Story of Mokong & Mokang PART 5 By: Norbie Borja

MONICA: Grabe ka LEXIE, bat mo naman pinaalam sa Mommy ni CARL na lasing na lasing ang anak nya kasama yung GIRLFRIEND niya na pinalabas mong BABAE niya lang?
LEXIE: HAHA! Ako pa ba? tignan lang natin kung anung mangyayari sa dalawang yung pag nalaman ni TITA.
MONICA: Diba break na kayo ni CARL? Hindi kapa din ba nakaka move on? impact ikaw ang nakipag break sa kanya? kahit na...
LEXIE: Manahimik ka nga jan! and so kung ako ang nakipag break? Ungas naman din yang lalaking yan alam kong may pag nanasa padin sakin yan. Hindi mo ba pansin yung mga titig niya sakin kanina? Haler! kahit nanjan yang girlfriend niya para niya kong hinuhubaran sa mga tingin niya!
MONICA: Edi ikaw na, naku kung malalaman lang ni CARL ang reason kung bakit ka nakipag break sa kanya, award ka besh!
LEXIE: Yun kung malalaman niya haha!
MONICA: Teka, paano pag nalaman ni CARL na ikaw ang may pakana ng biglang pag sulpot ng mommy niya?
LEXIE: Don't worry MONICA ka kuntyaba ko na si TITA, teka nga kampi kaba dun sa chakang babaeng yun?
MONICA: Ang ganda kaya niya at mukhang mabait pa. (habang napapa ngiti)
LEXIE: So sinasabi mo na panget at ako at demonyita?
MONICA: Ano pa nga ba? (pabulong na sabi)
LEXIE: May sinasabi ka? (pasungit na tanong)
MONICA: Wala besh alam mo naman ikaw ang pinaka maganda kong beshy, ang bait mu kaya. (sabay himas sa buhok ni LEXIE)
LEXIE: Excited na ko sa mang yayari dun sa Tatlo HAHA!
Sa kwarto..
SILVIA: Sino ka?
JANE: Ahhhh Ehh..
CARL: GIRLFRIEND ko MOMMY!
JANE: Naku anu ba tong pinasok ko! (sa isip isip ni JANE habang kinakabahan)
SILVIA: At kailan kapa nag ka GIRLFRIEND ulit?! Hindi ko ata alam to?!
CARL: Pwde ba mommy hindi naman lahat dapat ipaalam ko pa sayo? (inis na sagot)
SILVIA: Aba CARL dapat lang at isang may CLASS lang ang kikilalanin kong GIRLFRIEND mo! Hindi ang gaya niyang babae na binihisan para mag mukhang class kahit mukha namang galing sa mababang uri ng pamilya! (tumingin mula ulo hanggang paa ni JANE)
CARL: GIRLFRIEND ko siya, pwede ba ma! matagal na kaming wala ni LEXIE! Pwede ba mag move on kana din!
(Inis na sabi ni CARL)
SILVIA: Hindi ako makakapayag sa gusto mo CARL!
CARL: Pwede ba mommy, bat ka nga pala biglang pumunta dito? paano mo nalaman to? si LEXIE ba nag sabi sayo?!
SILVIA: Hindi na importante kung sino ang nag sabi o nag turo sa pinag gagawa mo! Tumayo ka jan at mag uusap tayo!Dalian mo!
Habang paalis ang MOMMY ni CARL tumingin ito ng napaka sama kay JANE at sinabi.
SILVIA: Layuan mo ang anak ko! hindi kita gusto para sa kanya! (pabulong at galit na sabi)
JANE: Makakaasa ka dahil hindi ko naman BOYFRIEND yang Anak mo (sa isip isip habang naka tungo)
Habang nag papalit ng damit si CARL
CARL: JANE san ka pupunta?
JANE: Uuwi na! Grabe ha? hindi ko expect yung ganitong senaryo! Kung makareact yan Mommy mo sakin wagas! (gigil na sabi)
CARL: Teka teka, ihahatid na kita.
JANE: Wag na! at hinahantay ka ng mommy mo! Tyaka tigilan na nga natin tong deal na to! Nagampanan ko na yung role ko bilang GIRLFRIEND mo, kung lapastanganin ako ng mommy mo para ganun niya na ko ka kilala! Pwede ba tama na?!
Habang palabas si JANE, lumingid sa mata niya ang luha habang sumasagi sa isip niya ang pang kukutya sa kanya ng mommy ni CARL.
CARL: JANE teka lang! Hahatid kita! yan ang pangako ko sa mama mo! (habang nag mamadaling lumakad)
Mabilis nag lakad si JANE pababa ng hagdang habang naluluha luha, nadatnan pa nito sa ibaba sila LEXIE, MONICA kasama ang MOMMY ni CARL.
LEXIE: What's going on JANE? (pa sincere na tanong niya)
CARL: JANE Teka lang!
SILVIA: CARL! Stop it! halika dito I need to talk to you!
Hinabol ni CARL si JANE, hinaltak nya ang braso nito.
JANE: Ano ba! bitawan mo ko uuwi na ako (nanginginig na boses ni JANE)
CARL: JANE sorry, ako na humihinge ng pasensya sa sinabi ni MOMMY sayo, hindi nya naman alam na hindi talaga kita totoong GIRLFRIEND!
JANE: Ayun na nga yun CARL! Hindi nya alam kasi tayo lang ang nakakaalam! Pero yung pangungutya nya sakin grabehan OO mababang uri lang ng pamilya ako galing pero may pinag aaralan ako para makaalis sa estado na yon! Kaya pwede ba bitawan mo ko tapos na yung DEAL! Masaya kana nagawa mo na yung gusto mong gawin! Wag mo nalang tanungin yung part ko, yan na yung reward ko sayo dahil sa pag ligtas mu sakn para hindi ako mapahiya. Pero mukhang mas malala pa yung naramdaman ko sa DEAL na to!
CARL: JANE sorry, please allow me to send you back home.
JANE: Wag na okey na ko (habang pumeke ng ngiti)
Binitiwan ni CARL ang kamay ni JANE, at tuluyan na itong pumara ng TAXI.
Habang papauwi si JANE paulit ulit sumasagi sa isip niya ang pang aalipusta ng mommy ni CARL sa kanya.
Dumaan ang isang taon at nakapag tapos ng pag aaral si JANE. Grumaduate sya bilang Cumlaude sa kanilang school.
Agad siyang nag apply ng trabaho sa isang malaking kumpanya para makatulong sa pamilya niya.
APPLICANT1: Grabe nakaka kaba Final Interview na tayo JANE.
JANE: Uu nga eh nakaka kaba sino kaya ang mag iinterview satin?
APPLICANT1: Ang sabi yung anak daw ng CEO ng kumpanya nato.
JANE: Ha talaga? sana mabait nuh, kailangan ko pa naman makakuha ng work. Para sa maintenance ni mama.
APPLICANT1: Naku girl pray lang at galingan natin.
JANE: Tama ka.
Miss JANE CRUZ? tawag ng nag aassist sa mga nag aapply
JANE: Yes po
APPLICANT2: Ui girl galingan mu ikaw na! (naka ngiting sabi)
APPLICANT1: Kaya mo yan JANE!
ASSISTANT: Just wait sa mag iinterview sayo.
JANE: Ahh yes mam.
JANE: Grabe ang ganda ng office na to.
Habang nag mamasid ang mata ni JANE sa kwarto, biglang bumukas ang pinto.
Sorry I'm late, dinig ni JANE...
IKAW???....(sabay nilang bigkas)

Comments

Popular Posts