STORY OF MOKONG & MOKANG Part 21 By: Norbie Borja


Sa kalagitnaan ng pag uusap namin ni MOKONG may bigla kaming narinig na tumawag sa kanya. Sabay kaming 
napalingon at biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko siya. Teka, kilala ko siya.. (sa isip isip ni JANE)
Hi Carl! how are you?
CARL: Ohh LEXIE??? what a co-incidence! Anung ginagawa mo dito? sinong kasama mo?
LEXIE: Edi yung magiging daddy nitong nasa tummy ko. (sabay himas sa tyan niya) Teka! whos that girl? she looks 
familiar?
CARL: Ahh LEXIE, I want you to meet my girlfriend MOKANG, este JANE. (sabay akbay kay JANE)
JANE: Hi. (sabay ngiti)
LEXIE: Diba siya yung???
CARL: Yess siya nga yung nasa party before.
LEXIE: Tama yung girl na nag panggap na girlfriend mu para pag selosin ako right?
CARL: He..he..
JANE: anu bang ginagawa ng babaeng to dito, bakit bigla pa tong umeksena sa storya. Kung sabagay juntis na sya kaya 
hindi narin siya makakaeksena samin ni MOKONG. (sa isip isip ni JANE)
CARL: Wala ka bang kasama? ilang months naba yang tyan mu?
LEXIE: Kabuwanan ko na this month, eto medyo nag strolling nadin para hindi gaanong mahirapan sa panganganak. 
Hinahantay ko lang si hubby dito may binili lang. may lakad pa ba kayo?
CARL: Kakain lang kami tapos uuwi na din. Gusto mo sumama samin lets have a dinner.
LEXIE: Naku wag na CARL, nag text na din si hubby papunta na siya dito. By the way sige tinawag lang kita kasi alam kong 
ikaw yun likod mo palang alam ko na! (sabay pa cute)
Aba aba etong babaeng to ang harot, mag kakaanak na lahat gusto pa atang umiscore. (sa isip isip ni JANE)
CARL: Oh sige maiwan kana namin ahh, ingat kayo. Regards pala sa husband mu.
LEXIE: Sige kayo din, bye JANE! Nice meeting you again!
JANE: Sige sa inyu din ingat kayo, nice meeting you too (sabay ngiti)
Hahakbang na sana kami ni CARL ng biglang may pahabol papala si LEXIE.
LEXIE: Siya nga pala! sa binyag ng Baby ko invited kayo huh!
CARL: Sure LEXIE! Update mo lang ako!
Habang kumakain kami ni MOKONG, medyo napapatulala ako. Hindi ko akalain na makakasalubong pa namin yung LEXIE 
na yun. Eh isa ring maldita yun parehas sila ng bestfriend niya, hindi ko naman tinatanong kay MOKONG kung anung 
naging dahilan ng break up nila ni LEXIE. Para sa akin kasi kung ano na yung nakaraan hindi ko na dapat pa 
halungkatin.Move on din daba?!
CARL: JANE are you all right?
JANE: Ahh ehh ou naman, ang sarap nung food nu?
CARL: Favorite Restaurant ko to dito sa Mall, kaya dito kita dinala kasi alam kong magugustuhan mo to.
JANE: Nako kinakabahan ako ahh, maharlika ata ang mga fudang dito.
CARL: HAHA! anu kaba hindi naman, yaan mo pag na short ka andito naman.
JANE: Hayy nako! ngayon na nga lang kita malilibre ng bongga! Carry ko na to!
Nung patapos na kaming kumain ni MOKONG at habang kinakabahan sa magiging BILL ko nag selfie selfie muna kaming 
dalawa.
JANE: Grabe ngayon mo pa talaga naisipan mag selfie, wala ng food sa mesa!
CARL: Ehh anu naman? hindi importante yan, ang importante ikaw ang kasama ko sa picture. (sabay akbay nito kay JANE)
CARL: Smileeeee
At ayun na nga sumelfie kaming dalawa na nakayakap siya sakin, kumalas agad ako dahil nakakahiya pinag titinginan kami 
ng madla. Kaloka, hindi naman kami celebrity couple pero grabe sila kung pag tinginan kami. Lalo na yung isang lalake 
dun maka titig sakin parang hinuhubadan ako, si Lola naman kilig na kilig din kay MOKONG halos malaglag na ang pustiso 
kakangisi.
WAITER: Here's your bill Mam!
JANE: Thank you, may discount ba ako dito? Diba kapag matanda meron? e kapag maganda may discount din? charot 
lang kuya!
Napakamot ng ulo si waiter.
