Story of Mokong & Mokang PART 22 By: Norbie Borja


Please Play the song
"Dance With My Father by Luther Vandross"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Bukas na pala ang Flight namin nila MOKONG papuntang BORA. Nakakalungkot lang na hindi kita makakasama PAPA, habang hawak ko ang litrato ni PAPA. Mas magiging masaya siguro lalo kung kapiling ka namin, pero kahit ganun pa man at least kasama muna si GOD. Alam mo PAPA kapag tinitignan ko tong litrato mu lagi kong naalala yung pag mamahal mu
ng sobra samin ni MAMA. Yung pag pupursige mu na itaguyod yung Pamilya natin. Hindi ko na mamalayan na tumutulo na pala yung luha ko. Naalala ko pa nga nun...
"JANE FLASH BACK STORY"
Habang mag ka tabi kami nila MAMA at PAPA sa iisang kama.
PAPA: Pasensya kana nak ha, naputulan tayo ng ilaw. Sasalubungin natin yung 7th Birthday mu ng wala tayong kuryente.
MAMA: Ano kaba ang drama mo naman jan.
JANE: Nako PAPA okey lang po yun no, ang importante mag kakasama tayo. Yun lang naman lagi hinihiling ko sa tuwing mag bibirthday wish ako. Gaya nito, kahit walang handa at walang ilaw basta kasama ko kayo ni MAMA. Katumbas nito ang engrandeng handaan. (sabay yakap sa MAMA at PAPA niya)
MAMA: Ang sweet naman ng anak ko. Kaya love na love ka namin ni PAPA mo eh. Ikaw ang treasure naming dalawa (sabay kiss sa pisnge ni JANE)
JANE: Hayaan nyo po MAMA, PAPA. Itong treasure na to ang mag tataguyod sa pamilya natin.
MAMA: Asusss ilang oras nalang birthday muna ohh. Matulog kana, papay payan nalang kita maaga pa pasok mo sa school nyu bukas.
PAPA: Hindi kasi ako nakabali sa trabaho eh, pasensiya kana ulit nak ha. Pero gagawa ako ng paraan. (sabay kiss nito sa noo ni JANE)
Maaga akong pumasok dahil may activity kaming gagawin.
TEACHER: Okey children, para sa activity natin gusto ko mag drawing kayo ng bagay o tao na nag bibigay sa inyo ng inspiration. Pag katapos i eexplain nyu sa harapan mamaya kung bakit ayon ang napili nyu. You may start now.
Nung marinig ko yung sinabi ng teacher ko, walang ibang pumasok sa isip ko. Agad kong iginuhit ang dalawang inspiration ko, kahit mala tingting lang yung drawing ko, alam ko namang iisa lang ang pinupunto ko dito. Nung tinawag na ako ni TEACHER para mag explain sa harapan.
TEACHER: JANE ikaw naman. Mukhang tao ang iginuhit mu ahh, sino naman yang nag bibigay inspirayon sayo?
JANE: Hello classmates, sila nga pala ang inspirasyon ko. Ito po si MAMA at ito naman si PAPA. Sila ang masasabi kong inspirasyon ko. Dahil po sa kanila sinisikap kong mag aral mabuti. Hindi man kami binigyan ng magandang buhay pero binigyan naman ako ni LORD ng magandang magulang. Nagsisikap po sila para mabigyan ako ng maayos na buhay, kahit na ngayon wala kaming kuryente at Birthday ko masaya padin ako kasi sama sama kami pag uwi ko.
Hindi ko na malayan na bigla nalang akong napaluha habang nag sasalita sa klase.
TEACHER: Ohhhh JANE, why are you crying? Birthday mu pala ngayon?
JANE: Opo kakasabi ko nga lang po diba? Wala po teacher masaya lang po ako.
