Story of Mokong & Mokang PART 16 By: Norbie Borja


Habang seryoso kaming nag uusap ni Mokong, sa di inaasahang pag kakataon biglang umeksena ang celphone niya.
JANE: Sige na sagutin mu, baka importante yan.
CARL: Sige wait ahh..
CARL: Yes JAMES! Ayyy?! Ahh ehh ou nga pala naalala ko na may naka schedule pala tayong meeting. Teka teka sige
punta ako jan ngayon.
JANE: Meeting??? sunday ngayon diba? (pag tataka ni JANE)
CARL: Yes mokang, may biglaang meeting kami ni JAMES sa Marketing Head ng Company.
JANE: Kailangan ba ako jan?
CARL: Ahh hindi na, please take care of your Mom nalang muna. No worries (sabay pisil nito sa ilong ni JANE at ngiti)
JANE: Sureness nga hah? (ngongong sagot ni JANE dahil sa nakapisil na kamay ni CARL sa ilong nya)
CARL: Ayaw mu ba akong paalisin? mamimiss mu ba agad ako? (sabay pa cute nito kay JANE)
JANE: Tse! sige na tsupi! larga! (pag tataboy nito)
CARL: Ayy grabe naman ang mokang ko (sad face)
JANE: (biglang niyakap si CARL) Mag iingat ka mokong ko huh? chat or text mo ako para sa Update Okey???
CARL: YES! naman po! (mabilis na sagot ni CARL sabay saludo nito kay JANE) Ahhmm Mokang ko pwede kita i kiss?
JANE: Enebe, kailangan pabang mag paalam?
CARL: Syempre naman po. (pag cute face na itsura)
JANE: Mabilis lang huh?
At ngumuso si JANE..
CARL: Yabyu Mokang ko.
Bigla akong napatingin sa nuo ko nung dumampi ang labi ni CARL. Sa isip isip ko enebeyern, todo effort pa naman ako sa
pag stretch ng lips ko tapos sa nuo lang pala ako i kikiss nitong mokong na to. (sa isip isip ni JANE)
JANE: Yabyu too Mokong ko! (medyo dissapointed na sabi)
Tuluyan ng umalis si Mokong, Hindi na tuloy namin napag usapan yung tungkol kay Pader. Haysss bigla akong nalungkot
nung umalis na siya, parang sinasabi ng damdamin ko na ayoko pa siyang umalis. Gusto ko lang nandito siya sa tabi ko.
Ganon siguro kapag mahal na mahal mo yung isang tao, kahit na medyo matagal kayo mag sama. Mag hiwalay lang kayo
saglit tila ka parehas ng isang taon na hindi nyu na pag kikita. Na aalala ko nanaman tuloy yung mga ng yari last Friday.
Hindi talaga mawala sa isip ko ang kilig at saya na pinakitang effort sakin ni Mokong, ako na siguro ang napaka swerteng
babae nung araw nayon. Habang nakatulala sa kawalan at tila kinikiliti ang singit ko.
MAMA: (Tinapik si JANE ng malakas) Aba aba, may nanalo na! (bulyaw nito kay JANE) Sabay patong ng invisible crown sa
ulo ni JANE.
JANE: Ene be me nakakaasar ka, iligpit muna ang upuan, lamesa, patayin ang switch ng ilaw. Uwian na!
MAMA: Kwentuhan mu naman ako sa kaharutang ng yari sau nak. (kinikilig nitong sabi)
At ayun na nga, dahil gustong malaman ng chismosa kong Mader Earth ang kaharutan ko daw, naikuwento ko sa kanya ng
buong buo, walang labis walang kulang. Seryosong seryoso syang nakikinig sa kwento ko, habang may hawak na popcorn.
kung ako tila kinikiliti lang yung singit ko, aba siya kinikiliti daw ang matress at fallopian tube niya. Grabe diba? ang saya
kiligin ni Mader, dinaig pa ako.
