Story of Mokong & Mokang PART 40 By: Norbie Borja


Gumising sakin ang sikat ng araw na nanggagaling sa aking bintana. Konting warm-up excercise muna bago maligo, nang matapos ako maligo at magbihis, agad na akong bumaba upang mag-almusal. Sabik ako dahil sa tagal ng panahon ngayon lang uli kami magkakasabay kumain ng Daddy ko at Mommy ko kahit may tampo pa ako sa kanya.
MAID: Good morning po Sir..doon daw po kayo sa Garden magbe-breakfast sabi po ni Sir Carlos.
CARL: Ah ok.. Salamat.!
Pumunta nga ako sa garden at inaasahan kong kompleto na kami.
CARL: Good Morning Dad.!
CARLOS: Oh' iho.! Sit down kanina pa kita hinihintay, tara umpisahan na natin kumain.
CARL: huh.!? Pero na saan si Mommy??
CARLOS: Wag mo na sya antayin dahil umalis na sya at may gagawin daw syang mahala sa office.
CARL: minsan na nga lang tayo makumpleto...hmmmm.. buti pa kina Jane kahit dalawa nalang sila ng Mama nya sabay parin sila kumain at close na close sila ng Mama nya.
CARLOS: Wala talaga eh.! Masanay kana sa ugali ng Mommy mo mas focus sya sa paghahandle ng company natin kaysa sa pagiging ina sayo at asawa sakin. Nagsisisi ako at bakit sya pa ang pinakasalan ko at hindi ang taong totoong mahal ko. Pero simula ng pinanganak ka ikaw na ang nagbigay sakin ng kaligayahan at dahilan bakit hanggang ngayon pinakikisamahan ko pa ang Mommy mo. Anyway let's eat..!
CARL: Sorry Daddy at dahil sakin hindi ka makalaya kay Mommy..
CARLOS: Ok na ako iho., Matanda na ako at ikaw ang iniisip at priority ko ngayon. Kaya sinasabi ko sayo FOLLOW YOUR HEART kung alam mong tama. Nandito ako para gabayan ka lang dahil minsan ang taong umiibig nabubulag hindi na makita kung mahal ba talaga sila ng taong minamahal nila.
CARL: Sige let's Pray muna Dad bago tayo kumain. (Nag-umpisa nang manalangin si Carl)..........AMEN
CARLOS: .....AMEN......nakikita ko iho nagiging mas mabuti ka pang tao habang umi-edad ka. Dati hindi ka nagpa-pray.
CARL: Natutunan ko po yan kay Jane yung Girlfriend ko po ngayon. Mabait sya Dad, maasikaso, at mapagmahal..💜💜💜
CARLOS: Mukhang natamaan ka na jan sa babaeng yan. Parang gusto ko tuloy syang makilala.?
CARL: Sure Dad, makikilala mo po sya soon..
CARLOS: sige sabi mo yan hah.!? (At nagpatuloy sa pagkain)
Nang matapos na kami ni Daddy kumain ng breakfast. Agad na akong nagpaalam upang sunduin si MOKANG ko sa bahay nila. At nang makarating ako sa bahay nila...
MAMA: Masama ang pakiramdam ni Jane iho, kung maaari bukas nalang daw sya papasok.!?
CARL: Ah ganun po ba.!? Pwede ko po ba syang silipin kahit saglit po Tita?? (Akmang lalabas ng kotse at nag-aalala)
MAMA: Ah...wag na iho..at hindi karin makakapasok kasi nakalock ang pinto ng kwarto nya.
CARL: Ahhh...sige po Tita paki sabi po kay Jane dumaan ako at mamaya dadalhan ko po sya ng fruits para lalo syang gumaling.. (pero alam na nya ang ibig sabihin ng Mama ni Jane) Sige po Tita mauna na po ako. Bye po.! (Malungkot ang mukhang umalis)
MAMA: Sige iho..ingat..! (At pumasok na sa bahay nila)
.
.
.
Kumatok si Mama sa pinto ko nang mga oras na iyon nakasilip ako sa bintana ko kung saan nakikita ang labas ng bahay namin.
MAMA: (pumasok sa kwarto ni Jane) Oh ayan hah napilitan pa akong magsinungaling kay Pogi, umalis na sya nakakaawa ang tao ang lungkot ng mukha.
JANE: Salamat po Ma.! Gusto ko lang ng katahimikan ngayon Ma.. Saka hindi ko alam paano ako haharap sa maraming tao nahihiya po ako.
