sayo?
CARL: Don't worry I can handle it. Sige na BERNEY, kakain pa kami. Byeee!.
JANE: Nahiya naman ako sa usapan nyu napaka haba.
MAMA JADE: O siya tama na muna yan, kumain muna kayo.
Habang kumakain kami napatingin kami kay KELLY.
MAMA JADE: Nakkk, kawawa naman yang ulo ng hipon makasipsip ka wagas.
KELLY: Eh paano Mader ang Nyurap ng seasoning na inilagay nila dito.
MAMA JADE: Kaya nga, eh kung makakapag salita lang yan baka kanina kapa minura.
Lalo akong ginanahan sa pag kain nung malaman ko ang magandang balita ni BERNEY, emeygewddd na eexcite na ako next month. Kailangan pag handaan ko ng bongga, para naman maipakita ko na deserving ako bilang maging Mowdel ng company nila MOKONG. Ayoko ko kasing isipin nila na kaya lang ako napili eh dahil Boyfriend ko siya.
Nung matapos kaming kumain nila MOKONG, bumalik kami sa HOTEL, nag pahinga saglit. Humiga ako sa kama habang nakaakap kay BABY CANE. Umupo naman sa gilid ko si MOKONG.
CARL: Buti pa si BABY CANE ang sarap ng pag kaka hug ng MOMMY niya.
JANE: Asssuuss. Nag tampo naman ang BABY DAMULAG ko.
CARL: MOMMY MOMMY ako din HUG HUG mu. (baby talk)
JANE: O sige na nga.
Napapikit si CARL at Binuka ng malawak ang dalawang braso nya at aambang yayakapin si JANE, pero biglang Ipinagitna ni JANE yung malaking PANDA at ayon ang na hug nilang dalawa.
CARL: Ayy.. akala ko pa naman si MOMMY MOKANG yung makaka hug ko.
JANE: Ohh eto na po, tampo ka naman agad jan.
Itinabi ni JANE yung panda.
JANE: BABY CANE, ha hug ko lang yung makulit mong DADDY MOKONG ah?. (sabay kiss sa pisnge ng PANDA)
Biglang nag katinginan si JANE at CARL.
PLEASE PLAY THIS SONG
"Born for You" - Janella Salvador and Elmo Magalona
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
JANE: Ohh ayan na po. (sabay ibinuka ng malaki ang dalawang braso)
CARL: (habang kinikilig)
JANE: Eh ayaw mo naman lumapit ehh..
Lumapit unti unti si CARL kay JANE.
CARL: Sure kana ba MOKANG?
JANE: Naman, bakit hug lang naman diba? dalian muna mamaya mag bago pa isip ko sige ka!
Unti unting lumapit si CARL at itinayo si JANE sabay niyakap ng sobrang higpit.
CARL: Hmmmmmm ang sarap talaga sa piling na kayakap mo yung taong mahal mo.
JANE: Anung lasa MOKONG?
CARL: Lasang hindi matutumbasan sa sobrang sarap.
JANE: Hihi... Mahal na Mahal kita MOKONG ko.
CARL: Ako din mas Mahal na Mahal kita MOKANG ko.
Habang mahigpit na mag kayakap sina CARL at JANE.
JANE: Ayy MOKONG, paano pala yan diba uuwi sila MOMMY at DADDY mo sa Anniversary ng company? Natatakot ako kapag nakita ako ng STEP MOM mu.
CARL: Wag ka mag alala MOKANG ko everythings gonna be fine.
JANE: Baka mamaya magulat siya at makita niya ako sa party lalo na at ako pa ang magiging Model ng company nyu.
CARL: Wala kang dapat ika bahala MOKANG ko, nakuha mu yung position nayun dahil pinag hirapan mo.
JANE: Isa pa nga pala, paano kapag nalaman nilang GIRLFRIEND mu ako. (malungkot na sabi)
CARL: Sussss.. Wala silang magagawa kung ikaw ang itinitibok ng puso ko. Malaki na ako para pang himasukan nila ang desisyon ko. Desisyon kong mahalin ka, desisyon ng puso ko na ibigin ka at desisyon ng isipan ko ang pahalagahan ka.
JANE: Pero natatakot pa din ako...
