Story of Mokong & Mokang PART 34 By: Norbie Borja


Nung makita kong papalapit na ng papalapit ang MOMMY ni MOKONG at DADDY niya, mas bumilis ang tibok ng puso ko. Mas mabilis pa nga ito sa naramdaman ko bago mag simula ang performance namin. Emeygewddd anu kayang masasabi niya sakin? Wag naman sana siya maging Hard, wag naman sana haysss. Ilang salita na paulit ulit sumasagi sa isipan ko.
SILVIA: Anung ginagawa ng babaeng yan dito?
CARL: MA! She's our New Endorser and my Girlfriend.
SILVIA: What? nahihibang ka naba CARL? (Tinignan mula ulo hanggang itaas si JANE) Ayan? magiging Endorser natin at magiging Girlfriend mo? (tumawa ng malakas)
CARL: MA! Stop it! Please wag dito nakakahiya!
MAMA JADE: Aba itong babaeng to akala mo kung sino makapag salita ah?
SILVIA: So ikaw pala ang NANAY ng babaeng mukhang pera na to? halata nga, kung anung puno siya rin ang bunga. Kaya ba panay ang kapit nyu sa Anak ko?
JANE: Grabe naman po yang pang iinsulto nyu, matatanggap ko kung sakin nyu lang yan ibabato pero kung pati MAMA ko idadamay nyu hindi naman ata makatao yan.
SILVIA: Bakit yang pakiki apil mo sa ANAK ko at pag gamit sa kumpanya namin para sa pansarili mong interest tingin mo makatao?
JANE: Eh kayo ata tong asal hayop kung mag isip.
SILVIA: Bastos ka hahhhh (biglang sasampalin si JANE)
Nung makita kong papalapit ang palad ng MOMMY ni MOKONG sa mukha ko, napapikit ako ng madiin. Bigla nalang akong nagising ng may maramdaman akong humawak sa balikat ko.
CARL: JANE are you alright?
Biglang akong nagulat na tila tuliro, napatingin ako kay MOKONG at pag kaharap ko nasa harapan ko na pala ang MOMMY at DADDY niya. Juske, akala ko tutoo na yung mga ng yari kanina. Nag ha hallucinate lang pala ako ng bongga. Huminga ako ng malalim at ngumiti sa harap ng mga parents niya.
SILVIA: Hi! (sabay ngiti at bineso si JANE)
JANE: Hi MAM SILVIA (ngumiti ng may pangamba)
SILVIA: You look stunning huh!
JANE: Thank You MAM.
SILVIA: Anu kaba? bakit MAM ka ng MAM, just call me TITA.
Nagugulat talaga ako sa mga ng yayari sa MOMMY ni MOKONG, gusto kong tanungin siya kung high ba siya? nakalimutan nya na kaya talaga yung first meet up naming dalawa? O sadyang nag babago nga talaga ang tao. Sana nga ganun ang ng yari sa kanya, kasi ayuko rin namang mag kailangan kami sa isat isa.
CARL: And MOMMY soon to be MOM nadin ang itatawag niya sayo. Right?
SILVIA: Ohh good to hear huh! Anyways, but hindi na tayo maupo? at duon na tayo mag kwentuhan.
CARL: Sure MOMMY, medyo nagutom narin ako sa ginawa namin kanina.
SILVIA: Infairness, I was shocked with that. Ang galing mo palang sumayaw huh.
CARLITO: Syempre nag mana ata sakin yan. (sabay medyo umindak)
SILVIA: Anu kaba CARLITO becareful, mamaya mahulog ka sa hagdan.
Hindi ko inexpect na ganito i wewelcome ni MOMMY si MOKANG, nagkaroon man sila ng bad encounter before binago niya naman ito ngayon. Nakikita ko ding napaka caring niya kay DADDY kaya marahil malabo ang naisip kong motibo niya kay DADDY. Buti nalang at hindi ko itinuloy ang pag uusap namin ni CONRAD. Panigurado naman na aksidente lang ang lahat.
