STORY OF MOKONG & MOKANG Part 15 By: Norbie Borja


Hindi ko talaga malilimutan ang gabing ito, napaka raming ng yari sa buhay ko. Isang gabing punong puno ng saya. Pero 
sa isang saglit lang nabalot ng kalungkutan.
===PLEASE PLAY THE SONG====
Iingatan kay by Carol Banawa 
============================
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Pag bukas ko ng pintuan, bigla akong na tulala, bumungad sakin ang isang babaeng walang malay, naka detrox at tila 
hinang hina sa ng yari sa kanya. Hindi ko mapigilan ang luha ko, tumakbo ako na parang nawawalang bata papalapit sa 
kanya. Hinawakan ko ang kamay niya, habang kinakausap usap ko siya.
JANE: Ma nandito na po ako (hinalikan ang kamay ng Mama niya)
Pinisil pisil ko yung kamay niya habang umaagos sa mga mata ko ang luha ko.
CARL: (Hinimas himas ang likuran ni JANE para maicomfort ito)
JANE: Mahhh, please wag mo naman ako pakabahin ng ganito. (habang patuloy ang pag luha)
May ibabalita po ako sayo, sinunod ko na yung sinabi mu. Pinakinggan ko yung puso ko, alam ko magiging masaya ka sa 
sasabihin ko. Kaya please lang idilat mu yung mga mata mo. (habang patuloy ang pag luha)
May biglang kumatok..
CARL: Wait JANE, I'll open the door.
Are you the DAUGHTER?
Bigla akong napalingon sa likuran ko, bumungad sakin ang isang lalaking nakaputi.
JANE: Yes DOC, im JANE CRUZ.
DOC: Sinugod siya dito sa Hospital dahil nawalan siya ng malay, as per my observation nagkaroon siya ng Mild Stroke. Nag 
bigay na kami ng ilang examine at bukas natin makikita ang resulta. But don't worry, okey naman siya ngayon. Nag 
papahinga lang siya.
JANE: Mabuti naman kung gayun Doc.
CARL: Narinig mu JANE, no need to worry.
JANE: Hindi ko lang kasi mapigilang hindi mag worry. Nawala na si PAPA kaya ayokong mawala din siya sakin. Mahal na 
mahal ko si MAMA, kaya natatakot akong pati siya mawala.
Lumapit si CARL kay JANE at pinunasan nito ang mga luha nito sa mata.
CARL: GOD is with US JANE, makakarecover ng maayos si Tita, wag kana mag worry huh? pati ako nag wo worry lalo pag 
nakikita kitang nahihirapan (malungkot na sabi ni CARL)
Ohhh JANE buti naman nandito kana..
Lumapit si JANE sa Tita niya.
JANE: Tita LOLENG salamat po ah dahil hindi nyu pinabayaan si MAMA.
LOLENG: Sus naman JANE, maari ko bang pabayaan MAMA mu, alam mo naman mahal na mahal ko yang nag iisang 
kapatid ko.
JANE: Pasensya po kung ngaun lang ako nakarating.
LOLENG: Okey lang yun, alam ko naman galing ka sa Trabaho.
Nag tinginan si JANE at CARL.
LOLENG: Ay teka sino pala siya JANE?
JANE: Ahhh ehh Tita si CARL po Boss ko po. ehh ahhm Boyfriend ko nadin po.
LOLENG: Ay napaka gwapo namang bata ere, bagay na bagay kayo ahh. (sabay ngiti nito)
Ngumiti si CARL na tila kinilig sa sinabi ng TITA ni JANE.
LOLENG: Oh CARL wag mong paiiyakin tong pamangkin ko hu? Maliban sa papa niya ikaw ang pangalawang lalaking 
mamahalin niyan.
CARL: Opo naman TITA LOLENG (Mabilis na sagot ni CARL) Hinding, hindi ko po sasaktan at iiwan yung pamangkin nyu. 
(sabay taas nito ng kanang kamay na tila nanunumpa at ngiti nito)
Nabaling ang aming atensyon ng biglang may nag salita.
JANEee (malumanay na sabi)
Agad agad akong lumapit kay Mama nung narinig ko siyang nag salita, nagalak ang aking damdamin ng makita ko siyang 
gumising na.
JANE: Buti po gumising na kayo. (malungkot na mukha pero pinilit ngumiti)
MAMA: Bakit gusto mo ba matulog ulit ako? (malamyang pagbibiro)
JANE: Ehh syempre gusto kong makita kitang mag ka malay ngayon, para alam kong okey po kayo at mapanatag ang loob 
ko.
MAMA: Ikaw talagang bata ka, wag ka masyadong mag worry sakin. Malakas ako no. (sabay angat nito ng dalawang braso)
JANE: Wag ka nga jan masyadong mag likot likot Mama, need mo mag pahinga maige. Wag ka muna mag lako ng mga 
paninda mo ah? Alam mu naba yung ng yari sayo? na Mild Stroke ka daw.
MAMA: Ohh Mild lang naman yun, kaya ko pa to anu kaba.
JANE: Tskk!! basta ako na muna mag ta trabaho sa bahay ka lang please!!! (pag mamakaawa nito)
MAMA: Oh siya siya, basta pag medyo nakabawi bawi ako ng lakas back to work na ako, ayoko naman iasa lahat sayo kung 
alam ko namang kaya ko pa.
JANE: Ayy naku si MAMA talaga.
Nabaling ang tingin ng MAMA ni JANE kay CARL.
MAMA: Oh? si gwapo andito? anung ginagawa niya dito? (pag tataka)
JANE: Ahhh ehh mama, kasii ihh ganito
MAMA: Wag mung sabihing?? (habang medyo kinikilig kilig)
Sabay na tumango si JANE at CARL sa mama ni JANE.
