Story of Mokong & Mokang PART 13 By: Norbie Borja

Habang mag isa ako dito sa opisina ni mokong, panay ang isip ko kung anung klaseng meeting ba yung pupuntahan namin mamaya. Kanina ko pa siya kinukulit kung anong meeting ba yun pero hindi nya naman ako sinasagot ng maayos. Basta sinasabi niya lang "Basta meeting JANE, wag ka malalate huh?" Hayysss pero bakit ganito kinakabahan ako, hindi ako mapakali. First time kong hindi nakita yung lalaking yun dito sa office niya, usually naman kasi kapag aalis siya, madadatnan ko pa siya. Tskkk! Bahala na nga mamaya!
CARL: Helo pre! okey na lahat ah?
JAMES: Yes! Grabe ka ha! ngayon mo lang ata ginawa to!
CARL: Assus! Hindi ko nga din alam eh. Salamat sa tulong ah? maasahan ka talagang Bestfriend!
JAMES: Wala yun, support lang ako sayo! Sige balitaan mo nalang ako!
CARL: Sige sige!
Bakit ganun? kapag hinahantay natin yung oras napaka tagal! hayss! gusto ko na mag out! Naiintriga talaga ako sa meeting nayun! sana mag 5:30 na. Bakit kasi ang aga ko tinapos yung mga trabaho ko, ayan nga nga tuloy ako ngayun. Jusmiyo 2hours pa! (sa isip isip ni JANE).
Habang inaayos ko yung mga report na gagawin ko bukas, bigla akong may narinig na may kumakatok sabay sabi.
Miss JANE? Are you there?! (malamyang sabi nito)
JANE: Huh? sino kaya to? boses pepe eh. (pagtataka niya)
(Aambang kakatok ulit)
pero biglang bumukas ang pinto...
JANE: Helo po? this is JANE...
Napatingin ako sa mukha niya, ilang minuto ko siya pinag masdan.
GAY: Hi!! Ui!!! natatandaan mo pa ba aketch?!
JANE: Ayy teka teka?!, diba ikaw yunnggg?? (pag tatakang tanong)
GAY: Ou girl! ako yung nag ayos sayo 1year ago!
JANE: Ayy emeyged ikaw nga yun teh! Oh bakit nandito ka? bakit may dala dala ka atang maleta? nag layas kaba?
GAY: Gaga! Pinapunta ako dito ni sir CARL! Alam mo na kung bakit!
JANE: Huh? bakit?! wag mong sabihin papaltan niya na ko?!
GAY: Hindi ahh!! anu kaba mahal na mahal ka nun bakit ka nya papalitan!
JANE: (Bigla kinilig ang kalamnan ko nung narining ko yung sinabi niya) Ihhh bakit nga ba andito ka?
GAY: Hindi pa ba obvious?! Edi papagandahin na naman kita girl!
JANE: Eh maganda na ko ehh, kaya naman hindi kana mahihirapan! (pang aasar)
GAY: Hay naku teh! no more talk! bawal kang malate yan ang bilin ni CARL!
JANE: Teka teka! puro nalang siya bawal ma late! Sino ba ka meeting namin? Presidente ba ng Pilipinas? ng America? grabe huh! Super pinag hahandaan nya ata?!
GAY: Ewan ko din eh, basta pina punta niya lang ako dito sabi niya ayusan daw kita, hindi mo ba ako papapasukin sa loob? kanina pa tayo teh nag chichikahan dito sa labas kakangalay huh! (daing ni beki)
JANE: Ayyy sarreh nemern! o sige tuloy ka, teka teka ibili lang kita sa ibaba ng meryenda want mu?
GAY: Ayy hindi na girl! kumain na ako halika na dito maupo kana at masimulan na ang dapat simulan!
JANE: Buti naman pang allowance ko pa to (pabulong niya)
GAY: Anu yun?
JANE: Wala girl! go na simulan mo na!
At ayun na nga sinimulan na ni Beki ang pag papaganda sakin, kahit alam ko naman na sobra sobra na ang ganda ko. Pero ganoin talaga kailangan parin madagdag ang kagandahan.
Habang minamake up pan ako ni Beki, iniisip ko talaga kung bakit todo effort to si mokong. Nag padala pa talaga siya ng Stylist para ayusan ako? tapos etong damit ko ke panget panget naman jusko nemern. Napabulong nalang ako..
