STORY OF MOKONG & MOKANG Part 28 By: Norbie Borja


Hindi ko na siguro dapat ilihim pa kay MOKANG kung bakit ako inis na inis sa PAUL na iyon. Kaya napag isipan kong ikuwento sa kanya kung anu ba talaga ang naging dahilan...
CARL: Good Morning Hon, Happy 2nd Anniversary sa atin. Excited na ko para mamaya! Don't be late ah?!
LEXIE: Opo hon ko, Happy 2nd Anniversary din sa atin.
CARL: I LOVE YOU po.. O sige na may gagawin lang ako, see you later muahhh..
May sasabihin pa sana ako pero biglang binaba nya yung phone. Hindi na ako makapag hintay para mamaya, kung pwede ko lang hilahin yung oras eh ginawa ko na. Hayyss hindi ko akalain na tatagal kami ni LEXIE, halos aso't pusa din kami sa relasyon kaya talaga super Thankful ako dahil umabot kami ng 2years at sisiguraduhin ko mas madami pa kaming Anniversary na pag sasamahan.
CARL: Helo pre! Naayos mo naba lahat jan?
JAMES: Yup! Kayo nalang ni LEXIE ang hinihintay mamaya. Baka mahimatay yun sa surpresang hinanda mu!
CARL: Salamat talaga sa tulong JAMES ha! Maasahan ka talaga!
JAMES: Wala yun! Goodluck mamaya!
Habang pinag mamasdan ko ang sing sing na hawak ko, halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Pero mas nangingibabaw ang pag mamahal at saya sa puso ko. Hindi na ako makapag hintay na makita siya at masabi kung gaano ako ka seryoso sa relasyon namin.
Dumating na ang oras ng pinakahihintay ko, nakaupo ako kaharap ang isang napaka gandang set up ng lamesa na may mababangong bulaklak na paborito ni LEXIE at naka sinding kandila.
CARL: Bat wala pa siya, halos ilang minuto na akong nag hihintay sa kanya. Nag sabi naman ako na wag siyang mag papa late.
Habang hinahantay si LEXIE, nag iisip nalang ako ng mga positibong bagay na dahilan kung bakit wala pa siya. Siguro nag papaayos pa para pag handaan ito. Pero kahit hindi naman na siya mag pa garbo sa sarili nya, it doesn't matter. Mahal na mahal ko siya.
Halos 15minutes na akong nag hahantay, kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko at kinontact ko ang Phone niya. Pero hindi ko ito ma contact.
CARL: Shockkss! Anu na kayang ng yari sa kanya, bakit wala pa siya. Hindi ko din ma contact ang cellphone niya.
Nung mga oras nayun, napaka lakas na ng kabog ng dibdib ko. Hindi kaya may ng yari sa kanya? although lagi siyang na lalate kapag umaalis kami, hindi naman tumatagal ng ganito. Halos 30minutes na akong nag hihintay, kahit text manlang wala akong ma received sa kanya.
CARL: Ayy teka! Muntik ko ng makalimutan, pinasundan ko nga pala siya sa Private Detective ko. Para masiguradong safe siyang makakapunta dito.
Agad kong tinawagan yung phone ni CONRAD.
CARL: Anung balita? bakit wala pa siya? hindi ka din nag uupdate sakin.
CONRAD: Pa sensya sir bigla akong naubusan ng load, I'm about to call you buti nalang tumawag ka.
CARL: So ano nga? nasan na si LEXIE? 30minutes na akong nag hahantay dito.
CONRAD: Sir... (medyo malungkot na boses)
CARL: Oh? ano!
CONRAD: Kanina nung paalis si Mam LEXIE ng bahay nila akala ko jan na sa venue didiretso, sinundan ko siya. Pero sir kasi.
CARL: Eh nasan naba siya?!
CONRAD: Dumiretso siya sa isang HOTEL tapos may kasama siyang lalaki na naka akbay sa kanya.
CARL: Whaattt?!! saan yan!