Habang dahan dahan kong binubuksan ang kulay itim na leather case kung san nandun yung bill namin, kabang kaba 
ako. Juiceko daig ko pa pumipinta ng baraha sa Tong-its nito. Naloka ako nung makita ko yung bill jusmiyo 3,550 pesos. 
Juicecolored! Mahihimatay ata ako nito.
CARL: Okey ka lang JANE?
JANE: Ayy uu naman, mokong paabot naman nung bag ko kunin ko lang yung wallet ko.
CARL: here....Wait JANE CR lang ako ha!
Habang nasa ang CR si Mokong kinuha ko sa bag ko yung wallet ko. Nagulat nalang ako ng wala akong nakitang wallet sa 
bag ko. Kalokanes!!! Nasan na yun HUHUHU andun pa naman yung ATM at mga importanteng valid id's ko. Kinalkal ko ng 
kinalkal yung bag ko, halos itaob ko na lahat sa lamesa pero walang wallet na lumitaw! Na stress ako ng bongga piling ko 
sasabog yung matress ko! Jusko, pati ba dito sa mall may mag nanakaw!
CARL: Ohhh JANE? Whats the problem?
JANE: Ehh kasi ahhmm yung wallet ko huhuhu hindi ko makita. Pano ako nito makaka bayad huhuhu (maiyak iyak na sabi 
niya)
CARL: Chineck mo na ba sa bag mo?
JANE: Naka 100x na check na ko tinignan ko na din sa ilalim ng upuan baka nalaglag, pati dun sa palda ni LOLA chineck 
ko na din pero wala yung wallet ko huhuhu!
CARL: Edi hindi mu nabayadan yung Bill?
JANE: Hinde, anu ibabayad ko puri ko? huhu!
CARL: Uiii sakin lang yan, hindi pwede ibayad sa iba. Teka ako na muna mag bayad.
JANE: Hala nakakahiya! ako dapat mag treat sayo eh.
CARL: Eh nawawala yung wallet mo diba? pano ka makakabayad alangan mag hugas tayo ng plato dito hehe.
At ayun nga ang ng yari si MOKONG ang nag bayad ng kinainan namin, buset na wallet ko kasi yan san kaya sya nag 
punta bakit hindi siya nag paalam na mag lalayas pala siya! Binalikan namin yung mga dinaanan at pinuntahan namin ni 
MOKONG pero wala talaga, pagod na pagod na ako kakalakad at lantang lanta ng parang gulay pero wala hindi talaga namin makita. Hindi ako sa pera ng hihinayang kundi dun sa mga ID'S at ibang document na nakasingit dun sa wallet ko! Ang hirap pa naman kumuha ng mga ID'S ang daming chechebureche.
Hanggang sa sasakyan ni MOKONG hindi maipinta ang mukha ko sa sobrang lungkot at inis.
CARL: JANE sorry ha! (medyo na ngingisi)
JANE: Oh bat ka nag sosorry? patawa tawa kapa jan tsee!!!
CARL: Sorry na muna please!!!
JANE: Bakit nga? wala ka namang kasalanan para kang sira jan! (Sabay harap ko sa bintana ng sasakyan)
CARL: Sorry na, sorry! sorry! sorry! (sabay peace sign)
Bigla kong nilingon si MOKONG at nagulat ako sa hawak hawak niya.
JANE: Emeygedddd!!! Ikaw pala may pakana! grrrrrr!!!!
CARL: Sorry na hihi.
JANE: HUHUHU grabe ka mang trip jan pati wallet ko pinag tripan mo!!!! Hindi kita mapapatawad grrrrrr!!!!
CARL: Hala siya ohh grabe! Sorry na nga ehh.(sabay sad face)
JANE: Ano naman pumasok sa tuktok mo at naisipan mong pag diskitahan yang pink na wallet ko! Wag mong sabihing 
type mo yan? omeyged!!!
CARL: Uiii alam ko yang iniisip mo! No way!
JANE: Amin na nga yan!!!
Biglang hahablutin ni JANE yung wallet niya pero bigla siyang hinila ni CARL at niyakap.
JANE: ggrrrr anu ba!!! kainis ka!
CARL: Sorry na nga ehh, hindi na mauulit. Eh kasi gusto ko lang naman na ako na mag shoulder sa kinain natin kasi nga 
madami ka din nabili tyaka binilhan mo si MAMA mu ng gamit baka maubusan ka ng extra. Alam mo naman mag BOBORA 
pa tayo.
JANE: Tsee!!! diba sabi ko sagot ko yung kakainin natin? Kaso ang mahal pala dun! huhu tapos tinago mo pa yung wallet ko jan! Alam mo bang malapit na ko makunan!
Biglang kinalas ni CARL yung pag kakayakap niya kay JANE.
