Story of Mokong & Mokang PART 29 By: Norbie Borja
Kinakabahan ako sa mga susunod na bibitawang salita ni LEXIE, sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pero kailangan kong tanggaping kung anu man ang magiging dahilan ng panlalamig niya sakin, para narin sa ikatatahimik ng pusot isipan ko.
LEXIE: Mag ka dugo tayo CARL. (malungkot na pag kakabigkas)
CARL: Ha? hindi kita maintindihan! Panong mag ka dugo? teka teka naguguluhan ako.
SILVIA: Anak ko si LEXIE
Napaharap ako sa likod kung saan nakatayo si MOMMY at nanlumo ako sa narinig ko. Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nila. Paanong mag kapatid kami ni LEXIE? sa hinaba haba ng panahon bakit ngayon ko lang nalaman? yan ang mga tanong sa isipan ko.
SILVIA: Recently ko lang din na confirmed na siya ang anak kong ipinaubaya sa dalawang mag asawang nakasalubong ko. Nung araw na yun may pag tatangka sa buhay ko, nabaon ako sa negosyong binuksan ko. Kaya siguro ganun nalang ang galit ng mga pinag kakautangan ko. Ayokong madamay si LEXIE, kaya kahit masakit sakin ipinamigay ko siya.
LEXIE: Tama siya CARL, naipaliwanag niya na sakin ang lahat. Kahit ako hindi ko lubos maisip na mag kapatid pala tayo. Masakit sa part ko dahil minahal na kita bilang kabiyak ko, kaya kung mapapansin mo iniiwasan na kita. Humahanap lang ako ng tyempo kung paano ko sa sasabihin sayo.
CARL: Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan mo pa ipamigay si LEXIE? hindi ba stable ang mga negosyo ni DADDY na ipinamana pa sa kanya nina LOLO at LOLA?
SILVIA: Tutal alam mo na din naman lahat, hindi ko na din kailangan ilihim pa sayo.
CARL: Sige na! sabihin nyu pa kung ano ang hindi ko alam! Para mas maliwanagan ako! (sigaw ni CARL)
SILVIA: Hindi ako ang tunay mong Ina.
LEXIE: Whaat?! Pero ang sabi mo sakin.(habang nag tataka)
Nawindang lalo ako sa narinig ko, tila gumuho ang mundo ko sa narinig ko.
SILVIA: Matagal ng patay ang MAMA mo CARL, 1yr old ka palang nun ng maaksidente ang sasakyan niya. Mag iisang taon ako nuon sa kumpanya ng DADDY mo, namasukan ako bilang isa sa mga staff nya. Hanggang sa nag karoon kami ng relasyon at kinalaunan naging mag Business Partner. Hindi nga lang kami pinalad na mag karoon ng anak. Kaya ibinaling nalang namin sayo ang lahat ng pag mamahal at atensyon. Sa pangungulila ko kay LEXIE itunuring na kitang tunay kong anak.
CARL: Bakit ngayon nyu lang po ipinagtapat yan sakin (habang naluluha luha)
SILVIA: Humahanap lang din ako ng tyempo, kami ng DADDY mo.
CARL: Pinag mukha nyu kong tanga! Hindi nyu agad pinag tapat sakin ang ng yari sa totoo kong ina! Wala akong kaalam alam na ganun pala ang sinapit niya! (habang humahagulgol sa luha)
SILVIA: CARL anak, sana maintindihan mo na ginawa lang namin yun para sayo.(habang hinawakan sa balikat si CARL)
CARL: Ang point ko dito bakit kailangan nyu pang mag sinungaling sa mahabang panahon! Kahit naman siguro bata pa ako maiintindihan ko na ang lahat!
SILVIA: Hindi namin intensyon yun CARL, mas nangibabaw lang samin ang sarili mung kapakanan.
CARL: Kapa kanan? alin ang ipagkait sakin na makilala ko agad ang tunay kong ina!?
LEXIE: Bakit hindi nyu sinabi sakin yan? ang sinabi mo lang sakin na anak mo ko, pero hindi mo sinabing hindi pala kami tunay na mag kapatid ni CARL. (habang nakatingin kay SILVIA)
CARL: Ikaw din pala ang may pakana kung bakit nilayuan ako ni LEXIE?!
