Story of Mokong & Mokang PART 33 By: Norbie Borja


Habang papalapit ng papalapit ang pag sisimula ng event, pabilis naman ng pabilis ang tibok ng puso ko. Halos lahat na ata ng Santo ay natawag ko sa pag darasal ko. Habang nakapikit ako at humihinga ng malalim, biglang may humawak ng kamay ko.
CARL: Ayos ka lang ba MOKANG?
Unti unti kong idinilat ang mata ko.
JANE: Ayukong mag sinungaling, pero sobrang natatakot ako at kinakabahan.
CARL: Bakit naman? kasama mo naman ako, wala kang dapat ikatakot.
JANE: Paano kung?
CARL: Si MOMMY na naman ba? It doesn't matter kung anung magiging reaction niya, ang mahalaga ay ikaw. Ikaw yung nandito oh. (pinahawak kay JANE ang dibdib niya)
JANE: Bat ang tigas?
CARL: Natitigasan kana jan? hindi pa nga ako nakakapag workout nyan eh.
KELLY: May narinig akong matigas! Nasan? ipahawak sakin yan.
MAMA JADE: Matigas na kamao gusto mo nak? Ikaw talaga alam mong nag momoment yung dalawa umeeksena ka.
KELLY: Si MADER talaga, halika na nga duon na tayo sa seat natin.
MAMA JADE: Ohh JANE, pupunta na kami dun ah? tandaan mo nak, andito lang ang MAMA. Isigaw mo lang ang DARNA at dadating ako.
KELLY: So ako si DING?
MAMA JADE: Tama!, ikaw si DING BaDING! O siya taralets!
KELLY: Break a leg sa inyung dalawa!
MAMA JADE: Anung break a leg? babaliin nila ang binti nila? paano naman sila makasayaw niyan?!
KELLY: Its an expression lang MADER, meaning Goodluck! Ganern!
MAMA JADE: Aba, may natutunan na naman ako sayo ah? akala ko puro kabekihan lang ang matututunan ko sayo meron papalang iba.
Umalis na si MAMA at si KELLY at naupo na sa upusan nila. Kami nalang ni MOKONG ang naiwan sa backstage.
BERNEY: Welcome back Madam! (sabay bumeso kay SILVIA)
SILVIA: Hi BERNEY! Where's CARL?
BERNEY: Ayy nasa backstage po, may hinanda po siyang surprise performance para sa event na ito.
SILVIA: Really? Wala siyang nababanggit sakin huh!
BERNEY: Surprise nga diba MADAM? juske hina ng pandinig. (pabulong)
SILVIA: May sinasabi ka ba?
BERNEY: Ayy wala po, you look Gorgeous! Grabe parang hindi kayo tumatanda MADAM!
SILVIA: Thank You BERNEY, so who's with CARL performing later?
BERNEY: Ayyyy yung official MODEL po pala ng company natin. (sabay ngiti na medyo worry)
SILVIA: Alam mo na iintriga ako jan huh! Himala si CARL gagawa ng performance?
BERNEY: Yes MADAM, effort kung effort!
SILVIA: That's good to hear! Excited na akong makita ang gagawin ni CARL at ng magiging endorser ng Company.
BERNEY: Ahh he..he.. sige MADAM ihahatid ko na kayo sa seat nyu, kanina pa nandun si sir CARLITO.
Habang hinahatid ni BERNEY si SILVIA sa uupuan nito, sumakto naman na nadatnan nila sa daanan si KELLY at ang MAMA ni JANE.
SILVIA: Waiitttt waiittt, diba ikaw si KELLY? (hinawakan ang braso)
KELLY: Ayyy MADAM!!! Ikaw naba yan? hindi kita na kilala! (sabay bumeso)
SILVIA: Ikaw yung Stylist ni CARL right?
KELLY: Tama ka MADAM, ako nga hihi. kararating nyu lang po ba?
BERNEY: Obvious ba?
KELLY: In fairness ngayon ko lang napansin maige, katerno mo girl yung concept ng venue ahh. Lakas maka pink violet! Ikaw bayern BARNEY?
BERNEY: Lokang baklang to ah!
SILVIA: Stop it! Para kayong mga bata! Anyways, KELLY is that your MOM?
KELLY: Ayy ehh..
Biglang lumapit yung ASSISTANT ni CARLITO.
GEORGE: MAM, hinahantay na kayo ni sir CARLITO sa table. (bulong kay SILVIA)
SILVIA: Okey sige lets go, bye KELLY. Later nalang tayo mag Talk!
MAMA JADE: Siya pala ang STEP MOTHER ni CARL?
KELLY: Truthh!!! Diba mukhang dragon?
MAMA JADE: Gaga! Baka mamaya marinig ka jan ma award tayo!
