Story of Mokong & Mokang Part 1 By: Norbie Borja

Dahil sobrang late na si Girl sa kanyang school nag madali itong maglakad. Dala dala nito ang isang hot choco. Bigla syang napatingin sa likod at hindi nya namalayan na may nakasalubong pala siya.
BOY: Shockss!!!
Napaharap si GIRL kay BOY.
GIRL: Ayyyy emeyged, sorry.
BOY: Bat kasi hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo? look what you did! natapunan tuloy ako ng dala mo! (sigaw ni BOY)
Habang pinupulot yung mga dala dala nitong gamit na nalaglag. Tinulungan din siya ni BOY
GIRL: Ehhh hindi ko naman sinasadya!
BOY: Aba, galit ka pa? Ikaw na nga tong nakatapon, tas ngayon oh tinutulungan pa kita
GIRL: Hindi ko kailangan ng tulong mo, tabi nga jan. Tyaka Sorry na nga, ehh teka punasan ko nalang (aambang kukuha ng pamunas)
BOY: Tingin mo matatanggal to sa punas punas lang?
GIRL: Pwede mamaya na tayo mag usap? malalate na ako sa klase ko. HUHU.
BOY: So ganito nalang? iiwan mo ko ng ganito? paano naman tong damaged na ginawa mo sakin? look! buti nalang naka double ako at hindi ako napaso jan sa dala mo.
GIRL: Sorry na, sorry sorry!
BOY: Gusto mong makabawi diba? Amin na number mo.
GIRL: Ayy bakit ko naman ibibigay sayo?
BOY: Natural, para makabawi ka sa ginawa mo sakin.
Hinawakan ni boy ang kamay ni GIRL.
GIRL: Malalate na ako HUHU, please let me go.
BOY: Ayoko, give your number muna.
Walang nagawa si GIRL dahil late na late na siya sa klase binigay niya nalang ang number niya kay BOY para hindi na siya kulitin nito.
Habang nasa klase si GIRL naka receive ito ng text kay BOY.
BOY: "Hindi pa tayo tapos sa ginawa mo sakin kanina, but I have an idea para makabawi ka sakin. Simple lang gagawin mo, pag seselosin natin yung Ex ko."
GIRL: "Nooo!!! Ayoko! Ano ka hilo?"
BOY: "Ahh ganun ba? sayang may isosoli pa naman sana ako sayong gamit na importante sayo"
GIRL: Huh? ano yun?
Kinalkal ni GIRL yung bag nya at hinanap kung ano yung nawawala.
GIRL: Sheet of paper yung Book report ko!!!
Wala akong nagawa kundi makipag deal sa Bwiset na lalaking yun, hawak nya yung Book report ko na isa sa requirements para maka graduate ako.
Pag kalipas ng isang araw.

Comments

Popular Posts