CARL: Wala kang dapat ikatakot, hanggang nandito ako walang sinu man ang makakapag bigay ng takot sayo. Dahil puro kasiyahan ang nararapat kong iparamdam sayo. (Sabay hinalikan sa Nuo si JANE)
Biglang bumukas ang pintuan..
KELLY: Ayyy.. sorry nakastorbo ba ako sa loving loving nyu.
Bigla kaming nakalas ni MOKONG sa pag kakayakap ng biglang sumulpot na parang kabote si KELLY sa kwarto.
JANE: Hindi naman BESH, pero kung kumatok ka mas mainam.
KELLY: Okey take two. (biglang sinara ang pintuan at kumatok)
KELLY: Mga BESHY. (tok tok tok)
JANE: Patawa ka talaga, sige na anu ba yun?
KELLY: Videoke naman tayo dito sa sala. Dali! Na set up ko na!
Pumunta kami sa sala ni MOKONG para mag videoke, habang si MOTHER EARTH naman ay may hinahandang snacks para samin.
JANE: Sige na MOKONG kanta kana.
CARL: KELLY ilagay mu nga ito. (Sabay itinuro ang kantang BORN FOR YOU)
KELLY: Halatang inlove na inlove BESH ah!
CARL: MOKANG, gusto ko duet tayo ah?
JANE: Ayyy naku baka mag badya ang ulan kapag kumanta ako.
CARL: Sige na pleaseeeee.. (sabay please sign)
At ayun na nga nag duet kami ni MOKONG sa kantang BORN FOR YOU, habang pina kikinggan ko siyang kumanta naiinlove lalo ako sa lalaking to. Grabe napaka lamig talaga ng boses nya, kahit sino sigurong kantahan nito malalalaglag ang salawal ng bongga. Habang kumakanta si MOKONG naka tingin lang siya sakin at nag papa cute. Nung part ko na, titig na titig lang sakin si MOKONG na abot hanggang tenga ang ngiti. Nung dumating na sa part na sabay na kaming kakanta hinawakan niya yung kamay. Napapansin ko nalang na maluha luha na siya, napaka iyakin talaga nito. Pero kahit ganun pa man alam ko naman na masayang masaya lang siya sa naging relasyon namin sa isat isat. Hindi binitiwan ni MOKONG ang kamay ko hanggang matapos ang kanta.
MAMA: Asuuss, ang sweet naman ng mga anak ko.
KELLY: Kaya nga MOMMY, hays kailan kaya darating yung para sakin.
MAMA JADE: Mag hantay kalang at baka naligaw lang.
KELLY: Jusko MADER ang tagal huh! Baka mamaya natamaan na din ng ligaw na bala yung lalaking yun.
MAMA JADE: May kasabihan nga diba? Patience is a virtwo.
KELLY: Virtue yun MADER!
MAMA JADE: Mag katunog naman ah? basta yun yung kasabihan.
Habang nag babangayan si MAMA at KELLY, biglang nag salita si MOKONG.
CARL: TITAN, KELLY at MOKANG bihis ulit kayo pang beach. May pupuntahan tayo.
KELLY: Ayy wow saan naman yan?!
CARL: Kailangan na natin sulitin kasi bukas ng hapon flight na natin pabalik ng MANILA.
JANE: San naman tayo pupunta?
Hindi ko alam kay MOKONG kung san kami nito dadalhin, basta naisipan nalang na mag bihis daw kami ulit ng pang beach . May point nga naman siya na dapat sulitin nanamin kasi bukas uuwi na kami.
Habang nag lalakad ang ka holding hands si MOKONG, panay naman ang Aura ng dalawang kasama ko, sino pa nga ba? edi yung bagong mag BFF walang iba kundi si MADER EARTH at si KELLY.
CARL: We are here..
JANE: Anung gagawin natin dito MOKONG?
CARL: Edi sasakay tayo dun. (sabay itinuro yung JET SKI)
JANE: Wowwww... Kaso hindi naman ako marunong mag pa takbo nyan.
CARL: Syempre ako ang Driver at ikaw ang Pasahero ko.
KELLY: Paano naman kami ni MADER? Parehas kaming pasahero kaloka!
MAMA JADE: Tama, huhu gusto ko pa naman ma experience.
CARL: Don't worry. May mag da drive for you KELLY and MAMA.
Sabay nag salita si KELLY at MAMA ni JANE ng "SINO?!"
Kami po... sigaw ng dalawang CUTE na JET SKI driver.
