Story of Mokong & Mokang PART 19 By: Norbie Borja


Grabe sobrang saya ko ngayon. Hindi ko expected na ako ang mapipili bilang Mowdel ng company nila Mokong. Gravity, pero ang mas nakapag pasaya ng pag ka tao ko ay yung nasa loob ng sobre. Emeygewd, naiiyak padin ako sa tuwing maalala ko yung nakita ko sa sobre. Grabe ang haba na pala ng listahan ng utang ko sa pantry, charot lang. I can't really imagine na makakasama ko si Mader Earth sa Bora next week! Grabe mas na surprised ako dun kesa sa pag ka pili sakin bilang Model. Excited na akong umuwi sa bahay at ibalita kay Mama ang napaka gandang balita, uuwi na sana ako kaya
lang si Mokong...
CARL: Sunduin kita sa lobby sa ibaba mamayang pag out huh? may pupuntahan tayo.
JANE: Huh? saan naman? excited pa naman akong umuwi para ibalita kay Mama na makakasama natin siya hihi.
CARL: Hehe, alam ko naman yun eh. pero basta later huh?.
Mapilit si Mokong kaya ayun, walang nagawa ang aking Ganda kundi hantayin siya sa ibaba.
JANE: Jusme 10minutes na akung nag hahantay wala pa din siya, ang lakas pa ng ulan.
1 Message Received
CARL
"Malapit na po ako  "
Natanaw ko na yung sasakyan ni Mokong, grabe ang lakas padin ng ulan.
CARL: Hi Mokang ko sorry i'm late. (sabay smile)
JANE: Tsee!! san ba tayo pupunta? ang lakas ng ulan oh.
CARL: Basta, hihi.
JANE: May dala kabang payong?
CARL: Syempre, pero bago yun eto muna.
JANE: Ayy may pa bulaklak si Mayor, salamat Mokong ko. (sabay yakap kay CARL)
CARL: Suotin mu muna tong Jacket ko para hindi ka mabasa.
JANE: Sana kapote na dinala mo, joke hihi!
Habang nasa sasakyan.
JANE: San ba tayo pupunta Mokong?
CARL: Hihi malalaman mu din mamaya.
JANE: Hala sya ohh pa surprise talaga to. Mamaya dalhin mo ko sa anu huh! Ahh ehh keye weg pe! hihi.
CARL: HAHA! Loko ka talaga.
Hindi ko na malayan naka idlip pala ako, nagising na lang ako ng gisingin ako ni CARL.
CARL: Uiii Mokang, andito na tayo.
Unti unti kong dinilat ang mata ko, medyo familiar sakin yung lugar. Nag masid masid ako at naalala ko na, ito yung first date namin ni Mokong yung place kung san nag brownout.
JANE: Ohh anung ginagawa natin dito? manliligaw ka ulit? diba tayo na?
CARL: Pinangako ko kasi sa sarili ko na kapag naging Girlfriend na kita, babalik tayo dito.
JANE: Ayy hala siya ohh. Ako nga yung pangako ko sayo na ililibre kita sa Turo Turo sa unang sahod ko hindi ko pa nagagawa huhu. Alam mu naman, binibili ko ng pangangailangan ni Mader Earth.
CARL: Sus wala yun nu!
Habang kumakain...
CARL: Oh? bakit tulala ka Mokang ko? what's wrong?
JANE: Ayy sorry (biglang tingin kay CARL) hindi lang kasi ako makapaniwala na makakasama ko si Mama sa Bora. Mokong, Salamat talaga huh?! Ang dami mo ng naitutulong sakin.
CARL: Anu kaba?! wala yun, gusto ko lang mas mapasaya ka. Syempre pati narin si Tita, para malibang libang naman siya.
JANE: Kaya nga eh, para makapag unwind siya.
Pag katapos namin kumain ni CARL, umalis din kami. Hindi ko alam kung san ba ako dadalhin ni Mokong.