JANE: Girl! maganda nga ayus mu sa mukha ko, pero tignan mo naman tong suot ko? jusme!
GAY: Ano kaba! May damit kana dito, pati sapatos! (pag mamalaki niya)
JANE: Huh?! ang taray huh? package kung package! Hair and Make up + Attire! Teka teka wala kabang alam talaga kung bakit todo effort si CARL na gawin to para sakin? eh meeting lang naman yung pupuntahan namin. Tyaka ilang beses ko na syang nakakasama sa mga meeting pero hindi naman ka bongga gaya nito. (pag tataka ni JANE)
GAY: Wala ehh sabi nga sayo bigla niya lang ako pinapunta dito, actually may client nga ako ni rerebond ayun iniwan ko nalang sa mga batla, Alam mo naman basta si sir CARL ang nag request hindi ako makatanggi!
Habang nakaharap ako sa salamin nag po pose pa ako ng pang Mowdelling na mukha, nag fierce effect pa ako hanggang sa marinig ko si beki.
GAY: Ohh look JANE eto yung susuotin mo! (sabay ngiti nito)
JANE: Eeemeygeddd! Ang ganda naman nyan! Color red! Favorite color ko pa talaga huh! Ang galing mo pumili! ikaw na talaga!
Nagulat talaga ako sa pinakitang damit ni Beki, grabe sobrang ganda nito. Isa siyang Cocktail dress na 3/4 ang sleeves at hanggang tuhod ang ikli sa harap habang yung likuran ay hanggang sakong ng paa ko.
GAY: Pakk!!! ang ganda mo girl! nako lalong maiinlove niyan si CARL sayo!
JANE: Huh?! baka pati mga ka meeting namin mainlove sa kagandahan ko chos!
Bigla ako na patingin sa orasan, at nakita kong 5:30 na pala!
JANE: Kaloka!! Girl 5:30 na pala! Hindi natin namalayan yung oras kaka chikahan! Tara na baka ma awardan ako nito ni CARL! Parang sirang plaka pa naman yun sa kakasabi ng wag ako ma late!
GAY: Ayy uu nga teh!
JANE: Teka saglit! Naka ganito ako tapos mag commute ako? Enebeyern! Baka pag dating ko dun para na akong Zombie sa pag ka haggard!
GAY: Anes kaba! Syempre may sasakyan sa baba! Teka tawagan ko si Manong sabihin ko na pababa kana.
Grabe naloloka na talaga ako, bakit ba ganto ka prepare tong si Mokong? hindi ko talaga lubos maisip kung anung meeting ba talaga yun! Kayo ba alam nyu? text nyu nga sakin! Charot!
GAY: Good luck girl! (Sabay silip sa bintana)
JANE: Salamat huh! walang kupas padin ang galing mu!
GAY: Nemern ako paba?! Ay teka teka.. Tandaan mo hanggang Alas dose lang ang kapang yarihan ko.
JANE: Fairy Gay Mother ikaw be yern? (sabay duro kay GAY)
GAY: Pakk! truth! O siya siya sige na larga na. Good Luck ulit sa meeting! (kinikilig na sabi nito)
Sinarado ko na ang bintana, dahil pag kausap ko si Beki jusme di matapos tapos ang chikahan namin. Madaldal na nga ko mas madaldal pa siya sakin.
Nabasag ang katahimikan sa sasakyan ng biglang mag salita si Manong Driver.
DRIVER: Ang ganda ganda mu naman mam.
JANE: Ahhh ehe ehee sobra ka naman manong kaunti lang pow. (sabay beautiful eyes ko at hawi ng buhok sa tenga ko)
Ilang minuto na ang nakakalipas, pero parang napapansin ko hindi umuusad yung sasakyan namin ni manong.
JANE: Manong saan na po tayo?
DRIVER: Nako mam sobrang traffic inabutan na tayo ng rush hour! (sabay kamot sa ulo)
JANE: Tsssk!!! sabi ko na nga ba ehh.
Biglang may nag text kay JANE.
1 Message Received
CARL
San kana??