SILVIA: Oo! Dahil sa mga nalaman ko hindi ako makakapayag na kahit hindi kita lubusan na kadugo ay makatuluyan mo ang anak ko. Alam kong mahirap para sa inyu ang mga ito, pero ito ang nararapat.
CARL: Palibhasa hindi kayo ang naapektuhan!, hindi kayo ang nasasaktan!, hindi kayo ang mag dadala!. Ako!
SILVIA: Hindi lang si LEXIE ang babae sa mundo, ituring mo nalang siyang tunay mong kapatid. Makakahanap kapa jan ng mga kasing Class ni LEXIE.
CARL: Puro Class ang nasaisip nyu! Ganyan nalang ba ang qualification nyu sa isang babae? may Class? kaya ba ganun nalang rin ang pag papahiya nyu dun sa bagong Girlfriend ko?
SILVIA: Hindi mo ko maloloko CARL, alam ko isang pamamaraan mo lang yan para bumalik sayo si LEXIE. Sa nalaman mo ngayon, siguro naman na imposible pang mang yari ang gusto mo. Kaya tigil tigilan mo ang panunuyo sa babaeng nag papaawa na yon!
Napailing nalang ako sa mga sinabi ni MOMMY, umalis ako ng sobrang bigat ng nararamdaman ko. Nag drive lang ako ng drive hanggang sa kung saan ako makarating, ayukong umuwi. Halo halong emosyon ang nasa isip ko, emosyon na halos kainin ang buong lakas ko. Napakasakit sa akin na hindi na kami maaring mag katuluyan pa ni LEXIE dahil sa nalaman ko. Pero mas masakit sa kalooban ko ay ang nalaman ko about sa totoo kong ina.
--------------------
JANE: Ayyy hala grabe naman ang ng yari sayo nun MOKONG, parang mas masakit pa yan sa mga pinag sasabi nung MOMMY SILVIA mo sakin.
JANE: Ayyy hala grabe naman ang ng yari sayo nun MOKONG, parang mas masakit pa yan sa mga pinag sasabi nung MOMMY SILVIA mo sakin.
CARL: Ganun na nga MOKANG, kaya nga nung malaman ko ang lahat ng yon halos mag break down ako. Ilang araw lang nag pa schedule ako at pumunta ng Amerika. Gusto ko kasing malaman din ang side ni DADDY.
Hindi ko na kinuwento pa kay MOKANG ang pang dodown sa kanya ni MOMMY, ayoko kasi siyang masaktan pa. Hindi importante kung hindi man siya magustuhan ng tumatayo kong ina, ang mahalaga ang dinidikta ng pusot isipan ko ay siya.
JANE: Edi nadalaw muna yung puntod ni MOMMY mu?
CARL: Opo, balak ko din isama ka dun pag uwi natin. Gusto kong ipakilala kita sa kanya, ang babaeng nag papasaya ng bawat araw ko.
JANE: Asuuuss. As if naman makakasagot yung MOMMY mu.
CARL: Alam ko naman na kahit wala na siya, nakikita at sinusubaybayan niya ako. At sigurado akong masaya siya dahil nakatagpo ako ng isang tulad mu.
JANE: Hihi. grabe nu? ikaw wala ka ng MOMMY, ako wala na si PAPA. Siguro nag meet na sila sa langit.
CARL: Malamang at masayang masaya sila for us. (sabay ngiti at hawak sa pisnge ni JANE)
JANE: Ay teka about dun kay PAUL pala, kaya ka lang ba nagalit dahil inagaw nya si LEXIE sa iyo? ehh nag papanggap lang naman ata silang mag jowa dahil yun nga gustong kumawala ni LEXIE sa relasyon nyu dahil MOMMY niya yung STEP MOM mu.
CARL: Ganito yon MOKANG, nabuntis ni PAUL si LEXIE. Nung malaman ni LEXIE na buntis siya, ipinaalam nya kay PAUL At yung gagong yun alam mu kung anung ginawa? Pinag tawanan lang siya at sinasabing hindi daw siya ang AMA ng batang dinadala niya. Hindi naman maari akong maging ama nun dahil never pang may ng yari samin dahil gusto ko kasal na kami bago pa man may ma ganap.
JANE: So nagagalit ka kay PAUL dahil hindi pina nagutan ang magiging BABY nila ni LEXIE?