MAMA: tingin mo si Carl ba hindi rin nahihiya sa maraming tao dahil sa ginawa ng Mommy nya??? Pilit nyang kinakaya ang kahihiyan anak para sayo pero ikaw anu ginagawa mo?? Anak sa pag-ibig, sa Ligaya o problema dapat magkasama kayo at kinakaya nyo ang lahat na magkasama kayo. Paano tatagal ang relasyon nyo kung may isang susuko? Yung isa pilit tinatayo ang pundasyon ng relation samantalang ang isa naman tinitibag ito. Ang tanong ko anak alin ka doon?
JANE: (napa-isip sa sinabi ng Mama nya) Tama ka Ma...! Dapat maging matatag ako para sa amin ni Carl.!
MAMA: Yan.! Ganyan dapat anak.! Tandaan mo kung gusto mo ng FOREVER wag mo i-asa sa tadhana....dahil kayo mismo ni Carl ang gagawa o kikilos ng tadhana nyo para magkaroon kayo ng FOREVER..!! Kaya GO anak.!!! Go..! 
At pagkatapos ng usapan namin ni Mama agad akong naligo at nagbihis. Nagmamadali akong pumasok sa trabaho, halos gusto ko na ngang lumipad kung maaari lang eh..At pagkarating ko na nga sa harap ng building ng company namin, napapansin kong maraming nagbubulungan na mga tsismosa.!
TSISMOSA 1: Naku masyadong felingera ang babeng yan! Hindi naman pala sya ang totoong girlfriend ni Sir Carl
TSISMOSA 2: OO nga eh..tingin ko sinulot nya si Sir Carl doon kay Mam Hydie, grabe ang landi.
Napayuko nalang ako habang dumadaan sa Hallway. At nang may naramdaman akong nabunggo kong tao.
JANE: Sorry po Sir..hindi ko po sinasadya nasaktan ko po ba kayo?
CARLOS: Ah..ok lang iha. Ingat iha sa paglalakad. (Napatitig sa mukha ni Jane) ang ganda mo palang babae eh bakit nakayuko ka kung maglakad..???
JANE: Ah...e...ihhhh... (Hindi masagot ang tanong kaya magdadahilan nalang) may hinahanap po kasi ako sa loob ng bag ko. Sorry po uli Sir.
CARLOS: Ok lang. Next time ingat hah.?
JANE: Opo Sir. Salamat po uli at pasensya po. (Sabay lumakad papuntang elevator)
Sa pagsakay ko sa elevator hindi parin mawala ang mga tsismosa at tsismoso na nag-uusap sa loob ng elevator..Kaya ako naman nasa isang sulok nalang at naglagay ng earphone nagpapanggap na nakikinig ng Music sa Cellphone ko, para kunwari hindi ko sila naririnig.
TSISMOSA 3: May mukha pa pala syang ihaharap matapos yung nangyari kagabi.
TSISMOSA 4: kaya nga eh..kung ako sa kanya hindi na ako papasok dito
TSISMOSONG BAKLA 1: Kapit patalim hahaha...baka malaki pangangailan?
Bumukas ang elevator at lumabas ang mga hinayupak na mga Tsismosa at tsismoso habang pinagtatawanan nila ako. At ako nalang naiwan sa loob ng elevator
JANE: Hay Salamat lumayas na ang mga Hathor at mga Pasneya..! (Habang tinatanggal ang earphone) grabe sila sakin hah..maka-judge wagas??? Perpekto ba sila??
At nang huminto na ang elevator sa 16th floor agad na akong lumabas at tumakbo papunta sa office ng MOKONG ko. Nalimutan ko nang kumatok sa sobrang sabik ko makita si Carl, at nang pagkabukas ko sa pinto nagulat ako sa nakita ko. Si Hydie nakapulupot kay MOKONG ko..!!!!!
CARL: MOKANG..!!? (Nagulat sa pagkabukas ng pinto)
HYDIE: (napalingon sa likod dahil sa pagbukas ng pinto at ngumiti ng makita si Jane)
JANE: Anung ginagawa mo sa Boyfriend ko??? (Hinatak nya si Carl palayo kay Hydie)
HYDIE: Aray..! Anong boyfriend?? (Habang hinihimas ang braso na hinawakan ni Jane)
JANE: Ang lalaking pinupuloputan mo ay Boyfriend ko lang naman at alam nating dalawa na alam mong may relasyon kami.