MAMA: Aba aba! Sabi ko na nga ba mag kakatuluyan din kayong dalawa eh, pero teka gabi na diba may trabaho pa kayo 
bukas? (pag woworry nito)
CARL: Ayy Tita FRIDAY po bukas hehe. Monday pa naman po yung pasok namin. (sabay kamot sa ulo)
MAMA: Ehh kahit na dapat nag papahinga kana din.
CARL: Wala po yun, sasamahan ko po si JANE na mag bantay sa inyu. (sabay ngiti nito)
MAMA: Aba eh baka hanapin ka ng mga parents mu? sabihin san ka nag pupupunta.
CARL: Ahh eheh nasa Canada po sila TITA, tyaka okey lang po yun sakin. Ang importante kasama ko yung mahal ko sa 
pag babantay sa taong pinaka mamahal niya. (sabay napa ngiti ito kay JANE)
MAMA: May gunting ba jan? (seryosong tanong)
JANE: Bakit ma? (pag tatakang tanong)
CARL: Wala po akong dala eh.
MAMA: Puputulin ko lang sana buhok niyang babaeng yan (sabay turo kay JANE) ang haba ehh.
JANE: Ahihi ikaw talaga mama nakuha mo pang magbiro.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakatungo sa higaan ni MAMA, unti unti kong dinilat yung mata ko 
nung napansin ko ang sikat ng araw. Tinignan ko si MAMA pero mahimbing pa ang pag kakatulog nito. Nabaling ang mga 
mata ko sa isang lamesang katabi ng higaan ni MAMA, nakita ko ang napakadaming kumpol ng prutas. Nag taka ako kung 
saan galing yun? wala naman kaming dala dala nung pumunta kami ni mokong dito.
JANE: Speaking of mokong, nasan ba siya? (pag tataka ni JANE)
Nag masid masid siya sa paligid para hanapin si CARL. Hindi niya maitext to dahil na lowbat na ang celphone niya.
Habang nakadungaw ako sa bintana at nakatulala at inaalala yung mga pinag gagagawa ni mokong kagabi, napapailing 
nalang ako kapag biglang sumasagi sa isip ko yung ng yari kay MAMA. Napalingon ako sa likuran ng marininig kong unti 
unting bumukas ang pinto.
CARL: Ohh gising kana pala? mag breakfast ka muna. Bumili ako ng food for us.
JANE: Ayy grabii siya nag abala pa talaga. Sana ginising mu ako para na samahan kita.
CARL: Okey lang yun, para may mag tingin kay TITA.
Grabe napakabait talaga nitong lalakeng to, sinamahan nya na ako mag damag na mag bantay kay MAMA. Nag effort pa 
talaga siyang bumili ng makakain namin. Minsan nahihiya na din talaga ako sa kanya, pero alam ko balang araw 
masusuklian ko lahat ng tulong niya.
Habang kumakain ng Breakfast sila JANE at CARL pumasok ang Doctor.
DOCTOR: Good morning.
Bigla napatayo si JANE sa kinauupuan nito.
JANE: Good morning DOC, may result na po ba?
DOCTOR: Yesss, ahmm ganito kasi yun. Napansin kasi namin na lumalaki ang puso ng MAMA mu.
JANE: (natulala) Pero DOC diba maaagapan pa naman yun? (pag aalala niya)
DOCTOR: Yes, there's a posibility naman, but dapat continuous ang medication niya. And makakatulong din sa kanya kung 
hindi masyadong kumikilos. Sinabi ng TITA mu kagabi na madalas kasing nasa arawan ang MAMA mo, kaya isa rin yun sa 
factor ng pag ka MILD STROKE niya.
JANE: Medyo nakahinga ako ng malalim sa nalaman kong kayang agapan pa yung sakit ni MAMA (sa isip isip ni JANE)
Thank You Lord! (bulong ni JANE)
DOCTOR: Tomorrow pwede nyu na siya mailabas. Basta sundin nyu lang maige yung mga ibibilin ko ha?
-------------
JANE: Salamat mokong sa pag asikaso sa amin hanggang pag hatid dito sa bahay. Masyado kana atang naabala. 
(malungkot nitong tanong)
CARL: Wala yun mokang ko anu kaba!, alam mu naman basta para sayo diba lahat gagawin ko. (sabay ngiti nito kay JANE)
Biglang na baling ang atensyon nila JANE at CARL ng biglang
.
.
.
.
Salamat hindi mo ko pinabayaan, alam kong pinagmamasdan mo kami. (habang umiiyak)
Habang hawak nito ang Litrato ng asawa niya.
JANE: Oh Mama, wag ka ng umiyak jan. Alam mo naman yung sabi ng doctor bawal kang mastress.
MAMA: Pasensya kana anak, naalala ko lang yung PAPA mo. Kung na bubuhay pa sana siya hindi siguro magiging ganito 
kahirap ang buhay para satin.
JANE: Hmmm kaya nga po ako nag sisikap ako para maitaguyod kita MAMA. (malungkot na sabi nito habang hinihimas ang 
likuran ng mama niya para i comfort)
Lumapit si JANE kay CARL.
CARL: Okey lang ba si TITA?
JANE: Ahh ganyan lang talaga yan, nagiging emosyonal masyado. Malapit na kasi ang death anniversary ni PAPA.
CARL: Ahh ehh ilang taon naba wala si PAPA mu?
JANE: Mag 15th years na next week.
CARL: Ahhmm Would you mind if I ask?
JANE: Alam ko na itatanong mu, anung cause ng pagkamatay niya?
Tumango si CARL kay JANE.
JANE: Ganito kasi yun...
Ano nga ba ang dahilan ng pag ka matay ng PAPA ni JANE?

Comments

Popular Posts