Habang nasa unahan ako at naluluha may biglang pumasok, may dala siyang cake na may nakasinding kandila sa gitna nito. Kasunod nito ang mga lobo. Biglang bumuhos yung luha ko nung makita ko si MAMA at PAPA na papalapit sakin at kumakanta ng HAPPY BIRTHDAY. Iyak lang ako ng iyak, iyak dahil sa sobrang saya, hindi ko akalain na makapag cecelebrate pala ako ng Birthday.
TEACHER: Class let's sing a HAPPY Birthday song to JANE.
Sabay sabay nila akong inawitan, ako naman ito lumuluha sa sobrang saya. Wala naman akong inaasahan na mang yayari ngayon araw kundi makaauwi at makita sina MAMA at PAPA.
PAPA: Sabi naman sayo nak, gagawa ako ng paraan. Happy Birthday, mahal na mahal ka namin ng MAMA mo.
MAMA: Happy birthday anak, lika punasan mu muna yung luha mu.
TEACHER: Okey JANE, take a wish and blow your candle.
Pumikit ako ng madiin at nag wish, wish na lagi kong hinihiling sa tuwing mag bibirthday ako at yun ay ang makasama ng matagal sina MAMA at PAPA. Binuksan ko ang mata ko at hinipan ang kandilang nasa harap ko. Pag ka baba ng cake na dala ni PAPA agad ko siyang niyakap ng mahigpit.
JANE: Salamat PAPA at mas pinasaya mo ko sa Birthday ko. (habang umiiyak)
PAPA: Basta para sayo nak, gagawin ko ang lahat. Para sa inyo ng MAMA mu, kahit anu pa mang hirap titiisin ni PAPA mapasaya ko lang kayo.
TEACHER: Nakakaiyak naman, ohh daddy isayaw mu naman si JANE.
Ipinatong ni PAPA ang dalawang kamay ko sa balikat niya at hinawakan ako sa bewang saka unti unti naming hinele ang isat isa. Nakangiti lang kami parehas sa isat isa at ineenjoy ang masasayang oras. Kinuha ko si MAMA at nag group hug kmi.
Makalipas ang isang buwan ng pag cecelebrate ko ng Birthday, nag karoon ng pag babago sa buhay namin. Unti unting nabayadan ni MAMA ang mga utang niya. Nakabili kami ng ilang gamit sa bahay, nakapag tayo si MAMA ng maliit na
tindahan para makatulong sa amin. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang kaming nakakaluwag. Sa tuwing tinatanong ni MAMA si PAPA kung bakit tila may malaki siyang perang naibibigay kay MAMA, ang tangi lang nitong sinasabi na sinuwerte siya sa bagong trabaho na may malaking sahod. Hindi naman niya sinasabi kay MAMA kung ano ba yun, pero hindi na namin dapat pa tanungin siya dahil sobrang laking tulong nito sa pamilya namin.
Hawak hawak ko yung litrato naming tatlo, ito yung kuha namin sa school nung sinurpresa nila ako. Kahit ilang buwan na ang nakalipas simula nung mang yari yun, kinikilig padin ako at sayang saya. Nabaling ang atensyon ko nung mag salita si MAMA.
MAMA: Bakit kaya wala pa PAPA mu JANE? (pag aalalang tanong)
JANE: Baka naman po hindi pa tapos yung trabaho niya, wag ka mag alala MAMA dadating din yun.
MAMA: Hindi naman kasi siya inaabot ng ganitong oras. (sabay tingin sa orasan) Masyado ng late JANE, matulog kana may pasok kapa bukas.
JANE: Okey sige po MAMA, wag ka na po mag alala uuwi din po yun si PAPA. (sabay halik sa pisnge ng mama niya)
Hindi ko namalayan na umaga na pala, bumangon agad ako sa pag kakahiga at makapag almusal. Lumabas ako sa kwarto at na datnan ko nalang si MAMA na may mga kausap sa labas. Lumapit ako para malaman kung ano ba yung pinag uusapan nila.
MAMA: Hanggang ngayon hindi pa siya umuuwi, hindi ko din ma contact yung phone niya. Sobrang nag aalala na ako ate LOLENG.
