Story of Mokong & Mokang Part 3 By: Norbie Borja

GIRL: Oh bat parang naka kita ka ata ng multo?
BOY: Ha?
GIRL: Binge kaba? Ang ganda ko ata para maging multo
BOY: Aba may igaganda ka pa pala
GIRL: Uiii na gandahan siya sakin, alam ko naman yun since birth pa!
BOY: Suss Lika na nga. Masyado kana nag iilusyon
GIRL: Aminin mo na gandahan ka sa ayos ko no? Infairness magaling yung stylist na napili mo!
BOY: Oo na, tara na malalate na tayo!
Habang nasa KOTSE...
GIRL: Teka nga bakit ba ba gusto mo pang pag selosin yung ex mo? 
BOY: Wala ka ng pake don!
GIRL: Aba aba syempre dapat alam ko din. Uiii hindi kapa ba nakakapag move on?
BOY: Manahimik ka na nga jan!
GIRL: Okey! Sungit! Nag tatanong lang naman! 
Habang nag da drive si BOY hindi nya mapigilang hindi mapatingin kay GIRL.
Biglang napatingin si GIRL kay BOY, agad namang umiwas ng tingin si BOY.
GIRL: Malayo pa ba? 
BOY: Malapit na.
Nung makarating na sa event ang dalawa...
GIRL: Grabe ang ganda ganda naman dito, bagay sa kagandahan ko
BOY: Lika dito, basta remember ah GIRLFRIEND kita dito!
GIRL: Oo alam ko pero remember na kunwarian lang to! 
BOY: Oo syempre alam ko.
GIRL: Okey buti malinaw.
BOY: Amin na kamay mo
GIRL: Ha bakit? 
BOY: Hawakan mo kamay ko
GIRL: Teka bakit may hawakan pa? 
BOY: GIRLFRIEND nga diba? bilisan mo na ayun sila dun tayo lalapit.
Hinawakan bigla ni BOY ang kamay ni GIRL.
BOY: Oh bakit nanginginig yang kamay mo? first time bang may humawak ng kamay mo?
GIRL: Hah? kung sabihin ko sayong OO?!
BOY: Oh at least ngayon may naka hawak na sa kamay mo, at isang gwapo pang katulad ko.
GIRL: Aba! Ang yabang nito! (Pilit aalisin ang kamay sa pag kakahawak kay BOY)
BOY: Ano bang ginagawa mo! Tara na nga!
Naka tingin ang mga kaibigan at EX ni BOY sa kanila habang papalapit sila rito.
FRIEND1: Uii pre kamusta na? akala ko hindi ka sisipot!
BOY: Ungas bat hindi naman ako sisipot?
FRIEND1: Sino yang kasama mo pre? gandang chix ha?
BOY: Ako pa ba?
GIRL: Ano ba tong pinasok ko, bakit pa kasi ako sumama sa mokong na to (pabulong)
FRIEND1: Hindi mo ba siya ipapa kilala sa amin?
Makikita na naiilang ng tingin ang EX ni BOY kaya naman panay ang kausap nito sa mga kaibigan nyang babae.
BOY: Guys meet my GIRLFRIEND.
FRIEND2: GIRLFRIEND? So whats her name?
BOY: ahh, tumingin kay GIRL anu nga name mo? (pabulong)
GIRL: JANE!
BOY: Ahhmm meet my GIRLFRIEND JANE! (sabay ngiti at tingin kay GIRL)
FRIEND2: Nice one bro ang ganda niya ah! Galing mo talagang pumili!
FRIEND1: Hindi mo ba siya ipapa kilala kay EX?
BOY: Ha? 
FRIEND:2 Tama tama, ui LEXIE, andito na si CARL, kasama yung "GIRLFRIEND" niya.
LEXIE: Ayy sorry, HI CARL? HI GIRL? (medyo bitter na pag bati)
BOY: Hi LEXIE, meet JANE my "GIRLFRIEND"
LEXIE: Ohh (tinignan si GIRL mula Ulo hanggang paa)
GIRL: Makatingin naman tong babaeng to parang kakainin ako ng buhay. May lahi atang cannibal to! (pabulong)
LEXIE: Anu yun?
GIRL: Ahh HI! (Sabay ngiti)
Habang nag kaka sayahan at nag iinuman ang mag tropa, biglang nilapitan ni LEXIE si JANE.
LEXIE: Wants some drink?
JANE: Ayy no thanks hindi ako umiinum eh.
LEXIE: Ay ganun ba? juice gusto mo? 
JANE: Salamat, pero busog pa ako hehe. (sabay ngiting pilit) 
LEXIE: Anyways, Ilang months na kayo?
JANE: Hah? ahmmm ehh bago palang.
LEXIE: Ilan so mga 1day? 2days? 1week? what?
JANE: (Sasagot na sana pero)
LEXIE: Hulaan ko? wala pang 1month?
JANE: Ahh oo tama ka.
LEXIE: Hihi, wala pa din kasi kaming 1month after kaming nag break ni CARL.
JANE: Ahh (sa isip isip pakielam ko)
LEXIE: Ang bilis naman nya maka move on may naipalit na agad siya sakin
JANE: Mukha naman kasing kapalit palit ka. (pabulong)
LEXIE: May sinasabi ka?
JANE: Ah wala hehe, may ask sana ako? okey lang? (sa isip isip sa kanya ko nalang tatanungin)
LEXIE: Alam ko na itatanong mu, bakit kami ng break?
JANE: Ahh hehe yun nga sana, bakit nga ba?
LEXIE: Ganito kasi yon...

Comments

Popular Posts