KELLY: Hihihi, buti nalang at tinawag siya nung assistant ni Sir CARLITO. Kundi di ko alam kung paano kita ipapakilala.
MAMA JADE: Suss! Edi ipakilala mo kong MOTHER ni JANE, anu naman ngayon sa kanya? mas maige na nga yun at mag kaharap kaming dalawa. (sabay nag patunog ng kamao)
KELLY: Loka ka MADER!
MAMA JADE: Infairness ahhh, banat na banat ang peslak ng LOLA mu!
KELLY: Ganun talaga MADER kapag ayaw tumanda, may pera naman kasi kaya keri lang niya yan gastusan.
MAMA JADE: Naku ako hindi ako mag aaksaya sa ganyan ganyan, kuntento na ako sa binigay sa aking mukha ni LORD.
KELLY: Tama MADER! Yan ang tinatawag na natural na Ganda!
Habang kinakalma ako ni MOKONG at pinapatawa biglang lumapit yung dalawang COMEDIANTE na nakasama namin sa COMEDY BAR. Sila kasi ang ginawa ni MOKONG na mag host sa event.
COMEDIANE1: You are so pretty MAM JANE!
JANE: Ikaw talaga, wag mu nga ako i MAM. Hindi mu naman ako teacher.
COMEDIAN1: Aba palaban din pala to sa okrayan eh, ikaw nalang kaya mag host kami nalang mag sasayaw ni PAPA CARL.
JANE: Gusto mo ba? Parang mas bet ko nga mag host nalang kesa mapunta sa sitwasyon na to.
CARL: Hmmmmm
COMEDIAN2: Y o y? You deserved that! Kaya nothing to worry.
COMEDIAN1: Tama BESHY! Positive vibes lang ang isipin mu, alam mo kasi minsan sa sobrang nega ng isip natin. Dun tayo mas nag woworry.
CARL: Oh, ang dami na namin nag che cheer sayo MOKANG, we can do this! (sabay taas ng dalawang kamay ni JANE)
JANE: Enebe! Yung kele kele ko. Baka mamaya makakita ka ng namumuong sama ng panahon.
CARL: Wala naman ahh. (sabay nilapit ang mukha sa Kili kili ni JANE)
JANE: Ihhh!! Ibaba mu nga! kainis to.
CARL: Bangu, amuy baby.
JANE: Hihi. Amoy baby na bagong ligo ba?
CARL: Amuy baby na bagong lungad hihi.
JANE: Tseee!!!
Umalis na sila BEKS at nag simula ng mag host.
COMEDIAN1: Welcome to the 3rd year Anniversary of BEAUPLUS Marketing, before we start we would like to acknowledge the presence of our Chairman and CEO Mr. CARLITO EIBRON.
Umakyat si CARLITO sa STAGE habang inaalalayan ni GEORGE.
CARLITO: Good evening everyone, before anything else I would like to thank all of you for attending our Anniversary. Unfortunately I can't see you, but I feel your presence and that makes me delighted. I have a ahhmm I think this is not a bad news but... I would like to inform you that I am not longer your CHAIRMAN. (biglang nag taka yung mga audience)
However, I gave all the responsibility of this position to my only son CARL EIBRON.
Nung marinig ko yung binangit ng DADDY ni MOKONG nagulat ako, napatingin ako sa kanya.
CARL: Yes MOKANG. Napag usapan na namin yan ni DAD, after mung umuwi.
.
.
.
.
===FLASH BACK===
CARL: Helo DAD, akyat na po tayo sa kwarto nyu?
CARLITO: Ohh bakit ang bilis mu? Akala ko hinatid mo yung Girlfriend mu?
CARL: Hindi na po, pinahatid ko nalang siya kay MANONG.
CARLITO: Baka mag tampo yun? Okey lang naman ako dito.
CARL: Hehe. Siya nga po nag sabi na wag na daw po kasi mas kailangan nyu daw po ako.
CARLITO: Ang sweet naman nya, naku anak wag mo ng pakakawalan yan ha! Parang MOMMY GRACE mu napaka maaalalahanin.
CARL: Opo, napaka laking kawalan sakin kung mawawala siya. Hindi ko kakayanin.
CARLITO: Yung sasabihin ko kaya anak kakayanin mu?
CARL: Anu yun DAD? (medyo nagulat)
CARLITO: I will take over to you all the responsibility of our BEAUPLUS COMPANY, ikaw na ang magiging CHAIRMAN niyan. Kaya ikaw na ang bahala sa lahat lahat, may tiwala naman ako sayo anak.
CARL: Whattt?? baka na bibigla ka lang DAD?
CARLITO: Nopee... Actually naipaayos ko na lahat kay GEORGE ng documents para i transfer lahat sa pangalan mo.
