Story of Mokong & Mokang PART 31 By: Norbie Borja


Sa sobrang excited at pag ka halong kaba maaga akong nagising, ako na ang nag hain ng breakfast namin ni MADER. Nahiya naman ang beauty ko sa kanya, siya ang aking BOSS kaya nararapat lang na pag silbihan ko siya.
MAMA JADE: Good Morning BORA! (Habang nag uunat)
JANE: Hala siya, may hang over kapa din MADER sa BORA?
MAMA JADE: Aba! Himala nauna ka sakin magising, anung meron nak?
Lumapit kay JANE
MAMA JADE: May lagnat kaba nak? (hinipo sa nuo si JANE)
JANE: Wala po, kasi may pupuntahan daw kami ni CARL. May ipapakilala daw siya sakin.
MAMA JADE: Naku nak baka yung STEP MADER niya na yan ah? halika at sasama ako, mag dadala ako ng Shield!
JANE: Kaloka ka talaga MAMA, hindi naman siguro tyaka a week before daw ang Anniversary ng BEAUPLUS ang dating ng parents niya.
MAMA JADE: Ganun ba? So kailangan na pala akong mag warm up at mag training, para just in case na gawan ka nila ng hindi maganda ready ako para ipag tanggol ka.
JANE: Don't worry MADER EARTH, ika nga ni CARL. Everythings gonna be fine.
MAMA JADE: O siya siya, patingin nga ako ng niluto mo.
Lumapit sa lamesa at binuksan ang nakatakip na luto ni JANE.
MAMA JADE: Ayyy susmaryosep, anyare sa Hot Dog? kulay red to nung binili ko, hindi ko alam na may itim na pala ngayon.
JANE: MAMA naman ehhh.. Medyo nalakasan ko kasi yung apoy, kaya ayan na tusta.
MAMA JADE: Ayy anak panu nalang pag tumira na kayo sa iisang bahay ni CARL? Hot Dog lang hindi mu pa ma perfect, baka pag nag paluto sayo si CARL aba sabihin sayo sinunog mo ang Hot Dog niya. (sabay tawa ng malakas)
JANE: Ayyy ang saya mo MA! Grabe ka sakin, makakain pa din nmn yan, alisin mu nalang yung itim itim.
Hanggang ngayon hindi padin maka move on si MAMA sa mga experienced niya sa BORA, panay parin ang kwento. Para na nga siyang sirang plaka paulit ulit, kahit na kwento na i kukuwento na naman. Hindi ko naman siya ma sisisi kasi alam kong napaka bonggang experienced sa buhay niya yun.
Habang nakatalikod ako sa pintuan at nag aayos ng mga gamit ko sa bag, may biglang pumiring sa mata ko.
JANE: Hala!!! Emeygewwwdd!
Nung inalis niya yung piring sa mata ko, agad akong humarap sa kanya. At nakarinig ako ng napakalakas na halak hak.
CARL: AHAHAHA!
JANE: Grrr kainis ka! Tignan mo yan nag kalat sa mata ko yung mascara na nilagay ko tsskkkk!
CARL: Ayyy sorry MOKANG ko, pupunasan ko. (kumuha ng panyo)
Habang pinupunasan ni MOKONG yung mga lumagpas na mascara sa mata ko.
JANE: Nahawa kana kayla MAMA at KELLY, parang kabote bigla nalang susulpot.
CARL: Sorry na nga eh..
JANE: Aray! Nasundot mu yung mata ko HUHU.
CARL: Ayyy hala... wait Saan banda? i kikiss ko.
JANE: Talaga ba? eto dito....dito (tinuro ang kaliwang mata)
CARL: Muuaahhh O ayan.
JANE: Arayy! Arrayyy! nasundot mu din yung lips ko..
