Story of Mokong & Mokang PART 38 By: Norbie Borja


Habang binabasa ko ang nakapaloob sa sulat na ibinigay ni MOKANG ang lakas ng tibok ng dib dib ko. Hindi ko namamalayan na tumulo na pala ang luha sa mga mata ko. Napatingin ako sa kanya at nakita rin ang ligayang nadarama niya. Sa wakas tinupad na ni GOD ang hinihiling namin, ang mag karoon ng Eye Donor si DADDY.
JANE: Hihihi nagustuhan mo ba MOKONG ko?
CARL: Grabe best gift ever ito for ME and for DAD.
JANE: Susss wala yan sa lahat ng ibinigay mo sa aking mga surpresa.
CARL: Hindi MOKANG, bawing bawi nito lahat lahat. Talo nito lahat ng surprise na binigay ko sayo. (Hinawakan ang kamay ni JANE) Maraming maraming maraming salamat talaga, isa kang Angel na ibinigay sakin. Kaya hindi nakapag tataka kung bakit ganito nalang ka In Love ang isang CARL EIBRON sayo.
JANE: Ayiieeee, maraming maraming salamat din sa 7 months na pag mamahal mo MOKONG ko. Sa lahat ng mga surpresang ibinigay mu sakin, kay MAMA at sa iba. Kaya si GOD Bless you this kind of gift, kasi alam nya kung gaano kadin ka effort mag bigay ng saya sa ibang tao.
Grabe hanggang ngayon hindi ako makapaniwala sa regalong ibinigay ni MOKANG kay DADDY, sobra sobrang saya ko at finally magiging Normal narin kumilos si DAD. Sabi ni MOKANG kailangan din daw agad maisagawa ang operasyon, kaya wala kaming pinalampas na sandali. Hindi ko muna binanggit kay DADDY ang magandang balita para ma surpresa ko siya.
.
.
.
Lumipas ang ilang araw.
.
.
.
.
CARLITO: San ba tayo pupunta? Next week pa naman ang Birthday ko ha? advance treat muba to CARL?
CARL: Hehehe hmmmm parang ganun na nga DAD. Basta chill ka lang jan. Teka may dadaanan lang po tayo saglit.
CARLITO: Naku ha, pa suspense ka masyado! Kinakabahan tuloy ako.
CARL: Don't worry DAD everythings gonna be fine.
CARLITO: Eh ayaw mo naman sabihin kung saan tayo pupunta.
CARL: Opss wait, eto na si JANE.
Sumakay ng kotse si JANE.
JANE: Good Morning TITO.
CARLITO: Aba kasama pa pala si JANE.
JANE: Hihi opo TITO.
CARLITO: San ba tayo pupunta? mukhang pinag kakaisahan nyu akong mga anak ko ha?
CARL: Si DAD talaga ang kulit kulit, basta po mag tiwala lang kayo samin. (sabay tumingin kay JANE)
JANE: Opo TITO kaming bahala sayo ni MOKONG este CARL.
CARLITO: Naku siguraduhin nyu lang, pag puro kalokohan to lagot kayo sakin. Hindi ko kayo ipakakasal.
CARL: Ayyy hala siya, sure na sure po ito. Kaya sure na sure din na maihaharap ko sa altar tong babaeng kasama natin.
CARLITO: Masyado kang confident anak ha! baka mamaya pahirapan mu yan si JANE ah.
JANE: Naku TITO, subukan nya lang. Makakatikim siya sakin ng PETMALU na SUNTOK.
CARL: Sige bah, basta gamit ang lips mu ha?! (pangisi ngisi)
CARLITO: Kayo talagang dalawa, kapag hindi nyu ko binigyan ng isang dosenang apo kayo ang mananagot sakin.
Biglang nag tinginan si JANE at si CARL
CARL: Ohh narinig mo? hindi ako ang may request nyan ah! Hihi
JANE: Grabe kayo sakin, ginawa nyu naman akong inahing baboy.
CARLITO: Biro lang JANE, buti nga pag tayo mag kakasama nakakapag biruan tayo. Naku buti nalang wala ang TITA SILVIA nyu kundi malamang ang bored ng usapan natin.
CARL: My point ka DADDY, hayaan mu na siya dun muna sa AMERICA mag asikaso ng mga negosyo mo. Anung araw ba daw siya uuwi?