KELLY: Naku MADER ayan papalapit na ulit satin ang Dragon, ready ka naba?
MAMA JADE: Kanina pa ako ready BEKS. (habang hawak hawak ang kutsara at tinidor)
KELLY: Teka, bakit kutsara at tinidor ang hawak mo? (pag tataka nya)
MAMA JADE: Syempre gutom na gutom na ako, ready na ako kumain. Ang dami naman kasing seremonya eh. Halika na pumila na tayo.
KELLY: Kaloka ka naman MADER akala ko ready kana makipag bakbakan sa MOMMY ni CARL.
CARL: MOMMY meet the MOMMY of my Girlfriend, TITA JADE.
Bigla kaming napatayo sa kinauupuan namin ni KELLY ng biglang nag salita si CARL habang kami ay nag chichismisan.
MAMA: Ahh ehh Hi, MADAM SILVIA. (sabay nag wave ng mala Beauty Queen)
SILVIA: Isa kapa, Balae nalang ang itawag mo sakin.
Nung marinig ko yung sinabi ng MOMMY ni MOKONG bigla kaming napatingin sa isat isa ni MAMA, parehas kaming nagulat sa binigkas na salita ng MOMMY niya.
KELLY: Wow bongga! Mukhang botong boto si MADAM kay JANE ah. (sabay medyo kinilig)
SILVIA: Why not? (sabay ngumiti at tumingin kay CARL at JANE)
CARLOS: Ohh hindi pa ba tayo kakain?
CARL: Right DAD, gutom na din ako.
Mag kakasama kami ngayon sa iisang table, kakain na sana kami ng biglang nag salita si MOKONG.
CARL: Let's pray first.
SILVIA: Aba, nakakapanibago ka talagang bata ka.
CARLITO: JANE, thought us this way.
SILVIA: That's good!, JANE you are not just a Pretty person but you are also a good influence. Thank you for sharing it tomy Family.
JANE: Ayy TITA, si MAMA din po nag turo sakin niyan hehe.
MAMA: Pretty and good influence din po ba ako Balae?
SILVIA: Definitely right! Manang mana sayo si JANE, kaya siguro ganito nalang ka seryoso si CARL sa kanya. Now I know. (sabay ngumiti kay JANE)
Masaya ako dahil naging maayos ang pag tanggap sakin ng MOMMY ni MOKONG, hindi ko talaga inexpect na ito ang mang yayari. Sabagay may kasabihan nga na Expect the unexpected. Akala ko nga mapapaaga ang uwi ko, pero mukhang maeenjoy ko ang gabi na ito kasama ang Family ng pinaka mamahal ko.
COMEDIAN1: Guysss tapos na ba tayong kumain? (sigaw nito sa stage)
KELLY: Hindi pa! (sigaw ni KELLY)
COMEDIAN1: Echusera, tignan mu tyan mo halos puputok na, anyways mukhang tapos na kumain ang ating mga guest. So can we invite our two special person dito sa company? Please let us give a round of applause to our CEO Mr CARL EIBRON and the new BEAUPLUS endorser Miss JANE CRUZ. (Biglang nag palakpalakan ang mga tao)
Nung marinig namin ni MOKONG na tinawag kami ng host, hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming umakyat sa STAGE.
COMEDIAN1: You look both Perfect, wala na talaga akong masabi sa dalawang ito.
COMEDIAN2: Tama ka BESH! Kaya Papa CARL pwede bang lahian mo ko?
COMEDIAN1: Gaga! Wala kang Matress pano ka malalahian, ihian pwede pa!
COMEDIAN2: Ayyy ang hard, nag babaka sakali lang nemern aketch.