Halos mabitiwan ko ang cellphone ko sa pag ka gulat sa nalaman ko kay CONRAD, nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko malaman ang gagawin. Dali dali akong pumunta sa HOTEL na sinabi niya para ma confirm ko kung totoo ba. Bigla nalang nag pop up sa chat yung photo na sinend ni CONRAD at mas lalo akong nanlumo ng makita ko na si LEXIE nga yon.
Habang nag mamaneho ako hindi ko mapigilang mainis at mang gigil. Bat ngayon pa! Ang ayos ayos naman ng usapan namin kanina, tapos wala pala akong kaalam alam na magiging ganito ang sitwasyon.
Nung marating ko ang HOTEL agad akong nag punta sa Front desk para tanungin kung may nag check in ba na LEXIE FUENTES. Lumakas ang kabog ng puso ko ng malaman kong nandun nga siya.
Habang paakyat ako ng Elevator hindi maipinta ang mukha ko. Bat kasama nya yung lalaking yun! sa isip isip ko. Pinipigilan kong kumalma pero sh**T nang gigigil ako sa galit!
LEXIE: May kumakatok! baka ayan na yung inorder mong pag kain, ikaw na mag open nasa CR pa ako.
Habang hinahantay ko ang pag bukas ng pintuan, pilit kong kinakalma ang sarili ko kasi ayokong maka panakit. Narinig kong bumukas ang pintuan.
Napatingin siya sakin at gulat na gulat.
PAUL: Oh bro?! Anung ginagawa mo dito?
CARL: Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko nyan?! Anong ginagawa mo dito? (madiin na sabi niya)
PAUL: Ahhh..ehh.. nag papahinga bakit ba?! Anu bang kailangan mo?!
LEXIE: I'm done... nan jan naba yung fooo hoodd.. (gulat na gulat) CARL?
CARL: Siya ang kailangan ko.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko. Luha ng galit at pag ka dismaya.
LEXIE: Hon...
CARL: Wag mo kong tawagin sa salitang yan! Sinira mo ang tiwala ko sayo! Nakikita mo ba to? (pina kita ang sing sing)
Im about to propose to you! Pero mukhang basurahan nalang ang makikinabang nito!
PLEASE PLAY THIS SONG Before Reading this Story
One Last Cry - Brian McKnight
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hindi na ako nag paligoy ligoy pa, umalis ako. Gusto kong suntukin si PAUL sa mga oras nayon, pero nangibabaw parin sakin ang pag titimpi. Napaisip ako kung may kulang ba sakin? at pinagpalit ako ni LEXIE sa iba. Siguro nga masyado akong naging kampante sa relasyon namin, na akala ko okey na ang lahat. Habang nag da drive ako sumasagi sa isip ko na ibangga ang sasakyan ko, hindi ko namamalayan na umaagos na pala sa mga mata ang luha ko. Sa sobrang pag iisip ko may time na na tutulala ako, kaya hindi ko na malayan na may babae palang tatawid, muntikan ko na siyang masagasaan buti nalang napalakas ang preno ko. Napatingin siya sakin sa harap ng sasakyan ko at inirapan ako. Hindi ko na siya pinansin at agad agad kong hinarurot ang sasakyan ko.
Nagtungo ako sa isang BAR na paborito naming tambayan, idinaan ko nalang sa alak ang lahat. Alak na alam kong makakatulong sakin upang makalimutan ang mga masasakit na pangyayari. Nakakailang bote na ako, kahit umaayaw na ang katawan ko. Pinipilit ko padin uminom ng uminom, hanggang sa yung tipong makatulog ako at panandalian makalimutan ang lahat.
WAITER: SIR mag sasara na po kami.
Nararamdaman ko nalang na may gumigising sakin, dahan dahan kong dinilat ang mata ko.
CARL: Pwede bang dito nalang ako matuloggg (lasing na salita)
WAITER: Ayy sir hindi po pwede, makakagalitan kami ng BOSS namin.