CARLITO: Bago daw mag celebration. Alam mo naman yun laging ganun masanay kana.
Biglang napahalakhak si JANE ng malakas.
CARLITO: Oh iha anung ng yari sayo jan?
JANE: TITO kasi si CARL kiniliti ako, anu ba ihhh
CARL: Hala hindi kaya.
CARLITO: Kayo talagang dalawa, pasalamat kayo hindi pa ako nakakakita. Kundi baka kinikilig na ako sa ka sweetan nyu.
Nag tinginan ulit si JANE at CARL at napangisi.
.
.
.
Ilang minuto ang lumipas
.
.
.
.
PLEASE PLAY THIS SONG BEFORE READING IT
"I'll Be There For You" by Jake Zyrus
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
CARL: Andito na tayo.
JANE: Yeyyyyyy! This is it!
CARLITO: Nasan naba tayo? bakit mukhang masayang masaya ka jan JANE.
JANE: Hihihi, ganito din ang mararamdaman nyu mamaya TITO CARLITO kapag nalaman nyu na. (sabay ngumiti sa harap ni CARLITO)
CARLITO: Siguraduhin nyu lang hu? baka mamaya iiwan nyu na ako sa Home for the Aged.
CARL: Si DADDY talaga, alam mu namang hindi ko magagawa sayo yun. (inalalayan ang DADDY niya)
CARLITO: Alam ko naman yun anak, kaya nga panatag ang loob ko tumira sa Pilipinas dahil ikaw ang kasama ko.
Habang inaalalayan namin ni MOKANG si DADDY, parehas kaming na eexcite na may halong kaba. Kinakabahan kami for DAD. Kahit alam naming my Donor na ang mga mata niya. Pinapanalangin rin namin na maging successful ang operation.
Habang hinahantay namin ang Doctor, parehas kaming hindi rin mapakali ni MOKANG. Nililibang namin si DADDY sa mga kwentuhan dahil panay ang tanong nya kung nasan ba daw kami. Hanggang sa dumating na yung Doctor na mag sasagawa ng operation kay DADDY.
DOCTOR KWAKIE: Hello, Glad to see you again sir CARLITO.
CARLITO: Yes ako nga, do we know each other?
DOCTOR KWAKIE: Ayy nakalimutan ko hindi nga pala pinaalam sa inyu ni CARL at ni JANE? Ako yung nag check up sa inyu last time din.
CARLITO: Ang alin ang hindi nila pinaalam?
CARL: (Huminga ng malalim) DAD, wag ka sanang ma bibigla ahh. This is our gift for you. JANE found an Eye Donor for you. Makakakita kana DAD. (Sabay niyakap ang DADDY niya ng mahigpit)
Habang nakayakap ako kay DADDY, nararamdaman ko nalang na humihikbi siya. Lumuluha na pala siya. At alam kong luha ng kasiyahan yun. Ang matagal na niyang hinihintay ay sa isang saglit magbibigay na ng liwanag sa kanya at panibagong pag asa.
JANE: Happy Birthday TITO, sana nagustuhan nyu ang gift namin for you.
CARLITO: (habang naluluha pa) JANE, maraming salamat sobrang napaka gandang birthday gift nito para sakin. Hayaan mo mag papasalamat ulit ako sayo once na makakita ako. At gusto ko isa ka sa una kong masisilayan kapag ako ay nakakita na.
JANE: Ayy hehe, baka po mabulag ka sa kagandahan ko TITO. Charrr lang!!!
CARL: Ayy edi ako din pala kailangan ko pala mag pa surgery? nabulag ako sa kagandahan mo eh.
JANE: Manahimik ka, sabat ka ng sabat. Uwe!!! (sabay nag senyas na pinapalayas si CARL)
CARL: Hala grabe siya ohh gusto ko sa iisang bahay tayo uuwe.
CARLITO: Kayo talagang dalawa nag babangayan pa kayo jan. DOC so whats next?
DOCTOR KWAKIE: Later po sisimulan na natin yung operation. Will have some observation to your eyes again before we go through the surgery. Punta po muna tayo sa magiging kwarto nyu while inaayos po namin ang lahat.
Habang hinahantay namin muli si DOC, nag kwentuhan muna kami ni DADDY at ni MOKANG. Medyo kinakabahan kasi si DADDY kaya binibigyan namin siya ng full support.
CARLITO: Bakit hindi nyu agad ito sinabi sakin?