CARL: Talaga?! mag kaka BABY na tayo? Pero wala pang ng yayari satin ha! Gusto mo na ba? (sabay taas nito ng dalawang kilay at pa cute)
JANE: Ewan ko sayo! Patola ka! kakainis ka talaga grrrr!!!
CARL: Sorry na MOKANG ko.
Habang abala ako sa pag drive, tahimik lang si MOKANG mukhang badtrip na badtrip padin sa ginawa kong pag bibiro sa kanya. Pero kahit nakasimangot siya ang ganda ganda niya padin at lalo akong naiinlove sa kanya! Siya na siguro yung babaeng ihaharap ko sa altar.
CARL: Okey dito na tayo.
JANE: Alam ko! dali baba na ako.
CARL: Ayy ang sungit naman this GIRL.(malungkot na sabi niya)
JANE: Ewan ko sayo! halos himatayin na ko kakahanap ng wallet ko eh tinago mo lang pala grrrr!!!
CARL: Kapag ako ba nawala mahihimatay ka din?
JANE: Ewan!!! buksan mo na tong pintuan bababa na ako.
CARL: Ayoko nga, kiss muna. (sabay nguso)
JANE: Mukha mo! Pag katapos mo kong asarin jan, gaganyan ganyan ka!
CARL: Sorry na nga po eh, plittttt.
JANE: Tsee!! buksan muna yung pinto at gusto ko na mag pa hinga pagod na pagod na ko. Masakit na mga paako kakalakad!
CARL: O sige na po. Wait lang huh! ako na mag oopen mismo ng door for you.
Habang hinahantay ko buksan ni MOKONG yung pintuan ng kotse, bwiset na bwiset padin talaga ako sa kanya. Tama 
bang pag tripan ako, hindi ko alam kung sweet bang matatawag yun pero nakakaasar kasi hayss tskk!! Pag ka bukas ni MOKONG ng pintuan agad akong lumabas ng kotse at nagulat nalang ako ng bigla nya akong binuhat na parang bagong kasal.
JANE: Uiii!!! anu ba MOKONG ibaba mo ko!
CARL: Ehh sabi mo kasi masakit paa mo kaya binuhat na kita. hihi
JANE: Hindi ko naman sinabing lumpo na ko! ang sabi ko lang masakit paa ko grr! ibaba muna ako ang bigat bigat ko 
kaya!
CARL: Sussss mas mabigat pa sayo yung mga binubuhat ko sa gym, hindi kaba natatakot sa biceps kong to. (sabay tingin 
sa biceps niya)
JANE: Eh ikaw hindi kaba natatakot sakin? kung sampalin kaya kita jan sa ka kulitan mo! (aambang sasampalin si CARL)
CARL: Ayy grabe siya ohh, pwedeng sampal gamit ang labi mu? (sabay nguso kay JANE)
JANE: Ewan ko sayo! Gigil mo ko!!!
CARL: Ohh nasa harap na tayo ng pintuan nyu, diba naihatid kita, daldal ka kakasi ng daldal jan.
JANE: Tsee! eh pano naman yung mga pinamili ko, dalhin mo dito!
CARL: Opo mahal kong BOSS MOKANG. (sabay pisil sa pisnge ni JANE)
Kinuha ni CARL yung mga pinamili ni JANE.
CARL: Eto na po BOSS yung mga pinamili mu.
JANE: Okey salamat po! (medyo sungit sungitan)
CARL: Grabe talaga siya oh, sungit padin. Sungitan mu pa ako hahalikan talaga kita sa Lips.
JANE: Tseee!
CARL: Ay gusto niya ohh.
JANE: Ewan ko sayo! umuwi ka na nga!
Biglang kinulong ni CARL sa pamamagitan ng dalawang braso niya si JANE, ngayon nasa gitna si JANE ng mga braso 
niya. Palapit ng palapit ang mukha ni CARL sa mukha ni JANE para halikan ito. Napapikit ng madiin si JANE at dumampi sa Noo niya ang mga labi ni CARL.
CARL: I LOVE YOU MOKANG ko.
Unti unting dinilat ni JANE ang mga mata niya.
JANE: Ohh akala ko ba sa lips?
CARL: Gusto mo ba? hihi syempre gagawin ko lang yun kapag kinasal na tayo, sa harap ng altar ko lang dapat ibigay ang unang halik sa taong pinaka mamahal ko.
JANE: Asusss, sige na umuwi kana maaga pa tayo bukas.
CARL: Bati na tayo?
JANE: Uwi na!
CARL: Sabihin mo munang bati na tayo.
JANE: hmmmp opo sige na bati na tayo Yabyu MOKONG, wag mo na uulitin yun huh! sinasabi ko lang sayo jan tskk!