CARL: Ahh ganon ba? o sige. (lasing na salita)
Pinilit kong itayo ang sarili ko pero hindi ko magawa, nagulat nalang ako ng may marinig akong boses sa gilid ko.
Ako ng bahala sa kanya..
WAITER: Sige sir pakialalayan nalang po, lasing na lasing na eh.
JAMES: Pre lasing na lasing kana, hindi mo na kaya mag drive ako na mag hahatid sayo.
CARL: Paano meuh na la mannn na nandito ako hahh? (lasing na salita)
JAMES: Sus eh dito ka lang naman tumatambay kapag may problema ka.
CARL: Huh?! sino nag sabi sayong may problema ako? (lasing na salita) walang akong problema (sabay bumuhos ang luha)
JAMES: Alam ko na ang lahat CARL.
CARL: Pre bat ganon si LEXIE? Ang ayos ng usapan namin, wala naman kaming problema but suddenly nag iba ang lahat?! Please paki explain sakin pre kung may pag kukulang ba ako? (habang humahagulgol sa pag iyak)
JAMES: Baka may iba siyang dahilan? hindi ko din alam pre, halika na ipag pahinga muna muna yang sarili mo.
CARL: Ibang dahilan? anong dahilan? binigay ko naman sa kanya lahat ha! Ano bang pag kukulang ko?!
JAMES: Lets go CARL, lasing na lasing kana.
Lasing na lasing si CARL, hindi na nya halos mailakad ang sarili niya. Kaya naman inalalayan ko nalang siya hanggang sa maihatid ko sa kanila.
.
.
.
Kina umagahan
.
.
.
.
MAMENG (CARL'S personal Nanny): Sir CARL kakain na po kayo. Hindi ka pa po nakakapa breakfast. Gusto mu po ba dalhan ko nalang kayo ng makakakain?
Nagising ako sa tawag ni T.MAMENG. Unti unti kong dinilat ang mga mata ko, sobrang sakit ng ulo ko. Natulala nalang ako habang naka tingin sa kisame. Inaalala kung totoo ba yung ng yari kagabi, umaasang panaginip na napaka sama lang. Pero hindi eh, totoo ang lahat. Napapaisip ako ng ilang beses kung anong nakita ni LEXIE sa lalaking yun, bakit pinag palit niya ang relasyon na pinag hirapan namin sa loob ng dalawang taon.
MAMENG: Sir CARL, baka nagugutom na po kayo. Dadalhan ko nalang po kayo ahh?
Hindi ko masagot si T.MAMENG, tinatamad akong mag salita. Gusto ko lang ng katahimikan siguro sa ngayon. Gulong gulo ang isip ko. Nag check ako ng FACENOTE umaasang mababasa ang explanation niya. Nabasa ko pa yung huling chat ko sa kanya na naka seen lang.
Tila mababaliw ako kakaisip kung bakit bigla nalang siya naging ganun, although napapansin ko a week before mang yari to may times na parang iniiwasan niya ako. Iniisip ko nalang na abala siya sa modelling niya. Nabaling ang tingin ko ng biglang kumatok si T.MAMENG.
MAMENG: Sir CARL, eto na po yung lunch nyu. Paki bukas nalang po yung pintuan.
Dahil nakakaramdam na din naman ako ng gutom, binuksan ko ang pinto.
CARL: Paki lagay nalang po jan sa table.
MAMENG: Sir sorry po sa pangingialam ah, may problema po ba kayo?
CARL: Ahh ehh, wala to T.MAMENG, okey lang ako kaya ko to. (sabay ngiti na pilit)
MAMENG: Kilala ko kayo sir CARL kapag may problema kayo.
CARL: Maliit na problema lang po.
MAMENG: About sa Girlfriend nyu po ba sir?
CARL: Ahh.. opo, pero ayoko na muna pag usapan. Salamat T.MAMENG sa pag dala ng Lunch sakin.
MAMENG: Sige sir, baba na ako. balik nalang ako maya maya para kuhanin yung mga pinagkainan mu.