CARL: Ganun na nga MOKANG, tyaka alam mo ba naitulak niya si LEXIE. Kaya ayun na kunan. Kaya gigil na gigil ako sa lalaking yun. Nalaman ko ang lahat ng yan nung nasa Amerika ako at nakapag video chat ko si LEXIE, kinamusta ko kasi siya nun. Tanggap ko naman ang lahat sa ng yari samin. Gaya nga nung ipinayo ni PROF GARY bago ako pumunta ng Amerika.
"PROF GARY: Kung hindi talaga para sayo, accept it. Kung may mawawala, may darating."
Sabay tumigin si CARL kay JANE
JANE: Oh bakit makatitig ka sakin jan?
CARL: Syempre, kasi nag katatotoo yung sinabi ni PROF GARY. Isa kang napaka laking regalo sa buhay ko.
MAMA: Aba! Mukhang nag eenjoy kayo sa pag hilata nyu jan sa buhanginan ahh?
Nakita ko nalang si MADER EARTH at KELLY na papalapit sa amin, naloka nalang ako ng may ka holding hands si KELLY na Foreigner.
JANE: Aba sino naman yang dala dala mo? parang na mimingwit lang ha? pag balik may bingwit na.
KELLY: Anu kaba BESHY! Meet ALEX! My new found friend.
JANE: So kailangan pag mag friend mag ka holding hands?
KELLY: Hayaan mo na ako BESHY minsan lang to anu ka ba!
JANE: Napaka friendly mu talaga sa mga gwapo nu?
KELLY: Corrected by!
JANE: Nakakaintindi ba ng English yan?
KELLY: Hindi nga BESHY!
JANE: Eh paano mo nalaman ang pangalan niya?
KELLY: Edi more on sign language pa si ako, daig ko pa nakikipag usap sa pipet binge.
JANE: Mamaya nanjan yung jowa niya, naku ma jojombag ka.
MAMA: Kanina pa ako may na aamoy ang sakit sa ilong, parang sumusunod samin.
KELLY: Kaya nga MADER, bakit ganon?
Bigla kaming natawa ni MOKONG.
JANE: Juske ang lakas ahh! Nanununtok sa ilong, enebeyern!
KELLY: Ay shutakels! Mukhang na gets kita BESHY!
MAMA: Oh bakit naka tingin ka sakin? Amoy araw lang ako hindi ako amoy tokpu!
KELLY: Ahmm ALEX, do you know DEO? (sabay sign language para maintindihan)
ALEX: (napa iling)
KELLY: Hmmm DEODARANT! (sigaw ni KELLY)
Ang sakit ng tyan ko sa katatawa kay KELLY, kaloka tong BEKI na to basta kasi maka sunggab sa mga gwapong madatnan, hindi muna kilatisin maige. Nung nakaraan HIPON, ngayon naman ang lakas. Ang lakas ng amoy ang bitbit bitbit.
JANE: Ang sakit mo sa bangs BEKS!
KELLY: Pero sabagay maganda naman ang katawan niya kaya carry na siguro kapag nag love making kaming dalawa.
JANE: Ang tindi mu! Gusto mo bang ma suffocate?
Ayun pinalayas ni KELLY yung papabols na dala dala niya, hindi namin na mamalayan na isang oras na pala kaming nasa PUKA beach. Ang dami kasing kwento ni MOKONG, pero maige narin yun at mas naliwanagan nadin ako sa buhay
niya. Pag katapos namin mag libot sa PUKA BEACH, umalis narin kami at sumakay ng bangka.
CARL: Are you ready sa next nating activity?
MAMA: Yuhooo kaininan na?
CARL: Ayy hehe hindi po TITA, mag babanana boat tayo.
KELLY: Woooo!!! I Love Banana! (sabay buka ng bunganga niya at tirik mata)
MAMA: Jusko, ayan! jan ka mahusay sa pag kain ng banana! Lintik kang bata ka. Kung ako naging nanay mu sige lang support lang kita kung san ka masaya.
KELLY: I LOVE YOU MOMMY JADE!
Ayun na nga mag Ba Banana Boat kami nila MOKONG, juske natatakot ako. Baka mamaya mahulog kami eh hindi pa naman ako marunong lumangoy, madami pa akong pangarap sa buhay.
Nung sasakay na kami nila MOKONG sa Banana Boat, napa sign of the cross ako. Kinakabahan talaga ako kahit sila ang kasama ko.
