Story of Mokong & Mokang PART 41 By: Norbie Borja


Habang nilalapit ni James ang kanyang mukha sakin, napapikit na lamang ako at pinaubaya ko nalang sa taas ang mangyayari. Nang maramdaman ko ang malakas na PITIK sa noo ko..!
JAMES: Hoy.! Lampa wag kang ambisyosa.! Tinanggal ko lang yung dumi sa buhok mo….hahahaha…Anu akala mo..!??? huh.!? (sabay ngisi) hahaha..kala mo hahalikan kita? (tawang malakas na tila wala ng bukas)
HYDIE: Hindi ahh..!!! (Namumula ang mukha sa kahihiyan)
JAMES: Asssuusssss…kunwari kappa! Alam kong pinag papantasyahan mo itong katawan ko. Hahaha..!
HYDIE: Eeewww…Hindi noh..! IN YOUR DREAMS!!!!
JAMES: Nahalikan lang kita ng isang beses kaya feeling mo hahalikan kita uli.? (tumalikod kay Hydie) Gusto nya tikman ang katawan ko… Gusto nya tikman ang katawan ko… Gusto nya tikman ang katawan ko… (Paulit ulit na pakanta nyang sinasabi habang naglalakad pabalik sa office nya)
HYDIE: Uuuyyyy… tigilan mo na yan nakakahiya.. (nakasimangot habang nakasunod kay James sa paglalakad)
………………………………………..
Dumating ang 2nd Monthsary, 3rd…4th….hanggang 1st ANNIVERSARY namin ng MOKANG ko ng maayos, masaya at syempre hindi parin nawawala ang lambingan naming dalawa. Kahit tutol parin si Mommy sa relasyon namin ay nagiging matatag parin ang pag-iibigan namin ni Jane, salamat narin sa tulong ni Daddy dahil sya lagi ang humaharang sa mga maling ginagawa at pangingi-alam ni Mommy samin ni MOKANG ko. At si Hydie naman……OO minsan nasa office ko parin sya at nang gugulo samin kaya ayun lagi silang nagbabangayan ng MOKANG ko, in the end nauuwi rin sa walk out si Hydie dahil kadalasan sya ang napipikon hehehe… pero itong dumaang araw dumalang ang pagpunta ni Hydie sa office ko mukhang busy na sya sa mga trabaho nya. Ngunit nalaman kong….
CARLOS: iho, binabati ko kayong dalawa ni Jane dahil nagiging matatag ang inyong relasyon. (habang nakatayo sa harap ng desk ni Carl) Ang hiling ko ay mas humaba pa at maging mas matatag pa ang inyong relasyon, dahil sa stage na yan dumadating ang mga mas mahirap na sitwasyon at pagsubok.
CARL: Opo Dad, salamat sa inyong mga aral at payo samin ni Jane.
CARLOS: Walang anuman iyon iho..nga pala maiba ako bukas aalis ako dahil may business trip ako. Medjo matatagalan ang balik ko baka umabot ako ng ilang buwan iho, hindi ko masabi kung kalian.
CARL: Huh.!? Paano Dad si Mommy? Sigurado lalakas na naman ang loob nya na paghiwalayin muli kami ni Jane.
CARLOS: Wag ka mag-alala iho., dahil bago ako umalis nag-usap na kami ng Mommy mo at nangako syang wala syang gagawing anu man sa inyo. Dahil kung sakaling may gagawin muli sya sa inyo ng Daughter in Law to be ko…mananagot sya sakin.!!!!
CARL: The Best Dad ka talaga Daddy..!!!
CARLOS: Lahat gagawin ko iho para saiyo..(pinatong ang kamay sa balikat ni Carl)
CARL: Have a Safe Trip Dad!! (niyakap ang Daddy nya)
CARLOS: Ikaw na bahala sa Company natin at sa Mommy mo.
CARL: Opo Dad.!
CARLOS: Sige na mauna na ako aasikasuhin ko pa ang mga dapat dalhin ko. Tawag ka lang pag may problema hah!? (habang palabas na ng opisina ni Carl)
Sa mga sandaling iyon naging malungkot ako dahil aalis na si Daddy, mawawalan na uli ako ng kakampi. Tinawagan ko si MOKANG ko upang ibalita na aalis na si Daddy. Madalas naring wala sa office ko ang MOKANG ko dahil sa mga photoshoot nya, naging sikat na Model na kasi sya simula nung lumaas ang Sales namin. Pero kahit ganun hindi kami nawawalan ng oras sa isa’t isa kahit gaano kami ka-busy.
.
.
.
.
.
.
SILVIA: (habang nakatitig sa labas mula sa kanyang bintana sa opisina) Ngayong wala na si Carlos magagawa ko na ang plano ko. Masyado nang nag-enjoy ang Ambisyosang babaeng iyon sa piling ng anak ko. (May tinawagan sa phone) HELLO..mag-uumpisa kana bukas kaya gawin mo ang lahat upang hiwalayan ng Jane na iyon ang anak ko!!! Inaasahan kita kaya wag mo akong bibiguin.!
.
.
.
.
.
.
.
Sino ang tinawagan ni Silvia?
Ano na naman kaya ang masamang plano nya?
LIKE, SHARE, & SUPPORT

Comments

Popular Posts