HYDIE: Wala kang magagawa Jane kasi kahit anong gawin mo sakin parin sya babagsak.! (Sabay nagkiss sa pisngi ni Carl)
CARL: Hoy.! Hydie hindi ako magpapakasal sayo.! Dahil si Jane lang ang Mahal ko at papakasalan ko. (Habang pinupunasan ang kiss ni Hydie sa pisngi nya)
HYDIE: Ganon ba Carl? (Humarap kay Jane) Hinahamon kita ngayon Jane, Mapapasaakin si Carl...!!!
JANE: Hindi ko kaylangan tanggapin ang hamon mo.!
HYDIE: At bakit!? Natatakot kang matalo.!?
JANE: Hindi.! Dahil hindi na kaylangan pang lumaban ang tulad kong PANALO NA, sa mga taong TALUNAN katulad mo..! Gets mo!? At wag mo nang hahalikan ang boyfriend ko!!
HYDIE: (nag walk-out dahil sa inis) huh...! Makaalis na nga dito.! (Halatang napikon)
CARL: (pumalakpak) ang galing ng MOKANG ko hah 👏👏👏👏😘😍
JANE: Syempre hindi kita hahayaang mapunta sa iba na wala akong ginagawa at pinapangako ko sayo na sasamahan kita na ipaglaban ang LOVE STORY nating dalawa.. 😘😊
CARL: talaga MOKANG ko?? Kala ko tuluyan mo nalang akong iiwan sa mga ganitong sitwasyon eh..muntik na akong mapaghinaan ng loob. Lalo na yung sinabi ni Tita na hindi ka makakapasok. Ay oo nga pla diba sabi ni Tita masama daw ang pakiramdam mo.!???
JANE: Ah...ehhh..KEMErot ko lang yun.! Gusto ko sana munang mapag-isip buti napayuhan ako ni Mama kaya ito..nandito ako sa harap mo ngayon.!
CARL: ikaw pinag-aalala mo ako (habang pinisil ang ilong) Dapat pala akong magpasalamat kat Tita Jade mamaya.
JANE: Ane be yen...(biglang niyakap si Carl) MOKONG ko Mahal na Mahal na Mahal na Mahal kita... Hindi ako papayag na mawala ka.
CARL: Ako din MOKANG ko hindi ko hahayaan na mawala ka (hinigpitan ang yakap)
Nang biglang bumukas ang pinto...
CARLOS: (bumungad sa harapan nya ang nagyayakapan na Carl and Jane) Ehemmm...sorry kung maiistorbo ko kayo.!
CARL: (Napatingin sa Daddy nya) Ay Dad..! ikaw pala halika at pakikilala ko sayo ang Girlfriend ko.
CARLOS: (tuluyang pumasok sa loob ng office ni Carl) Ikaw pala iha.!
JANE: hello po Sir... (Nagulat) Naku Daddy pala ni MOKONG ang nakabangga ko kanina...nakakahiya
CARL: Magkakilala na kayo Daddy?
CARLOS: hindi pa iho..nagkabanggaan lang kami kanina sa Hallway. Siya pala ang kinikwento mong Girlfriend mo?
CARL: Ay Opo Dad.. Nga pala Dad si Jane ang Girlfriend ko at sya rin ang assistant ko at Model ng company natin.
CARLOS: Wow...hindi pala basta basta ang Girlfriend mo? Hahahha
CARL: At MOKANG ko sya pala ang Daddy CARLOS ko..at sya rin ang Chairman ng company natin. Nagrereliever lang si Mommy sa position nya pag nasa out of the country si Daddy for business purposes.
JANE: hello po sir..nice to meet you po (nahihiya parin)
CARLOS: Tito nalang iha.. Maswerte pala ang anak ko sayo kasi balita ko maganda kana at matalino kapa. At totoo nga!
JANE: hindi naman po..binobola ka lang po Tito ni Carl.
CARLOS: hahahahahah....nga pala iha nabalitaan ko ang ginawa ng asawa ko sayo, sana ay wag kang magtanim ng galit sa kanya..ako na humihingi ng paumanhin sa ginawa nya. Patawad.!
JANE: Naku Tito wag po kayo humingi ng tawad naiilang po ako sa inyo lalo eh.
CARLOS: Nakakatuwa ka iha..wag kayong mag-alala kakampi nyo ako MOKONG and MOKANG..(sabay tawa) hahahaha 😂😂😂
Natawa rin kami ni MOKONG ko sa pagkakasabi ni Tito Carlos..