CARL: Talaga ba? Pero bago ko gawin yan, ihaharap muna kita sa Altar. (sabay halik sa nuo ni JANE)
JANE: Patola ka talaga, syempre nemern alam ko yun nuh. O siya na tara na, diba may pupuntahan pa tayo?
CARL: Yuppp..
JANE: Wait mag papaalam muna ako kay BABY CANE. BABY mag behave ka ah? if wala kang ginagawa tulungan mo si MAMA sa gawaing bahay charott lang! Aalis na kami ng DADDY MOKONG mu. (sabay hinalikan ang PANDA)
CARL:
Sweet naman ng MOMMY MOKANG. Paano pa kaya kung totoong BABY na talaga natin yan hihi.
JANE: Tara na BABY DAMULAG.
MAMA JADE: Aalis na kayo?
JANE: Opo, pakialagaan ang apo nyu ah, baka mag likot yan.
MAMA JADE: Nasan? meron naba agad agad?
JANE: Edi si BABY CANE.
MAMA JADE: Jusko, akala ko naman nakabuo na kayo. Ayyy teka teka (hinila si CARL)
Natataka ako kay MAMA kung bakit niya biglang hinila si MOKONG at binulungan.
MAMA JADE: Sino ba daw yung ipapakilala mo sa kanya? (pabulong nito) Baka mamaya si STEP MOTHER mu yan ah? sasama ako.
CARL: Ayyy hindi hindi po.
Inilapit ni CARL ang labi nya sa tenga ng MAMA ni JANE at may ibinulong.
MAMA JADE: Ahhh okey Good akala ko naman. O sige sige mag iingat kayo.
JANE: Juske, may pa bulong bulong pang nalalaman si MAMA ang lakas lakas naman ng boses.
Habang nag da drive si MOKONG, nag gagames lang ako. Hindi ko na malayan na nandun na pala kami sa pupuntahan namin.
CARL: Andito na tayo.
Napatingin ako sa kapaligiran at napaka peaceful dito, mukhang may idea na ako kung sino ang ipakikilala sakin ni MOKONG. Pumunta si MOKONG sa harap ng tila malaking Museleo.
CARE TAKER: Hi Sir CARL, napabisita po kayo.
CARL: Ou nga e, salamat MANANG sa pag papanatiling maganda at malinis ng himlayan ni MOMMY.
CARE TAKER: Naku, wala yun sir CARL.
Ngumiti sakin yung CARE TAKER kaya naman nginitian ko siya, pumasok na kami ni MOKONG duon sa loob. Namangha ako sa mga nakita ko. Grabe libingan ba talaga to? Pero napaka garbo naman, halos mas malaki pa ata sa bahay namin to.
Hinawakan ni MOKONG ang kamay ko at inilapit sa isang nitso na may napakagandang larawan.
CARL: Hi MOMMY, siya nga po pala si JANE CRUZ, ang babaeng nag papasaya at pinaka mamahal ko ng lubusan.
Napatingin ako sa larawan niya.
JANE: Ahh ehhh, helo po. Kayo po pala ang MOMMY ni CARL. (sabay ngumiti) Grabe ang ganda nyu po pala.
Bigla akong napatingin kay MOKONG at sa picture ng MOMMY niya. Pinag mamasdan ko kung mag kamukha sila at walang bahid ng pag aalin langan, kamukhang kamukha talaga niya ang MOMMY niya.
JANE: Grabe napaka laki nito, para sa MOMMY mu lang talaga to?
CARL: Yes, ipinagawa ito ni DADDY para kay MOMMY. Ganyan niya kamahal si MOMMY, gusto niya maging peaceful at maayos ang himlayan niya.
JANE: Kaya nga eh, mas malaki pa ata to sa bahay namin.
Habang nag uusap kami ni MOKONG sa harapan ng puntod ng MOMMY niya, may paru parung puti na dumapo sa dala dala ni MOKONG na bulaklak na nakapatong sa puntod ng MOMMY niya.
CARL: Mukhang winelcome kana ni MOMMY.