CARL: Labyu too MOKANG ko, opo. Sorry ulit.
Biglang niyakap ni CARL si JANE.
JANE: Mag iingat ka huh?!
CARL: Opo, see you tomorrow.
At ayun tuluyan na ngang umalis si MOKONG, grabe talaga yung lalaking yun. Ang lakas mang asar, pasalamat siya mahal ko siya naku kundi baka nakapag sabi na ako ng kung ano ano sa kanya. Kinatok ko na ang pintuan para pag buksan ako ni MADER, habang hinahantay ko yung pag bukas ng pintuan namin tinext ko ulit si MOKONG, nag pasalamat ako at nag sorry din sa pag susungit ko sa kanya. Nung marinig ko ng bumukas ang pinto humarap ulit ako sa pintuan namin at nagulat ako sa bumungad sakin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
ITULOY ko pa ba?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
O sige na nga.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
JANE: Emeygeddd!!! Kaloka ka naman MAMA kinabahan ako akala ko may White Lady sa bahay! Anu ba yang nasa 
mukha mu sobrang puti! Tapos naka puting daster kapa! Hihimatayin ako sayo eh!
MAMA: Ayy hihi sorry anak, nag try lang naman ako nung product na KISAKI ba yun? yung ginagamit mu sa mukha mu kaya lalu kang fresh. Diba product to nila product nila CARL?
JANE: Opo, KISEKI po yun!
MAMA: Ay mali pala ako hihi, pero ang ganda nito nak ha, ang bango bango.
JANE: Siya nga pala binili ko na kayo ng maisusuot nyu sa pag punta natin ng BORA, eto po i check nyu po.
MAMA: Wow talaga nak?! sige pa tingin, nabilhan mo ba ako ng tibak nak?
JANE: Jusmiyo, tibak ka jan? gusto mong matigbak lahat ng tao sa BORA pag nakitang naka tibak ka?
MAMA: Hard mo naman, aba makinis ata ako. Kaninu kaba nag mana ng ka kinisan? diba sa akin?
JANE: Tama ka naman MADER, pero ibabagay mu syempre sa size at edad mu yung susuotin nyu. Oh eto yung binili ko sa iyo.
MAMA: Ayy wow ang ganda naman nito nak, sosyal ha. Pero baka hindi bagay yan sa beach dun daster type yan eh, diba 
puro mga naka two piece, underwear minsan pa nga no piece yung mga tao dun?
JANE: Hindi no, juske naisip mu pa talaga yan.
Pag katapos kong ibigay kay MADER EARTH yung susuotin niya, pumasok agad ako sa kwarto, pagod na pagod ako gusto ko ng matulog. Pero pumasok sa isip ko na i try yung two piece na nabili ko. Agad agad akong nag tanggal ng damit, para i try kung bagay ba sakin. Nung suot suot ko na, humarap ako sa malaking salamin ko. Dun umaura aura ako na parang mag cocover sa FHM. Nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang pintuan.
JANE: Kalokanes ka MADER! bakit bigla bigla ka nalang pumapasok.
MAMA: Eh kasi nak papakita ko sana sayo tong damit na binili mu sinukat ko na. Ayy grabe naman nak yan talaga susuotin 
mo? baka naman pag pyestahan ka ng mga manyak don? eh ka seksing seksi mu bagay na bagay sayo. Pwedeng ako 
nalang mag suot niyan nak? sayo nalang tong binili mu sakin hihi.
JANE: Palabiro ka talaga MA! Syempre di ako mag susuot ng ganito mismo dun mag short ako na maikli lang tyaka para di 
masyadong maaninag ang aking SUSIE may binili naman akong net type na sleeveless.
Pag ka palit na pag ka palit ko ng damit, natulog agad ako. Pagoda biri much talaga ang beauty ko. Hindi ko na nga natext si MOKONG para mag good night. Umaga nanaman, ang bilis bilis talaga ng oras. Pag ka mulat ko ng mata, bigla akong napatitig sa kisame namin at iniisip kung anu bang ireregalo ko kay MOKONG sa darating naming first monthsary. Sumakto kasi sa BORA yung monthsary namin.
JANE: Ano kayang magandang ibigay na regalo kay MOKONG? hmmm (sa isip isip ni JANE)
JANE: Ayy tama!!! Alam ko na ibibigay ko sa kanya! Hindi nalang ako mag papahatid kay MOKONG mamaya pauwi para makabili ng monthsary gift ko sa kanya! hihi
Ano nga ba ang naisip na regalo ni JANE kay CARL?
Excited ka naba sa next PART? I'ts BORA time!!!
Umeksena na sa storya ulit si LEXIE, may mga pasabog kaya siya?


Comments

Popular Posts