Story of Mokong & Mokang PART 18 By: Norbie Borja


Unti unti siyang lumalapit sakin, takot na takot ako. Sumisigaw ako pero tila walang nakakarinig sakin. Gusto kong tumakbo
pero tila hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Ano bang gusto niyang mang yari? may nagawa ba ako sa kanya? bakit tila ganun nalang ang galit niya para gustuhin akong saktan?. Mga tanong sa isipan ko habang kumakabog ang dib dib ko sa sobrang takot at pangamba. Nagulat nalang ako ng bigla akong nakaramdam na malakas na...
MAMA: Oii! JANE anu na tanghali kana ohh.
Nagising ako sa malakas na hampas ni Mader, sheet of paper, panaginip lang pala. Jusme napaka sama namang panaginip.
MAMA: Anu na? shulala pa more JANE! (sigaw niya)
JANE: Anung oras na po ba?
MAMA: Aba 7:30am na! 8am diba ang pasok mo?!
JANE: Hala! shockss!!! serious???
MAMA: Mukha ba akong nag bibiro? gusto mo dalhin ko pa sa harap mo yung wall clock natin?
JANE: Wala naman tayong wall clock eh.
MAMA: ay wala ba? sorry naman, teka dalian mo na at bumangon kana jan! Kanina pa nasa labas yung sundo mo!
JANE: Hah? nanjan na si Mokong???
MAMA: Anu pa nga ba? kaya nga ginising na kita.
JANE: Ayy so kung hindi dumating si CARL hindi nyu ako gigisingin? Magaling magaling!
MAMA: Talk show pa more JANE? kanina pa nag hahantay si gwapo sa labas.
JANE: Kaloka ka mader, edi sana pinapasok mo muna. Inalok nyu po muna mag kape.
MAMA: Hindi naman yun iinum ng 3 in 1 na kape, tyaka ayaw niya bumaba dun sa kotse, takot na takot ata maarawan.Sige
bilisan mo na! Tumayo kana jan! naka ready na yung almusal mo dun!
Emeyged hindi ko akalain na makakatulog ako ng super shugal, ayan hindi ko namalayan na nag alarm na pala yung alarm clock ko, buti nalang at may back up akong alarm clock (Mader) kundi nako baka sleeping beauty padin ang peg ko.
Tinignan ko din yung cellphone ko at kaloka naka 15 missed call na pala si Mokong. Nakakahiya tuloy kay Mokong ko, nag
hahantay na siya ng matagal. Tskk! Habang naliligo ako sumasagi sa isip ko yung babaeng gusto akong saktan, na
mumukhaan ko siya, pero habang pilit kong inaalala yung itsura nya. Unti unti itong lumalabo sa isip ko hanggang sa
tuluyang hindi ko na maalala yung itsura niya. Ano kayang nagawa ko sa babaeng yun bakit ganun na lang ang galit niya
sakin?
JANE: Good morning mokong ko.
CARL: Tskk! tskk! tskk! Your late! (galit galitan)
JANE: Sorry na at nag hantay ka ng matagal (sad face)
CARL: Okey lang sanay naman akong mag hantay.
JANE: Saucee, sana hindi muna ako hinantay. Malalate ka din tuloy.
CARL: Wala eh ganun talaga, kapag mahal mo handa mung isakripisyo lahat.
JANE: Hala siya, ang aga aga may hugot factor!
CARL: Oh bakit tinanghali ka ata ng gising?
JANE: Ehh dala lang ng pagod, alam mo naman napaka dami kong pinag gagawa kagabi, diba nag mowdeling ako?
CARL: Asuss, kaltas sa sahod yan ah.
JANE: Ayyy grabe siya ohh. Sorry na nga ehh (paawa effect)
CARL: O siya siya, tara na at madami pa tayong gagawin sa office.
Biglang nag ring yung phone ni CARL.
CARL: Yes yes Otw na kami, ok naba jan?.....ahh okey good.
JANE: Sino yun mokong?
CARL: Ahh ehh si JAMES, tinatanong kung nasan na tayo bat daw tinanghali na tayo.
JANE: Ahhh. okey po.
Halos mag 8:30am na din kami ng makarating ni Mokong sa office, grabe much 30minutes late. Tskkk! Kasalanan to nung
panaginip ko eh, kung sana hindi siya umeksena edi sana hindi ako malalate ng ganito. Grrrr. Habang nasa elevator kmi ni CARL, napapansin kong ngiti lang siya ng ngiti sakin.
JANE: Oh? bat parang ang saya saya mo jan? (pag tatakang tanong)
CARL: Ahh ehh wala lang, alam mo naman bastat kasama kita lagi akong masaya at sasaya. (sabay smile nito at hawak sa pisnge ni JANE)
JANE: Tseee! hindi ka galit?