Kinabukasan, maaga akong gumising. Ako na ang nag prepare ng dadalhin kong pag kain sa Office. Ayuko muna
masyadong pakilusin si Mader at mahirap na baka mapano nanaman sya. Since hindi naman ako marunong mag luto,
kumuha nalang ako ng madaling lutuin. As usual to the rescue ang printong itlog at daing, takot na takot talaga akong mag
prito. Kinuha ko pa yung pinaka malaking takip ng lutuan nmin at ginawang shield habang nag priprito. Shempre nemern
sayang ata ang kakinisan ng balat ko kung matatalamsikan lng ng galit na galit na mantika.
Tumunog yung Celphone ko.
1 Message Received
CARL
"Good morning to my Mokang  see you later sa office. Yabyu po  "
Nag reply naman ako.
"Ay hindi mo ako susunduin "
1 Message Received
CARL
"Opo need kong makapasok ng maaga eh may tatapusin akong report. Actually otw na nga ako."
"Ayyy ganern ba, o siya sige. Ingat ka po huh?! Yabyu too Mokong ko  "
JANE: Akala ko pa naman makakalibre na naman ako ng pamasahe tskk! (sa isip isip ni JANE)
Kumilos na ako ng mabilis dahil gusto ko nadin pumasok, tila gustong gusto ng makita ng pag katao ko si Mokong ko,
grabe kahapon lang kami mag kasama pero parang sabik na sabik akong makita ulit siya. Enebe nemern to, masyado na
ba akong obsessed sa lalaking yun?!
Paalis na sana ako ng bahay ng bigla kong maalala na hindi pala ako nakapag toothbrush, emeyged ang shunga ko
naman. Inamoy ko bigla ang hininga ko at amoy daing pa ito. Agad agad akong pumunta sa lababo.
Ohh ayan freshness na, baka mamaya bigla akong sunggaban ng halik ni Mokong eh ma disappointed siya dahil amoy
tuyo pa yung bibig ko.
JANE: Ma! Alis na po ako, yung bilin ko wag mo kalimutan ha? wag ka muna masyado mag kikikilos jan, paki labhan yung
damit ko, paki plantsa narin para pag uwi ko maayos na lahat. Paki handa narin pala ako ng dinner.
MAMA: Lokaret ka talagang babae ka! (sigaw niya) Gusto mo ba??
JANE: Ayy hindi syempre Char char lang, masyado ka namang patola. O siya sige malalate na ako. Bye po!
Pag bukas ko ng pintuan, natanaw ko siya. Naka shades pa, habang naka sandal sa sasakyan niya.
CARL: Ohh ang tagal mu naman, kanina pa ako dito.
JANE: Ayy aba teka, sabi mo otw kana sa office, akala ko ba hindi mo ko masusundo?
CARL: Maari ba yun? ikaw paba mokang ko? (sabay ngiti nito) Halika na dito, uulan na oh.
JANE: Alam mo naman palang uulan, may pa shades shades kapa tsee!
Habang nasasakyan ang dalawa....
JANE: Kamusta naman ang meeting mu? kahapon.
CARL: Ayun ayos naman, nag papahanap yung marketing head namin ng bagong Model ng company.
JANE: You mean Model ng BeauPlus?
CARL: Uu, hindi na kasi nag renew ng contract si BETINA. Mukhang sinusulot ng ka kumpetensiya namin.
JANE: Ahh, sabagay napaka ganda at kinis naman kasi ni BETINA, sigurado ngang pag aagawan siya ng mga Beauty
Products company.
CARL: Suss, kung alam mo lang ang ugali nung babaeng yun.
JANE: Ayy baket??? supladita, impaktita ba?
CARL: (natawa ng malakas si CARL at napailing)
JANE: So pano yan? May naisip naba kayong ipapalit?
CARL: Wala pa eh, nag papahanap nga samin ni JAMES yung Marketing Head namin baka daw may ka kilala kami. Ang
sabi niya mag papa Audition daw siya. Ikaw ba mokang ko? baka may ka kilala ka?
JANE: Kailan ba ang Audition?
CARL: Bukas na agad.
Makalipas ang isang araw.
Marketing Head (BERNEY) : Ready naba yung mga mag Auditions?