JANE: "Naku malayo pa wala pa kami sa ortigas! Ikaw naman kasi mag papadala ka nalang ng sundo hindi pa Helicopter sana sinagad sagad mo na tseee!" (Reply ni JANE)
1 Message Received
CARL
Ayy naku 6:00 na, mag MRT ka nalang kaya?
JANE: "Hah? baliw kaba? naka dress ako tapos pag MRT mo ko? edi pag dating ko jan hulas na hulas na ako!"
1 Message Received
CARL
Hayysss tskk!!! Bawal kang malate! Malapit na yung mga ka meeting natin ehh! 
JANE: "Ano ba kasing meeting yan?! Grabe ha!"
Hindi na nag reply si mokong.. Ilang minuto na pero hindi padin umuusad yung sasakyan, hayysss mukhang mapapa MRT pa ata ako nito!
JANE: Shockss ang init init super siksikan huhuhu.
BOY1: Miss upo kana dito ohhh. (pag aalok nito kay JANE)
JANE: Ayyy Solomot kuya ahh bait mu!
BOY1: Wala yun Miss! (sabay ngiti nito)
STUDENT1: Artista ba yan? Ang ganda nya nu? ang puti at ang kinis. Bagay na bagay sa kanya yung damit niya.
STUDENT2: Ou nga eh, ganyan ipapagawa kong damit pag nag JS tayo (kinikilig na bulong nito)
Medyo na iilang na ako sa mga nakatingin sakin. Pinag titinginan nila ako habang naka sakay sa MRT. Ngayon lang ba sila nakakita ng Dyosang sumakay sa MRT? Chaross (sa isip iisip ni JANE)
Napatingin ako sa Celphone ko at nakita kong 6:15 na.
JANE: Hala! Jusme kakayanin koba to ng 15minutes makarating ng MOA?
MRT DRIVER: APPROACHING TAFT AVENUE STATION.
Tumayo na ako nung marinig kong nasa TAFT AVENUE na ko. Nakipag siksikan na ako para mauna sa pintuan.
Nung bumukas ang pinto, agad agad akong lumabas at nag madali. Jusme pawis na pawis ako sa pag mamadali kong mag lakad. Muntikan pa akong matapilok dahil sa mataas kong sapatos. Hindi ko na iniisip kung makakarating ba ako on time. Ang iniisip ko nalang basta makarating ako ng buhay, este fresh!
Pag ka baba na pag ka baba ko sa MOA, biglang nag ring yung phone ko.
JANE: Nasa MOA na ako! San ba dito yung meeting? ang laki ng MOA para hulaan ko! (pag mamataray)
CARL: Okei good! Punta ka sa may seaside banda.
JANE: San sa seaside?
CARL: Dun sa may tapat ng STARBOX!
At eto na naman alay lakad pa more! Hinubad ko muna yung sapatos ko na suot. Buti nalang may slippers akong dala sa bag ko. Syempre dapat prepare kung bumaha oh diba? buti nga hindi bota ang dala ko.
Habang nag lalakad ako para akong shunga, formal na formal ang datingan ko samantalang yung mga nakakasalubong ko naka casual at yung iba pa nga nakapambahay lang. As usual pinag titinginan nanaman nila ako pero wala akong pake. Ilang minuto lang mag 6:30 na, ginawa ko tumakbo nalang ako.
JANE:"Uiii mokong nasan kana! Andito na ako sa tapat ng STARBOX!"
==========BEFORE READING THIS===============
PLAY THE SONG "GOD GAVE ME YOU" By Bryan White"
=============================================
.
.
.
.
.
.
.
.
Habang nag papalit ako ng sapatos, may kumalabit sa likuran ko. Napatingin ako sa kanya at nagulat ako.
BOY1: Miss Para sayo.
Inababutan nya ako ng Red Rose, kinuha ko ito na may halong pag tataka.
JANE: Huh? sakin ba talaga yan? (sabay kuha sa rose)
BOY1: (Tumango lang ito at tinuro yung way na papunta sa Ferris wheel)
Nag tataka ako bakit niya ako tinuturo papunta dun sa Ferris wheel na tila hindi umaandar dahil nakapatay yung ilaw nito. Hindi ko alam kung bakit pero sumunod nalang ako sa sinabi niya. Habang patuloy ako ng pag lalakad may paisa isang lumalapit sakin at nag aabot ng Red Rose. Takang taka na talaga ako sa ng Yayari. Anung meron? Valentines day ba ngayon? wala pa ngang Undas jusme! (sa isip isip ko)
Patuloy padin ako sa pag lalakad, at bawat makasalubong ko inaabutan ako ng Red Rose.