CARL: Pero paano si MOMMY SILVIA? Diba gusto nya siya ang mag manage nitong company?
CARLITO: Napaka dami niya ng inaasikaso, I don't think na ma tututukan niya pa yan.
CARL: DAD, ang saya ko! Kasi pinag katiwalaan nyu ako. (sabay ngiting tagumpay)
CARLITO: Ofcouse! Bakit naman hindi? alam ko naman na kayang kaya mo yan.
.
.
.
.
CARL: Ayun, kaya sobrang Happy din ako, pero yun nga may worry din kasi hindi pa alam ni MOMMY. I don't know kung anu magiging reaction nya ngaung alam niya na.
JANE: Wow! Ang galing naman ng MOKONG ko, tama naman si DAD mu. Nakikita ko naman bilang isang assistant mu na napaka Hands on mo. Kaya deserved mu din yan.
Bigla kaming napalingon ng biglang sumilip si GEORGE sa backstage at pinapapunta si MOKONG sa stage.
CARLITO: Nasan naba si CARL? (pabulong nito sa Host)
COMEDIAN1: Tinawag na po.
CARLITO: Oh bakit naging malamya ata ang boses mu GEORGE?
COMEDIAN1: Ayy sir yung assistant nyu po ang nag tawag kay CARL hihi.
CARL: Hi DAD! i'm with you na po.
CARLITO: Ohh, mag bigay ka naman ng konting speech para sa mga hahawakan mong tao natin.
CARL: Ahhh ehh..
CARLITO: Here's my son CARL EIBRON, from now on siya na ang tatayong CEO ng BEAUPLUS Company.
Habang nag sspeech ako napapatingin ako sa tao, bigla akong napatingin sa gawi ng kinauupuan ni MOMMY SILVIA. Although nakangiti siya, pero parang iba padin yung aura na nakikita ko sa mukha niya. Hindi ko masabi kung dissapointed ba siya or pagod lang sa byahe. Pero ganun pa man alam ko naman na susuportahan nya ang magiging desisyon ni DAD.
CARL: Makakaasa po kayo na hindi lang ako basta magiging isang Leader, but I will be a great listener to everyone. Mataas na position para sa iba, pero para sa akin kapantay ko kayo, dahil kayo ang tumutulong para mas marating ng Company natin ang itaas. Maraming salamat for being part of this company for 3years, mas madami pa tayong pag sasamahang taon!
Biglang nag palak pakan ang mga tao.
KELLY: Hayzzz ang humble talaga ni PAPA CARL.
MAMA JADE: Tama ka KELLY, walang ka hangin hangin kahit na nasa kanya na halos lahat.
KELLY: Pero parang hindi naman satisfied si MADAM SILVIA, look MADER.
MAMA JADE: Baka naman pagod lang, ikaw kaya mag travel from AMERICA tapos diretso event. Kung ako yan baka kanina pa ako naka tungo sa lamesa at humihilik.
KELLY: Sabagay may point ka MOTHER.
Nung matapos si MOKONG sa speech niya sinalubong ko agad siya sa back stage at niyakap ng mahigpit.
JANE: CONGRATULATIONS MOKONG!!!
CARL: Salamat MOKANG.
JANE: Oh bakit parang hindi ka ata satisfied?
CARL: Wala MOKANG, kinabahan lang ako bigla kasi akong pinag speech eh di naman ako prepared.
JANE: Asusss, galing galing mu nga eh. BOSS na BOSS ang datingan, pero napaka humble.
CARL: Ikaw kaya ang BOSS ko.
GRACIA: Guyss galingan nyu ha! Yung mga pinag praktisan natin huh don't forget! I hataw nyu lang!
JANE: Hihi parang ganito ba MAM?
Biglang sinayawan ni JANE si CARL ng sexy dance.
CARL: Ayy grabe siya ohh. Tama na baka mamaya hindi ako makapag pigil sige ka.
JANE: Tseeee binibiro lang kita, nag papaalis lng ako ng kaba!
COMEDIAN2: Guysss kayo na ang next..
JANE: Emeyggewwddd eto na. Sinuot ko ang Maskara ko at pumunta na kami ni MOKONG sa stage.
COMEDIAN1: This is it! The most awaited part of this event, makikilala na po natin ang New Model ng BEAUPLUS together with our Chairman and CEO Mr. CARL EIBRON!!!!
.
.
.
.
.
PLEASE PLAY THIS SONG
Despacito - Luis Fonsi
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nung marinig namin ni MOKONG na nag simula na ang Kanta, bigla kaming lumapit sa isat isa habang umiindak. Hinawakan ni MOKONG ang kamay ko at bewang ko, saka kami nag pa ikot ikot at sinabay ang katawan namin sa tunog ng kanta. Grabe medyo na lilito lito ako. Pero buti nalang gina guide ako ni MOKONG.
