STORY OF MOKONG & MOKANG Part 20 By: Norbie Borja

Please Play this Song
"Falling In Love" by Six Part Invention
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Sa pag kakatulog ko, bigla ako nagising, napansin ko nalang na naka higa si Mokang sa bandang dibdib ko, habang hawak ang kanang kamay ko. Nakatulog na pala siya sa pag babantay sakin. Swerte ko talaga sa kanya, bukod sa mabait, maganda, matalino ay maalaga pa. Malayong malayo siya sa ibang mga naka relasyon ko. Hindi ko din inaasahan na sobrang mag eeffort ako sa isang katulad niya. Kahit masama ang pakiramdam ko gumagaan basta kasama ko siya. Hindi ko rin lubos maisip na mag kakatuluyan pala kami, akalain mu yun nag simula sa pag papanggap, ngayon totohanan na. (Sa isip isip ni CARL)
Tatangkang hahalikan ni CARL si JANE sa nuo pero biglang lumabas ang MAMA ni JANE sa kwarto para mag CR. Nagtulog tulugan siya bigla.
MAMA: Uiii JANE, nakatulog kana jan sa dib dib ni CARL. Anong akala mo ayan ang unan mu? mamaya hindi yan makahinga.
JANE: Ahhh ehh.. ayyy nakatulog na pala ako..
MAMA: Anu pa nga ba??? Tulo pa nga laway mu ohh tignan mu.
Agad agad hinawakan ni JANE ang bibig niya
JANE: Asan?? wala naman ehh grabe ka sakin MA!
MAMA: Biro lang! Naiihi lang ako, o siya tulog kana jan.
Humiga na si JANE sa nilatag niyang higaan sa tabi ng sofa kung saan nakahiga si CARL. Pumasok na din ulit sa kwarto ang MAMA ni JANE. Biglang bumangon si CARL at nakatitig lang ito ng malapit sa mukha ni JANE na tila kinikilig habang pinag mamasdan ang natutulog na mukha ni JANE.
CARL: Labyu Mokang ko.
Gumalaw ng onti si JANE nung lumapat ang labi ni CARL sa nuo ni JANE.
---------------------
Nagising nalang akong bigla nung may naamoy akong napakasarap na Amoy, unti unti kong dinilat yung mata ko. Agad na unang nilingon ko si Mokong na nasa sofa, pero nagulat ako ng wala siya sa tabi ko. Bigla akong napatayo sa kinahihigaan ko, at pag lingon ko...
CARL: Good Morning Mokang ko! (sabay ngiti)
JANE: Oh?? anyare sayo? parang wala kang sakit ah?
CARL: Wala na nga po.
JANE: (Hinipo ko si CARL, para siguraduhin yung sinasabi nya.) Ehh may sinat kapa eh..
CARL: Sus wala na yan. (sabay inangat yung biceps)
JANE: Sus ka jan! maupo ka nga muna dito! mamaya mabinat ka jan eh.
CARL: Wag kana mag worry Mokang ko, magaling na ako. Ikaw ba naman ang nag alaga sakin eh. Kaya naman siguradong gagaling talaga ako. (Sabay hawak sa pisnge ni JANE)
JANE: Tsee! Teka may naamoy akong mabango, nag luto naba si MAMA?
Biglang lumabas ng kwarto MAMA ni JANE at halatang halata pang bagong gising to.
MAMA: Ohh nauna pa kayo magising sakin?
JANE: Akala ko gising kana kanina ma? may naaamoy akong masarap na pag kain eh.
CARL: Hihi tara kain na tayo! Nag handa na ako ng breakfast for us. TITA kain na po tayo.
Biglang nag tinginan si JANE at MAMA niya.
JANE: Ayy hala siya oh??! bakit ka nag luto kaloka ka! Tyaka san ka bumili ng lulutuin mu?
MAMA: Uu nga, ngayon palang sana ako mamamalengke eh!
CARL: Ayy TITA pumunta na po ako kanina sa labas at bumili ng makakain natin tapos ayun niluto ko agad.
JANE: Naku ang tigas talaga ng bungo mung lalaki ka! pag ikaw na binat binat jan! Teka makakapasok kaba?
CARL: Ou naman kaya ko nanaman eh. Kaya tara kumain na tayo para maihatid na kita sa office tapos ako uuwi na muna para makapag palit.
At ayun na nga kumain kaming mag kakasabay ni MAMA at ni Mokong, naloka talaga ako sa lalaking to! May sakit pa yan sa lagay na yan tapos namalengke at nakapag luto pa. Binilisan ko nadin ang kilos dahil mag 7:30am nadin. Babyahe pa kami ni Mokong papuntang office.