Grabe ganito ba ako ka ganda? Nag abala pa talaga sila Huh! Nung medyo papalapit na ako sa Ferris Wheel may na tatanaw akong malaking box.Habang patuloy ako sa pag lalakad, may lumapit sa aking bata at inabutan ako ng lobo na hugis puso. Sa sobrang cute nito napapisil pa ako sa pisnge niya. Sabay sabi niya sakin.
KID: dunn pow ohhh
Tinuro nya yung malaking box, hinawakan nya pa yung kamay ko at hinihila ako lumapit dun sa malaking box.
Nung nasa harapan na ako nung malaking box na ang itsura ay isang napakalaking regalo. Biglang sumindi ang ilaw ng Ferris wheel at umikot ito.
Litong lito na ako sa ng yayari, ibat ibang emosyon na yung nararamdaman ko. Kinakabahan na parang natatae na ewan emeyged! Anung meron?
Biglang bumukas yung malaking box na nasa harapan ko, at bumungad sa aking ang isang napaka laking panda. Nagulat ako na may halong tuwa. Bigla akong napa hug ng mahigpit sa napakalaking panda na nasa harapan ko. Ito kasi ang paborito kong hayop. Cute na cute talaga ako pag nakakakita ako ng mga panda. Kahit alam kong mascot lang ito ang higpit higpit ng pag kakayakap ko tila ayoko ng pakawalan sa sobrang tuwa ko. Habang tuwang tuwa ako, biglang nag salita yung PANDA.
PANDA: Hi JANE!
JANE: Bigla akong napatingin sa mukha ng panda at bumungad sakin ang masayang masayang mukha na medyo pawisan. Emeyggeewd!
CARL: Hi! Hihihi
JANE: (nakatulala lang ako)
CARL: Uiii ang cute ko bang panda?
JANE: Anung ginagawa mu dito?Ayy teka! Diba may meeting tayo?
CARL: Hihi eto na nga yun! (sabay ngiti nito)
JANE: Huh?! FLIRTING ata to ehh
CARL: Grabe siya ohhh na miss mo ba ko? ang higpit ng pag kakayakap mo ehh.
JANE: Mukha mo! Syempre natuwa lang ako sa Panda ehh. Paborito ko kaya yan!
CARL: Alam ko (nangingising sabi nito)
JANE: Panu mo naman nalaman? tsee!! Teka teka para san ba to?
CARL: Sa tingin mo ba para san to?
JANE: Ehh ehh ang agang pa Valentines huh! (deep inside kinikilig)
CARL: Wait wait, hubarin ko lang tong suot ko. Ang init ehh!
JANE: Ayan kasi! May nalalaman pang pa ganyan ganya ehh!!!! Pwede namang walang ganyan, dami mu kasing alam!
Kumuha si JANE ng panyo at pinunasan nito ang pawis ni CARL.
CARL: Syempre naman special ka sakin diba. Nagustuhan mu ba? hihi. Ang ganda mu lalo sa suot mo.
JANE: Suss maliit na bagay (sabay beautiful eyes at hawi sa buhok nito sa tenga)
Hinaltak ako bigla ni CARL at inayang sumakay sa Ferris wheel.
CARL: Sasakay (habang nakangiti)
JANE: Anung gagawin natin jan??! hala! ayuko sumakay jan ang taas taas kaya!
CARL: Anu kaba kasama mu naman ako ehh.
Hinawakan ni CARL yung kamay ni JANE habang papalapit ito sa Ferris wheel
JANE: Bakit tayo lang nakasakay?
CARL: Ehh syempre pinareserve ko yan para sa ating dalawa.
JANE: Ayy grabe ka talaga, kita mo ohh yung mga tao pinag titinginan tayo gusto ata nilang sumakay.
Nakarinig sila JANE at CARL ng mga sigawan mula sa tao
Goo kuya!! Ang sweet mo!
Bagay na bagay kayo!!!
Grabiii ang Sweet nyu!!
JANE: Ayy hala sila, ka kuntyaba mo yan no?!