ASSISTANT : Yess madam!
BERNEY: Oh nasan na yung dalawa? Tawagin mo na si CARL at JAMES! Kailangan nandito sila! Dalian mo!!! Juske anung
petsa na kailangan makahanap ulit tayo ng pasisikating Model na mag papasikat sa Beauty Products natin~!!!
ASSISTANT: (ngumuso na tila may tinuturo)
Habang pinagagalitan ni BERNEY ang assistant nito, hindi niya namamalayan na nasalikod na pala niya sina CARL at
BERNEY: Oh? anung nginunguso nguso mo jan? hala sige tawagin mo na sila!!!
CARL: (Hinawakan ang balikat ni BERNEY) Ohh? chill lang nandito na kami, ikaw talaga init ng ulo.
JAMES: Ou nga naman BERNEY. Sige ka masisira ang kagandahan mo (sabay hawak nito sa pisnge ni BERNEY)
BERNEY: Enebe JAMES, Please marupok ako. (pag mamalanding sagot niya)
CARL: So shall we start?
BERNER: Ayyy ehhh sorry, pressure lang naman ako na makahanap tayo ng ipang tatapat sa BENTINA na yun! Grrr
napaka wala niyang kwenta! Pag katapos natin siyang pasikatin at ng products natin, ayun nangapit bahay ang Gaga!
CARL: Hehe, don't worry, madami pa naman jang iba. Kaya natin to. Ikaw pa ba? malaki tiwala ko sayo. (sabay ngiti nito kay
BERNEY)
BERNEY: Ene be sir (sabay hawi ng buhok nito at pa cute)
-----------
Sinimulan na nila CARL, JAMES at BERNEY ang pag kilatis sa mga mag au Audition, sa sobrang daming gustong maging
model, halos hindi na sila makapag break. Lahat ginagalingan para lang mapili at maging part ng pinaka sikat na Beauty
Products Brand sa Pilipinas.
Dumaan ang napaka habang oras...
BERNEY: Sa wakas gerl pang huli kana! Galingan mo ah? Out of 525 Auditionees mukhang wala pa akong napipili. Baka
chance mo na!
As usual napa kunot nuo na naman si BERNEY sa huling nag Audition.
BERNEY: Ene be gerl, kumain kaba? sobrang parang lantang lanta ka sa sarili mu! O sya siya, pack up na!
Habang nag liligpit ng mga papers sa table sina CARL, JAMES at BERNEY
JAMES: Ang epic, ng Audition na to ah? karamihan naman sa kanila magaganda. Pero alam mu yun??
BERNEY: Yass! tama ka pero karamihan sa kanila, mukhang mag eextra lang sa isang pelikula. Jusmiyo walang ka dating
dating!
Natigil ang discussion nila ng mag salita ang assistant ni BERNEY.
ASSISTANT: Madam!!! may gustong humabol! Pag bibigyan ba natin?
BERNEY: Jusko!! pagod na pagod na ang katawang lupa ko! Wala na kamo! Uwian na, kaso wala pang nananalo huhuhu.
JAMES: Teka teka, bakit hindi natin pag bigyan? malay natin siya na pala yung hinahanap natin?
CARL: May point ka JAMES!
JAMES: Diba pre? may kasabihan nga, last but definitely not the least.
BERNEY: O siya siya, boss ko kayo eh, siyempre kau ma susunod.
Papasukin mo na! (sigaw ni BERNIE sa ASSISTANT niya)
Tila nag slowmotion ang kapaligiran, napa nga nga ng napakalaki si BERNEY sa bumungad sa kanya.
Habang sina CARL at JAMES ay nanlaki ang mata sa nakita nila.
Nag ka tinginan sina CARL at JAMES at sabay silang nag sabi
(Ikaw???!")
Sino kaya ang humabol sa Audition? bakit tila ganun nalang ang reaction nilang tatlo?
Naiintriga ka din ba kung sino siya? Comment down your big "YES" kung kating kati ka malaman kung sino nga ba siya?

Comments

Popular Posts