Story of Mokong & Mokang PART 4 By: Norbie Borja

Bigla akong natulala sa ikinuwento ni LEXIE na dahilan ng Break up nila ni CARL.
Hindi ko lubos maisip na ganun ang magiging dahilan. (JANE)
LEXIE: Wag mong sasabihin sa iba ah?! sayo ko lang sinabi yan.
JANE: Ahh oo naman safe yang sinabi mo sakin.
LEXIE: Buti naman! (sabay ngiting bitter)
FRIEND1: JANE look lasing na lasing na si CARL. Makakauwi paba yan?
JANE: Hah?!
FRIEND1: Yung boyfriend mo kako lasing na. Baka hindi na makapag Drive yan!
Nilapitan ni JANE si CARL.
JANE: Ui mokong ano bang ginagawa mo bat nag pakalasing ka! (pabulong)
CARL: Ahh hindi ah, hindi ako lasheng (malamyang pag kakabigkas ni CARL)
JANE: Anong hindi?! tignan mo nga yang itsura mo! Paano mo ko ihahatid nya!
CARL: Kaya kong mag drive manahimik ka jan!
JANE: Juske ikaw ang manahimik! Ayoko pang pumunta sa langit!
CARL: Pinag sasabi mo? halika umuwi na tayo!
FRIEND1: Seryoso ka Carl?! makakapag drive kaba nya? lasing kana pre!
CARL: Hindi nga kaya ko to!
JANE: Oi mokong, este Babe, ano ba! Ang kulit kulit mu (medyo naiinis na pag kakasabi)
CARL: Yey babe ko? (sabay biglang akbay kay JANE)
JANE: Grrr wag mu kong akbayan oii hindi kasama to sa usapan. (pabulong)
CARL: Anu kaba diba GIRLFRIEND kitttt ahh
Biglang nasuka si CARL
JANE: Omaygod!
FRIEND2: Nako CARL dito kapa nag kalat! May kwarto JANE sa itaas dalhin mu muna si CARL
dun. Palipasin nyu muna yung kalasingan nya! Paltan mo ng damit yan teka kuha ako ng damit sa kotse.
FRIEND1: Tulungan ko na kayo akayin ko si CARL. Lika na JANE.
JANE: Hayys!! grrrr ano ba tong pinasok ko! (sa isip isip ni JANE)
JANE: ahh ehh sige tara na
Nung makarating na ng kwarto sila CARL at JANE.
FRIEND1: Oh JANE ikaw na muna bahala jan kay CARL. Pag nalipasan na ng kalasingan yan saka kayo umuwi
JANE: Ahh oh sige.
Sinarado ni JANE ang pintuan habang hinahantay yung damit na ipapahiram ng kaibigan ni CARL.
JANE: Oiii mokong bumangon ka nga jan, nag lalasing lasingan ka lang ata jan!
Inis na inis na sabi.
JANE: Paano na to! hahanapin ako ni Mama sa bahay! Ikaw din nag sabi na hindi tayo mag papagabi! Hayss grrrr kainis kang lalake ka!
CARL: uhh lika na uuwi na tayo. (malamyang sagot ni CARL)
Pilit syang babangon sa Kama pero hindi nya mabuhat ang sarili niya dahil sa kalasingan.
JANE: Oh kita mo! Hindi ka nga makabangon jn tapos mag aaya kapang umuwi! Tyaka ang baho mo amoy suka ka!
Eww kadiri! Hubadin mu na nga yang damit mo!
Bigla may kumatok sa pintuan, ayun na pala yung kaibigan ni CARL na may dalang damit pamalit nito.
FRIEND2: Eto JANE paltan mo nalang ng damit si CARL.
JANE: Ha? bakit ako mag papalit? may kamay naman yan kaya nya na yan!
FRIEND2: HAHA! Ano kaba kita mo oh lasing na lasing mukhang borlogs na nga yan. GIRLFRIEND ka naman niya kaya walang malisya dun!
JANE: Jusko hindi ko BOYFRIEND yan! (sa isip isip)
FRIEND2: O sige na bababa na ko.
Sinarado ni JANE ang pintuan.
JANE: Ako ba talaga ang dapat mag palit ng damit sa mokong na to?
JANE: Oiii mag palit ka ng damit mo ohh eto!
Iaabot na sana ni JANE ang damit ng biglang
CARL: ZzzZz
JANE: Hoi! wag kang mag tulog tulugan jan paltan mo yang damit mo!
Nakatulog na ng tuluyan si CARL sa sobrang kalasingan
Walang magawa si JANE kundi ang siya ang mag palit ng damit.
JANE: ihhh ano ba to! Kadiri ang baho! Ewwnes!
Aalisin na sana ni JANE ang butones ng damit ni CARL para palitan, ng biglang....
JANE: Uiiii anu ba bakit mo ko niyayakap! grrrr
Napasubsob si JANE sa Dibdib ni CARL, kasabay ng mahigpit na yakap nito.
Pilit kumakawala si JANE pero sa sobrang higpit nito hindi nya magawa.
CARL: Mahal na mahal kita...LEXIE mahinhin na pag kakasabi ni carl.
JANE: Ano ba! hindi ako si LEXIE!
Bigla naalis sa pag kakayakap ni CARL si JANE. Habang mahigpit padin sa pag kakatulog ni CARL. Biglang may kumatok. Sa pintuan.
JANE: Saglit lang po.
Binuksan ni JANE ang pintuan at nagulat sya dahil pag bukas nya ng pinto bumungad sa kanya ang isang BABAE.
Sino ka? Nasan ang ANAK ko?!

Comments

Popular Posts