Story of Mokong & Mokang PART 17 By: Norbie Borja


Hindi namin inaasahan ang nakita namin sa aming harapan, nagbibiro ba siya? bakit siya nan dito? (sa isip isip ni CARL)
BERNEY: Aba! bakit may pashnea dito?
Wow at sayo pa talaga ng galing yan? BARNEY?
BERNEY: Ay impaktang to, marunong kaba mag basa? It's BERNEY not BARNEY! (sabay turo nito sa name tag na nasa ibabaw ng lamesa)
CARL: Teka teka, KELLY anung ginagawa mo dito? Wag mong sabihin na?
BERNEY: HAHAHA! CARL kilala mo pala yang baklang pashnea na yan?! Ayan ba yung mag au audition? kaloka! naglolokohan lang ata tayo dito.
KELLY: FYI! hindi ko na kailangang mag Audition dahil Over Qualified na ako! (pag mamataray nito)
BERNEY: Anong over qualified? Model hinahanap namin hindi Monster!!!
KELLY: Oo Over Qualified na ako at ikaw Over Weight! Tse!!!
JAMES: CARL diba siya yung Stylist mu? yung pinag aayos mo kay?
CARL: YES JAMES! (Mabilis nitong sagot) siya nga, teka lang KELLY are you sure sa pinapasok mu? alam ko naman nag bibiro kalang diba? (natatawang tanong)
Nakasimangot at nakataas lang ang kilay ni BERNEY habang nag uusap sina CARL, JAMES at KELLY.
KELLY: Hindi ako yung mag au audition sir CARL! ene ke be!
CARL: Huh?! eh sino?
PLEASE PLAY THE SONG
Cheerleader by OMI
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Ako!
Nagulat at natulala sina CARL sa pag pasok niya, napaka ganda ng ayos niya. Straight na straight ang buhok, naka ripped jeans with high heels at naka off shoulder na puting pang itaas.
JANE: Hi po! (sabay wave ng dalawang kamay.)
Nakanganga lang si BERNEY sa bumungad sa harapan niya.
CARL: Hala?! anung ginagawa mo dito?
JANE: Obvious ba? edi mag au audition. (sabay kindat nito at smile kay CARL)
JAMES: Grabe JANE seryoso ka? (pag tatakang tanong)
JANE: Mukha bang nag bibiro ang super straight kong hair? (sabay hawi sa buhok nya)
KELLY: Yess mga besh! mag au audition siya, look ohh napaka ganda ni JANE.
BERNEY: Tama ka gerl, maganda nga siya! pero may ibubuga kaya yan? baka kagaya din yan nung mga naunang nag audition. Teka, sino ba siya? bakit kilala nyu CARL and JAMES? (sabay baling ng tingin kayla CARL)
JAMES: Ahh ehh ikaw na pre sumagot. (napa kamot sa ulo)
CARL: Ahhm she is my Girlfriend. (sabay ngiti nito)
BERNEY: Ahh ehh, huwat??? di ba? si?
CARL: Matagal na kaming wala nun since nag punta siya sa Paris.
Napakunot nuo nalang ako sa pinag uusapan nung BERNEY at ni Mokong, siguro si LEXIE yung tinutukoy nito (sa isip isip ni JANE)
JAMES: Oppss teka, shall we start? Okey, CARL and me knew you JANE. But BERNEY doesn't, so can you introduce yourself?
JANE:Ahhh owkie. I'm JANE CRUZ, 22 years old. Im currently working as Mokkk ahmm CARL's Assistant. (sabay tingin kay CARL)
May sasabihin pa sana si JANE pero pinutol ni BERNEY.
BERNEY: So assistant ka pala ni sir CARL?
KELLY: Ayy binge kakasabi lang. (pag eeksena ni KELLY)
BERNEY: Hindi ikaw ang kausap ko pashnea!
JANE: Yes sir!
Biglang natawa ng malakas si KELLY.
KELLY: HAHAHA! Sir daw.
BERNEY: So? kung assistant kana pala bakit nag aapply kang mowdel? (habang taas ng kanang kilay)
JANE: Nag try lang naman ako, baka sakaling matanggap, isa din po kasi ito sa dream ko.
Napatitig lang si CARL kay JANE na tila proud na proud sa pag subok na mag audition nito.
BERNEY: Okey, lets proceed. Paki taan mo ko ng mga mowdeling shots mo sa mga product na yan na nasa harapan mo!
Kinuha isa isa ni JANE yung mga products na nasa harapan niya at isa isa tong nag pose. Napapa smile pa si CARL habang pinapanuod ang girlfriend niya at na papabulong pa ng "GO Mokang ko! Proud Boyfriend here!
BERNEY: Okey! Nice! I like the way you pose with the products, I think effective ka ngang maging isang mowdel. Pero! hindi pa ako convince. Na kukulangan pa ako. Teka,
hmmm.... ahhh! alam ko na.
Nag lakad si BERNEY sa may table na may mga product at may isang product siyang kinuha dito.
BERNEY: So here we go, may question lang ako sayo. Nakikita mo ba tong hawak ko? this is BEAUPLUS Kerafix Hair Treatment, ang pinaka sikat na hair treatment ngayon dito sa Pilipinas. So ngayon eto ang tanong ko. Paano mo ko maicoconvince na bentahan ng product na to kung alam mo namang kalbo ako?
Nagulat si JANE sa tanong ni BERNEY, gayun din sila CARL, JAMES at KELLY. Napa kamot ng ulo si KELLY na tila nag iisip din kung pano sasagutin ang tanong ni BERNEY.
JANE: Kaloka tong batla na to, akala ata promodiser ang pinapasok ko. (sa isip isip ni JANE)