JANE: Ayyy uu nga, sabi ng matatanda diba ganyan daw kapag may mga mahal tayo sa buhay na nawala nagiging paru paru sila upang dalawin tayo. Yan daw yung way nila para iparating sa mahal nila sa buhay na nasa paligid lang sila at nakasubaybay.
CARL: Tama ka MOKANG, kaya ayan si MOMMY sinusubaybayan tayong dalawa. Alam kong masaya sya dahil nakahanap ako ng isang gaya mu.
Habang pinag mamasdan namin ni MOKONG yung Paru paru, bigla itong lumipad sa balikat ko.
CARL: Kita mu, mukhang botong boto sayo si MOMMY hihi.
JANE: Hindi kaya, amuy bulaklak din ako kaya lumapit siya sakin?
CARL: Tama ka, isa kang bulaklak na napakaganda, bulaklak na para sakin ay nag iisa at bulaklak na hinding hindi ko kayang manakaw ng iba.
JANE: Ayiieeeee, segway pa more!
Nung papaalis na kami ni MOKONG, humingi lang siya ng time para mag dasal. Hinawakan ko ang kamay niya at parehas kaming nakaharap sa puntod ng MOMMY niya. Napatingin ako sa kanya at nakita kong lumuluha ang mga mata niya. Kumuha ako ng panyo para punasan ito.
CARL: Okey na ako MOKANG, Salamat po... Aalis na po kami MOMMY, hanggang sa muli naming pag dalaw sayo. Gabayan mu kami at nitong babaeng pinaka mamahal ko. (sabay tingin kay JANE)
JANE: Thank You din po dahil isinilang nyu ang isang lalakeng napaka maalalahanin at napaka baet. Wala na po akong masabi sa anak nyu, kung nabubuhay lang sana kayo alam ko proud na proud kayo sa kanya. Nawalan man siya ng isang babaeng mag mamahal sa kanya, nandito naman po ako para iparamdam sa kanya ng lubusan ang salitang yun. (sabay nag sign of the cross)
CARL: Salamat MOKANG. (sabay yakap kay JANE)
Pag kalabas namin sa Museleo ng MOMMY ni CARL, lumipad narin ang Paru parung puti na nasa balikat ko. Naramdaman ko talaga ang presence ng MOMMY niya at alam kong ipinahatid niya ang kanyang kasiyahan sa pamamagitan ng isang napaka gandang paru paru.
Habang nasa sasakyan kami ni MOKONG, nakatingin lang ako sa kalsada. May time na nakakakita ako ng mga batang pakalat kalat nalang sa lansangan. Naaawa talaga ako sa mga batang nakikita ko na hindi inda ang panganib sa kalsada, kung mayaman nga lang ako gusto ko silang bigyan ng isang tahanan para hindi na sila kung saan saan.
CARL: Mukhang seryoso ka sa pag tingin tingin jan ah?
JANE: Ahh tinitignan ko lang yung mga batang palaboy, naaawa kasi ako sa kanila. Buti nakaka survive sila sa ganyang sitwasyon. Sana dumating yung time na makatulong ako sa kanila, kahit makapag bigay ng pagkain for them.
CARL: Ang bait naman ng MOKANG ko, kaya bine blessed ka dahil maganda ang hangarin mu. Hindi talaga nag kamali ang puso ko na ikaw ang mag may ari nito.
JANE: Amin na nga yang puso mu, ibebenta ko para may maipang bili ng pagkain for them.
CARL: Ayyy grabe siya ohh... Yaan mo dadating yung time na makakatulong tayo sa kanila. (hinawakan ang kamay ni JANE at ngumiti)
Nung makarating kami ni MOKONG sa opisina.
JANE: Grabe na miss ko yung office mu, ilang araw din tayong wala dito. Hihi
CARL: Ako nga hindi lang kita makita ng isang araw, para sakin katumbas yun ng isang taon.