JANE: Aba BESHY! Kotang kota ka jan ah!
Lumapit si KELLY sa isang JET SKI driver na cute.
KELLY: Keye, ikaw ba ang mag da drive sakin? Can you drive me like crazy. (sabay beautiful eyes)
MAMA JADE: Aba mukhang naka Jackpot ka ngayon nakkkk. Malay mo siya na yung pinag uusapan natin kanina.
JET SKI STAFF : Okey mga madam suot lang po natin yung life jacket before we start.
Sinuot na namin agad agad yung life jacket, lahat kami excited lalong lalo na si KELLY na halos kinikiliti ng limang sawa ang singit sa sobrang kilig. Jackpot talaga si BEKS dahil ang gwapo ng aangkasan niya. Napabaling ako ng tingin kay MOKONG ng bigla niyang hinarap sakin ang mukha niya.
Please Play this song again!
"Born for You" - Janella Salvador and Elmo Magalona
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
CARL: Ready ka naba MOKANG ko?
JANE: Yes!!!
Umangkas na kami sa JET SKI..
CARL: MOKANG, kumapit kang maige ha? baka mamaya malaglag ka na naman hehe.
JANE: San ako kakapit?
Hinawakan ni MOKONG ang dalawang kamay ko at ginawang seat belt na naka kabet sa tyan niya.
Emeyyygewddd.. Ramdam na ramdam ko ang pa pandesal ni MAYOR!!! Hindi ko maiwasang mapakagat labi sa nararamdaman ko. Mag pigil ka JANE at baka hindi ka makapag timpi at mapatalon ka sa dagat sa sobrang gigil. Sabi ko sa sarili ko.
Napalingon ako kay KELLY at sobrang higpit ng pag kaka kapit nito dun sa DRIVER niya, napapasandal sandal pa ang ulo nito sa likuran ng DRIVER at tila inaamoy amoy pa ni BEKS. Nakakaloka, ayan na naman siya. Baka mamaya epic failed na naman yang nilalandi niya. Tumingin naman ako kay MAMA at napatingin din siya sakin, sumenyas pa siya ng two thumbs up. Juske mamaya anu namang ipakitang exhibition ni MADER, baka mamaya tumayo to habang umaandar. Kinakabahan ako para sa kanya. Pero masaya ako dahil na eenjoy niya ang bawat moment namin dito sa BORA.
CARL: Kapit maige MOKANG ko ah? aandar na tayo. (sabay ngiti)
JANE: Opo kapit na kapit na nga ako eh, baka mamaya hindi kana makahinga.
CARL: Makakahinga ako, kasi ikaw ang OXYGEN ng buhay ko.
JANE: Asusss! Dahan dahan lang MOKONG ang pag da drive ah?
At ayon na nga biglang hinarurot ni MOKONG ang JET SKI, Kalokanes, kakasabi ko lang dahan dahan masyadong aggressive talaga tong lalaking to. Sa sobrang bilis ni MOKONG mag drive feeling ko naiiwan yung kaluluwa ko.
JANE: Uiii nag mamadali kaba? baka sa sobrang bilis mo makarating tayo ng MANILA BAY niyan ha!
CARL: Hihi, na excite lang ako MOKANG. Medyo matagal ko na kasing hindi nagawa to.
JANE: Halata nga eh.. Pero ang saya grabe!!!
CARL: Sobrang saya talaga! Dahil ikaw pa ang kasama at angkas ko.
Patuloy lang si MOKONG sa pag mamaneho, na tila nilalaro ang karagatan sa BORA. Buti nalang na palubog na ang araw kaya carry ng mag babad sa labas.
Biglang huminto si MOKONG.
JANE: Ohh bakit huminto ka?
CARL: Look MOKANG. (tinuro yung papalubog na araw)
JANE: Wow Sunset. Nakakatuwa makita yan habang nasa ganitong sitwasyon.
CARL: MOKANG...
JANE: Yes pow MOKONG ko?
CARL: Araw ka ba?
JANE: Hmmmm bakit? amuy araw ako?
CARL: Ayyy...
JANE: Shege ne nge, bakit pow?
CARL: Kasi para kang araw na nag silbing liwanag ng buhay ko.
JANE: Ayieee. ARAW ka ba?