CARL: Naaalala mo ba to?
JANE: Syempre naman! Ang saya kaya ng pa games nila jan, lalo na nung ginawa kitang babae hihi. Alam mu bagay talaga sayo maging girl. (habang natatawa)
CARL: Hala ayoko nga! Ikaw lang ang girl na bagay sakin. (sabay kindat kay JANE)
JANE: Ayy wow naihugot pa talaga eh no?.
------
COMEDIAN1: beshy! may familiar sakin sa Audience!
COMEDIAN2: Ayy oo nga!!! Halika lapitan natin!!!
Lumapit ang dalawang COMEDIAN sa kinauupuan nila JANE at CARL.
COMEDIAN2: Naku besh!!! Sila nga!!!
COMEDIAN1: Parang may napapansin ako Besh!
COMEDIAN2: Anes yun?
COMEDIAN1: Mukhang???
JANE: "Kaloka tong dalawang to, eto nanaman sila mamaya may pa Games na naman ang dalawang bruha na to" (sa isip isip ni JANE)
Biglang tinapat ng isa sa Comedian ang mic sa bibig ni CARL.
COMEDIAN1: Kayo na ba?
Nagulat si CARL sa tanong sa kanya pero agad naman niyang sinagot.
CARL: Yes (sabay ngiti)
COMEDIAN2: Ohhmayyygowwwd!!! I think em gonna die!
COMEDIAN1: Oh dalian mo na now na! now na!
COMEDIAN2: Ayy grabe siya ohh
COMEDIAN1: Grabee talaga sila ohh, akalain mu yun? kelan lang kayo nag punta dito nag liligawan pa kayo tapos ngayon mag asawa na kayo?
COMEDIAN2: Gaga! mag jowa palang! pero sabagay malay mu naman! ihhhh kayo na talaga!
Nahihiya na ako dahil pinag titinginan kami ng mga tao sa Bar, mga anung petsa kaya matatapos tong interview ng dalawang beki na to. Habang patuloy lang sila sa pag daldal, napansin kong si Mokong my binulong dun sa isang
COMEDIAN. Ano kayang binulong ng lalaking to? siguro naman hindi sya oorder dahil hindi naman waiter yung si beki kahit mukha lang.
COMEDIAN1: Whatt??? o sige game ako jan!
COMEDIAN2: Girl anong game yan?! sali naman jan baka pwedeng pa sub!
COMEDIAN1: Teka ibubulong ko sayo. (binulungan si beki)
COMEDIAN2: Ayyy grabe hihi ikaw na talaga.
Nagulat nalang ako ng biglang tumayo si Mokong sa kinauupuan niya, tinanung ko kung san siya pupunta pero, maupo lang daw ako. Nasa itaas ng stage si Mokong, anu kayang ginagawa niya dun? hindi naman siya marunong mag patawa para maging Comedian, although his the reason kung bakit lagi akong masaya. hihi.
Biglang nag salita CARL...
CARL: Ahmm, I would like to dedicate this song to that special Girl (tinuro si JANE) that I really really love.