JANE: Tseee! Baka mag sawa kana niyan sakin ah?
CARL: Hindi ahh, bakit naman? hinding hindi ako mag sasawa sayo kahit na maging asawa pa kita at mag ka anak tayo ng super duper dami.
JANE: Tingin mu talaga sakin Factory ng Babies nu?
CARL: MOKANG naman ih, siyempre para Happy Big Family tayo.
Napalingon kami sa pintuan ng may biglang kumatok.
CARL: Wait open ko lang.
Binuksan ni CARL ang pintuan
CARL: Ohh BERNEY, ang aga mo ata?
BERNEY: Good Morning sir CARL, hi JANE! (sabay beso kay JANE)
JANE: Hello BERNEY, long time no see.
BERNEY: Kaya nga eh, hindi manlang kayo nag aya na mag BOBORA kayo.
CARL: Hehe, yaan mo may next time pa naman.
BERNEY: Ayy sure yan huh! Recorded yang sinabi mu! chosss!
CARL: Bakit nga pala napabisita ka?
BERNEY: Kasi nga sir CARL, gusto ko lang sana pag usapan natin yung mang yayari about dun sa magiging Anniversary natin at launching ng pagiging official BEAUPLUS Model ni JANE.
CARL: Ohh? anu bang suggestion mu?
BERNEY: Ang balak ko sana mag karoon ng production number si JANE.
JANE: Ayy hala? talagang may pa production number? Daig ko pa mag lilipat ng TV Network nito ah?
BERNEY: Yesss girl! Alam mu na, sayaw sayaw ganern..
JANE: Naku po, nakakahiya naman.
BERNEY: Jusko hindi ka dapat mahiya, ikaw ang napili kaya dapat palaban!
JANE: So kailangan ko mag dala ng mga armas? kasi sabi mo palaban dapat ako!
BERNEY: Loka! What I mean dapat ipakita natin sa kanila na you deserved the spot! Hindi ka lang Beautiful, Brainy and super Talented pa!
JANE: Grebe ke nemen BERNEY, masyado mo na akong pinupuri. Sige next time ililibre kita ng STARBOX.
BERNEY: Ayy bet ko yan GIRL!
CARL: Anung klaseng production number naman yun?
JANE: Baka mamaya pakainin nyu ko ng apoy ah? o di kaya tutulay sa alambre.
BERNEY: Gaga! Hindi yun, kasama ka sa production sir CARL. Hihi.
CARL: Huh? anung klase ba?
BERNEY: Ang naisip ko kasi mag sasayaw kayong dalawa ng Ballroom. Tapos you are both wearing a Mask para after the production is i re reveal yung face mu JANE as the new BEAUPLUS Model.
CARL: Hmmmm mukhang good idea BERNEY, kaso hindi naman ako marunong mag Ballroom.
JANE: Naku jusko lalo naman ako, parehas kaliwa ang paa ko.
BERNEY: Donchaworry guys, may mag tuturo na sa inyu. Impact 3weeks pa naman yun kaya kakayanin yan!
CARL: Mukhang gusto ko yung revealling part BERNEY. (lumapit kay BERNEY at may ibinulong)
Nag tataka ako kung anu yung binubulong bulong ni MOKONG kay BERNEY, hindi ako na inform na bubuyog na pala siya ngayon? kanina pa siya bulong ng bulong. Kanina lang kay MAMA ngayon naman kay BERNEY. Pinag mamasdan ko lang sila at pangisi ngisi pa si MOKONG.
BERNEY: AAYYYY!! Panalo yan sir CARL! (Sigaw ni BERNEY)
JANE: Grabe kayo lang talaga ang nag sha share ng idea? aalis na nga ako. (aambang aalis)
Biglang hinila ni CARL
CARL: Tampo much naman this GIRL.