CARL: Bakit naman ako magagalit?
JANE: Eh kasi dahil sakin na late tayo ng pasok, baka mamaya pati ikaw makaltasan ang sahod.
CARL: HAHA! Kaw talaga lakas mo mag joke, bat naman ako makakaltasan ng sahod? eh ako nga yung nag papasahod.
Ikaw talaga ang cute cute mo mokang ko. Pakiss nga.
JANE: Okey sige saglit lang huh!
Ngumuso ako at napapapikit ng madiin nung sinabi ni CARL na ikikiss niya daw ako. Napadilat nalang ako ng mata nung dumampi sa nuo ko yung halik ni Mokong at ng marinig yung mga staff na
"Ayy ang sweet naman"
Hindi namin namalayan na sumakto sa pag halik sakin ni Mokong ang pag bukas ng Elevator. Medyo nahiya si CARL at
napakamot ng ulo. Napangiti nalang ito sa kanila.
JANE: Ayan kasi, kiss pa more! (pang aasar niya) Lika na! nakakahiya super late na tayo.
CARL: Oppss wait wait! (hinila yung braso ni JANE)
JANE: Oh? bakit? anung oras na kaya may mga trabaho pa tayong dapat tapusin.
CARL: No worries Mokang, teka. (habang may kinukuha sa bulsa)
CARL: Mokang, I want you to close your eyes.
JANE: Ay bakit?
CARL: Basta, pipiringan kita ah.
JANE: Para san ba yan? bakit may piringan portion? may pukpok palayok ba akong dapat basagin?
CARL: Ahehe wala, basta sige na please..
JANE: Sigurado ka ha? baka mamaya parusa mo to sakin itulak mo ko sa hagdanan habang naka piring huhu.
CARL: Assuss magagawa ko ba yun? kung itutulak man kita, dito nalang sa nag aalab kong puso.
JANE: Ahihih shige na nga.
Hindi ko alam kung para saan ba at kailangan pa ako piringan ni Mokong, anu nanaman kayang pakulo ang naiisip nitong
lalaking to? Habang inaalala layan ako ni CARL, sa direksyong hindi ko naman alam kung saan.
CARL: Okey, wait... wait...
JANE: Pwede naba alisin?
CARL: Ayy wait lang Mokang.
JANE: Hindi ba ako iikot? tyaka nasan yung pamalo?(habang kinakapa kapa yung pamalo)
CARL: Uiii uiii mamaya ibang pamalo yung makapa mu ah hihihi
JANE: Ayy grabe siya ohh, bakit may matigas na pamalo ba talaga akong mahahawakan?
CARL: Ou naman, haha!
JANE: Aber anung matigas yan?
CARL: Syempre yung biceps ko. Anu pa nga ba.
JANE: Pahawak nga. hihi
CARL: kaw talaga Mokang ko. puro ka kalokohan.
Narinig ko na bumukas yung pintuan. Kinakabahan ako baka mamaya pintuan pala ng fire exit to at itulak ako bigla ni
Mokong, syempre charot lang alam ko naman hindi niya yun magagawa.
CARL: Okey Mokang, andito na tayo.
JANE: Nasa office padin naman tayo diba?
CARL: Hehe syempre naman.
JANE: So pwede na alisin yung piring?
CARL: Yuupp wait alisin ko na.
Habang unti unting inaalis ni Mokong yung piring sa mata ko bigla ako nakarinig ng malakas na putok at tila may mga
papel na maliliit ang dumadampi sa akin mula sa itaas. Na shock lalo ako ng marinig ko ang napaka lakas na hiyaw na
"CONGRATULATIONS JANE!!!"
Hah?! Anung meron bakit nila ako kino Congratulate?(sa isip isip ko) Hindi ko pa masyadong maaninag yung mga nasa harapan ko dahil sa medyo matagal akong naka piring at medyo na sisilaw pa ako sa liwanag. Nung medyo umokey na yung paningin ko. Nakita ko sila JAMES sa harapan ko, nandun din si KELLY at si BERNEY. Kaloka anung ginagawa nila dito? Kino Congratulate ba nila ako dahil first time kong ma late? Aba eh kung ganito lang lagi edi lagi nalang ako mag papa late (sa isip isip ko)
CARL: Surprise JANE (Sigaw ni CARL)
JANE: Aray naman sa Tenga ko pa talaga Mokong.