Shocks??!! totoo ba itey? kakantahan ako ni Mokong? (sa isip isip ni JANE habang kinikilig)
CARL: This is for you Mokang ko. (sabay kindat kay JANE)
Before reading
=====PLEASE PLAY THIS SONG=======
=======Forevermore - Side A==========
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hala grabe, unang sentence palang ng kanta ni Mokong kinilabutan na ako. Tumayo yung balahibo ko, hindi ko akalain na marunong din pala siyang kumanta. At ang ganda ng boses niya in fairness! Napaka talented talaga nitong lalaking to. Gwapo na, marunong sumayaw, marunong kumanta, may kaya sa buhay at higit sa lahat napaka bait. Napapaisip tuloy ako kung Daks din ba sya? charot lang! enebe Author ang mga segway mu tsee! Napaka swerte mo talaga JANE CRUZ sa kanya! Eh ikaw anu nga bang meron sayo bat nagustuhan ka niya? Puro ka lang naman Ganda ay may talino rin pala! (sa
isip isip ni JANE)
Habang patuloy sa pag kanta si CARL, nakatitig lang siya sakin, medyo nakikita ko sa mga mata niya na naluluha na siya pero pinipigilan niya lang. Hindi ko rin talaga akalain na mag kakatuluyan kami ni Mokong, kailangan ko bang mag pa
salamat dahil na tapunan ko si CARL ng hot choco ako that time? kasi kung hindi dahil dun hindi ko siya makikilala at hindi niya rin ako makikilala. Alam kong nag sisimula palang ang relasyon namin, pero sisiguraduhin ko na pag titibayin namin tong parehas. Napapansin kong medyo naluluha na rin pala ako sa kakaisip ng mga Happy moments namin together. Omeyged, lumalapit si Mokong sakin. Para akong mahihimatay sa sobrang kilig, hinawakan niya yung kamay ko at dinala patungo sa gitna ng entablado. Ngayon mag kaharap kami habang mahigpit niyang hawak ang kamay ko. Bakas sa mga mata niya ang namumuong luha
na sa isang saglit lang ay babagsak na. Napapansin kong nag hihiyawan yung mga tao at kahit sila kilig na kilig sa ginawang effort ni Mokong, hayss ang haba talaga ng buhok ko. May gunting ba kayo jan? paki gupit naman ohh baka
mapatid kayo! Nung matapos na yung kanta bigla akong niyakap ng mahigpit ni CARL, gayun din naman ako. Nararamdaman ko nalang na lumuluha na siya. Nauutal niyang binibigkas ang salitang "Salamat JANE, you completed my
Life". Kumawala ako sa pag kakayakap ni CARL at pinunasan ang luha sa mga mata niya.
JANE: Kaw talaga! lagi mo kong sinusurpresa!
CARL: Hehe, maganda naman ba yung pag ka kanta ko? (habang nauutal)
JANE: Kung may buzzer at umiikot nga lang yung upuan ko, umikot na ko kanina pa!
CARL: Okey lang yun, sayo lang naman iikot ang buhay ko.
COMEDIAN1: Ayy wala na talaga uwian na guys! maaga po kami mag sasara! may nanalo na talaga.
COMEDIAN2: Ang gondo mo gerl huh! kinantahan ka pa talaga! Ako kasi yung partner ko ako lagi kumakanta sa kanya!
COMEDIAN1: Besh ibang kanta naman ata ginagawa mo eh!
Grabe hindi padin ako maka move on sa ginawa nitong lalakeng to. Habang nasa kalagitnaan kmi ng byahe at kasabay ng malakas na buhos ng ulan. Biglang huminto yung sasasakyan.
JANE: Oh? bakit hinintu mu?
CARL: Nakuu!!! hindi tumigil yung makina tskkk!
JANE: Huh?
CARL: Wait wait...
Pilit na pinaandar ni CARL yung sasakyan niya pero nag loloko ito.
CARL: Teka need itulak yung sasakyan.
JANE: Ayyy hala?sino mag tutulak? wag mung sabihin ako? hindi ko dala ang bato! wala si ding, nasa salon si ba-ding!
CARL: Loko ka Mokang, syempre ako.
JANE: Ano kaba ang lakas kaya ng ulan! Papayungan kita!
CARL: Ngekk hindi pwede, ikaw dito basta itutulak ko tapos start mo lang yung engine tapos tapakan mo lang ng mahina ito. Lika dito kana maupo muna sa driver seat.
Kinuha ni CARL yung Payong at lumabas ito.
JANE: Uiii!! Mokong hindi ko alam yan kaloka ka!
CARL: Basta sundin mo lang yung sinabi ko.
JANE: Hala siya, mamaya kainin ako ng sasakyan alam mu naman shunga ako jan, bisikleta lang kaya kong paandarin huhu.