JANE: Sigurado kabang kaya mu mag work? may sinat kapa eh. Yung gamot mu wag mung kakalimutan ah?
CARL: No worries Mokang ko. Opo opo.
JANE: Biri good. (sabay ngiti)
CARL: Mokang ko?
JANE: Yes po?
CARL: Gamot kaba?
JANE: Hah? Bakit? kasi isa akong Magandang klase ng gamot?
CARL: Ayyy siya oh. tskk! sabihin mu bakit?
JANE: Hmm o siya sige beket?
CARL: Kasi hinding hindi kita malilimutan.
JANE: Ayyy sus, banat ng banat may lagnat naman.
CARL: Syempre naman para sa Mokang ko. (sabay kindat kay JANE)
JANE: Siya nga pala, may nabasa ako sa phone mu kagabi.
Biglang nagulat si CARL at napatingin kay JANE.
JANE: Ikaw huh!
CARL: Ayy anu po yun?
JANE: May pa countdown countdown kapa ng mot mot natin sa phone mu hihi.
CARL: Ayyy yun ba? akala ko naman kung anu. (biglang napakamut ng ulo)
JANE: Ay bakit may iba paba akong dapat mabasa?
CARL: Ahh eh wala naman po. (sabay ngiti nito kay JANE) Ay teka next week na yung Bora natin ready kana ba?
JANE: Hmmm medyo.
CARL: Bakit naman medyo?
JANE: Eh na momoblema pa ako sa susuotin ko eh, syempre beach yun. Wala pa akong susuotin pang rampa.
CARL: Naku baka pag piyestahan ka ng mga lalaki dun.
JANE: Tsee! selos ka naman? alam mo naman na iKhAw LhErN ZuApHat na! hihi lakas maka jejemon kaloka.
CARL: Talaga ba ako lang?
JANE: Ou naman, kaya mag pagaling kana ha!
CARL: Opo, maya pala pag out natin punta tayo ng Mall, samahan mo ko bibili ako ng dadalhin ko sa Bora.
JANE: Ay tignan mu to talaga, ang kulit mu din eh no? may sinat kapa nga imbes na mag pahinga ka pag uwi. Patawa ka talaga!
CARL: Ehhhh kaya ko na nga po, uminum nanaman ako ng gamot eh. Sige na please... (sabay please sign)
Wala naman akong nagawa, sadyang matigas ang bungo nitong lalaking to, maipilit din. Parang bata tskk! Pag ka out namin from work nag punta kami sa Mall. Mag papasama daw kasi siya para bumili ng dadalhin niya sa Bora, gagawin pa ata akong chaperon ng lalaking to. Pero sabagay mag titingin tingin nalang din ako ng susuotin ko dun at para din kay Mader Earth. Kailangan pak din ang aura ko dun. Kailangan ako ang mag stand out. Charottt!
CARL: Wait Mokang ko ah sukatin ko lang po ito, wait mo ako jan sa labas ng fitting room.
JANE: Opo boss.
Habang nag gagames ako ng EVERBROWN, bigla akong tinawag ni Mokong.
CARL: Mokang, look okey ba? (pabulong nito)
JANE: Wait wait! nasa Boss na ko! wag kang magulo jan!
CARL: Dali na tignan mu lang.
JANE: Teka nga lang sabi! pag hindi ko to natalo pektus ka sakin!.
CARL: Ay grabe siya ohh, pwede bang pa kiss nalang?
JANE: Arggg!!! ayan na deads tuloy! anu bayun?
Unti unting inangat ni JANE ang ulo niya at tumingin kay CARL.
JANE: Emeygewd!
Naloka ako sa lalaking to! Akala ko yung shorts yung isusukat nya tapos nakita ko nalang naka brief lang. Bumakat tuloy ang pag ka lalaki niya. Napalingon ako sa likod at nakita ko yung mga nag hahantay sa fitting room naka tingin lahat halos sa kanya.
TSISMOSA1: Ayyy may pa Santol si Mayor! 
TSISMOSA2: Grabiii!!! 6 pack si koya!
TSISMOSA3: Ang nyurapppp mesh!
JANE: Uii anu kaba! Mag damit ka nga jan! Bakit naka ganyan ka lang? tignan mu pinag titinginan ka. Mapapaaway pa ako sayo eh! Akala isa kang malaking putahe!
CARL: Ayy eh bakit eto susuotin ko sa BORA eh.
JANE: Hala siya! sigurado ka naka underwear ka lang dun? Tyaka bakit mu sinukat yang underwear? eh hindi naman yan pwede sukatin!