LOLENG: Kumalma ka nga jan, baka naman may pinuntahan lang tapos na lowbat yung cellphone?
MAMA: Mag papaalam naman yung sakin o mag tetext kung may lakad siya.
JANE: MAMA wala pa din po ba si PAPA?
MAMA: Gising kana pala anak, mag almusal kana muna. May exam kapa ngayon diba?
Agad akong pinag handa ni MAMA ng almusal, kitang kita ko sa mukha niya ang pag aalala dahil hanggang ngayon hindi pa dumadating si PAPA. Sa ganitong oras kasi sabay sabay kami nag aalmusal at siya ang mag hahatid sakin sa school bago siya pumunta sa trabaho niya, pero mukhang si MAMA ang mag hahatid sa akin ngayon.
Natapos ang klase namin, habang hinahantay ko ang sundo ko sa gate. Umaasa akong si PAPA yun, dahil siya ang malimit na nag hahatid at sundo sa akin. Sabi kasi ni PAPA na malapit lang ang pinag tatrabahuan niya dito, since may motor naman siya, sinasaglit niya ako sunduin at ihatid sa bahay saka babalik sa trabaho niya. Ilang minuto din akong naka tayo sa GATE. Naaninag ko si TITA LOLENG na papalapit sa akin.
LOLENG: Sorry JANE na late ako huh.
JANE: Bakit po kayo ang sundo ko? Wala pa po ba si PAPA? si MAMA po ba na saan din?
LOLENG: Ahh eh JANE, lika na nandun si MAMA sa bahay nyu may ginagawa lang.
Pag ka dating na pag ka dating namin sa bahay, bumungad sa akin si MAMA. Matamlay ang kanyang mukha. Mapula ang kanyang mata na tila pagod sa kakaiyak. Kinabahan ako at agad akong lumapit sa kanya at tinanong siya.
JANE: MAMA, bakit po?
Bigla akong niyakap ng mahigpit ni MAMA, hanggang sa humagulgol siya ng iyak sakin. Hindi ko alam ang gagawin ko at takbo ng isip ko kung bakit ganon na lamang siya. Ilang minuto lang siyang walang tigil ng iyak, hanggang sa humarap siya sakin
MAMA: JANE... (habang umiiyak)
JANE: MAMA bakit ka po umiiyak? nandito na po ba si PAPA?
Umiling lang sakin si MAMA at patuloy ang pag buhos ng luha sa mga MATA niya.
MAMA: JANE.. anak.. sana maintindihan mu itong sasabihin ko ha?
JANE: Ano po yun MAMA?
Kinakabahan ako sa mga susunod na sasabihin ni MAMA.
MAMA: Hindi na natin makakasama si PAPA mu. (at patuloy na humagulgol)
JANE: Panong wala na po? (habang namumuo na ang luha sa kanyang mga mata)
MAMA: Kasama na siya ni GOD.
Nuong pag kasabing pag kasabi ni MAMA ng salitang yun, agad na bumuhos yung luha ko. Umatungal ako, hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
MAMA: Sorry anak, pero kailangan nating tanggapin na wala na siya.
JANE: Ano pong ng yari kay papa? (habang umaatungal)
MAMA: Nakita nalang ng mga tao sa isang abandunadong lote ang katawan niya na sunog na sunog. Hindi na siya makilala. Hindi pa malaman kung sino ang gumawa nuon sa kanya. Nalaman kong si PAPA mu yun dahil sa suot niyang wedding ring namin na nakaukit pa ang pangalan namin sa likod nito.
JANE: Bakit po ginawa sa kanya yun?