CARL: Kaya mu yan Mokang ko, ikaw pa ba (sabay hawak sa pisnge ni JANE at ngumiti)
Lumabas na ng tuluyan si CARL, tinutulak na niya sa likuran yung sasakyan. Hindi magamit ni CARL yung pinaka pwersa niya dahil yung isang kamay niya nakahawak sa payong. Medyo nakakailang hakbang nadin ang layo ng pag kakatulak ni CARL pero hindi padin umaandar yung sasakyan. Inalis niya yung payong at ginamit ang dalawang kamay para mas maitulak ng maayos. Hindi niya na ininda kung mababasa ba siya o hindi. Hanggang sa tuluyan ng umandar yung sasakyan.
JANE: Waaahh!! Kaloka I did it!!! Marunong na akong mag drive! (sigaw ni JANE)
Sa sobrang saya ko hindi ko namalayan na bumukas na pala yung pintuan sa Driver seat. Bumungad sakin si Mokong na basang basa.
JANE: Hala! bat basang basa ka?! (pag aalala ni JANE)
CARL: Inalis ko muna yung payong, hindi ko kasi maitulak ng maayos eh!
JANE: Ayyy bakit mu ginawa yun, mamaya mag ka sakit ka niyan! Teka mag punas ka muna.
Kinuha ni Jane yung bimpo na nasa bag niya at pinunasan si CARL. Habang nasa byahe na sila. Napansin ni Jane na medyo sinisipon at inuubo si CARL. Medyo giniginaw din ito dahil medyo basa pa ang suot niya.
JANE: Mokong ko okey ka lang ba? sinisipon at inuubo ubo kana tuloy.
Nag Thumbs up lang si CARL kay JANE.
Nung bababa na si JANE ng sasakyan dahil nasa kanila na ito, napansin niya ang pag ka tamlay ni CARL. Hinawakan niya ito at napansin niyang mainit si CARL.
JANE: Hala mokong, mainit ka. Nilalagnat ka ata. (pag-aalala ni JANE)
CARL: Huhh? hin dii ohh key lang ako. Wait hatid na kita. (matamlay na sagot)
JANE: Naku, mainit ka ehh.
Tumayo si CARL para ihatid hanggang pintuan si JANE, kinatok ni JANE ang pintuan nila.
JANE: Ma! Andito na po ako.
MAMA: Ohh, ginabi kana ata. Napaka lakas ng ulan buti naman at nakauwi ka ng maayos.
JANE: Ako maayos mama, pero etong lalakeng to hindi eh.
MAMA: Ayy bakit? anung ng yari kay gwapo?
CARL: Ah ehh wala po TITA, sige uuwi na po. Bye Mokang ko. (matamlay na sabi)
Hahakbang na sana papalayo si CARL ng bigla siyang medyo gumewang.
JANE: Ohh ayan kasi! Sabi ng may lagnat ka eh.
Hinawakan ng MAMA ni JANE si CARL.
MAMA: Ayyy jusko ehh ang taas ng lagnat nito ah! Hindi ka pwedeng mg drive baka mamaya mapano ka.
JANE: Ohh narinig mu may lagnat ka nga sabi, pipilitin pa kasing kaya niya. (malungkot na sabi)
MAMA: Nako JANE patuluyin mu muna si CARL dito sa bahay, baka kung mapano pa yan kung uuwi yang ganyan.
CARL: Hindi po TITA okey lang po akkk..oh
Biglang nalang napa akbay si CARL kay JANE at tila hinang hina to dahil sa taas ng lagnat.
JANE: Ayan na nga ba sinasabi ko ang kulit kulit mo kasi Mokong ehh. Hayss!!!
Kaloka ang bigat bigat ng lalaking to, buti nalang nakaya namin siyang ihiga ni Mader sa sofa...