CARL: Ayy sorry Mokang ko (sabay halik sa tenga ni JANE)
JANE: Teka anung meron? (pag tataka nito)
KELLY:CONGRATS JANE!!! Ikaw!!!!....
biglang natigil si KELLY ng bigla siyang sinabunutan ni BERNEY.
BERNEY: Oh wag kang eksaherada! ako na mag sasabi. Kaloka ka uunahan mo pa ako.
KELLY: Edi ikaw na.
JANE: Huh?
BERNEY: CONGRATS JANE!!! Mag kakaanak kana!
JANE: Huhhh?! Chusera ka! wala pa ngang ganap anak agad?
BERNEY: Charot lang gerl! eto na talaga, CONGRATS JANE!
JANE: Mga ilang Congrats pa bago ko malaman?
BERNEY: Ikaw ang napili ng BeauPlus Company para maging bagong Mowdel ng mga Beauty Products nito!!!
JANE: Hah?? sigurado ka? ako talaga? (sabay turo nito sa sarili)
BERNEY: Ayy hindi gerl nag kamali lang pala kami, hala sige iligpit na yang mga yan. Charr! Ou nga gerl! Ikaw na nga!
CARL: Yess totoo yung sinasabi ni BERNEY.
JAMES: Tama JANE, CONGRATS!!!
JANE: Bakit ako?
KELLY: Hala sya pa humble effect pa tong friend ko! o sige ako nalang.
BERNEY: Tsee! Nakita ko kasi sayo yung mga qualities na hindi ko nakita sa iba. (sabay smile nito)
JANE: Hala grabe sila ohh, hindi ko expect ahh. Pinilit lang naman ako ni KELLY mag Audition pero emeyged ako talaga?
Kaloka talaga, hindi ko expect na ako pa ang mapipili para maging Model ng company nila Mokong, iniisip ko na baka isang panaginip na naman ito. Pero napaka gandang panaginip naman kumpara sa napanaginipan ko kanina.
CARL: Opppsss! hindi pa jan natatapos ang surprise!!! (bulyaw ni CARL)
JANE: Huh!? anu na naman yun?
Nakita ko may inabot si BERNEY na box kay CARL. Isang malaking Box na may makulay na balot.
CARL: JANE, since ikaw ang napili ng company. I would like you to open this box.
JANE: Naku ha! baka mamaya gagamba laman niyan! alam mo naman takot ako dun. (pag aalala ni JANE)
KELLY: Kaloka ka, ang laking gagamba naman niyan! (sigaw ni KELLY)
CARL: Nope!, sige na open it (sabay ngiti ni CARL)
Unti unti kong binuksan yung box na malaki, nagulat ako nung pag bukas ko ng box may isa pang box sa loob nito.
CARL: Open it again.
Kinuha ko yung box, binuksan ko ulit. Pag bukas ko may another box na naman sa loob. Binuksan ko ulit, pag bukas ko
may box na naman sa loob. Medyo na iimbyerna na ako kaka bukas ng box. Mga ilang box pa kaya to para makita ko ang
laman. Mga pashnea, pinag tritripan lang ata ako nito ni Mokong ahh.
JANE: Kaloka ha! Mga ilang box pa to?
CARL: Ahehe sige na open it.
Pag bukas ko ng another box, bumungad sakin ang isang sobreng puti sa loob nito.
JANE: Anung meron sa sobre? sahod ko naba to? diba matagal pa ang next cut off. (pag bibiro ni JANE)
BERNEY: Kaloka ka gerl! buksan mo na dali exoited na ako kung anu bang laman niyang sobre na yan.
KELLY: Go girl! baka discount card yan sa SUGO, bigyan mo ko huh! charot!!!
Unti unti kong kinuha yung puting sobre. Medyo kinakabahan ako kung anu ba talaga nasa loob ng sobreng puti na ito.
Jusme mamaya Termination letter ko na pala ito, dahil sa na late ako. Tinignan ko si Mokong, at ngumiti lang siya sakin.
Nung nabuksan ko na yung sobre, bumungad sakin ang isang papel. Nagulat ako sa nabasa ko. Hindi ko na mamalayan
na unti unti na pala akong naluluha. Totoo ba itong hawak ko? Napa tingin ulit ako kay Mokong at ni yakap siya ng mahigpit. Narinig ko nalang siyang bumulong sakin.
CARL: CONGRATS Mokang, sabi ko naman sayo akong bahala. (sabay halik nito sa nuo ni JANE)
Ano kayang nabasa ni JANE sa puting sobre? bakit ganun nalang siyang naluha at napayakap ng mahigpit kay CARL?
Naiintriga kaba kung ano yun? type YES kung exoited kana sa susunod na PART!
Please share this Story mga ka Mokong at Mokang 

Comments

Popular Posts