Pinipilit kong kumain dahil nakakaramdam ako ng gutom, pero yung pusot isipan ko tinatamad. Pinilit ko nalang kainin yung pag kain na inihain sakin, naisip ko din na hindi ko dapat aksayahin ang lakas ko para sa isang walang kwentang bagay.
Ilang araw din akong naka kulong sa kwarto ko, hindi ako lumalabas ng kwarto. Ginawa ko lang matulog ng matulog at mag laro sa laptop ko. Hanggang isang araw maisipan ko dalawin ang paborito kong professor sa dati kong eskwelahan.
PROF GARY: Alam ko na kung bakit ka nandito.
CARL: Ayy hehe grabe ka prof alam mo agad.
PROF GARY: Syempre naman! Hihinge ka na naman ng payo sakin tama ba?
CARL: Hmmm yun naman ang dahilan kapag bigla akong napapabisita sayo prof. Alam mo naman ikaw ang greatest adviser na nag papayo sakin, kapag hindi ko na alam kung anu bang dapat kong gawin.
PROF GARY: So whats the problem?
CARL: Ahhm ganito kasi yun PROF, si LEXIE kasi hindi ko alam kung bakit bigla nalang siya nag loko relasyon namin.
PROF GARY: Nakausap mo naba siya ng matino?
CARL: Hindi pa nga po eh, ayoko pa siyang makausap dahil sa ginawa niya sakin. Siya dapat diba yung gumawa ng way para kausapin ako, pero wala, wala siyang paramdam.
PROF GARY: Oh tignan mu yan, katwiran mu. Gusto mong malinawan di ba?
CARL: Ganun na nga PROF.
PROF GARY: So bakit hindi ikaw ang gumawa ng paraan para makipag usap sa kanya?
CARL: Pero bakit ako? hindi naman ako yung nagloko.
PROF GARY: Mahal mo pa ba?
CARL: Ahh ehh opo PROF, feeling ko kahit na ginawa nya yun ang lakas padin ng tama ko sa kanya.
PROF GARY: So that's it! Kailangan mo muna mapakinggan yung side niya. Alam mo CARL, sa relasyon hindi importante kung sino ang nag kamali. Ang pinaka importante kung sino yung mas nakakaunawa. Malay mo natatakot siyang i approach ka dahil ganun nga yung ng yari niloko ka niya. Pero kung gusto mong maliwanagan talaga, approach her. Ibaba mo muna yung pride mo para sa ikaliliwanag ng isipan mo.
CARL: Pero PROF, paano kung ayaw niya na talaga sakin kaya iniiwasan niya na ako?
PROF GARY: Then accept it. Tandaan mo, mahirap ipilit ang ayaw na.
CARL: Pero mahal na mahal ko siya prof.
PROF GARY: Kaya nga kausapin mu siya and then if mapatunayan mong nag kamali lang siya, ikaw ang may hawak kung pag kakatiwalaan mo paba siya at bibigyan ng isa pang chance since matagal nadin ang relasyon nyu.
CARL: Bukas, birthday ng isa sa tropa namin. Paniguradong pupunta siya dun dahil malapit sa kanya yun.
PROF GARY: Oh yun naman pala, so thats the chance para makausap mo siya.
CARL: Tama nga yung mga sinabi mo PROF, ayokong mawala siya ng tuluyan sakin kaya ako na ang gagawa ng way para mag kausap kami. Pero paano ko bang masasabi na gusto niya pa ako?
PROF GARY: May naisip akong way, ewan ko lang kung papabor ka dito hehe. Kasi actually naipayo ko na din to sa isang studyante ko, ayun patay na patay din sa Girlfriend. Iniwan tapos pinag selos ang Girlfriend, hindi nakatiis yung babae binalikan siya.
CARL: So you mean PROF pag seselosin ko si LEXIE?
PROF GARY: Nasasa iyo kung gusto mo, kung magiging affected siya malamang mahal kapa niyan. Siguro nag kamali lang yan pero ikaw padin ang laman ng isip at puso nyan.
