Story of Mokong & Mokang PART 14 By: Norbie Borja

Habang pinag mamasdan at hinahantay ko ang sasabihin ni JANE, abot langit ang aking kaba. Natatakot ako na baka hindi ko inaasahan ang isagot niya sa akin. Pero kahit anu pa man ang maging desisyon niya. Handa ako para dun, wala eh, ganito talaga kapag mahal mo ang isang tao. Sumang ayon man sa gusto mo ang sasabihin niya o hindi, dapat handa ka at tanggap mo. (Sa isip isip ni CARL)
JANE: CARL... (mahinhin nyang bigkas)
CARL: Yes JANE? (medyo malungkot na facial expression)
JANE: Tayo na!
CARL: Huh?! sinasagot mo na ako?
JANE: Tayo na kako! Nasa ibaba na tayo ohh..(sabay punas nito ng luha)
CARL: Ayy akala ko naman (sad face)
Inalalayan ako ni CARL habang bumababa sa Ferris Wheel. Biglang tumakbo ng Mabilis si CARL, hindi ko alam kung bakit. Natakot ako baka dahil hindi pa ako makasagot sa tanong nya, at naisipan niyang mag walkout at iwanan akong mag isa.
===PLEASE PLAY THE SONG====
"Despacito by Justin Bieber"
BEFORE READING THIS
============================
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagulat nalang ako ng may mga nag labasan na 6 na lalaki na nakasuot ng kagaya ng suot ni Carl na Tuxedo na itim.
Bigla silang unti unting sumayaw sa harapan ko, at mas nagulat ako ng bigla kong nakita si Mokong na pumagitna sa kanila. Unti unti silang sumayaw sa harapan ko, naloka ako dahil hindi ko alam na marunong palang mag seryoso ng sayaw tong si mokong. Nung nag comedy bar kasi kami mala macho dancer ang indak niya. Napapatingin pa siya sakin at kinikindatan ako, rinig na rinig ko ang sigawan ng mga taong nakapaligid samin.
Wow! napaka sweet naman!!!
Kuyang nasa gitna ang gwapo mo! sakin ka nalang!
Nung narinig ko yung babaeng sumigaw nayun, napakunot nuo ako at gusto ko syang sabunutan, dahil ang harot harot nya. Hindi nya ba alam na sakin lang yung taong hinihinge nya. Uii ha medyo kinilig ako dun. Napabaling nanaman ang tingin ko kay CARL, at lokong to may pakagat kagat labi pang nalalaman habang sumasayaw. Bigla siyang lumapit sakin at inikutan ako habang sumasayaw siya. Babalakin pa ata akong makipag showdown sa kanya, sorry hindi ako prepared. Kailangan ko din ng back up, gusto ko sexbomb dancer! charot!. Haysss anu ba tong pinag gagawa nito, pero isa lang ang tanging nararamdaman ko sobrang saya at kilig ng kalamnan ko.
====STOP THE MUSIC=====
.
.
.
.
.
Hindi ko namalayan na natapos na pala ang tugtog dahil sa pag ka tulala at kilig na nararamdaman ko. Kasabay ng pagtatapos ng tugtog nakaharap sakin si CARL at nakaluhod ito at may hawak na bouquet ng pulang rosas. Habang nasa likuran nya ang back up dancer niya na may dalang napakalaking tarpauline at nakasulat dito "WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?"
Nakatingin lang sya sakin habang pawis na pawis at hinihingal.
JANE: Bat mu ba ginagawa to? (habang medyo naluluha)
CARL: Eh kasi nga diba mmm mahal kita, kailangan pabang i memorize yan? (habang hinihingal)
JANE: Nakakainis ka!, napaka effort mo!
Unti unti kong kinuha yung bouquet na alok niya.
JANE: Okey na okey na!
CARL: Anung okey? YES or NO lang
JANE: Ou na nga ehhh!
CARL: (medyo kinikilig at sobrang na papangiti) Ehh YES or NO nga lang diba?
JANE: Enebeyernnn YES po! YES po! YES po! Okei na?
Naghiyawan yung mga taong nasa paligid.
"Wooo!! Congrats!!!"
"Bagay na bagay kayo!!!"
May ilan din namang umeeksena..."Walang Poreber!"
Hindi ko na pigilan ang sarili ko, agad kong niyakap si JANE ng sobrang higpit. Sobrang saya ko dahil finally yung pinamamahal ko masasabi kong pag mamay ari ko na.
JANE: Uiii grabe naman sya maka hug. (kinikilig niyang sabi)