CARL: Gusto ka kasi namin i surprise ni JANE.
JANE: Sabi ko nga po sabihin na sa inyu. Kaso yang anak nyu ang kulit kulit, ang hilig kasi sa surprise kaya ayan na surprise po talaga kayo hehe.
CARLITO: Yess indeed! I was not expecting this to happen. Akala ko we will go somewhere lang to eat, kaya pala last time may pinuntahan din tayo sabi mo papa check up mo lang yung mata ko. Hindi ko naman nalaman kung anu yung naging resulta nung check up ko.
CARL: Yes DAD, pina check up ko nga kayo last time para ma observe kung qualify kayo. Kaya pansin mu pinahatid agad kita sa car, kasi kinausap ko pa yung si DOCTOR KWAKIE. At ayun nga base sa mga findings, qualify kayo to undergo the surgery. Kaya thats why we are here know. (sabay ngiti)
Habang nag uusap usap kami nina MOKONG, dumating na yung Doctor. Pinag bihis na si TITO CARLITO ng Hospital Cloth, ilang sandali nalang at isasalang na siya para maoperahan at very soon maka kita na. Ramdam ko ang kaba ng DADDY ni MOKONG, kahit naman kaming dalawa kinakabahan sa kanya. Para tuloy kami yung ooperahan.
Dumating na yung oras na inihiga ang DADDY ni MOKONG sa higaan na mag dadala sa kanya sa Surgery room. Habang tinutulak namin ni MOKONG ang DADDY niya papunta dun, nakahawak lang si TITO CARLITO kay MOKONG.
CARL: Wag kang kabahan DAD, nandito lang kami for you magiging maayos ang lahat. (sabay hinalikan ang kamay ng DADDY niya)
CARLITO: Salamat anak, pati narin sayo JANE. Sa pag papalakas ng loob ko, alam kong magiging matagumpay tong operasyon dahil kasama ko kayo sa pag darasal.
JANE: Yes DAD. kaya mu yan! Isipin mu lang nandito kami ni JANE nag hahantay sayo. Alalahanin mu, gusto mo pa makita yung mga magiging apo mo diba?
CARLITO: Ayy oo naman nak, dalian nyu ang pagtutulak at ng masimulan na yan. Gusto ko na makita magiging apo ko.
Napa kamot nalang ako sa ulo sa mga kalokahan ng DADDY ni MOKONG at ni MOKONG, parehas na parehas isama nadin si MUDRA. Mga apo agad ang nasa isip. Anung tingin nila sakin 9hours lang makakapag luwal na ng sanggol kakaloka. Habang nasa Surgery room na ang DADDY ni MOKONG, kami naman nandito sa maliit na Chapel at nag darasal ng mataimtim para sa successful na operation ng DADDY niya.
Pag katapos namin mag dasal ni MOKONG, nagutom kaming parehas at kumain muna saglit sa Cafeteria ng Hospital. Habang mag katabi kaming kumakain, may isang lalaking tingin ng tingin sa gawi namin. Naiilang tuloy ako sa kanya. Samantalang si MOKONG ang sama ng tingin sa kanya.
CARL: Mukhang trip ka nun ha?
Biglang kumuha ng saging yung lalaki at binalatan ito habang naka kagat labi pa. Sabay subo at titig samin.
JANE: Anung ako? ikaw ata ang trip nyan kung makatitig sayo wagas, yung saging na kinain nya kawawa isang lamunan lang sa kanya.
CARL: Hah? hindi ba lalaki yan?
JANE: Juske, halata namang bayola yan.
CARL: Anung bayola?
JANE: Bi sexual. Pumapatol sa Girl at sa boy.
CARL: So kaya pala natingin din siya sayo.
JANE: Ewan ko lang baka mas type ka niya. Gusto mong ipahiram muna kita?
CARL: Ayuko nga. (sabay yakap kay JANE) sayo lang ako no.
Nakita naming tumayo yung guy at papalapit samin. Humigpit ang pag kakayakap ni MOKONG sakin. Nilagpasan nya ang kinauupuan namin at napalingon kami ng pumunta sya sa bandang likod. Emeygewd si kuyang nasa likod pala ang trip nito. Buti nalang at wala si KELLY, at baka nag agawan pa sila sa OTOKO.