CARL: Awww natapakan mu yung paa ko MOKANG..
JANE: Ayyy sorry.
Bigla kong ipinatong ang dalawang kamay ko sa balikat ni CARL at gumiling ng medyo pa ibaba, nakita ko ng ngiting ngiti si MOKONG sakin. Kaloka tong lalaking to tuwang tuwa naman sa choreography ng sayaw na to. Napa lingon ako kay KELLY at nakita ko si Beki na todo hataw din sa pag sayaw. Nakita ko nalang na may katabi na siyang boylet na halos gilingan niya din. Si MAMA naman todo Cheer lang, napapaindak din. Napalingon naman ako sa gawing upuan ng DADDY ni MOKONG at napansin ko ang isang babae na tila na aamazed sa napapanuod niya, tama hindi ako nag kakamali siya si MAM SILVIA. Namumukaan ko siya, buti nalang naka Maskara pa ako. Paano nalang kapag tinanggal ko na ito.
CARL: Ohh JANE, ayus ka lang?
JANE: Ou naman, ready ka naba bubuhatin mu na ako sa part na ito diba?
CARL: Uu naman, wag ka mag pa bigat ah?
JANE: Paano? tapyasin ko kalahati ng katawan ko? manananggal lang ang peg?
CARL: He..he.. loko ka talaga..
At ayun na nga dumating na sa PART na buhuhatin na ako ni MOKONG, kinakabahan ako baka mamaya malaglag ako. Kaloka malaking kahihiyan. Pero hindi, sadyang maingat si MOKONG at na execute namin ng maayos. Hanggang sa mag ending. Ang final Look namin naka sampa ng bahagya ang binti ko sa bandang tyan nya habang hawak ni MOKONG at naka hawak naman ang mag kabilang kamay ko sa balikat nya, habang ang isang kamay ni MOKONG naman ay naka hawak sa bewang ko. At sobrang malapit ang mukha namin sa isat isa.
COMEDIAN1: Wooooaa!!! Grabe ang galing naman. Halos lahat dito napapaindak ha!
COMEDIAN2: Tama BESHY! lalo na yung giling giling na effect Ohh EMM GGG sana ako nalang si GIRL.
COMEDIAN1: Guyssss ready naba kayo para i reveal ang mukha ng New BEAUPLS MODEL natin?
Nung marinig ko yung sinabi ni BEKI bigla akong kinabahan ng bongga! Kahit sobrang lakas ng sigawan ng mga tao rinig na rinig ko ang kaba ng dib dib ko, malamang dib dib ko yun hihi. Pero seriosly this is it na talaga!
COMEDIAN1: At the count of 3 i rereveal na natin ang face niya.
Hinawakan ni MOKONG ang kamay ko. Napatingin ako sa table ng DADDY niya, nakita kong naka ngiti ito, samantalang si MAM SILVIA may pag tataka. Siguro iniisip niya kung bakit ako biglang hinawakan ni MOKONG.
COMEDIAN2: 3
.
.
.
2
.
.
.
1
.
.
.
Lets welcome our New BEAUPLUS Model Miss JANE CRUZ!!!
Kasabay ng pag alis ko ng suot kong Maskara ay ang masigabong palakpakan. Ngumiti ako at humaway sa mga taong nasa paligid. Napatingin ako kay MOKONG at halata sa mukha nya na proud na proud siya sakin. May inabot pa siyang bouquet of flowers sakin. Nagulat ako ng biglang nag salita si MOKONG.
CARL: Let's cheer for our BEAUPLUS Endorser my behalf, my girlfriend and my MOKANG JANE CRUZ!
MAMA JADE: Woooo that's my daughter!!!
Biglang napalingon sa kanya si MAM SILVIA na tila nagulat sa narinig niyang sinabi ni MOKONG. Napansin ko nalang na papalapit sila sa stage kasama ang DADDY ni MOKONG.
.
.
.
.
Anu kayang masasabi ni SILVIA ngayon alam niya na, na si JANE ang bagong Endorser nila?
Magiging Okey din kaya sa kanya ang naging desisyon ni CARLITO na ipahawak kay CARL ang buong BEAUPLUS Company?
Abangan sa nag iisang FB Serye na Pakikiligin ka! Paluluhain!, Patatawanin! at Bibitinin sa mga kapana panabik na eksena!
Gusto nyu bang i share ang kilig ng ating FB SERYE? Tag nyu na sila!!!
Wag ding kalimutan mag bigay ng bonggang comment nyu! Para ma DEDICATE sayo ang susunod na eksena!

Comments

Popular Posts