CARL: Ou naman, diba ilang beses na ko naka punta dun. Kaya wala lang yan dun. Hindi yan bago dun. Ehh bibilhin ko na naman to eh.
JANE: Eh paano kung hindi nag kasya sayo? e sosoli mu tapos nasuot muna? ewww
CARL: Hehe syempre bibilhin ko padin, alam ko nanaman yung sukat ko. XXL. hindi ba halata? (sabay tingin nito sa middle part niya)
JANE: Tsehh!! puro ka kalokohan!
CARL: Hihi ikaw ba Mokang ko mag two piece ka?
JANE: bakit abot tenga yang ngiti mu? tse! ayoko nga kakahiya nu! Mag palit ka na nga dali dali sarado mu na yang pinto.
Lumapit si JANE kay CARL at pilit na pinasara ang pinto ng fitting room.
Enebe bakit naiimagine ko padin sa isip ko yung nakita ko kanina kay Mokong, arggg erase erase! Pero in fairness ahh 
mukhang pag nag kataon mapapalaban ata ako nito! Charot!
--------
CARL: Ohh yan tapos na ako mamili, ikaw ba? lika samahan nadin kita. Hanap kana din ng susuotin mu.
JANE: Ayoko dapat surprise! hihi.
CARL: Sus! Andito na tayo eh, sige na mag tingin kana ng sayo ako na bahala. (sabay kindat kay JANE)
JANE: Huh? anung ikaw na bahala jan?
CARL: Pili ka lang ng suotin mu ako na mag pay.
JANE: Ayy ayuko nu! ang dami mu ng naitulong sakin, tyaka may extra money naman ako para ipang bili ng gagamitin ku.
CARL: Oh sige po ikaw na bahala.
Dahil tapos na mamili si Mokong ng gagamitin niya, sinamahan niya naman ako para mamili ng susuotin ko. May nakita akong two piece na kulay pula.
JANE: Ayy shocks ang ganda naman nito! siguro bagay na bagay sakin to!
Tinaas ko yung Two piece habang pinag mamasdan ko at bigla akong napatingin sa gawing likod para sana tawagin si Mokong kung maganda ba yung napili ko. Pero nagulat ako ng biglang natapat sa mukha nya yung two piece na hawak ko.
JANE: MMaganda bbbbbaa ayyy sorry! anjan ka pala.
CARL: Huwat yan susuotin mu?
JANE: Bakit?
CARL: Excited na lalo ako mag Bora!
JANE: Loko! Syempre meron akong pang patong dito para hindi masyadong maaninag yung sexy kong body.
CARL: Ayyy.. (sabay sad face)
JANE: Oh bakit?
CARL: Wala lang po. (sabay ngisi)
Natapos na akong mamili ng susuotin ko pati si Mader binilhan ko na din nung para sa kanya. Habang kumukuha pa ako ng pambayad sa wallet ko narinig ko nalang na.
CARL: Miss dito mo nalang lahat kunin sa Card ko.
JANE: uii anu ba yang ginagawa mu sabing ako na kaya!
CARL: Hindi miss dito na lahat.
JANE: Miss hindi eto yung bayad ko jan.
Nalilito na yung Cashier kyla CARL at JANE.
CASHIER: Ahh hehe san po ba talaga?
CARL: Sige na swipe mu na jan sa card ko.
CASHIER: Sweet naman ni Sir.
JANE: Tignan mo to! sabing ako na mag babayad ehh!
CARL: Okey nga lang Mokang ko, kaw talaga. Kiss mu nalang ako yun ang ibayad mu.
JANE: Mukha mo!!!
Hayss hindi talaga nag papatalo tong lalaking to, basta pag sinabi niya talaga gagawin niya. Wala na akong palag, sana pala nag shopping ako ng todo since siya naman pala ang mag babayad charot!. Naka pamili na kami ni Mokong, nararamdaman kong kumukulo na yung sikmura ko.
JANE: Mokong nagugutom na ko kain na muna tayo bago umuwi.
CARL: Opo kakain talaga tayo.
JANE: Since ikaw naman nag bayad ng pinamili ko, syempre sagot ko na yung dinner natin. Wag ka ng pumalag okey?
CARL: Hmmm o sige na nga.
Buti naman at nakinig siya sakin, habang nag hahanap kami ng makakainan ni Mokong. Biglang may narinig kaming boses na tumawag sa pangalan ni Mokong. Napalingon kami ng sabay.
Uii CARL!!!
Sino kaya yung misteryosong boses na tumawag kay CARL? Tila nagulat silang parehas.
Push pa ba?comment down kung push pa! 

Comments

Popular Posts