COMEDIAN1: Para sa kaalaman lang po ng nakararami, itong couple na to ay naging visitor namin sa Comedy bar. Nagliligawan palang sila nun, tama ba? (sabay tutok ng mic kay JANE at CARL)
JANE / CARL: Ahhh Opo. (nag tinginan at napapangisi)
COMEDIAN1: At we are Glad dahil kami ang napili nilang mag host para sa event na to. Super Thank you mga BESHIE for the trust!
COMEDIAN2: Sumali panga sila sa pa Games natin at nanalo ng Trip to BORA!, Ayy teka how was it pala?
Biglang may narinig silang nag salita ng Malakas
MAMA JADE: Panalo grabe! Sana may part 2!
COMEDIAN2: Ayy ang taray naman ng MADER, talagang mukhang enjoy na enjoy ahh kahit hindi sya ang tinanong siya ang sumagot.
COMEDIAN1: Kayo ba anu ba ang masasabi nyu? did you enjoy it guys?
Kinuha ni CARL yung Mic at humarap kay JANE.
CARL: Iisa lang masasabi ko sa naging experienced namin, maihahalintulad ko to kapag kasama ko ang babaeng nasa harapan ko. Walang katumbas na galak at saya.
COMEDIAN1 and 2: UHHhhhh ang sweetttttt.
COMEDIAN1: Kayo na talaga, paki check nga yung stage baka umaakyat na ang langgam sa ka sweetan ni PAPA CARL.
COMEDIAN2: Ikaw naman JANE how was it?
JANE: Hmmmmm, super happy ako dahil bukod sa narating ko yung pangarap kong puntahan. Nakasama ko yung mga special na tao sa puso ko.
COMEDIAN2: Sino sino ba sila?
JANE: Si MAMA, si KELLY (Biglang tumayo sa kinauupuan) at siyempre ang nag iisang lalaking nag papasaya ng araw at gabi ko. (biglang pinisil ang ilong ni CARL)
COMEDIAN1: Ang sarap ma in love BESH no?
COMEDIAN2: Tama ka, ang sarap ma in love. Pero masakit sa bulsa para sa mga kagaya natin. Charottt!!!
COMEDIAN1: Oiii ha, wag mo kong idamay jan. Dahil ako ang ginagastusan ni Jowa.
COMEDIAN2: Ayy kaya pala stress na stress ka sa Credit Card nung binilhan mo siya ng Moto orrrr (biglang tinakpan ang bunganga ni COMEDIAN2 ni COMEDIAN1)
COMEDIAN1: Sshhhhhh wag ka nga jan, let us do our job first. Anyways hows the feeling JANE na mukhang botong boto sayo ang family ni Mr CEO.
Nakakaloka, nagulat ako sa naging tanong ni BEKI sakin, parang medyo na pressure ako sa isasagot ko.
JANE: Ahmmm syempre sobrang saya, kasi walang problem sa both side naming dalawa.
(biglang tumingin kay MADAM SILVIA at Ngumiti, ngumiti naman ito pabalik kay JANE)
Ngayon mas nadagdagan yung kasiyahang nararamdaman ko kasi finally na meet ko na ang family ng lalaking pinakamamahal ko.
COMEDIAN1: Tama yan!, dapat ganyan ipakilala sa parents ang magiging Jowa bago gumora ng bongga. Kapag proud ka sa partner mo natural dapat ipa kilala mo.
COMEDIAN2: Corrected by BESHY! Kaya nga NANAY at TATAY ko takang taka sa mga dinadala ko sa bahay namin, pa iba iba daw ng itsura yung ipinakikilala ko sa kanila. Natanong nga ako kung hunyango ba daw ang jowa ko dahil nag iiba ng mukha, hindi nila ata na re realize na talagang papalit palit lang ako.
COMEDIAN1: Ewan ko ba sayo, pag ikaw dinalaw ni Mareng Aida nako malamang mag TITI(diniin ang salita)no ka ng bongga!