CARL: Wag kang kabahan MOKANG, nandito naman ako. Handang sagipin ka, gaya ng pag sagip mo sa puso ko.
JANE: Tsee! Siguraduhin mo lang na maililiktas mo ko huh, baka mamaya parehas tayong lumubog. Nako jusko mamaya ako pa mag ligtas sayo.
CARL: Oh sabi mu hindi ka marunong lumangoy.
JANE: Halika dito may ibubulong ako sayo.
Inilapit agad ni CARL ang tenga niya sa bibig ni JANE.
CARL: Anu po yun?
JANE: Wag mong ipagkakalat ha?
CARL: Opo, promittt
JANE: Sirena ako.
Biglang natawa si CARL
JANE: Oh bat natawa ka?
CARL: Wala lang, kasi ako shokoy. Kaya bagay na bagay talaga tayo.
JANE: Chusero! Shokoy na MOKONG hihi.
CARL: Ako din pala may ibubulong.
JANE: Gaya gaya talaga, aber anu naman yun?
Inilapit ni CARL ang bibig niya sa tenga ni JANE.
CARL: Ipagkalat mo ito ah?
JANE: Ang alin?
CARL: Na mahal na mahal ng shokoy na MOKONG ang sirenang si MOKANG. (sabay halik sa Pisnge ni JANE)
KELLY: Ayy ang taray may pag tukang nagaganap?
JANE: Ready ka naba malunod BESHY? este mag Banana boat?
KELLY: Naman! Basta kapag nalunod ako hanapan nyu ko ng gwapo na mag ma mouth to mouth sakin ha? Para mas mabilis akong maka recover.
MAMA: O sige hahanap kami ng gwapong Pirana na makikipag mouth to mouth sayo. Ang harut harut mu talagang bata ka!
KELLY: Anu kaba MOMMY kasama sa pag dadalaga yan.
MAMA: Hindi tayo malulunod dahil may life jacket tayo, kaya wag ka mag worry jan.
KELLY: Eh kasi naman MOMMY, gusto ko nga malunod para may chance makapag lips to lips sa OTOKO.
MAMA: Ayy ewan ko sayo gusto mo itulak na kita ngayon palang, amin na yang life jacket at ng maitulak kana.
Hay nakakaloka talaga tong dalawang to, hindi kaya sila ang tunay na mag nanay? Ayan na eemeygewd! Umaandar na ang banka na hahatak sa Banana boat para umandar ito ng mabilis. Nasa likuran kami ni MOKONG at mag katapat, ako ang nasa kanan siya naman ang nasa kaliwa. Samantalang si KELLY naman nasa unahan namin kasama si MAMA. Katapat ko si MAMA at katapat ni MOKONG si KELLY.
CARL: Kapit kang maige MOKANG ah? kayo din po jan TITA and KELLY.
KELLY: Pwede bang sa mga braso mo nalang PAPA CARL kumapit.
JANE: Gusto mung kumapit sayo tong palad ko BESHY?
KELLY: Ayy grabe siya oh, patola ka din BESH!
Waaa ayan na pabilis na ng pabilis, sa sobrang bilis nito nag bobounch kami sa dagat. Para akong nakasakay sa rides kaloka. Napapansin kong si MAMA enjoy na enjoy, nag papakitang gilas pa na isang kamay lang ang nakahawak at yung isa nakataas. Wow grabe si MADER daig pa ako. Ma try ko nga din, dahan dahan kong kinalas yung kamay ko. Emeygesh mukang napasubo ata ako. Pag taas ko ng kamay ko sa sobrang bilis at lakas ng pag kaka bounce namin nakabitiw ako, nalubog ang buong katawan ko sa tubig. Medyo nag panic ako dahil hindi ako marunong lumangoy kahit naka life jacket ako. Hindi ko maiharap ang katawan ko sa pwesto kung nasan yung sinasakyan namin. Naramdaman ko nalang ng may biglang yumakap sakin.
CARL: Sabi ko naman sayo na nandito lang ako para sagipin ka. (bulong ni CARL)
JANE: Huhuhu, natatakot ako.
CARL: Wag kang matakot everythings gonna be fine.
JANE: Tama, at ayokong ma confine.
CARL: Kung ma coconfine ka man, dito lang yun. (sabay kuha ng kamay ni JANE at inilapit sa dibdib niya)
JANE: Oh shige ne nge. Salamat MOKONG.