MAMA: Ohh JANE paltan mo muna ng damit si CARL, medyo basa pa yung damit niya, punasan mo siya para bumaba yung lagnat niya. Itatakbo ko lang muna siya ng gamot sa tindahan. Etong tshirt at short muna ng tito mo yung ipasuot mu sa kanya. Buti nalang naiwan to ng Tita LOLENG mo nung nakaraan.
Umalis na si Mader para bumili ng gamot ni CARL, emeyged ako ba talaga mag papalit ng damit sa lalaking to? kung sabagay wala naman sigurong malisya at boyfriend ko nanaman siya. Napapansin kong medyo nanginginig nginig pa si
CARL. Kung hindi ba naman kasi shunga tong mokong na ito nag pa ulan ba naman eh! grrr!!! Habang unti unti kong inaalis yung butones ng damit ni Mokong, napapapikit ako. Jusmeee parang nahahalayan aketch! nung maalis ko na lahat ng butones, bumungad sakin ang masarap na putahe, este ang makisig na katawan ni Mokong. In fairness gabi na pero may pa abs si mayor. Binilang ko pa to isa isa habang pinipisil. 1, 2, 3, 4, 5, 6. Emeyged anim na pandesal midnight snack mu JANE! Charot! Agad ko kinuha yung bimpo at pinunasan si Mokong. Susuotan ko agad sana ng damit agad si Mokong para hindi siya malamigan. Pero bigla akong nasubsob sa dib dib niya, niyakap pala ako ni Mokong, sisigaw na sana ako ng Rape Rape don't disturb charot!
JANE: Uiii teka lang sinusuotan kita ng damit eh malalamigan kapa niyan lalo!
CARL: Saaaalamat moohkangg, yabb yuuh (mahinhin nyang bulog)
JANE: Opo, opo labyu too. Mag pa galing ka huh!
Umiling lang sya sakin.
Nung natapos ko na yung upper part, syempre dun na aketch sa middle. OMG, kailangan ba pati to paltan ko? pero tama nga naman medyo basa yung pants ni Mokong. Jusme LORD help me.
Inaalis ko na unti unti yung pants ni Mokong, kaloka, hindi ba niya maikilos ang sarili niya para siya nalang mag tanggal ng Pants niya. Habang inaalis ko yung pants ni Mokong bigla akong may nakapang matigas. Na shock ako bigla kong naialis ng mabilis yung kamay ko. Tapos hinawakan ko ulit ng mabilis para masigurado kung anu ba yun. Ohhmy Thanks God cellphone lang pala ni Mokong. Kala ko kung anes na! Sinuot ko agad yung shorts at kinumutan agad sya. Hindi ko na inalis yung medyas na suot niya para hindi malamigan yung paa niya.
Pag kadating ni Mama, pinainum ko agad si Mokong ng gamot, nag latag nalang ako ng mahihigaan sa tabi ng sofa namin para mabantayan ko maige si Mokong at mamonitor ko yung pakiramdam niya. Naka titig lang ako sa kanya habang
nakahawak sa kamay niya.
JANE: Mag pa galing ka agad mokong ko, mag bobora pa tayo at mamahalin pa natin ang isat isa. (sabay ngiti at pisil ng
malamya sa ilong ni CARL)
Habang pinag mamasdan ko si Mokong, biglang nag ring yung phone niya. Hindi ko na sana papakielaman yung cellphone niya dahil hindi naman ako pakielamera. Mamaya kung anu pa ang mabasa ko dun. Pero tila may nag uudyok sakin para kuhanin ang cellphone ni Mokong. Kaya naman kinuha ko na yung Cellphone niya para i check kung anu ba yun.
Buti nalang walang password yung cellphone ng lalaking to. Nagulat nalang ako sa nabasa ko.
Ano na naman ba ang nabasa ni JANE? Good or Bad ba?
Please share this story para sa ikahahaba ng ating kwentuhan hihi 
Push paba sa PART 20? Comment down!

Comments

Popular Posts