Lalong naging masaya ang Anniversary nila MOKONG dahil sa dalawang BEKI na to, hindi nga siya nag kamali na ito ang gawin niyang host ng event. Dahil halagakpak kami sa tawa sa mga nakakatawang pinag sasabi nila. Habang seryoso akong nanunuod, bigla akong hinawakan ni MOKONG, dinala niya ako sa Table nila JAMES. Ipapakilala niya daw ako sa ibang mga friends niya.
JAMES: Congratulations pre! Guyss batiin nyu naman yung tropa natin, CEO na may magandang Trophy pa.
LOUIE: Nice one tol! Congratulations!!! Jackpot na jackpot ka huhh! (biglang aambang makikipag shake hands kay JANE pero biglang shinake hands ni CARL)
CARL: Oppss pre diba ako ang kino Congratulate mo, so dapat ako ang i shake hands mu.
LOUIE: Ayy syempre congratulate ko din si Miss JANE kasi siya na ang new endorser nyu.
CARL: Lol! Palusot pa. Sorry guys, pero pag mamay ari ko na tong babaeng hinahangaan nyu. (sabay akbay kay JANE)
Loko talaga tong lalaking to napaka selfish, akala naman nanakawin na ako sa kanya.
JANE: Don't worry sayo lang po ako.
Biglang nag humiyaw ang mga kaibigan ni CARL sa narinig nilang sinabi ni JANE
JAMES: Oh ayan tol, si MISIS muna ang nag sabi may assurance kana.
CARL: Gusto ko yang sinabi mu pre, MISIS hihi. (tumingin kay JANE na tila kinikilig)
JOSH: Alam mo na! Sa kasal nyu ahh dapat present ang buong tropa!
LOUIE: Hindi lang sa kasal! Syempre tol meron dapat tayong pa Grooms Party!
JAMES: Masaya yan!!!
Kaloka tong mga to excited na excited, pinangunahan na ang mangyayari. Pero sabagay ayun din naman ang gusto ko ang makasama ng pang habang buhay ang MOKONG na to.
Halos pasado 11pm na ng matapos ang Party, pagod na pagod ang lahat pero may mga ngiti naman sa kanilang mga labi dahil sa napakasayang mga kaganapan.
SILVIA: Nice meeting you JANE and Balae JADE, mag iingat kayo pauwi ah?
JANE: Thank you din TITA, kayo din po mag iingat.
MAMA JADE: Ako ang dapat mag pasalamat sa inyu. Thank You at naging maayos ang pakikitungo nyu samin ng anak ko.
CARLITO: Naku wala yun, napaka bait nyu din sa anak namin. Halos mapaiyak na nga ako sa mga kwento nyan ni CARL sa pinapakita nyung maganda sa kanya. Lalo na daw nung nag kasakit siya.
SILVIA: Really?
CARL: Yes MOM, hehe.
SILVIA: Ikaw huh, JANE patinuin mu tong si CARL. Pero mukha namang nagtitino na nga.
JANE: Don't worry TITA, gagawin kong lahat para maging mabuting Girlfriend sa kanya.
SILVIA: So paanu ba yan, mauuna na kaming mauwi. Medyo pagod din ako sa byahe ko kanina. Ihatid mo sila CARL ha! Then go home na din.
CARL: Sure MOMMY, sisiguraduhin kong safe sila. (sabay ngiti nito) Ayy waitttt bukas nga pala may lakad tayo ah?
KELLY: Ayyyy sama ako!
CARL: Sureeee KELLY!
Nagkatinginan kami nila MAMA at ng MOMMY ni MOKONG
SILVIA: Aba? saan naman?
Hindi ko alam kung anung emosyon ang nararamdaman ko ngayong gabi, masaya ako pero parang tila hindi ko talaga expected na ganun ang magiging pakikitungo sakin ng MOMMY ni MOKONG. Akala ko World war 3 na ang mang yayari mamaya. Masyado lang siguro akong naging negative sa naging past na pag kikita namin ng MOMMY niya. Pero ngayon masasabi kong positive na ang lahat dahil sobrang bongga ang naging pag welcome niya sakin. Isa pa sa bumabagabag sa isipan ko kung saan kami dadalhin ni MOKONG bukas. Ang hilig talaga sa surprise ng lalaking to.