Habang hinahantay namin yung bangka na kunin kami, may bigla akong nararamdamang matigas na bagay sa likuran ko. Eh si MOKONG lang naman ang nandun. Kaya agad ko siya tinanong.
JANE: MOKONG, bat may tumutusok tusok akong nararamdaman sa bandang pwetan ko.
CARL: Huh? Uiii ha baka kung anu iniisip mu jan.
JANE: Ito naman masyadong defensive. Teka kakapain ko.
Dahil na iintriga ako kung anu yung matigas na tumutusok tusok sa pwetan ko kinapa ko. At kaloka ng bigla kong mahawakan isang isda, pag taas ko ng kamay ko ayun bumulaga sakin ang isang napaka cute na isda. Tumalon agad siya sa tubig at nakawala.
CARL: Ang swerte naman ng isda. Sana isda nalang ako.
JANE: Manahimik ka jan, isdang hugutero.
MAMA: Anak okey lang ba kayo? Sobrang enjoy namin hindi ko namalayan nawala na pala kayo. Sana sinabi nyu mag swimming muna kayo jan.
JANE: Kaloka ka MA! Nahulog ako nakabitaw, paano ginaya ko yung one hand mo kanina.
MAMA: Ayy hihi pawang experto lang ang nakagagawa nun nak.
KELLY: Edi kayo na mag ka yakap, PAPA CARL ako din kunwari malulunod ako tapos sasagipin mo ko.
MAMA: Gusto mo ba talaga? (aambang itutulak si KELLY)
KELLY: Choss lang! Halina kayo dito at ng makabalik na tayo sa pampang at maka lapang na.
Agad kaming umahon ni MOKONG at sumakay sa bangka, sa sobrang dami naming pinag gagawang activities gutom na gutom na ako. Grabe ang init pero carry lang dahil naka BEAUPLUS Sunblock Oil Based Spf 70 naman ako. Umuwi kami saglit para makapag palit muna at ng makakain na.
JANE: Grabe BESHY ang tagal mo sa kwarto, gutom na kami. Iwan kana namin jan. Kanina pa kami ready to go dito.
KELLY: Wait lang, mag iipit lang.
MAMA: Jusko, kaya naman pala may i iipit lang.
KELLY: Hala, mag iipit lang ako ng buhok MOMMY kaw talaga! Alam ko yang iniisip mu.
MAMA: O hala sige na bilisan mo at itong bituka ko nag kaka buhol buhol na sa gutom.
Nung matapos na kami lahat, dinala kami ni MOKONG sa isang restaurant na puro Sea Foods. Grabe makikita mo duon na yung mga buhay na laman dagat na duon palang lulutuin, fresh na fresh kung baga. Naalala ko tuloy yung isdang sumingit sa puwetan ko, baka isang araw maihain din siya sa ganitong kainan.
Habang abala kami sa pag kain, biglang nag ring yung phone ko. Hindi naka save yung number niya. Kaya nag tataka ako kung sino ba to.
JANE: Wait lang ah sagutin ko lang yung tawag.
CARL: Sino ba yan?
JANE: Ewan number lang eh..
CARL: Gusto mu ako na sumagot? (aambang kukunin yung phone ni JANE)
JANE: Tsee! Wait sagutin ko lang..
JANE: Hello sino po ito.............Talaga??!!
Grabe naexcite ako sa balitang narinig ko! Parang gusto kong bumalik agad ng MANILA! This is it pancit na talaga!
.
.
.
.
.
Ano kaya ang balitang natanggap ni JANE? Bakit ganuon nalang siya ka excite?
.
.
.
.
.
Ano kaya ang balitang natanggap ni JANE? Bakit ganuon nalang siya ka excite?
Abangan sa nag iisang FB Serye na Pakikiligin ka! Paluluhain!, Patatawanin! at Bibitinin sa mga kapana panabik na eksena!
Gusto nyu bang i share ang kilig ng ating FB SERYE? Tag nyu na sila!!!
Wag ding kalimutan mag bigay ng bonggang comment nyu! Para ma DEDICATE sayo ang susunod na eksena!
Wag ding kalimutan mag bigay ng bonggang comment nyu! Para ma DEDICATE sayo ang susunod na eksena!
Comments
Post a Comment