Bigla akong napaisip sa ipinayo sakin ni PROF GARY, pero may point naman siya. Bakit kaya hindi ko subukan?
Habang nakatingin sa langit at pinag iisipan yung mga sinabi ni PROF, may bigla akong naramdamang naka bunggo sakin.Natapunan niya ng HOT CHOCO yung damit ko. Nag kalat sa daanan yung mga gamit niya, tinulungan ko siya. Sinusungitan niya ako kahit na siya naman ang bumunggo sakin.
----------------------
JANE: Tseee!!! Ako na yan ehh!
CARL: Ou nga MOKANG ko ikaw naman talaga yung bumangga sakin.
JANE: Kakasabi mo lang sa kinukuwento mo na nakatingin ka sa langit at nag iisip. So sino ngayon ang hindi tumitingin sa dinadaanan?
CARL: Ohh sige na po, hindi ka naman mag papatalo eh. Pero at least diba? nag ka kilala tayo dahil sa pang yayaring yun. At lubos kong pinag papasalamat yun.
JANE: Asssuss! Ayy teka matanong ko lang, bakit iba yung sinabi ni LEXIE sakin na dahilan ng break up nyu nuon?
CARL: Huh? bakit anung sinabi niya?
JANE: Binaliktad niya yung sitwasyon eh, ikaw daw yung nahuli nya na may kalandian.
CARL: Susss, hindi totoo yun. Alam mo kong bakit? kasi ayaw niya lang na may ibang babae na dumidikit sakin.
JANE: Ayyy ganern? Dapat pala nag panggap akong tomboy nun. O siya i tuloy mo na yung kwento mu habang wala pa sila MADER at KELLY.
CARL: Ayun na nga kinuha ko that time yung Book Report mu at nakipag deal sayo. Tapos naalala mo diba after the party iniwan mo ko? Kasi nga nag ka sagutan kayo ni MOMMY. That time pinipilit kitang ihatid pero ayaw mu kasi nga masyodo kang affected sa mga sinabi ng MOMMY ko. Habang nakatingin lang ako sa sasakyan mo habang papalayo ito.
----------------------
LEXIE: CARL...
CARL: Bakit LEXIE? Masaya ka naba sa ginawa mo? pina hiya mo yung Girlfriend ko.
LEXIE: Sorry CARL, nadala lang ako ng selos, alam ko naman kasing pinag seselos mo lang ako. Kilala kita at hindi ka basta basta pumapasok sa isang relasyon. Alam kong galit kapa sakin at hindi naman ako nag mamadali na humupa yang galit na nararamdaman mo. Mahal kita CARL.
CARL: Mahal? tapos naisipan mong lokohin ako? ayun ba ang meaning ng pag mamahal sayo? ang saktan at lokohin ang mahal mo?
LEXIE: O sige aaminin ko nasaktan kita, planado ang lahat. Lahat ng yon planado. Naka plano na na hindi kita siputin, alam kong may pinapasunod ka para malaman ang mga kilos ko, kaya naman alam kong makakarating agad sayo ang plano ko.
CARL: Huhh?!! Naguguluhan ako! Anong planado?!
LEXIE: May kailangan kang malaman kung bakit umiiwas na din ako sayo. Kung bakit bigla nalang akong kumalas sa relasyon natin.
CARL: Sige sabihin mo ang dahilan para hindi ako mag mukhang tanga kakaisip kung bakit ka nag ka ganyan!
LEXIE: CARL... Hindi din ako makapaniwala pero...
Anu nga ba ang dahilan kung bakit bigla nalang kumalas sa relasyon nila CARL si LEXIE?
Malaking rebelasyon nga ba ang ibubunyag niya?
Gusto nyu bang i share ang kilig ng ating FB SERYE? Tag nyu na sila!!!
Wag ding kalimutan mag bigay ng bonggang comment nyu! Para ma DEDICATE sayo ang susunod na eksena!
comment YES then SHARE mga ka-titsmosa!

Comments

Popular Posts