.
.
.
.
PLEASE PLAY THIS SONG BEFORE READING THIS
Your Love by JURIS
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Mag kakasama na kami sa iisang sasakyan ng Family ni MOKONG, panay ang usapan ni MAMA at ng MOMMY ni MOKONG, tila nag kaka mabutihan na din ang loob nila sa isat isa.
CARL: Andito na tayo.
Inalalayan ni MOKONG ang DADDY niya pababa ng sasakyan.
Pag kababa na pag kababa ko sa sasakyan may nabasa akong TARPAULIN na ang naka print ay "WELCOME BEAUPLUS FAMILY" by: Golden Heart Charity
Totoo ba tong nakikita ko? nasa isang Charity kami? isang tanong sa isipan ko. Napatingin ako kay MOKONG at ngumiti lang siya sakin. Pag ka pasok na pag kapasok namin sinalubong kami ng mga Bata at Matatanda na mga nasa pangangalaga ng Charity. Kitang kita ko sa mga mukha nila ang saya sa pag bisita namin. Nagulat nalang ako ng bumulong si MOKONG sa tenga ko.
CARL: Diba dream mo to? wish granted. (Sabay kiss sa pisnge ni JANE)
Medyo naluha ako nung marinig ko yung sinabi ni MOKONG, emeygewwwdd hindi ko alam na tutupadin nya yung gusto kong gawin. Isa kasi ito sa goal ko ang kahit papano makatulong sa mga taong walang wala. Sobrang na touch ako sa ginawa ni MOKONG, grabe hindi lang talaga siya Isang Gwapong may kaya, napakabusilak din ng kanyang puso. Inabutan nya nalang ako ng panyo dahil hindi ako halos makapag salita sa ginawa niya.
KELLY: Uhhhhh PAPA CARL you have a Golden Heart talaga.
SILVIA: Napapabilib mo ako CARL sa ipinapakita mong to.
CARLITO: What's going on?
biglang binulungan ni SILVIA si CARLITO.
CARLITO: CARL lumapit ka nga sakin.
CARL: Yess DAD.
Niyakap ng mahigpit si CARL ng DADDY niya, medyo maluha luha pa ito.
CARLITO: You are such a good boy, manang mana ka talaga sa MOMMY GRACE mu. (pabulong nito)
CARL: That's not my idea DAD, its JANE's idea.
CARLITO: Talaga? Where is JANE?
Iniharap ni CARL ang DADDY niya kay JANE.
CARLITO: Tama talaga ang kutob ko sayo, you really deserved what you got. Kaya ka bine blessed dahil sa napaka gandang hangarin mu.
JANE: Hindi ko naman po ito magagawa, pero maraming sobrang nagpapasalamat ako kasi tinupad ito ni CARL.
KELLY: Wala na talagang tatalo sa LOVE TEAM nyung dalawa, ang perfect nyu!!! Gigil nyu ko!!!
MAMA JADE: Tama ka jan KELLY, sobrang nakaka touch ito huh. Tama lang na i share natin sa iba ang Blessings na na rereceived natin.
CARL: Tama ka TITA, isang napaka gandang Blessing para sakin si JANE.
Sobrang natuwa ako sa ginawa ni MOKONG, akala ko na kakain lang kami kasama ang Family nya pero kami pala ang mag papakain sa mga wala ng Family. Napaka saya na makikita mo sa mukha nila ang kasiyahan dahil sa ibinahagi naming salo salo sa kanila. Tumulong kaming mag pakain nila MOKONG sa mga nasa Charity, sila MAMA at KELLY ay halatang enjoy na enjoy din sa pag tulong. Habang kami naman ni MOKONG ay napapaligiran ng mga Bata na binibigyan namin ng mga laruan.