Pag katapos namin kumain ni MOKONG, bumalik kami dun sa magiging kwarto ng DADDY niya. Halos isang oras na din simula ng pumasok sa Surgery Room yung DADDY niya.
CARL: Kamusta na kaya si DADDY, sana okey lang siya.
JANE: Kaya nga, isang oras nadin siyang nandun.
CARL: Alam kong magiging maayos ang lahat diba MOKANG?
JANE: Opo naman, dininig nga ni GOD yung prayers natin. For sure he will guide us the whole operation.
CARL: Salamat talaga sa tulong mo MOKANG, nakita muba kung gaano ka excite si DADDY na masilayan ka. Mas excited pa nga siyang makita ka kesa sakin. Hehe
JANE: Malamang kasi never pa naman niya akong nakita. Eh ikaw kahit nakapikit siya alam niya na yung itsura mu.
Mag dadalawang oras na pala, hindi namin namamalayan ni MOKONG na nakatulog pala kami sa sofa, habang nakasandal ang ulo ko sa balikat ni MOKONG. Naalipungatan ako ng biglang may kumatok sa pintuan. Baka kako ayan na yung DOCTOR at tapos na ang operasyon ng DADDY niya. Sabay kaming tumayo ni MOKONG.
CARL: Hi DOC, kamusta po si DADDY?
DOCTOR KWAKIE: I'm glad you to know, successful and operation. Pabalik na siya dito sa room.
Napatingin ako kay MOKANG nung marining ko yung sinabi ni DOC, niyakap ko siya ng mahigpit at napasigaw ng YES!
JANE: Yeheyyy... Sabi ko naman sayo diba, magiging okey ang lahat.
CARL: Kaya nga po thank you, thank you. (Sabay kiss sa nuo ni JANE)
JANE: Oh bakit sakin ka nag papasalamat? dun kay G dapat! (tinuro yung picture ni GOD sa loob ng kwarto)
Lumapit kaming dalawa ni MOKONG sa litrato at muling nag pasalamat.
Napaharap kami sa likod ng makita naming pinapasok na si TITO CARLITO sa kwarto.
DOCTOR KWAKIE: Tulog pa siya dahil sa anestisia, pero anytime soon magigising na siya. Naka benda pa ang mga mata niya while waiting mag heal yung mga wounds gawa ng surgery. Mga ilang araw din dapat na hindi tatanggalin ang Benda. Pero bukas pwede nyu na din siyang maiuwi sa bahay nyu. Basta bibilinan nalang kita ng mga dapat gawin. I eexplain ko din sa kanya once na magising na siya. Babalik ako dito maya maya.
CARL: Salamat DOC, pag naalis na po ba yung benda makakita na siya?
DOCTOR KWAKIE: Yess, but not as clear as the usual. Kasi maninibago pa yung Mata niya. Medyo blurred pa yan pero as time goes by magiging clear din.
CARL: Maraming maraming salamat talaga DOC.
DOCTOR KWAKIE: Walang anuman, I did my Job lang hehe.
CARL: That was a great Job DOC! (Sabay nag thumbs up)
DOCTOR KWAKIE: Thank you, sige balikan ko kayo later.
Tuwang tuwa talaga kami ni MOKONG dahil successful ang surgery ng DADDY niya. Although ilang araw pa ang hahantayin para makakita siya, magandang waiting time nadin yun dahil ang maliwanag sa amin ay sure ng makakakita ulit siya ng maayos bago ang birthday niya. Habang hinahantay namin ang pag gising ng DADDY niya, may biglang kumatok sa pintuan.
Marahil ay si DOCTOR KWAKIE ulit yun, agad akong lumapit sa pintuan upang buksan ang pinto. Pag bukas ko ng pintuan nagulat ako sa taong nasa harapan ko.
CARL: MOKANG si DOC naba ulit yan?
Paano niya nalaman na nandito kami? Akala ko hindi pa siya uuwi. (Sa isip isip ni JANE)
Oh bat parang nagulat ka?
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sino nga ba ang gumulat kay JANE?
Abangan sa nag iisang FB Serye na Pakikiligin ka! Paluluhain!, Patatawanin! at Bibitinin sa mga kapana panabik na eksena!
Gusto nyu bang i share ang kilig ng ating FB SERYE? Tag nyu na sila!!!
Wag ding kalimutan mag bigay ng bonggang comment nyu! Para ma DEDICATE sayo ang susunod na eksena!

Comments

Popular Posts