Sabay biglang isinayaw si JANE ng mala Ballroom
JANE: Uiii anu ba kaloka, masyado ka namang excited wala pa!
CARL: Hihi, excited talaga ako lalo na ikaw ang makakasayaw ko.
JANE: O sige, tignan natin kung hindi mag ka sugat sugat yang paa mo pag naapakan ko.
CARL: Titiisin ko, kahit anung klaseng sakit pa yan. Basta ikaw ang kasama ko.
BERNEY: Nakakaloka kayong dalawa! Hindi din kayo masyadong sweet no? May sasabihin pa nga pala ako.
CARL: Ayyy hihi sorry BERNEY, anu yun?
JANE: Ayan kasi ang harut harut!
BERNEY: Mamaya na pala mag start yung rehearsal nyu ah? after work.
Sabay kami ni MOKONG na napasabi ng "WHAT?!"
JANE: Grabe mamaya agad agad?
BERNEY: Naman! Para ma perfect nyu ng bongga!
CARL: Hmmmm, grabe naman. Ohh sige sige.
Wala kaming nagawa ni MOKONG kundi gumora sa gusto ni BERNEY, kaya naman nung matapos namin ni MOKONG ang trabaho namin agad kaming nag punta dun sa place kung saan kami mag re rehearse. Buti nalang malapit lang sa Company kaya hindi hassle.
JANE: Paano pala yan wala akong pamalit? mag sasayaw akong naka ganitey?
BERNEY: Don't worry, hindi pa naman to yung pinaka rehearsal. Kung baga i briefing lang kayo at para mabigyan ng idea sa sasayawin nyu.
JANE: Ayyy buti naman, akala ko hahataw na agad kami.
BERNEY: Oh ayan na pala si MADAM GRACIA.
Habang papalapit ang isang babaeng pulang pula ang lipstick samin ni MOKONG bigla akong kinabahan.
GRACIA: Hi guys, kayo pala yung tuturuan ko?
BERNEY: Yess MADAM! Sila nga. Meet CARL..
GRACIA: Ohhh ikaw pala si CARL, totoo nga ang chismiss na napaka gwapo ng CEO ng company nyu BERNEY.
BERNEY: I Told you, siya naman si JANE.
CARL: Girlfriend ko nga po pala. (sabay akbay kay JANE)
GRACIA: Ayy talaga? infairness huh! bagay na bagay kayo, maganda at gwapo. PERFECT!
BERNEY: Perfect talaga yan! Kaya i perfect mo ang pag tuturo sa kanila huh?! Para perfect ang production!
GRACIA: Don't worry my Dear, gagawin ko ang lahat para mapabongga yan!
Juske, mag uusap usap nalang ba kami dito? edi sana para story telling nalang kaya ang gawin naming production. (sa isip isip ni JANE)
CARL: So shall we start?
Finally nag simula nadin kaming turuan ni GRACIA, tinuro niya kung paano yung mga tamang angulo sa pag sasayaw ng Ballroom. May times na ginagawa niya pang partner si MOKONG para i demo yung gagawin ko daw. Buti nalang ang malakas ang pag titimpi ko, grabehan tong babaeng to maka kapit kay MOKONG parang ayaw ng bitiwan. Naku mag ingat ingat siya sakin at baka ma DISGRACIA siya kapag hinarot niya yang lalakeng pag mamay ari ko.
JANE: Ahh ehh.. mas maganda siguro kung kami na mismo ang gagawa nung actual para naman diba maiporma na namin ng maayos.
Hihi, alam kong nag seselos si MOKANG kaya ayan hindi na nakapag timpi at nag suggest na. Wala naman siyang dapat ika selos dahil siya lang naman ang nag mamay ari sakin. (sa isip isip ni CARL)
Nakita ko si MOKONG na pinag papawisan na kaya naman kumuha ako ng Panyo at pinunasan siya.