LITTLE BOY: Ang babait nyu po, mag asawa po ba kayo?
Nagulat kami ni MOKONG sa tanong ng isang bata. Nag katinginan pa nga kami at natawa.
CARL: Hmmm bagay ba kami?
LITTLE BOY: Opo bukod sa Maganda at Gwapo po ang bait nyu po kasi binigyan nyu pa kami ng laruan at pinakain.
JANE: Uhhhh ang Cute cute mu din, basta promise nyu mag aaral kayo ahhhh? Para pag nakatapos kayo makahanap kayo ng magandang trabaho.
"Opo" sabay sabay na sagot ng mga BATA.
KELLY: Ako ba bebe maganda?
LITTLE BOY: (Biglang umiling)
KELLY: Ayyy ganern?
MAMA JADE: So alam mo na? hindi basta basta nag sisinungaling ang mga bata.
KELLY: Grabe naman kayo sakin. Teka teka naiihi ako. Saan ba ang CR dito?
MAMA JADE: Tanong mo nalang sa isa sa mga staff.
Iniwan ko muna sina CARL, JANE at MOMMY JADE at nag punta ako sa CR. Habang papunta ako sa CR biglang nakita ko si MADAM SILVIA na todo alcohol sa kamay at tila nandidiri. Nakakaloka naman itong si MADAM, pag katapos makipag lapitan sa mga tao todo alcohol agad. Pero siguro ayaw nya lang mag karoon ng sakit ng bongga, pero ang artiiii padin.
Bumalik agad ako kyla JANE nung matapos akong mag CR.
MAMA JADE: Ang bilis mo ata, nakaiipit muna si JUNJUN?
KELLY: Hayy naku MADER, lagi mu nalang pinaaalala yan sabi ko naman sayu wala na ibinaon ko na sa limot.
MAMA JADE: Saan? sa pwet? hihi Biro lang!
Pag katapos namin sa Charity umuwi na din kami, masayang masaya talaga ako dahil sa ginawang yon ni MOKONG. Parang kelan lang pinag uusapan namin pero ngayon natupad na. Pero nag promise ako na babalikan ko sila, gusto ko naman na sasarili kong bulsa ang maitutulong ko sa kanila.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sadyang napaka bilis ng panahon, naging maganda naman ang lahat ng mga ng yari samin. 1week lang din simula ng Anniversary nila MOKONG umuwi din ng Amerika si TITA SILVIA para asikasuhin ang mga Business duon. Samantalang na natili naman si TITO CARLITO sa Pilipinas.
Hindi ko akalain na mag 6 Months na pala kami ni MOKONG next week. Nandito kami ngayon sa paborito naming Restaurant. Kung saan kami unang nag Date.
CARL: MOKANG, promise bago ang Monthsary natin nandito na po ako.
JANE: Hmmmm siguraduhin mo lang ahh!
CARL: Opo naman, tapusin ko agad yung Business meeting na aattend ko sa SINGAPORE at uuwi narin ako agad.
JANE: Anu pa nga bang magagawa ko, Business yan eh. Basta promise me na mag uupdate ka huh! Don't forget to chat, text and call me kapag hindi ka busy.
CARL: Yess my MOKANG (Sabay promise sign) I will never ever forget that! (sabay hawak sa pisnge ni JANE)
Dumating na yung time na aalis na si MOKONG at pupunta ng SINGAPORE, hinatid namin siya nina MAMA at KELLY sa Airport. Ayaw nga daw niya sana mag pa hatid kasi baka malungkot lang siya. Pero mapilit ako dahil gusto kong ihatid din siya. Kahit 5 araw lang siya dun pero para sakin kataumbas yun ng limang taon.
MAMA JADE: Mag iingat ka dun CARL ahhh!