CARL: Huh?! hindi ah! (mabilis na sagot nito)
Nararamdaman ko ng unti unti kaming tumataas ni CARL sakay ng Ferris Wheel, nanginginig ako dahil may fear of heights talaga ako. Naramdaman ko nalang na biglang hinawakan ni CARL ang dalawang kamay ko. Hindi na ko pumalag, hindi ko alam kung bakit pero dinidikta ng damdamin ko na ang saya saya ko.
CARL: JANE!?
JANE: Yess?
CARL: Pwede ba humarap ka sakin?
JANE: Bakit nemern? pag mamasdan mo nanaman ang kagandahan ko?
CARL: Hehe alam ko naman yun hindi mo na kailangan paulit ulitin pa sakin.
Mag kaharap na ngayon sina JANE at CARL habang nasa pinaka tuktok na ng Ferris Wheel. Nag tatama na ang mga mata nilang dalawa, na tila may kanya kanyang malalim na iniisip.
JANE: Oh ayan. (sabay ngiti ni JANE)
CARL: AHhmm JANE,
JANE: yess pow?
CARL: Can yuu be myy ahmm
JANE: (Nakatitig lang ako sa mga mata ni CARL, hindi ko alam pero kinakabahan na naeexcite ako sa susunod sasabihin niya )
CARL: (Huminga ng malalim) AHh ehh
CARL: Can you be my Girlfriend? (sabay ngiti nito na may halong kaba)
Natulala ako bigla sa marining kong tanong ni CARL, gusto kong ibuka yung bibig ko pero hindi ko magawa tila hindi ko kayang mag salita, dahil sa tanong na narinig ko. Kumawala ako ng tingin sa mga mata ni CARL at bigla akong napatingin sa ibaba ng Ferris Wheel, nakita kong may mga kumpol ng tao na nasa baba at may dala dalang mga board.
Na kasulat dito
YES!
YES!
YES! Say YES!!!
YES! JANE and CARL!
Akala ko may nag rarally na sa ibaba, ayun pala mga ka kuntyaba lang pala nitong mokong na to.
CARL: JANE?
JANE: Napaisip nanaman ako at naalala ko yung sinabi ni MAMA sakin.
---------
MAMA: Kung mahal mo siya nak wag mo ng pakawalan, alam ko naman may nararamdaman ka din sa kanya. Sus parang hindi ka sakin ng galing! Ramdam kita nak! Pag mag kasama kayo halatang ang saya saya mo, pag katext mo siya at katawagan parang may bulate yang pwet mo. Akala ko nga nababaliw ka na eh, bigla ka nalang natatawa.
JANE: Pero mah kasi...
MAMA: Bakit natatakot kaba sa naging nakaraan at nagawa nya? tandaan mo nak " Sa pag ibig, di mahalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan. Mas matimbang ang karanasan kaysa sa sakit na pinagdaanan. Ang Tanging magpapatatag dito ay kapatawaran at hindi ang pagsumbat sa kasalanan"
----------
Muli akong tumingin ulit kay CARL.
JANE: CARL (mahinhin kong tanong)
CARL: (Nag papaawa effect na mukha)
JANE: Ngayon ko lang to sasabihin sayo, Masaya ako kapag kasama kita, hindi ko ramdam ang pagod sa trabaho kapag ikaw ang kasama ko. Kahit na sinusungitan kita, hindi ka nag sasawa sa pag susungit ko sayo. Ramdam na ramdam ko yung pag mamahal mo sakin, simula nung mag kita tayo bigla ako nakaramdam ng ligaya. Hindi ko lang siguro pa napaparamdam yung ligayang yun sa pamamaraang dapat. Aaminin ko sayo natatakot akong pumasok sa hinihiling mo, pero wala akong magawa. Siguro nga ang lakas narin ng tama ko sayo! Pero CARL...
Hindi na mamalayan ni JANE na unti unti na palang umaagos ang luha sa mga mata niya.
Habang nakatitig lang si CARL sa kanya at naghihintay ng sagot mula sa tanong niya.
Sasagutin na nga ba ni JANE ng YES si CARL?
I comment down mo na ang matatag mong YES! kung gusto mo ng malaman ang isasagot ni JANE! 

Comments

Popular Posts