CARL: Bakit (mabilis na sagot)
JANE: Kasi ARAW ARAW kitang mamahalin at bibigyan ng liwanag ang bawat araw mo.
CARL: LABYU MOKANG ko.
JANE: I YABYU SO SO SO MUCH TOO MOKONG ko.
Habang mag ka hawak kamay ni MOKONG at pinag masdan namin ang unti unting paglubog ng araw biglang lumapit samin ang JET SKI nina MAMA at KELLY.
KELLY:
Hi mga BESHY! (habang abot tenga ang ngiti)
JANE: Mukang ngiting tagumpay ah..
MAMA JADE: Kaya nga NAK, daig pa ang linta kung makakapit sa nag da drive.
KELLY: Heleee, Enebe..hinde keye. (sabay hinawi ang buhok sa kaliwang tenga)
CARL: Nag enjoy po ba kayo?
KELLY: Naman! Kung pwede lang siya na mag hatid sa akin hanggang manila gamit tong JET SKI Kerribels lang!
MAMA JADE: Ako nak CARL super nag Enjoy, grabe kahit pagod ang katawang lupa ko kung ganitong mga experienced lang naman ang mararanasan ko. Sulit! na Sulit!
JANE: Tama, grabe sobrang saya. Maraming salamat talaga sayo MOKONG ko, dream come true talaga para samin ito.
CARL: Assus... Walang anu man yun. Masaya rin ako dahil kayo ang kasama ko, lalo kana MOKANG.
Nung matapos kami mag JET SKI, bumalik agad kami sa HOTEL. Ipinag luto kami ni MAMA ng dinner. Sobrang pagod ngayong araw pero ikaw nga ni MADER Sulit na sulit! Maaga kami matutulog para makapag prepare agad ng maayos bukas sa pag uwi namin.
CARL: Napagod kaba MOKANG?
JANE: Opo ang dami nating ginawa eh pero ang saya.
CARL: Ou nga eh, kulang ang 3 araw nu? hayaan mo hindi pa naman ito ang huling beses na mag ta travel tayong mag kasama.
JANE: Hihihi. Lilibutin ba natin ang buong mundo?
CARL: Kahit hindi natin malibot ang mundo, basta ikaw ang kasama ko. Ikaw kaya ang Mundo ko.
JANE: Hala siyaaa. O sige na mag pray na tayo. bago matulog.
Hinawakan ni MOKONG yung kamay ko at sabay pumikit at nag dasal.
Nung matapos akong mag dasal nakapikit padin si MOKONG, nakatitig lang ako sa kanya at bigla siyang napadilat.
JANE: Ang haba lagi nag pinag darasal mo jan ah? Anu ba pinag darasal mo maige?
CARL: Ahmmm madami, para sa relationship natin, sa health specially kay DADDY.
JANE: Ohh bakit?
CARL: Medyo lumalala na kasi yung Diabetes niya. Nabasa ko yung chat kanina nung assistant ni DADDY, patuloy siyang iniinjectionan ng Insulin para mapa baba ang blood sugar niya. Kasi pag hindi naagapan baka magkaroon ng malalang kumplikasyon. (malungkot na sabi)
JANE: Ayyy sorry sa pag tatanong MOKONG, ayan nalungkot kapa tuloy. Smile na.
CARL: (Sabay ngumiti) Wala yun MOKANG ko.
Napapaisip tuloy ako kung anu bang attitude ng DADDY ni MOKONG, kasing bait niya kaya? Sana naman para isa lang ang kontrabida sa love story naming dalawa.
CARL: Hayaan mo, makikilala mu din si DADDY pag uwi niya dito.
JANE: He..he.. medyo kinakabahan na nga ako MOKONG eh, lalo sa STEP MOM mu.
CARL: Sshhh wala kang dapat ipag alala.
Hindi namin na mamalayan na sa sobrang usap namin ni MOKONG, parehas na pala kami nakatulog dalawa ng mag kahawak ang kamay.
.
.
.
.
.
Kina umagahan maaga kami nagising, nag ayos ng mga gamit namin para mamaya ready to Go nalang kami. Dumaan din kami saglit sa ilang Souvenir Shop para makabili ng mga pasalubong. Nag lunch nadin kami, bago namin tuluyan na lisanin ang BORACAY nag group selfie muna kami. Syempre may selfie din kaming dalawa ni MOKONG, naka kiss pa siya sa pisnge ko habang naka poker face ako.