CARL: Yessss po TITA. Kayo na po muna bahala kay JANE ahh.
KELLY: Naku PAPA CARL, sureness babantayan ko tong babaeng to para sayo.
CARL: Yun ohh salamat KELLY.
Lumapit si CARL kay JANE.
CARL: MOKANG, wag ka ng malungkot jan. Diba may promise ako sayo na uuwi ako bago tayo mag Monthsary.
JANE: Opo.. pero kasi ihhhh..
Biglang hinalikan ni CARL si JANE sa nuo.
CARL: No need to worry. Basta hantayin mo ko dito at sabay nating sasalubungin ang Monthsary natin. (sabay ngiti)
.
.
.
.
At ayun na nga lumipad na ang sinasakyang eroplano ni MOKONG, malungkot man pero wala ehh kailangan talaga sa isang relasyon na ma miss din ang isat isa. Naging busy nalang ako sa trabaho habang hinahantay si ang pag uwi ni MOKONG. Hindi naman ako binigo ni MOKONG dahil panay ang update niya naman sakin, minsan nga nag vivideo call pa kaming dalawa.
Ilang araw ang lumipas dumating na yung araw na uuwi na si MOKONG, ako ngayon eto todo prepare dito sa bahay para sa pag uwi niya. Nag prepare ako ng mga paborito niyang pagkain syempre nag patulong ako kay MADER dahil hindi pa ako expert sa pag luluto, habang si KELLY naman tinulungan ako sa pag design ng bahay para sa surprise ko kay MOKONG. Ipinangako nya kasi na dito agad siya didiretso kapag uwi niya ng Pilipinas. Mga 6pm daw ang lapag ng eroplanong sinasakyan niya so mga 6:30 or before 7pm ay nandito na siya.
1pm pa huling nakausap ko si MOKONG sa Cellphone bago siya pumasok ng TERMINAL. Nagtataka ako kasi 6pm na pero wala parin siyang Update. Medyo kinakabahan tuloy ako dahil hindi ko pa ma contact yung phone niya simula kanina pa. Iniisip ko nalang na baka nasa eroplano pa siya. Im sure naman na mag uupdate agad yun pag ka baba na pag kababa nya ng eroplano.
KELLY: Beshy na contact mu naba?
JANE: Hindi ko ma contact eh. (Medyo nag aalala)
KELLY: Wag kana mag aalala BESHY, malamang susurprise ka nanaman nun.
JANE: Hayyy nako dapat 7pm nandito na siya, mag 7pm na pero wala pa din.
MAMA JADE: Abut mu nga yung remote KELLY manuod muna ako ng balita.
Habang naghuhugas ako ng baso na pinag inuman namin nila KELLY nanunuod naman sila MAMA ng balita.
NEWS CASTER: Kapapasok lang ng balita, isang Eroplano ang papauwing Manila galing Singapore ang bumagsak sa karagatan.
Sa narinig ko bigla akong napalingon sa TV at nasagi ang isang baso na nabasag mula sa pag kakabagsak nito. Lumakas ang kabog ng dibdib ko sa balitang narinig ko. Napatingin si MAMA at KELLY sakin na tila gulat na gulat din sa narinig nilang Balita. Halos hindi ko alam ang gagawin ko. Napapikit ako ng madiin at sinambit ang katagang
"Jusko wag naman sana"
.
.
.
.
Ito nga ba ang dahilan kung bakit hindi ma contact ni JANE at Cellphone ni CARL?
Abangan sa nag iisang FB Serye na Pakikiligin ka! Paluluhain!, Patatawanin! at Bibitinin sa mga kapana panabik na eksena!
Gusto nyu bang i share ang kilig ng ating FB SERYE? Tag nyu na sila!!!
Wag ding kalimutan mag bigay ng bonggang comment nyu! Para ma DEDICATE sayo ang susunod na eksena!

Comments

Popular Posts