CARL: Sobrang saya ko lang.
Unti unti akong binaba ni CARL at naramdaman ko ang halik na dumampi sa Noo ko.
CARL: I LOVE YOU JANE, salamat sa pag titiwala. Makakaasa kang hinding hindi kita sasaktan. (medyo naluluha)
JANE: (kinuha ang panyo at pinunasan ang luhang kumakawala sa mga mata ni CARL) Ayy sus tong mokong ko ang drama drama naman. Mahal na mahal din po kita. Salamat sa pag hahantay at walang sawang panunuyo sakin.
Humarap si CARL sa madaming tao, kasabay ng pag hug nito kay JANE ay ang sigaw niyang...
CARL: Wooo!!! Mahal na mahal ko tong babaeng to!!! Ngayon masasabi kong PROUD BOYFRIEND Here!!! (natutuwang sigaw niya)
JANE: Ou na tama na, ikaw talaga.
================================
BEFORE READING THIS
PLAY the song
"It Might Be You by Michael Pangilinan"
================================
.
.
.
.
.
.
.
.
Habang kumakain kami sa isang YACHT sa seaside..
CARL: Baby JANE ko! (sabay pa cute nito na kinikilig kilig pa)
JANE: Yes bakit mokong ko? (sabay ngiti)
CARL: Ayy mokong padin, hindi ba pwedeng baby din. BF muna ako ehh (pag mamalungkot nyang tanong)
JANE: Ihhh ang sweet kaya nun, nu kaba masyado ng common yang baby ehh tyaka baby damulag kana kya (pagbibiro nito)
CARL: Ehhh kasi. O sige Mokang nalang tawag ko sayo ahh? Mokang ko!. (habang natatawa)
JANE: Okey lang hihi importante mahal natin ang isat isa diba? (sabay lapit nito ng mukha kay CARL)
CARL: Syempre naman, I LOVE YOU mokang ko (mabilis nitong sagot)
JANE: Ene be, I LOVE YOU too from TOP to BOTTOM Mokong ko (sabay pikit nito ng madiin ng naka pout pa ang lips)
CARL: JANE!
JANE: Yes pow?
CARL: Tumingin ka sa langit.
JANE: Hmmm bakit naman.
CARL: Basta sige na please.
Biglang lumiwanag ang kalangitan sa makukulay na fireworks, sabay namin pinag masdan ni CARL ng may mga ngiti sa aming labi. Hindi padin ako makapaniwala na ng yayari tong napaka sweet na moment na to. Parang napapanuod ko lang ito dati sa TV at nababasa sa mga libro, pero posible pala itong mang yari. Hindi ko nanaman namamalayan na umaagos nanaman ang luha sa mga mata ko..
CARL: Hmmm Mokang ko bakit?. (malungkot nitong tanong)
JANE: EHhhh kasi naman eh! Napaka sweet mu huhuhu, feeling ko isa akong Prinsesa.
CARL: Naman! (matigas niyang sabi) Hindi lang kita ituturing na Prinsesa! Ikaw ang QUEEN ng buhay ko..
JANE: Napangiti nalang ako sa sinabi ni CARL habang naluluha padin, bumaling ulit ang mga mata ko sa madilim na kalangitan at bumungad sa akin ang liwanag ng fireworks na may naka letrang "I LOVE YOU". Dun na umagos ng tuluyan yung luha ko, grabe napaka swerte ko sa lalaking to. Todo todo ang effort na binibigay niya para sakin. Thank You lord dahil, hindi ko man naramdaman ng matagal ang tunay na pag mamahal ni Papa, binigyan nyu naman ako ng lalaking alam kong mamahalin ako ng totoo.
Hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala si CARL, pinunasan nya ang mga luha sa aking mata.
CARL: Can I dance with you? (habang naka ngiti ito)
Kasabay ng napaka tamis na musika, naka patong ang dalawang kamay ko sa makikisig na balikat ni CARL. Habang hinehele namin ang isat isa, mag katama lang ang mga mata namin na may halong ngiti sa aming mga labi, tila hindi makapaniwala na kami na pala talaga. Nabasag ang katahimikan ng biglang, nag ring yung phone ko.
CARL: Sige lang, answer that call.
JANE: Okey wait ahh..
Kinuha ko ang phone ko at sinagot ang tawag,
JANE: Helo, sino po ito?
nabigla ako sa narinig ko. Huhh?!! (nanginginig na boses ni JANE)
Sino kaya ang tumawag kay JANE? Bakit ganito nalang ang gulat nito??
TYPE mo YES #CSJANEnCARL kung na iintriga ka sa kausap ni JANE! 

Comments

Popular Posts