Sadyang napakabilis ng oras, parang kelan lang pasakay kami ng EROPLANO para puntahan ang pangarap kong lugar. Ngayon pasakay kami para umuwi na. Tila hindi sapat ang tulog namin kagabi, kaya eto borlogs kami sa eroplano. Nung lumapag na sa MANILA ang eroplano.
KELLY: Juskoday! Back to work na naman!
MAMA JADE: Hello MANILA (Sigaw ng MAMA ni JANE pag labas ng EROPLANO)
Agad kaming lumabas ng TERMINAL at hinantay si MANONG DRIVER, siya kasi ang mag hahatid samin sa bahay. Si KELLY naman ay nag TAXI nalang pauwi sa kanila.
CARL: Ayan na si MANONG.... Ako na mag lalagay ng mga gamit nyu sa sasakyan.
.
.
.
.
Nung marating namin ang bahay, tila naramdaman ko ng bonggang bongga ang pagod. Sinalubong kami ni TITA LOLENG.
LOLENG: Welcome back!!!
MAMA JADE: Oh LOLENG, nabantayan mo ba maige ang Hacienda natin?
LOLENG: Naman! Bantay sarado! Mahihiya ang mga magnanakaw sa sobrang dami nyung gamit sa bahay.
MAMA JADE: May pasalubong pala kami sayo.
Inabot ang mga pasalubong.
LOLENG: Wow ang ganda naman ng damit nito. I LOVE BORACAY pa ang naka print sa shirt, oh anu naman yang dala dala ni MANONG napa laki naman?
MAMA: Naku! Panda ni JANE, bigay ni CARL. Ang laki laki nga eh, buti nga naiuwi namin yan.
JANE: Syempre naman MAMA, maiwan na si KELLY wag lang yang BABY CANE ko.
Ipinasok na ni MANONG DRIVER ang napakalaking PANDA ni JANE sa bahay nila.
CARL: Ahmm MOKANG, alis na kami ah? bukas pala kung hindi mo pa kaya pumasok dahil sa pagod, okey lang. (sabay ngiti at thumbs up)
JANE: Ayy nako hindi ano, papasok ako siyempre. Ayoko ma miss ang isang araw na hindi ka makita (sabay kindat)
LOLENG: Abayy ka sweet naman ng mga batang ire, mas matatamis pa kayo dito sa mga dala nyung pasalubong ah!.
CARL: Sige po mga TITA, una na po ako. (Sabay kumaway)
Pag ka uwi ni MOKONG, pumasok narin kami sa bahay. Eto naman si MADER panay ang kwento ng mga pinag gagagawa niya sa BORA. Ipinapakita pa niya yung mga picture niya.
Kinuha ko agad ang cellphone ko, para i text si MOKONG, gusto ko ulit mag pasalamat sa lahat lahat ng experience na ipinaranas niya samin.
JANE:
"Ingat po kayo ah? Salamat sa lahat lahat MOKONG, YABYU soooooooo muchhhh!!!    Miss kana daw agad ni BABY CANE hihi. "
CARL:
"Walang anu man yun MOKANG, opo mag iingat kami. Ikaw muna bahala sa BABY natin ah? Dadalaw dalawin ko nalang siya jan, LABYU toooooooooooooo    "
JANE:
"Hihi muahhh!"
CARL:
"Ayyy MOKANG ko, nakalimutan ko. Since magkikita tayo bukas, gumising ka ng maaga pwede po ba? may ipapakilala lang ako sayo."
Nung nabasa ko yung text ni MOKONG, nagtataka ako kung saan naman kaya kami pupunta at sino ang ipapakilala niya?
Emeygewwdd kinakabahan ako kung sino ba yun.
Sino nga ba ang ipapakilala ni CARL kay JANE?
Handa naba si JANE sa muli nilang pag haharap ng STEP MOM ni CARL?
.
.
.
.
.
.
Abangan sa nag iisang FB Serye na Pakikiligin ka! Paluluhain!, Patatawanin! at Bibitinin sa mga kapana panabik na eksena!
Gusto nyu bang i share ang kilig ng ating FB SERYE? Tag nyu na sila!!!
Wag ding kalimutan mag bigay ng bonggang comment nyu! Para ma DEDICATE sayo ang susunod na eksena!

Comments

Popular Posts