Umiling nalang si MAMA sa akin, wala din siyang maisagot sa tanong ko. Habang hinihintay ang mga labi ni PAPA sa bahay namin. Nag kulong lang ako sa kwarto, iyak lang ako ng iyak. Hindi parin ako makapaniwala sa nalaman ko. Sumasagi sa isipan ko na baka panaginip la ito. Isang napaka samang pana ginip. Ang saya saya namin nung mga nakaraang araw, sayang lagi kong pinag dadasal pero bakit sa isang iglap bigla nalang mahahaluan ng kalungkutan.
Sa ilang araw na pamamalagi ng labi ni PAPA sa bahay, lagi lang akong nakaupo malapit sa kanyang ataol. Hinahawakan ko pa ito at inaalala yung mga masasayang sandali nung kapiling pa namin siya. Sobra akong nangungulila, ilang araw nadin akong hindi nakakapasok sa eskwelahan, dahil wala rin akong gana. Ngayon ang huling araw na makakasama namin ang labi niya. Nagulat nalang ako ng biglang sumigaw si MAMA sa loob ng kwarto nila ni PAPA.
MAMA: Mga hayop kayo!!! (habang umiiyak) Anong ginawa niyo sa asawa ko!!!
Umalis ako sa pag kakaupo, nilapitan ko agad si MAMA kasama si TITA LOLENG.
LOLENG: Ohh bakit JADE? Anong ng yari sayo? bakit bigla ka nalang sumigaw jan?
MAMA: Ate, mga hayop sila!
LOLENG: Anu ba yun? bakit?
MAMA: Habang inaayos ko tong mga damit ni NESTOR nakita ko tong sobre na to.
LOLENG: Oh bakit may hawak kang pera? Ang dami niyan?
MAMA: Kasama to ng sulat sa sobre. Amin na nga anu ba yang nakasulat jan?
Hindi ko maintindihan ang nang yayari nung time na yon, bakit ganon na lang biglang bumuhos ang luha ni MAMA at nagalit siya na tila may sinisisi. Binasa ni TITA LOLENG yung nasa sulat. Naririnig ko lang si TITA LOLENG habang nag
baba.
LOLENG:
"JADE,
Gusto kong humingi ng kapatawaran sayo ngayon pa lang, alam kong nag kamali ako sa pinasok kong ito. Gusto ko lamang na mabigyan kayo ng magandang buhay. Hindi ko alam kung anong mang yayari sa buhay ko, pero sinisigurado kong hindi kayo madadamay ng anak natin dito. May pera dito sa sobre, gusto kong gamitin nyu ito para makaraos kayo ng pamumuhay. Itaguyod mo ng matiwasay ang pamilya natin. Pilitin mong pag tapusin si JANE ng pag-aaral, siya nalang ang magiging kasama mo sa buhay. Mas gugustuhin ko pang ako na lang ang mawala, kesa madamay pa kayo sa gulong pinasok ko. Tandaan nyu mahal na mahal ko kayo. Sana mabasa mo ito.
-NESTOR"
LOLENG: Jusko, JADE..
JADE: Mga hayop sila ATE!!! Kung sino man ang gumawa nito kay NESTOR sana patulugin sila ng kunsensiya nila. Mga halang ang kaluluwa nila!
Sobrang gulo ng isipan ko,pilit kong iniisip kung ano ba yung pinahihiwatig ni PAPA sa sulat niya. Bakit tila habang sinusulat niya yun at may banta na sa buhay niya.
Ilang taon na ang nakalipas simula ng namatay si PAPA, hanggang ngayon paulit ulit kong binabasa ang sulat na gawa niya. Tinapon ito ni MAMA dati upang makalimutan ang masamang mga pang yayari. Pero hindi niya alam na pinulot ko ito sa basurahan at tinabi. Sa tuwing nababasa ko ang sulat niya, naluluha ako na may puot sa dibdib ko. Kung sino man ang may pakana ng pag kamatay niya, hinding hindi ko mapapatawad. Alam kong darating din ang oras na makakamit namin ang hustisya. Nagulat nalang ako ng may humawak sa balikat ko.
Push pa ba sa next PART?
Comment down your thoughts 

Comments

Popular Posts