.
.
.
Samantala habang naglalakad si Hydie sa Hallway ng 15th floor upang hanapin ang office nya. May bigla syang nakasalubong..
HYDIE: kung mamalasin nga naman itong lalaki pa ang makakasalubong ko...inis..!!! (Habang natatanaw ang lalaking makaksalubong)
JAMES: Aba si Ms.Lampa....hmmmm....
Paliko na sana ako ng ibang direction upang umiwas kay James. Nang tinawag nya ako pero lalo ko pang binilisan ang lakad ko at nagbingi bingihan..
JAMES: Hoy.! Ms.Lampa..!! (Habang hinahabol si Hydie) Hoy..!
HYDIE: Hindi kita naririnig...! (Nagmamadali paring maglakad)
JAMES: kung hindi mo ako naririnig bakit sumasagot ka (hinahabol parin sa paglalakad si Hydie)
HYDIE: Basta hindi kita naririnig..! (At biglang nadapa)
JAMES: Oh.. Ayan.! Lampa ka talaga.! Hahaha 😂 Hindi kasi nag-iingat eh..halika at tutulungan kita..(hinawakan sa braso si Hydie)
HYDIE: Ayoko..! Bitawan mo ako.! (Pilit na inaalis ang pagkakahawak ni James)
JAMES: edi..bitawan..! (Binitawan nga si Hydie)
HYDIE: Aray.! Bakit mo ako binagsak.? (Hinipo ang balakang)
JAMES: sabi mo bitawan ka.!? Hay....ang gulo talaga intindihin ang mga tulad mong babae....!!!! (Habang nakapamewang at umiling iling)
HYDIE: (habang tumatayo) Eh bakit mo kasi ako hinahabol? Kung hindi mo ako hinahabol hindi ako tatakbo, at hindi rin ako madadapa.!
JAMES: tatanungin lang naman kita bakit nandito ka sa floor ng COO?
HYDIE: Hah what...? Dito ang office mo sa 15th floor?
JAMES: Bakit ano problema mo kung sabihin kong Oo...???
HYDIE: kasi sabi ni Tita Silvia dito sa floor na ito ang office ko.!
JAMES: Ahhh....ikaw siguro ang magiging partner ko sa isang project na ina-sign ni Tita Silvia sa akin...hahahah....So ibig sabihin boss mo ako..!!!?
HYDIE: Hah...?? Hindi.! Partner mo ako hindi mo ako under!!!! Ang malas ko naman oh...
JAMES: Anong malas??? Ang Swerte mo nga eh kasi makakatrabaho mo ang poging tulad ko.
HYDIE: tatalon nalang ako sa building na ito kung totoong pogi ka!!!!
JAMES: edi tumalon ka..! Go..!
HYDIE: (natakot) Ay hindi nalang..! Sayang ang lahi ko.!
JAMES: hahaha sabi ko na nga ba eh sang ayon ka na pogi ako eh..
HYDIE: Yak..!!! Sana doon nalang ako sa floor ng Carl my Love ko.!!! Hindi sa floor na ito na kasama ang mayabang na tulad mo.!
JAMES: tama na itong pagtatalo natin Ms.Lampa..halika na at umpisahan ang trabaho wag puro landi..!
HYDIE: hoy...!! Mr.Antipatiko hindi ako malandi at hindi rin ako lampa sadyang madulas lang ang floor dito (tinalikuran si James)
JAMES: (hinawakan ang kamay ni Hydie at sabay hatak paharap sa kanya)
Sa sobrang lakas ng hatak sakin ni James napasobsub ako sa dibdib ni James..
HYDIE: Anu ba..!!
Nagulat ako nang unting unti nilalapit ng antipatikong ito ang mukha nya sa mukha ko at hindi ko malaman bakit hindi ako makakilos ng mga oras na iyon..kaya napapikit nalang ako ng madiin.
HYDIE: Bahala kana po LORD..!! (Sabi nito sa sarili, habang nakapikit ng madiin) At nagulat nalang sya sa ginawa ni James
.
.
.
.
.
.
.
.
.
ABANGAN.....
Ano kaya ang ginawa ni James kay Hydie???
.
.
.
Nagustuhan mo ba??
LIKE, SHARE, at SUPPORT 💜💜💜🐼

Comments

Popular Posts