JANE: Ohh ayan wala pa naman tayong dalang damit, pinag papawisan kana. (habang pinupunasan si CARL)
CARL: Paki punasan nga din yung mukha ko.
Habang pinupunasan ni JANE ang mukha ni CARL, panay ang pa cute lang nito. At panguso nguso pa.
Napapansin kong nakatingin samin si GRACIA, kaya habang ngumu nguso nguso si CARL idinikit ko ang pisnge ko sa labi ni MOKONG.
CARL: Ayyyy hihi, LABYU MOKANG ko.
JANE: YABYU too MOKONG (Nilakasan)
BERNEY: Ayy nako, o sige na kayo na may LOVELIFE. kami na wala.
GRACIA: Nakakaloka kayong mga bata kayo, napaka sweet nyu.
Nagulat nalang ako nung sinabi ni GRACIA na mga bata, grabe ilang taon naba siya? Akala ko nga kaedaran lang namin siya. Batak na batak kasi ang mukha nya. Buti nalang chinismis ni BERNEY si GRACIA at tinanong ang mga experience nya as dance instructor. Ayun nga daw 30years na syang nag tuturo ng sayaw at 25 years old siya nung pasukin ang trabahong yun so sa makatuwid, 55 years old na pala siya. Emeygewd, pero ang bata bata niya tignan.
GRACIA: Okey guys i think we are done for today. I'll see you tomorrow okey? dala nalang kayo ng pamalit nyu kasi dun mag re rehearse na talaga tayo ng bongga!
.
.
.
.
.
.
Halos araw araw din kaming nag pa practice ni MOKONG, hanggang sa ma perfect namin yung sayaw. Grabe hindi ko akalain na ma tututo ako sumayaw. The Best nga si GRACIA, isa siyang Grasya sakin dahil naturuan nya ako ng bongga sumayaw.
1 week nalang Anniversary na ng company nila MOKONG at officially na akong makikilala bilang Model nila, habang papalapit ng papalapit mas lalo akong kinakabahan. Hindi dahil sa performance namin, kundi sa pag kikita namin ng Family ni MOKONG. Jusko LORD, kayo na pong bahala. Sana maging okey lahat.
Gaya nga ng sinabi ni MOKONG, 1 week before ang Anniversary darating ang parents niya.
Nung dumating na ang araw na yun, eto ako ngayon nakaupo sa napaka gandang sofa nila MOKONG. Ang laki laki ng bahay ng parents niya, grabe parang maliligaw ata ako dito kapag iniwan akong mag isa dito.
CARL: Ready kana ba MOKANG?
JANE: Kinakabahan ako. Huhu
Hinawakan ang kamay ni JANE.
CARL: Wag kang kabahan MOKANG, nandito lang ako for you.
Habang pinapatawa ako ni MOKONG sa mga korni nyang jokes para mawala daw ang kaba ko. Biglang nag salita ang isa sa mga katulong nila.
MAID: Sirrr!!! Nandito na sila!
Tumingin sakin si MOKONG at ngumiti.
CARL: Don't worry, you'll be fine.
Emeygewddd!!! Tila sasabog ang puso ko sa sobrang kaba, bigla akong napapahigpit ng hawak kay MOKONG. Napa sign of the cross nalang ako habang hinahantay ko ang pag pasok nila.
Anu kaya ang mang yayari sa pag kikita nila? Magiging maganda ba ang bungad kay JANE ng family ni CARL?
Oh magiging isang kalbaryo para sa relasyon nilang dalawa?
.
.
.
.
.
.
Abangan sa nag iisang FB Serye na Pakikiligin ka! Paluluhain!, Patatawanin! at Bibitinin sa mga kapana panabik na eksena!
Gusto nyu bang i share ang kilig ng ating FB SERYE? Tag nyu na sila!!!
Wag ding kalimutan mag bigay ng bonggang comment nyu! Para ma DEDICATE sayo ang susunod na eksena!

Comments

Popular Posts