JANE: Ahhmm (kinuha ni JANE yung product kay BERNEY) Thank you for that wonderful question, that deserve a wonderful answer. As Simple as this lang po. "Hi sir! This is BeauPlus Kerafix Hair Treatment, wanna try?.
BERNEY: Paano nga? kalbo ko diba!? (pag mamataray)
JANE: Ayy sir anu kaba, hindi mo pa alam ang kaya nitong gawin, hindi lang po ito basta hair treatment dahil isa din itong uri ng hair grower na siguradong kapag ginamit nyu, tutubuan ka ng buhok. (sabay ngiti nito) And you know what sir, BeauPlus is the only company that supply Beauty products with a highest standard of quality but with a cheaper price. Because we believe that BEAUTY is NOT EXPENSIVE! Ayyy Tenk yahhhh. (sabay Beauty Queen wave)
Napa nga nga nalang si BERNEY sa sagot ni JANE, nag palakpakan sina CARL, JAMES at KELLY.
CARL: Huwaaaawww!! That's my GIRLFRIEND!
JANE: Ohh ohh sasabihin mo nanaman Proud Boyfriend here!
CARL: Naman! (sabay kindat at thumbs up nito kay JANE)
Lumapit si KELLY kay JANE at nilagyan ito ng invisible crown.
KELLY: Iligpit na ang mga silya, lamesa at patayin ang mga ilaw. May nanalo na!
JAMES: Grabe JANE hindi ko naisip yung isasagot mo ah! Iba ka!
BERNEY: Huhuhuhu grabe BEAUTY and BRAIN ka beshy! (Biglang niyakap nito si JANE)
----
Habang papauwi na sina CARL at JANE
CARL: Grabe mokang ginulat mo ko huh?! wala kang pasabi na gusto mo din pala mag audition!
JANE: Pinag isipan ko pa nga yang mabuti, masyado lang ako an encourage ni KELLY para mag Audition. Jusko nagulat na nga lang ako sa baklang yun wala pang 30minutes nasa office na at aayusan na daw niya ako.
CARL: pinabilib mo ko sa sagot mo kanina (sabay ngiti nito kay JANE)
JANE: Ene kebe, maliit na bagay.(sabay tapik nito sa braso ni CARL)
CARL: Ehh pano na yan pag ikaw ang napili maging model ni BERNEY, sino na Assistant ko? (malungkot na tanong)
JANE: Edi ako parin! anu kaba?! hindi naman artista yung pinasok ko nu!, model lang ng products nyu. Syempre pag may pictorial lang naman siguro ako mawawala or if may pa event yung company nyu. Tyaka magiging extra income ko din yun.
CARL: Sabagay, pero panu pag biglang may makadiscover sayo, dadami suitor mu. (sabay sad face)
JANE: Ayyysus hala siya ohh, syempre kung saan man ako dalhin ng tadhana, sisiguraduhin kong kasama kita dun. (sabay pisil nito ng pisnge ni CARL)
CARL: Talaga ah? sinabi mu yan.
JANE: Opo mokong ko.
CARL: Ayy teka teka may good news nga pala ako sayo. (sabay ngiti nito ng napaka laki)
JANE: Anu yun?
CARL: Nag email na kasi sakin yung napanalunan natin sa comedy bar, last 2months ago. Next week na daw yung flight natin. Sakto pa sa magiging 1st Monthsary natin (sabay ngitin nito)
JANE: Huwaaaw talaga? akala ko ineechos lang tayo nila, akalain mo 2months tayong pinag hantay, pero at least ihhhh makakapunta na akong bora.
CARL: Ohh bat malungkot ka?
JANE: Iniisip ko lang si Mama, wala pa kasi akong naipon. Gusto ko sana isama siya sa BORA.
Natahimik nalang si Mokong sa sinabi ko, mukhang wala naman siyang pakielam. Mas gugustuhin pa nga ata niyang kami lang talaga ang umalis. Sabay nga naman couple reward para sa aming dalawa yun. Gustuhin ko man isama si Mama wala naman akong magagawa kasi wala naman akong ipambibili ng ticket niya. Sana talaga mapili ako ni BERNEY para maging model ng company nila Mokong, hindi na ako nag pahatid kay Mokong. Nahihiya na kasi ako na hatid sundo niya pa ako. Ayoko naman isipin niya na inaabuso ko yung relationship namin. Grabe inaantok na ako, super antok much, pag dating ko sa bahay malamang plakado ako sa kama ko.
.
.
.
.
Habang nag lalakad ako papasok sa barangay namin, may napapansin akong taong sumusunod sa akin. Kinabahan ako at binilisan ko ang lakad ko. Napapatingin pa ako sa likuran ko habang nag lalakad, pero patuloy padin ang pag sunod sakin nung lalaking naka jacket na itim. Natatakot na ako, ang dilim dilim pa naman ng daanan. Bwiset kasi yung Mayor namin ni hindi manlang paltan yung mga pundidong ilaw dito. Kinuha ko yung cellphone ko para mag pa sundo kay Mama pero lowbat na pala ako. Nagulat nalang ako na yung akala kong lalaking nasa likuran ko ay bumungad sa harapan ko na pala. At mas na windang ako na isa pala siyang babae, galit na galit yung mukha niya na tila nababaliw. Napasigaw nalang ako ng aambahin niya akong saksakin.
Kilala ko yang mukha na yan, bakit galit na galit siya sakin? (sa isip ni JANE)
Anu na nga ba ang mang yayari kay JANE? sino yung babaeng gusto siyang saktan?
Abangan mga beshy! Comment YES and SHARE this story kung inaabangan mo pa ang susunod na mang yayari 

Comments

Popular Posts